mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, June 30, 2005

Case of Double Standards

Heard it over the radio yesterday that NZ Immigration is encouraging the British, Irish and Welsh rugby fans who are now here in NZ for the All-Blacks versus Lions rugby matches to find employment here. Naisip-isip ko kung mga Asyano kaya ang mga fans na ito, e-encourage din kaya sila na maghanap ng trabaho dito?

NZ Immigration won’t admit it, but most Asians feel, that applicants from Europe are more favored than Asians. May pagka hypocrite din itong Immigration pagdating sa pagtanggap ng mga immigrants. In their policies they pretend not to discriminate. But if you look closely at the requirements for migration, mapapansin mo na mas mahirap makapasa ang Asyano. Katulad na lang ng English test (IELTS) na yan. Masyado nilang tinaasan ang passing score. Pero yung mga applicants from English-speaking countries hindi na kailangan kumuha nung test. E kung tutuusin mo, siguro mahigit pa sa kalahati nung mga applicants sa UK babagsak sa English exam dahil marami sa kanila mahina sa spelling at grammar. Isa pa maraming trabaho ang hindi naman nangangailangan na maging fluent sa Inglis. Kung fair sila dapat i-base and passing score sa propesyon mo. Tapos ang mga Pinoy kailangan pang pumunta sa Bangkok para sa interview. Silang nasa UK, phone interview lang!

Mahirap na lang mag-complain at baka paginitan pa ang ating mga kababayan. Dahil kahit papaano, pumapangalawa naman ang mga Pinoy sa mga nationalities na nabigyan ng pagkakataon na mag-apply. Eto ang statistics as of June 23, 2005. (Source: www.immigration.govt.nz).

Image hosted by Photobucket.com

Good luck na lang sa mga kababayan natin na nag-apply na for migration to NZ.

17 Comments:

  • Hello Ka Uro, musta na ho?

    I think hindi lang dyan sa NZ immigration ang hindi fair pero maging dito man. Minsan ay naiisip ko na siguro ay dahil sa pagkakaiba ng 'kulay' kaya ganyan.

    Goodluck sa lahat ng nagbabakasakali na ating mga kababayan!

    By Anonymous Anonymous, at 9:48 PM, June 30, 2005  

  • sumasang-ayon ako kay thess

    By Anonymous Anonymous, at 1:03 AM, July 01, 2005  

  • I agree with the above comments. Di lang naman diyan ang discrimination and hindi lang sa race natin. Isn't it that British and the French look down on the Americans too. Siguro kahit anong lahi, they will always think they are superior than others. It is pride in their race that makes them act the way they are. Kaya tayong mga Pinoy dapat proud din :)

    By Anonymous Anonymous, at 1:52 AM, July 01, 2005  

  • OFF TOPIC: Ka Uro, sa kwento ni L nasabi ko sa inyo na babanggitin ko sa mga ka-email ko na DH sa HK ang istorya nya sa buhay para maging inspirasyon sa kanila. Yung Pinoy radio manager na based sa HK, gustong ma-interview si L. Ire-refer ko ba sya sa website nyo para kayo na po mag-usap? Please advice po.

    By Blogger Teacher Sol, at 6:43 AM, July 01, 2005  

  • kung sabagay nga lahat naman may discrimination sa iba. kahit nga tayong mga pinoy mas type natin ang makihalubilo sa mga puti kesa sa mga itim. siguro hindi naman talaga racism, favoritism lang.

    mam sol,
    wala na akong kontact kay L since 4 years ago. tatanungin ko muna yung isang kaibigan namin na mas close sa kanya, then i'll get back to you. sure, you can refer the radio manager to my site. hapi bertdey uli!

    By Blogger Ka Uro, at 8:46 AM, July 01, 2005  

  • KU, kala ko imagination ko lang na parang mas favored ang mga taga West (specifically Britain, UK) sa pag-attract ng skilled employees ng NZ. Medyo nakakainggit din...aside from what you mentioned re. interview requirements, napansin ko din na mas mahirap makakuha ng diretsong PR status... I read other forums too, those frequented by Brits migrating to NZ. Somehow kahit no job offer sila, diretso PR pa din pero pag Asian, work to residence ang standard. Still, tinatandaan ko nalang that it's their country and their rules, kung sino ang gusto nilang luwagan o higpitan, asa kanila yun. We just have to put our best foot forward whatever the circumstances.

    By Blogger Sassafras, at 1:22 PM, July 01, 2005  

  • Maraming article sa New Zealand Herald tungkol sa racial discrimination sa mga employment opportunities sa New Zealand. Sa isa ngang article mababasa mo na 38% ng asian males ay hindi kabilang sa labor force at they have given up searching for employment kasi nga hindi sila matanggap sa trabaho kahit na anong pagsisikap nilang sa pag-aaply. Me isa pa ring article akong nabasa na pag foreign sounding ang yong name kahit na anong ganda ng yong resume at cv hindi ka pa rin priority nila sa halip inuunang tawagin yong surname na pamilyar sila. Kahit nga yong kanilang immigration policy pabago-bago. Pag maririnig mo pa si Winston Peter na wal na yatang binakbakan kungdi mga Asyano at immigrant panghihinaan ka ng loob. Magpagayunpaman nasa tao yan. Ang kailangan mo sa ibang bansa ay tiyaga, lakas ng loob at pananalig sa sariling mong kakayahan. Kahit saang bansa may diskriminasyon. Likas na siguro sa mga iba't ibang lahi ang magkamayroon ng prejudice at antagonismo sa hindi nila kalahi. Ang mahalaga patunayan mo na kaya mong magsurvive kahit saang lugal ka man naroroon at kaya mong gawin ang anumang kaya nilang gawain. Regardless kung anumang trabaho ang iyong mapasukan ibigay mo ang iyong makakayanan, magsumikap ka at ipakita ang tunay na kakayahan ng migranteng Pilipino.

    By Blogger RAY, at 2:26 PM, July 01, 2005  

  • sass,
    nababasa ko rin nga sa ibang forum yung tungkol sa pagbibigay nila ng PR sa mga applicante sa UK pero tayo WTR lang. kakainis nga, pero gaya nga ng sabi mo tanggapin na lang natin at best foot forward na lang muna.

    goyong,
    napaka-ganda ng sinabi mo kaibigan. dapat lang na umpisahan mo na ang iyong alab-ng-puso blogsite. yang si w.peters may araw din yan. ang kakainis sa kanya, mga asian migrants lang ang binabanatan niya, hindi ang mga puting migrants. sarap niyang tirisin.

    By Blogger Ka Uro, at 4:09 PM, July 01, 2005  

  • Minsan, masasabi talaga natin na mahirap magkaron ng kayumangging balat at magiging biktima lang ng discrimination ng mga puti. Dito rin sa Switzerland, matindi din ang discrimination.

    Napaisip tuloy ako bigla kung mag-try pa kaming mag-apply sa NZ...may discrimination din pala dyan. Sabagay, kahit saan naman.

    Iba pa rin talaga sa Pinas. Kung hindi lang corrupt ang government e, doon na sana kami.

    By Anonymous Anonymous, at 6:38 PM, July 01, 2005  

  • Bakit #3 sa mga applicants ang from china ?? I don't get it. According to a friend China's economy is very much booming .

    Plus bakit NZ ? Kung pinas at india maiintindihan ko pa. Hmm... it's good that we speak fluent english din.

    Watching baywatch did pay off ! Hoooraaay !

    By Blogger Senorito<- Ako, at 8:55 PM, July 01, 2005  

  • tama si neo. kahit sa pinas may discrimination. naramdaman ko yon nung padala ako ng company namin sa manila para mag-work ng 3 months. yung mga opismeyst kong pinoy mas mataas ang tingin nila sa mga expats na puti kesa sa akin kahit expat din ako.

    ang mga pinoy dito sa NZ, matatawag mong "stealth" race. kasi nakaka-blend tayo sa mga kiwi, di tulad ng mga nabanggit ni neo, yung mga indian, at intsik. at ang mga pinoy madali nilang maintindihan mag-inglis, di tulad ng iba. respetado ang mga pinoy dito sa NZ, kasi mostly mga mataas ang pinag-aralan, masipag sa trabaho at madaling pakisamahan.


    senor,
    kahit booming ang economy ng china, mababa pa rin ang mga sweldo nila sa bayan nila kaya marami pa rin ang gustong mangibang bayan. at siguro dahil marami talaga sila.

    By Blogger Ka Uro, at 9:23 PM, July 01, 2005  

  • KU, maiba ko ng konti...sino ba itong si Winston Peters at bakit tila mainit ang dugo niya sa Asians...

    By Blogger Sassafras, at 4:13 PM, July 02, 2005  

  • Peters is a leader of one of the opposition parties in government. His following comprise mostly of conservative kiwis. His party is called New Zealand First.

    By Blogger Ka Uro, at 4:21 PM, July 02, 2005  

  • A bit off-topic but here's a letter to the editor (in Wellington's Dominion Post) praising a Filipino Kiwi.

    Bouquet for city council
    --------------------
    I've lived in Hobart Park flats, Miramar, for nearly 12 years. I'm also fire warden. I've made countless requests to Wellington City Council about maintenance and been assured it would be attended to. I stopped calling.

    Then I met the new council maintenance manager, Lito Magadia. He looked at our soaking grounds, broken footpaths, broken fences, sad and tired surrounds and the tree at the centre that needed pruning or removing, and said there would be workers here within two weeks. What a sick joke, I almost said aloud.

    To my surprise, he returned with a contractor and workers exactly two weeks later, and started work. He seemed professional, was willing to listen, knew how to solve problems and managed the work efficiently. And he was approachable. I couldn't believe this was happening after years of apathy. I was told other complexes have been or are being upgraded too.

    Now I and other residents want to thank the council, its manager and especially Mr Magadia, who has made marvelous improvements to our environment. The workers have also been very friendly. What a difference. Come and see our new courtyard. We love it.

    Johnny Williams
    Committee for Hobart Park flats
    Miramar (Abridged)
    (Letter to the Editor, The Dominion Post, 21 June 2005)

    By Anonymous Anonymous, at 10:32 AM, July 03, 2005  

  • anonymous,
    thanks for sharing that letter by J Williams. as I said kiwis have very high regard of pinoys. we can be very proud of our kababayans here in nz.

    By Blogger Ka Uro, at 10:36 AM, July 03, 2005  

  • Ka Uro,

    Si Mr. Lito Magadia ay isa sa best friend ko dyan sa Wellington. A Civil Engineer and graduate of Feati University. His family is one of the first Filipino's in Wellington (early 80's). Isa sya sa nakapag-practice ng propesyon nya (as Civil Engineer) pag dating nya sa NZ noon without taking an upgrade. Marami rin kaming mga bagay na pinagsamahan (good and bad - hehehe, esp. my despedida (going here in Canada) doon sa bahay nya!). I will give him a call, regarding this and will tell him about your blog. Anyways, thanks Ka uro for your blog.

    By Anonymous Anonymous, at 5:09 PM, July 03, 2005  

  • hindi kaya maging positibo ang epekto nito para sa mga noypi?
    kasi nung nasa saudi pa ako yung mga amo namin kalimitan british, irish o kaya scotish. mas gusto nila kasama sa trabaho ay pinoy. dito sa UAE ganun din ang nangyayari.

    By Anonymous Anonymous, at 3:12 AM, July 04, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker