Kakainis na talaga
The violence and the carnage that happened in London is deplorable. Makes you think why people do such horrible things to other people. The news back home may not be violent, but for me it is just or even more deplorable.
I think of what's happened to London as a person who's been wounded. Nasugatan at may dugo and sugat. The wound can have an effect on the person not only physically but emotionally and psychologically as well. A wounded person may become fearful of doing any physical activity that caused the wound in the first place. The psychological effect lingers long after the wound has healed. But eventually, everything goes back to normal. The person even becomes stronger having learned ways to avoid being hurt again. As an outsider you sympathize with the person and admires him when he is able to bounce back.
In the case of what's happening in our country, I would compare it to a person who though looks normal from the outside is suffering from various maladies. Ayokong tawaging cancer dahil gusto kong isiping may pag-asa pang magamot. Sabihin na lang nating diabetic yung tao. Kailangang mag-insulin araw-araw. Tapos may mga komplikasyon pa. High-blood pressure, may sakit sa bato, sa atay, sa pancreas at may STD pa. Madali sanang gamutin ang taong ito, kaya lang matigas ang ulo niya. The person does not watch his diet. Keeps eating junk, unhealthy food. Doesn't exercise. Drinks, smokes, takes drugs and practices decadent sex. As an outsider maaawa ka ba sa kanya? Kaiinisan mo pa di ba? Dahil alam mong nasa kanya din naman ang ikagagaling niya.
Whenever I post something dreary I always want it to end in a positive note. Bagamat ngayon nahirapan ako. Kaya pasensiya na kayo kung nasira ko ang weekend ninyo. A friend told me once before: "Things will be better because there is no way but up". The problem is that was two decades ago.
10 Comments:
Comment ko sa London:
"You reap what you sow."
Komentaryo ko sa Pilipinas:
"Kung ano ang iyong tinanim siya mong aanihin."
KARMA!
By RAY, at 1:20 PM, July 08, 2005
I take the train here almost everyday. It's very accessible to go around the city taking the train than driving a car. No car, no pain, all gain, when I use the train, haha. Ang takot ko kanina nang mabasa ng asawa ko sa yahoo news itong pangyayaring ito sa London. It could happen to anybody, it could happen to me. Sana wag naman masyado nating tingnan ng negatibo ang bansa natin, it happens anywhere. What's happening to the world?
May version din ako ng "Ang Toilet" entry ninyo..haha :D Ikaw ang aking inspirasyon!
By Teacher Sol, at 1:30 PM, July 08, 2005
ma sol,
bakit nangangamoy toilet na ba ako? :D
By Ka Uro, at 1:40 PM, July 08, 2005
With all sorts of terrible news around us, sometimes you would wonder why some people chose to hurt others.
By Anonymous, at 3:19 PM, July 08, 2005
nakakalungkot talaga.. lalo na kapag andito kayo sa pinas.. lalo na yung kay GMA.....
By Anonymous, at 5:36 PM, July 08, 2005
grabe KU...ang gulo dito...hapon na ako pumasok kasi nagpacheck-up ako. mula umaga hanggang ngayon (hapon na) ang INGAY...may nagreresign, kabi kabila ang press conference, lahat ng puwedeng magpa-presscon nagpa-presscon na ata...pagkatapos kaya nito ay mas mabuti na ang kapupuntahan ng Pinas?!!
Kaya ayaw ko na rin sumunod sa local news... nakakasama ng loob, nakakasakit ng ulo.
Re. London- Yan ang sinundan kong balita kahapon. Nakakashock. Alam na ba nila kung sino ang gumawa?
By Sassafras, at 7:45 PM, July 08, 2005
kainis ba, ka uro? pero alam mo ba nung last week na tumawag ako sa mga kamag-anak ko sa probins, ganun pa rin daw buhay nila, half-day magtitinda sa palengke at sa hapon, magto-tong-its. Kahit sino pa raw presidente o pulitiko ang mapa-upo, di raw mababago ang takbo ng buhay nila. Simpleng buhay, di marangya pero nakakaraos. Sa tono nila, naiinggit sila sa kin na may maayos akong trabaho, pero di nila alam, mas naiinggit ako sa simpleng buhay nila.
By Tanggero, at 8:45 PM, July 08, 2005
What a very apt comparison Ka Uro. I can only shake my head upon reading that Pres. Arroyo refuses to resign and give up her post. This would lead to perhaps another coup-de-etat. Then again, our country has had to undergo so many upheavals that I fear for our economy and for loved ones left back home. I want to look on the bright side and think that upheavals like these are makings of a great nation.
By Anonymous, at 3:09 AM, July 09, 2005
ht,
nakakapagod talaga ang umasa. yon na lang ng yon, walang pagbabago. lalong lumalala yata.
goyong,
yun nga. nakakarma ang mga taong gahaman.
evi,
may mga taong masama talaga. pero marami din ang mabuti.
naomi,
kaw talaga. masyado kang iyakin pala.
yanyan,
ano nga kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw?
sass,
sana nga mabuti na. kya lang parang paulit-ulit lang.
tanggers,
oo nga ano. yung mga ordinaryong pinoy wala sa kanila ang lahat ng nangyayari. tuloy pa rin sila sa day-to-day activities nila. yung mga nasa-poder ang magugulo.
patrice,
"great nation", sana nga, sana nga.
By Ka Uro, at 11:05 AM, July 09, 2005
Kalimutan na natin muna ang mga depressing na balita. Ang husay talaga ng All Blacks, love set ang Lions, 3-0. Magaling na mentor si Graham Henry. Naalala ko yung 2003 World cup akala ko champion na noon ang All Blacks kasi ang ganda ng performance nila sila pa nga ang nanalo sa Bledisloe, kumpara dito mas mahusay lalo itaong team na ito. Mas magaganda ang kanilang play. Mas spectacular. Agresibo, hindi takot magtake ng risk, at lahat na huguting player kayang magperform ng maganda. Malalim ang bench. Iniimagine ko kung ganito lang sana ang RP national basketball team kayang dalhin ang karangalan ng bansa, mananalo kahit hindi sa mga amerikano, sa China man lamang at magchachampion sa buong Asia, ang saya siguro ng mga Pilipino, limot lahat na suliranin ng bansa at kahit papaano makakatulong sa pag-babangon ng National Pride natin.
By RAY, at 9:05 AM, July 10, 2005
Post a Comment
<< Home