Eye Test
Kailangan ko pa ngayon mag-salamin. Syete naman o. Mahal pa naman magpatingin sa opto at magpagawa ng salamin dito sa NZ. Sa Pinas na lang sana pag-uwi namin sa September. But I have no choice kasi mag-expire na next month ang licence ko. That's $50 for the optometrist and at least $200-$400 for the frames and lens, depende sa style. Compare that three years ago nung umuwi kami sa Manila, P2000 lang yung salamin ni Esmi.
Eto nga pala ang maipapayo ko sa mga kababayan nating mag-mi-migrate dito sa NZ. Bago kayo pumunta rito magpatingin na kayo sa opto at magpagawa na ng at least dalawang salamin kung kinakailangan. Ang isa pang super-mahal dito ang magpa-ayos ng ngipin. Nung bagong dating kami dito, nagpapasta ako ng tatlong ngipin. Hanep na dentista yon, siningil ako ng $1000! Kung kukwentahin mo mas makakamura pa kung umuwi ka na lang sa atin tapos doon mo paayos lahat ng ngipin mo. Kaya bago kayo pumunta rito, paayos na lahat ng teeth ninyo at kung kailangan ng pustiso, magpagawa na. Gawin na ring dalawa para may back-up.
13 Comments:
cant believe it, una akong mag-co-comment! ha ha ha
been hearing stories like these - about the horrible charges you get from dentists, dermatologists, opthalmologists, et al, from balikbayan relatives and friends. meron ka pa ring maa-appreciate pala dito sa Pinas??
By bing, at 7:57 PM, July 31, 2005
So True KU. Isa pang pansin ko dito ang hirap makapasok ng mga pinoy lalo na sa propesyon na may kinalaman sa health service tulad ng dentist, doktor. Ilan ang alam kong mga Doktor at dentist na noon pa nagmigrate pero hanggang ngayon hindi pa rin magamit ang kanilang profession. Mga nagtatrabaho sa casino at kung saan pang field samantalang kulang na kulang naman lalo na dito sa South Island ang mga dentist at doktor. samantalang yong mga doctor na filipino na galing dito Nz at hindi nga magamit ang profession dito pag lumipat ng Australia napapraktis ang kanilang alam.
By RAY, at 9:44 PM, July 31, 2005
ka uro, dito ka na lang sa pinas magpagawa. hamak ng mura naman dito. tama ang sabi ni goyong, kinakabahan ako. doktor ako dito sa atin at kagaya ng majority ng mga doktor dito, gusto ko na umalis for many reasons: financial, country's long term, etc. ang pinoproblema ko, wala pa akong makuhang trabaho habang nandito ako despite intensive looking. kausap ko na 4 na recruiter, wala pa rin. qualified naman ako for provisional registration. payag naman ako umulit ng training. di ko alam kung racist na lang yung mga hiring organizations but di nga maintindihan ng mga kausap kong recruiters bakit ganun.
By Anonymous, at 10:08 PM, July 31, 2005
Totoo ka KU! Lakas pa ng loob ko na magpalinis ng ngipin dito sa US! Bago ako umalis, kulit ng kulit ang tatay ko na magpadentista daw ako bago umalis. Eh di ko nagawa kaya nung dito ako nagpalinis, nagulat na lang ako ng singilin kami ng asawa ko ng $720! Nalula ako. Buti na lang may insurance at kalahati lang binayaran namin.
By Anonymous, at 10:26 PM, July 31, 2005
Dito sa Canada Dentist ay very expensive din. Kahit tinitingnan lang at walang ginawa ang dentist may bayad na. The good thing is may benifits naman dito. I'm just wondering wala ba d'yan sa NZ?
BTW, yong pustiso hindi kasali.
By Ladynred, at 1:23 AM, August 01, 2005
Hay naku talagang mahal optometrist dito sa NZ. Aba yung contact lens ko $52 yung anim na piraso. Sa isang mata pa lang yun ha at kada isa ay apat na linggo lang daw dapatgamitin. Tinakot pa ko ng damuhong doktor na yun at sinabing pag hindi ko daw pinalitan, magkakainfection mata ko. Tsk, tsk, tsk...
By Tyler's Mummy, at 2:00 AM, August 01, 2005
talaga nga naman o, magkalapit lang birthday natin, yung driver's license ko, mageexpire na rin ngayong august!!! pero 3 years lang dito sa pinas.. pa dalawang beses ko pa lang magrerenew...
dapat yung eye test nyo... stereogram yung ginamit... galing mo tumingin dun eh... hehehehe
By kukote, at 2:05 AM, August 01, 2005
Isa pa dapat nila gawin ka uro...that is if they usually do it - ang magpafacial, pa-,manicure-pedicure, pagupit and paayos ng buhok (e.g.highlight, relaxing, etc). Mahal din dito sa NZ.Pero yung pagupit, if you have connections...puwede ka makapagupit ng under the table bayad sa mga Pinoy/Asians na naho-home service for a reasonable price ($7.00-15.00). But in my case, yung kakilala kong pinay eh weekdays evening lang puwede and kelangan ko pa siya puntahan (di na nag-hohome service eh) so wala na rin akong time to do that. No other option but to go to hair salons which usually costs $20.00 up (as in up - $200.00!!!).
By Anonymous, at 7:17 AM, August 01, 2005
bing,
marami pa rin maa-appreciate sa bayan natin.
ka dyo,
ginto nga. ok nga dito ang mga dentist at optometrist. kya lang medyo mahirap pasukan ng mga pinoy kasi maraming eksamin bago makapasa. yung pustiso ni lolo ayun nakababad sa baso. hahaha.
goyong,
ewan ko nga ba bakit mahirap. but in fairness to doctors who graduated and passed the exams here, siyempre gusto rin nila na yung mga doctors from other countries should also pass the same exams para may standards. yung mga kababayan nating doctor na nandito kailangan lang nilang mapasa ang exam like everyone else. may mga kakila akong doctors at lawyers na nagprapraktis na dito ng propesyon nila kasi nakapasa sila.
banjan,
oo nga diyan na lang talaga ako papagawa ng salamin. konting tiyaga pa siguro sa pag-apply. yung mga tao kasi rito medyo baguhan pa sa pag-recruit ng mga foreign doctors kaya siguro hesitant pa sila.
patrice,
so diyan din pala sa US mahal ang dentist. buti na lang di sumakit ang ngipin ko nung nandiyan ako.
agring,
yung mga bata dito upto age 16 or 18 (not sure), twice a year tinitingnan ng dentist at kung may kailangan ayusin (pasta, linis at bunot) libre naman. yung pustiso di rin kasali.
aucklandbabe,
mahal pala ng contact lens at nag-e-expire din pala. akala ko noon parang salamin walang expiration.
trotskybee,
tama ka diyan. mahal magpa-manicure at pedicure, facial, at hairstyle. kung sa auckland marami akong kakilalang pinoy na bakla na magaling mag-hairstyle. si baklang august at baklang guy. sikat sila dito.
By Ka Uro, at 9:01 AM, August 01, 2005
nao,
5 years ago 20-20 din ang vision ko. ngayon na lang parang nagka-problema. tumatanda na ko talaga. huhuhu
By Ka Uro, at 1:42 PM, August 01, 2005
Hahaha! Salamat sa payo ka uro...buti sinabi nyo. When you reach the age of 40 above, that usually happens po. Pero merong mas maaga lumalabo paningin...nasa lifestyle din siguro. Ako nga malayo pa sa age 40 may salamin na..hehehe kaka-read ng books at lagi sa harapan ng PC...hmmm...20-20 dati, ngayon 25-50...hehhe di pa pantay!
By Bluegreen, at 4:52 PM, August 01, 2005
How much ang customized LASIK (laser)correction dyan sa NZ ? matagal ko ng balak pero wala lang maitabing resources for it.
Dito sa pinas ang range ata USD 1,000 - 1,200 both eyes na.
By Senorito<- Ako, at 9:03 PM, August 01, 2005
tumpak ka dyan... ganoon din dito. payo dapat yan sa lahat ng taong mag migrate di lang sa NZ pati na sa USA o Canada.
By JO, at 4:26 AM, August 02, 2005
Post a Comment
<< Home