mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, July 26, 2005

Para sa mga machong Pinoy na nagbabalak pumunta ng NZ

Let this serve as a warning for Filipino macho men planning to move to NZ. Dapat niyong malaman na dehado po tayong mga lalaki dito sa NZ. Bakit ka nyo?

Una, hindi na tayo pwedeng mag buhay senorito dito. Walang maid kaya kailangan matuto at tumulong tayo sa mga gawaing bahay.

Pangalawa, the end na ang pagbubuhay binata mo pag dating mo dito. Kung sa Pinas, isang kalabit lang ng barkada lumalarga ka na, dito hindi na pwede yung ganoong lifestyle. Dito isang kalabit lang ni esmi, dapat ilarga mo na.

Pangatlo, kung babalewalain mo ang 1 and 2, huwag kang magtaka kung isang araw bigla kang iwanan ni esmi mo at sumama sa iba. Kung sa Pinas, malabong mangyari ito kahit anong pagbabale-wala mo sa kanya, dito sa NZ, iba ang labanan. Lamang silang mga babae sa atin.

Legal ang diborsiyo dito kaya madali kang iwanan ni esmi. Kapag naghiwalay kayo at nasa kanya ang mga bata, makakatanggap pa siya ng subsidy galing sa pamahalaan dahil single parent siya. By law, required ka rin magbigay ng child support sa iyong mga below 18 years old na mga anak. Hindi ka pwedeng tumakas sa financial obligations mo sa iyong mga bubwits.

Ito ang pamatay sa lahat kung bakit tayo dehado. Type na type ng mga puting Kiwi ang mga Pinay. Pero ang mga lalaking Pinoy, kung hindi lang talaga malaki ang iyong... kinikita, malabo kang pansinin ng mga seksing puti.

So ano ang dapat nating gawin, mga pards?

Simple lang. Palakihin ang iyong... pagmamahal sa pamilya. Iwanan ang pagbubuhay binata sa Pinas. Bigyan ng sapat na panahon, pag-aruga at malasakit ang asawa at mga anak.

Kung inspite of that iniwan ka pa rin ng esmi mo. May diprensiya ka siguro. Baka masyadong maliit ang iyong... kinikita at hindi mo ma-satisfy ang mga kapricho niya. Kung hindi naman baka talagang high maintenance siya, mahilig sa malaking... bahay, kotche, brilyantes. E pag ganon, 'yaan mo na siya. Umiyak ka na lang tapos puntahan mo ako at mag-lashengan tayo.

16 Comments:

  • Ba't nga masyadong tipuhin ng mga puti ang kulay kayumanggi. Yong ngang si Byron Kelleher yong pumalit sa position ni Justin Marshall sa All Blacks ang katipan at gustong pakasalan ay isang kayumangging lahing pinay at wag ka isang sikat na porn star na kilala sa pangalang Kaylani Lei. Beterana yong babae sa larangan ng..... siguro nga malaki....ang kita ni Byron iiwanan ba ng babae ang pag-gawa ng X kung maliit.....ang kita ng lalaki. Di ba KU?

    By Blogger goyong, at 5:08 PM, July 26, 2005  

  • Good to hear this from a man Ka Uro!! At syempre tumpak ka dyan!! Kaya nga dito na lang ako nagpasyang manirahan sa abroad kasi ang aking dating "kulay uling" na balat na dati ay kinukutya-kutya, ngayon ay isang malaking "asset" sapagkat kinaiinggitan ng mga kababaihang puti at sinasamba naman ng mga kalalakihan. nyahahaha. Dito naman ay swerte pa rin ng lalaking Pinoy, sapagkat sila ay endangered species dito ay pinagkakaguluhan pa rin naman sila, ng mga Pinay na may kanya kanya ng asawang puti. Minsan pa eh pinagaawayan ang kanilang "kagwapuhan". OO Ka Uro, kahit pa mukhang bisugong puyat ang lalaking Pinoy eh tiyak na magkakaroon siya ng kulakudidang na mga Pinay. Ay ewan!!

    By Blogger Rhada, at 5:27 PM, July 26, 2005  

  • ang masasabi ko lang ay... NYAHAHAHA :) naaliw ako sa entry niyo, KU. lalo na sa mga dobol...meaning *daw kuno*.

    By Blogger Sassafras, at 5:32 PM, July 26, 2005  

  • Di na mabilang ang nabasa kong kwento tungkol sa pagiging mabenta ng mga pinay sa mga banyaga. Bakit kamo? Submissive kasi ang mga pinays. Iba naman ang story ng mga pinoy. Kailangan macho sila palagi. Buti na lang dyan sa NZ parehas ang laban. bwahahahaha....

    By Blogger jinkee, at 5:51 PM, July 26, 2005  

  • yoko na sa NZ, sa Germany na lang, nyhehehe

    By Blogger Tanggero, at 5:56 PM, July 26, 2005  

  • di ako umiinom ng alak [hik!]

    By Blogger Naomi, at 6:00 PM, July 26, 2005  

  • Maidugtong ko siguro "L" na "L" si Lalaki kay babae (hindi laway na laway ha o kung ano pang iniisip ninyo) love na love kasi hindi ko napigilan sinilip ko ng wala ang mga bata sa Yahoo Image at inaalis ko yong filter type Keilani Lei, anak ng ina ang mga tumambad sa aking larawan. Kahalay eh!Talagang tinamaan ng "L" itong si lalaki ay kayang kalimutan lahat para sa babae.

    By Blogger goyong, at 6:21 PM, July 26, 2005  

  • P.S.
    Ka Uro hindi ako naniniwala na nadadaan yan sa laki.....ng kita. Malaki nga magaling naman ang aking dila....masarap kasi akong mangusap, makata. Hindi mo ba alam KU na paglaki paghirap tumayo at pagliit mabilis tumayo......ng tao kasi the bigger you get the harder you fall according to the law of gravity. Kaya mas masarap magmahal ang maliliit......ang kita katunayan ang mga intsik ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo, "kita ng mga yon maliit" kasi singkit kung hindi masarap magmahal ang mga yon dadami ba ng bilyon ang Chinese.

    By Blogger goyong, at 6:32 PM, July 26, 2005  

  • gusto ko na sanang magmigrate, bigla tuloy nagbago ang isip ko. hahaha =)

    By Blogger kukote, at 8:38 PM, July 26, 2005  

  • Ang kwneto ng kaibigan ko.. sa Brazil daw patok na patok ang pinoy.

    Kahit sabihin mong me asawa ka na eh hindi ka parin daw tatan-tanan ng mga tsikas. Sila daw ang magpupumilit na makakuha ng "date" sayo.

    Therefore pag ang puting lalaki ay takam na takam sa pinay... ang mga babaeng brazilian naman ay takam na takam sa mga pinoy.

    By Blogger Senorito<- Ako, at 9:15 PM, July 26, 2005  

  • Goyong,
    nakita ko nga sa Sunday newspaper yung picture ni Keilani. Super nga. naghahanap nga ako ng DVD ng mga pelikula niya e. gusto mo padalhan kita ng kopya kapag may nakita ako?

    rhada,
    ganun ba. mas ok pala ang mga lalaking pinoy diyan. makapunta nga diyan.

    sass,
    andiyan ka pa pala. kala ko lumabas na si baby e.

    jinkee,
    marunong kasing mag-alaga ng asawa at masinop sa bahay ang mga pinay.

    tanggero,
    oo nga sa germany na lang. o kaya sa brazil tulad ng sinabi ni senorito.

    nao,
    di mo naman kailangan maglasing. kami na lang ni richard.

    goyong,
    maganda nga siguro si Keilani. e papaano biglang lumabas ang pagiging batangueno mo eh.

    tumpak ka doon na di nadadaan sa laki. hahahah!

    marghil,
    sama ka sa amin ni mr tangger sa germany o kaya sa brazil?

    senorito,
    ok na ok na tip yan. magaganda ang mga south american di ba?

    By Blogger Ka Uro, at 7:37 AM, July 27, 2005  

  • Ok! pag nakahiram ka dalhin mo dito sa weekend. Fishing tayo at magbutingting I mean magboboating....

    By Blogger goyong, at 9:34 AM, July 27, 2005  

  • lamang na lamang ang mga babae ah!siguro kulang sa abilidad ang mga lalake?

    By Anonymous lws, at 12:25 PM, July 28, 2005  

  • dafat talaga malaki ang... pagmamahal mo sa iyong asawa para hindi ka falitan ng mas malaki ang... pagmamahal. dafat tandaan ito kahit saan man naroroon ang mga kalalakihang pinoy.

    tama din naman si Goyong... nakukuha din sa galing ng dila... dahil ang mga salita minsan ay nakakatulong. por eksampel, masarap pakinggan na kahit na mahigit isang dekada na kayo nagsasama, me "ay lab yu" pa ring naririnig. kasi ang mga babae mas mahilig sa romance, ang mga lalaki mas mahilig naman sa aksyon bwa ha ha

    By Blogger bing, at 1:50 AM, July 29, 2005  

  • Ka Uro,
    Birthday leave ka na ba? Matagal-tagal ka nang di nagpoposting. Pasyal ka dito SI. May pinost nga pala ako doon sa blog ko sa view sa Milford Sound, silipin mo alam ko matitripan mo kasi mahilig ka rin sa nature.

    By Blogger goyong, at 11:20 AM, July 29, 2005  

  • Palagay ko kaya gusto ng mga puti ang mga pinay ay so tight kong magmahal ang pinay kahit na ilan pa ang maging anak nito. sabi nga ng ka-officemate ko ililigaw na lang daw nya esmi nya pagnagka-ganon.ang sagot ko naman ano yan pusa hehehehe...

    gelo-jeddah/ksa

    By Blogger gelo, at 11:25 PM, January 04, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker