mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, June 29, 2005

Hello, Goodbye

Isang diborsiyada si Marsha. Iniwanan siya ng kanyang lover na isang actor. Nakatira si Marsha, together with her only daughter sa isang apartment. Without her knowing it, pina-sublet nung Ex niya ang kanyang apartment sa isang kapwa actor, si Richard. Kaya ayun walang choice si Marsha but to share the apartment with Richard.

After awhile of living in the same house together, Richard and Marsha fell in love with each other. Una pinigilan ni Marsha ang damdamin niya na ma-inlove uli sa isa pang actor. Ayaw na ni Marsha sa mga actor dahil alam niya na unstable ang propesyon ng mga actor. Parating umaalis, iniiwan ang partner and never to come back. It has always been the story of her life. Parati siyang iniiwan. Pero lubhang makamandag ang pana ni cupido. This time Richard seems different. He promised not to leave Marsha.

But promises are meant to be broken, ika nga. May acting job na na-receive si Richard at kailangan niyang umalis. Richard can’t refuse the offer. It was a chance of a lifetime, so umalis din siya. Bagamat nangako siyang babalik, in Marsha’s mind alam niyang hindi na ito babalik like her past lovers.

This is a very memorable film for me. Neil Simon’s “The Goodbye Girl”, na napanood ko sa Quad Makati nung panahon pa ng kopong-kopong. Starring Richard Dreyfuss and Marsha Mason. Masaya siyempre ang ending dahil bumalik din si Richard as promised. Nagyakapan sila, naghalikan, The End. Sabay pasok ng background music ng sikat na kanta ni David Gates with the same title.

All your life you've waited for love to come and stay
And now that I have found you, you must not slip away
I know it's hard believin' the words you've heard before
But darlin' you must trust them just once more... 'cause baby

Goodbye doesn't mean forever
Let me tell you goodbye doesn't mean we'll never be together again
If you wake up and I'm not there, I won't be long away
'Cause the things you do my Goodbye Girl
Will bring me back to you.

I know you've been taken, afraid to hurt again
You fight the love you feel for me instead of givin' in
But I can wait forever, a-helpin' you to see
That I was meant for you and you for me...so remember

Goodbye doesn't mean forever
Let me tell you goodbye doesn't mean we'll never be together again
Though we may be so far apart you still will have my heart
So forget your past my Goodbye Girl
'Cause now you're home at last.


Life is a chain of hellos and goodbyes. Karamihan ng mga hellos masaya. At karamihan naman ng goodbyes may luha at lungkot. Kung pwede nga lang sana (borrowing the words of LWS) puro hello na lang; wala nang goodbye. But such is life. We have to contend with both. Siguro kaya malungkot ang goodbye para maging mas matamis at masaya ang inyong susunod na hello.

Goodbye Dabu! See ya soon.

14 Comments:

  • Mukhang umaapaw yata ang creative juice mo ngayon. Araw-araw ang pagpopost mo ng blog. Siguro maganda ang yong weekend. Keep on posting.

    By Blogger RAY, at 1:02 PM, June 29, 2005  

  • goyong,
    halata bang walang magawa sa trabaho? shhhhsss, huwag maingay baka mahalata ni bossing. akala niya kung ano ang tinatakatak ng keyboard ko. di niya alam blog pala. hehe

    By Blogger Ka Uro, at 1:31 PM, June 29, 2005  

  • Okey ka, simple pero rock! Sino bang chics ang naiwan mo sa 'pinas at pag-uwi ko sasabihin ko ng "hello!"

    By Blogger RAY, at 5:38 PM, June 29, 2005  

  • Ka Uro, yung binabasa ko yung first parts ng blog entry mo, sabi ko, mukhang familiar yung storyline. Ito ay story ng "Good-bye Girl," I told myself. At tama nga...you were alluding to this very nice film! Isa ito sa mga paborito kong pelikula. Galing ng acting nila dito (I think Richard Dreyfuss even won an Oscar here for Best Actor, if I'm not mistaken.) We have a DVD copy of that film at home, ganda kasi e. Sayang di ko napanood ito sa Quad Makati noong panahon ng kopong koong, hehe. :-) Siguro baby pa lang ako noon. :-)

    Mabuhay, Ka Uro!

    By Anonymous Anonymous, at 6:40 PM, June 29, 2005  

  • di ko pa napapnood yung moving good bye girl. pero i sure know that song. kakainis ka, ka uro! pina-alala mo sakin ang them song ko dati. hu hu. :-(

    By Blogger Gloria, at 9:11 PM, June 29, 2005  

  • It's such a very touching message and I was moved when you mentioned "Goodbye Dabu, see you soon". I've always wanted to be where my loved ones are and of course you know the people I am referring to. I will find my way to see you soon and that will be sweeter than any hellos".

    By Anonymous Anonymous, at 11:03 PM, June 29, 2005  

  • why does hello means goodbye? palasak na kasabihan... pero minsan totoo.

    By Blogger bing, at 12:01 AM, June 30, 2005  

  • awww di ko pa napapanood yan...hmmmmmm parang nakakaiyak naman talaga pag nagpapaalam at mahirap mag-isip pag malalayo ang mahal sa buhay.

    ang galing galeng ng qoute :)eyyy thank's nakalagay me dito ah hehehehe

    By Blogger lws, at 1:18 AM, June 30, 2005  

  • “Once God closes a door, He opens a window”… I believe that.

    When do we first learn to say goodbye to the most important people, places and things in our life? I think we say goodbye almost everyday. Sometimes we’re aware of it but most of the time we’re unconscious of it.

    Naalala ko na naman ang aking mga goodbyes sa buhay. I hate goodbyes pa naman.

    Click on my name here, nagsulat na rin ako ng "BON VOYAGE " entry sa makabagbag damdaming drama ng buhay ko.

    By Anonymous Anonymous, at 5:35 AM, June 30, 2005  

  • goyong,
    hindi ko sasabihin sa yo. baka mas magandang lalaki ka kesa akin e. agawin mo pa. :)

    jayred,
    yan ang kagandahan ng DVD. we are able to watch our favorite again and again. kaya nga hahanap ako ng DVD ng movie na ito. kung gusto mo, pede mo rin akong padalhan dito ng copy. :)


    glo,
    dati mo bang theme song. sori ha. ano na theme song mo ngayon? "singing in the raine", o "raine drops keep falling on my head"? :)

    dabu,
    this post is dedicated to you talaga. we miss you. balik ka na rito.

    bing,
    napagisip mo ako sa kasabihan na yan. oo nga ano. totoo nga.

    lws,
    panoorin mo sa DVD ang movie. hanapin mo yung 1977 version starring Richard Dreyfuss and Marsha Mason. meron kasing remake ito last year. pero mas maganda yung original.

    nao,
    di ko pa napapanood e. nasa DVD na ba. hinihintay ko na lang sa DVD, kasi mahal ang sine.

    mam sol,
    oo nga ano. tama we always say goodbye kahit kung minsan unconsciously. oct 2003 ka pala nakarating diyan. imagine wala pang 2 years ang dami mo nang na-achieve. i'm really proud of you.

    By Blogger Ka Uro, at 9:12 AM, June 30, 2005  

  • waaa nagloloko shoutbox!

    anyway, finally i found a felloy pinoy blogger from nz! i need a few questions to ask...

    and btw, gusto mo bagong layout? :P

    By Blogger silentmode_v2, at 4:52 PM, June 30, 2005  

  • 1977?naku po di pa ako pinapanganak niyan sa library subukan ko sa tuesday manghiram niyan...kasing edad ng ate ko yung movie ah pala

    By Anonymous Anonymous, at 1:00 AM, July 01, 2005  

  • kala ko kwento ni john & marsha

    By Blogger Tanggero, at 5:20 PM, July 01, 2005  

  • kala ko kwento ni john & marsha

    By Blogger Tanggero, at 5:20 PM, July 01, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker