mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Sunday, July 03, 2005

Ang Toilet

I read SassyMoon’s “Toilet Talk” entry with great interest. It wasn’t about our stinking politicians, but if it were, the title would have been just as appropriate. She was ranting about the sad state of toilets (or rest rooms as we call it) in our country. Also how people who live in developed countries take toilet paper, water and soap for granted, when back home, these amenities are luxuries to die for.

Then I was surprised to know that in some malls you have to shell out P10 to use a restroom! I remember, 10 years ago, this was an unheard of thing in Manila. Sure, I did encounter this in Baguio City once, where toilets charge 50 centavos kung ihi, piso kung dumi. Kapag nagbayad ka ng piso, bibigyan ka ng tabo. But in malls in Manila, never seen that before. Paying a fee to use a toilet? Aba, para palang takilya.

I’ll be interested to see a photo of the MMDA pink urinals Sassymoon mentioned. Hindi ko ma-visualize e. To MMDA’s credit at least they’re doing something to put a stop to Pinoy males’ practice of urinating kung saan saan. Natawa nga ako sa comment nung isang reader. “sa kunsumisyon siguro sa kanila ng MMDA chief, ginawa na lang kulay ng mga bakla ang urinal nila.

Ang layo talaga ng agwat ng third-world at first-world. I remember when I stayed with my Japanese host in Oita, Japan back in ‘82, nalito ako sa pag-gamit ng toilet bowl nila. Hi-tech talaga. Para kang nasa cock-pit ng jet fighter.

Image hosted by Photobucket.com

First time kong nakakita ng toilet seat na may mga push button, noon. There is a button to raise the cover and the toilet seat. The moment you sit down, you hear flushing sounds. Sound effects lang ito para hindi marinig ang pag-iri mo. And when you’re done with your thing, you push another button for warm water to squirt on your behind. Then there is also a button for liquid soap and another button for a blow dryer para patuyuin ang wetpu mo.

So far sa Japan pa lang talaga nauuso ang mga hi-tech toilet seats na yan. Dito naman sa amin sa NZ, medyo hi-tech na rin. Sa tapat ng bahay namin, ni-renovate yung park at naglagay sila ng public toilet.

Image hosted by Photobucket.com
Ang galing nung toilet. When you enter the toilet, may maririnig kang "You have 10 minutes to use this toilet" at may background piano music pa. Yung toilet paper, de-push button ang dispenser. Kapag tapos ka na, itatapat mo lang ang kamay mo sa soap dispenser, tapos water, tapos hand dryer. Hindi mo na nga kailangan i-flush ang bowl kasi automatic nag-fla-flush kapag naghugas ka ng kamay. After 10 minutes kapag nasa loob ka pa may maririnig kang "Your time has expired, please leave immediately". Dapat lumabas ka na non, dahil kung hinde baka iba na marining mo "Hoy! Ano ba? Kanina ka pa diyan a. Ako naman!".

13 Comments:

  • Sa Pilipinas, normal ang mga "yellow floating submarines" naming tinatawag,ewan ko yun lang yata ang floating na submarines, hehehe, kaiba talaga samahan pa ng amoy. Talaga namang pigil hininga ako sa loob ng banyo kung hindi masusuka ako sa amoy. Onli in da Pilipins. Pati ang MMDA na pink toilets sa mga tabing daan, di ba kayo nagtataka kung saan pumupunta at naa-absorm ang mga wiwi? Di na ako magtataka kung bakit nmapanghi na ang buong kamaynilaan pagbalik ko ng Pilipinas.

    Sa UP sa girl's bathroom, doon lang yata ako nakakita ng public toilet na may tindahan sa loob, pwede kang kumain at matulog sa loob sa kalinisan. Nabighani ako!

    Tapos nang dumating ako dito sa Amerika, tunay na kakaiba ang mga banyo dahil di lang mabango, bawal pa ang walang tissue (malaking issue na agad yan), at mag-isang nagfla-flush ang mga kubeta.

    ANG KUBETA, bow!

    By Blogger Teacher Sol, at 11:11 AM, July 03, 2005  

  • Pinaguuspan lang ang toilet parang nakikita ko kung paano iflush ng husto kagabi ng All Blacks ang mangangalngal ng player ng Lions at ang kanilang coaching staff pati na kanilang mga supporters. Tameme sila pagkatapos ng laro para bagang isang linggong nagarriva bajo, latang-lata. Ang sarap siguro ng feeling ni Tana Umaga para babagonglabas ng toilet pagkatapos mailabas ang gustong mailabas. Kelan naman kaya darating ang panahon na ifluflush nating mga pinoy lahat na mga trapo sa ating bansa upang mawala na ang alingasaw at baho ng nakakasulasok na amoy ng lumang pulitika? Kelangan ba ng pilipino ang isang Tana Umaga o Daniel Carter para talunin natin ang mga gahamang leon na matagal ng naninila ng yaman ng bansa. Gaya sana ng All Blacks dumating sana ang panahon na tayong mga pilipino ay magkaisa at magtulungan upang igupo ang anumang balakid na humahadlang sa pagunlad ng ating bayan. Flush all this stinking traditional politician, this patronage politics, their corrupt practices, all of their cohorts down the toilet at huwag kalimutang gumamit ng asido pagkat tiyak kakapit ang baho nila sa kapaligirang matagal na nilang pinabaho.

    By Blogger RAY, at 1:11 PM, July 03, 2005  

  • It goes back Ka Uro, sa ating kakulangan sa disiplina. Naghahangad tayo ng malinis at makabagong "kasilyas" tapos ay hindi naman natin kayang pangalagaan. Nakatatak pa hanggang ngayon sa isip ko yung pandalas kong makita sa mga pader sa Pinas.."BAWAL UMEHE DETO. ANG MAHOLI BOGBOG".

    By Blogger Unknown, at 6:17 PM, July 03, 2005  

  • Wish ko lang sa Japan ako nakatira para high-tech. Hahaha...cool yung topic moh ah...toilets.

    By Anonymous Anonymous, at 9:34 PM, July 03, 2005  

  • mam sol,
    di ko naabutan yung tindahan sa girl's room ng UP. pwede bang pumasok ang boys doon para bumili?

    goyong,
    di ko alam all-blacks fan ka pala. ang galing ni carter ano? sana nga pwedeng i-flush ang mga kabahuan sa atin.

    rhads,
    kakatawa nga ang mga signs sa atin. pag-uwi ko kukunan ko ng pictures. kaka-miss din dahil sa pinas mo lang makikita.

    lyan,
    hi-teck talaga ang mga hapon. sarap ngang mamasyal doon. kaya lang mahal.

    helltracker,
    uy matagal na ang 10 minutes ha. siguro kaya may time limit para maiwasan ang mga taong may balak gamitin ang toilet para sa mga bawal na gawain.

    By Blogger Ka Uro, at 12:30 PM, July 04, 2005  

  • Ka Uro,

    When I first saw these pink urinals, I thought it was a joke. Grabe, pag di masaway ang tao, gawin na lang legal?

    http://photos.houseonahill.net/index.php/photoblog/photos/4424

    By Blogger Raquel, at 1:21 PM, July 04, 2005  

  • raquel,
    thank you sa link. ngayon alam ko na kung ano itsura nito. so yung wee-wee umaagos na lang sa lupa? ano ba yan?

    By Blogger Ka Uro, at 1:34 PM, July 04, 2005  

  • ^^KU...naku, parang ganun ang suspetsa ko. yung ibang pink urinals may drain somewhere nearby but some, i don't see a drain anywhere. i can just imagine the smell pag dumaan ka malapit dun. sa sidewalk pa mandin nakalagay. sa labas ng urinals, nakaspecify in white paint na "MALE URINAL" lang yun...

    By Blogger Sassafras, at 2:01 PM, July 04, 2005  

  • The worst CR that i've been to is Baguio's Camp John hay's.... dun sa tabi ng mga shops.

    GRABE !!! 15 meters away from the door ka palang eh super panghi na..... i'm not the maarte kind pero super kadire talaga yun.

    By Blogger Senorito<- Ako, at 2:47 PM, July 04, 2005  

  • sa marikina unang pinauso ang mga male urinals, may drain papuntang kanal. in fairness, di naman mabaho kasi mag regular na dumadaan at binubuhusan ito ng tubig sabay na din ng pagdilig ng mga halaman.

    taga-marikina po ako, at magaling ang mga fernando (BF at MCF). saludo ako sa kanila. sana lahi nila ang magpatakbo sa pinas. tingnan niyo naman ang nagagawa ng political will. kaya siguro pag meron ini-implement ang mmda, i give them the benefit of the doubt bago ako mag reklamo. because i believe in the man behind mmda, si BF yun.

    By Anonymous Anonymous, at 5:59 PM, July 04, 2005  

  • Akala ko Pilipinas lang ang may kadiri na public toilets. Dito rin pala sa Malaysia, ikinahihiya rin nila ang kanilang mga public toilets. Style nila ay yung toilet sa sahig. Kung gumamit man sila ng Western style toilet, pinapatong nila ang kanilang mga sapatos para makapag-squat. Yuck talaga pag nakikita ko yung mga shoe prints, katulad na rin sa atin.

    Isa pa, karamihan sa mga toilet dito ay basa palagi ang sahig. Customary kasi sa Muslim ang maghugas ng lahat ng mga butas ng kanilang katawan bago magdasal. Lahat ng cubicles ay may mga hose para dito.

    Uso din dito ang "pay as you enter" toilet, Pilipinas style, pero hindi naman sa lahat ng toilet. Meron nga sa KLCC (Petronas Tower mall) na RM 2/entry, which is equivalent to almost P30! May kasamang wipes na binibigay, plus magamit mo yung mga Body shop products sa loob ng toilet.

    MJM

    By Anonymous Anonymous, at 10:44 PM, July 04, 2005  

  • Yup, MMDA toilets, toilets with heaters in Japan, toilet na worth sampung piso sa pinas (taal, volcano), automatic flushing toilets..sunod na niyan automatic toilet paper wiper...

    By Anonymous Anonymous, at 3:36 AM, July 07, 2005  

  • Na-miss ko tuloy ang Japan pagkakita ko ng hi-tech c.r. mo.Sana magkaron at dumami ang ganyan klase ng C.R. sa pinas para maraming mapagbuhusan ng "sama ng loob" ang mga pinoy...
    puro sama ng loob dito eh.....

    keep on keeping on!

    By Blogger Flex J!, at 5:05 PM, July 08, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker