mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Sunday, August 14, 2005

I need an interesting shop name

Ang galing talaga ng sense of humor natin. Stumbled into this page of Philippines Today in the net. Natawa ako sa mga shop names in the Philippines. Here’s some of my favorites to do with eateries. Balak ko kasing magtayo ng Pinoy restaurant dito sa Auckland. Believe it or not, there is not a single Filipino restaurant in NZ yet! There were a few who tried to start one, pero di tumatagal, nalugi yata. I think ang kailangan nila yung pangalan ng shop na tulad ng mga ito.
Babalik Karinderia
Bread Pitt (Bakery)
Candies Be Love?
Caintacky Fried Chicken (in Cainta, Rizal)
Cleopata's (bakahan and manukan)
Cooking ng ina mo (carinderia)
Cooking ng ina mo rin (right across Cooking ng ina mo)
Doris Day and Night (24 hour eatery)
Domingo's Pizza
Kina Roger's (restaurant)
Le Cheng Tea House (in Chinatown)
MacDonuts (Donut Shop)
Mang Donald's (burger joint, Naga City plaza)
Miki Mao (noodle eatery)
The Fried of Marikina (fried chicken shop)
Wrap and Roll (lumpia outlet, Quad, Makati)
Pansit ng taga-Malaboni - along Boni Avenue, Mandaluyong

Makakuha kaya ako ng franchise ng isa sa mga ito para i-open dito sa Auckland? Pero mas ok siguro kung original ang pangalan ng restaurant. Balak ko puro ihaw-ihaw lang ang pagkain. Madaling i-prepare at mahilig naman ang mga Kiwi sa barbecue. Kailangan ko, a catchy name for the shop. Ano kaya?

14 Comments:

  • KU,

    sama ko dyan sa business mo.
    tignan mo itong mga bar-b-que
    road signs sa nakitang kong
    website.

    http://www.fiery-foods.com/dave/bbqsigns.html

    By Anonymous Anonymous, at 7:43 PM, August 14, 2005  

  • sige po manong Uro pagdadasal natin na maging successful ang business mo.

    gudlak ho!

    By Blogger Mmy-Lei, at 11:25 PM, August 14, 2005  

  • paano ka na pag winter? paano ka mag ihaw ihaw?

    By Blogger JO, at 6:32 AM, August 15, 2005  

  • Naku sige, Ka uro, magtayo ka naman ng stall. Saan mo plano? Sana sa Northcote area para malapit sa akin at lagi kita madadalaw hehehe.

    Tama nga ang barbi type / sizzlers na foods - will cater both to Asians & Kiwi. Napansin ko pa kasi yung nagtayo minsan ng stall ng Pinoy foods eh medyo exotic masyado sa taste ng Kiwi& ibang Asians e.g. sisig, ginataang gulay-gulay. Nangyari po ata, masyadong naging limited ang clients nila and very exclusive to Pinoys ang kanilang paninda.

    Sige po. Just give me a yell kung nakatayo na kayo ng restaurant/stall.

    By Anonymous Anonymous, at 9:34 AM, August 15, 2005  

  • aldrin,
    thanks for the link. meron na akong pwedeng gayahin na sign board.

    mommylei,
    salamat po. o sige, pag naging successful, padalhan kita ng luto ni esmi. da best yung kanyang lumpiang sariwa.

    kadyo,
    okay na okay ang suggested names mo. problema lang baka akala ng mga customer ako ang nagluluto. e di naman ako marunong.

    jo,
    okay lang kahit winter, sa loob naman iihawin. kailangan lang may malakas na extractor fan ang kitchen.

    trotskybee,
    ok na site yung nortecote. dami ngang asian shops at kainan doon. yun din nga ang iniisip namin. dapat hwag masyadong exotic. as in walang pagkain na may laman-loob (eg. atay, balumbalunan, puso). although masarap para sa ating pinoy, turn-off naman para sa iba. ok lang ang barbi type, di na kailangan ng magaling na cook. kahit ako lang kaya ko na. hehe!

    By Blogger Ka Uro, at 12:01 PM, August 15, 2005  

  • Ayos yan! Goodluck sa plano mo Ka Uro. Nakaka-miss ang pagkaing Pinoy. Isasama nyo ba sa menu ang sisig at crispy pata? ;-)

    By Blogger Jovs, at 6:40 PM, August 15, 2005  

  • Ganda yang naiisip mo KU! Harinaway mabusog mo kami! kelan ka ba magapapa-canton? Eto nga pla ang suggestion ko na pangalan ng resto mo...

    Kanin at Baboy!
    Cantunan ni Ka-Uro
    Lamunan Laklakan at Atbp.
    Lamunan sa Auckland!

    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 9:49 PM, August 15, 2005  

  • kauro-kauro (sounds like turo turo, maori type pa)

    By Anonymous Anonymous, at 10:21 PM, August 16, 2005  

  • karen,
    thank you. pag nag-click, libre kita.

    jovs,
    mukhang okay nga ang sisig at crispy pata. puro pampabata.

    jack,
    salamat sa mga suggestion, kakatawa.

    lanriv,
    okay nga parang maori name.

    By Blogger Ka Uro, at 10:21 AM, August 17, 2005  

  • Wala bang barbeque lamb dyan ? diba maraming tupa dyan ? kasi yung link na ibinigay mostly baboy eh.

    How's about :

    Ihaw
    Ihaw-Ihaw
    Ihaw-Ihaw-Ihaw.... Sunooog !

    By Blogger Senorito<- Ako, at 5:58 PM, August 17, 2005  

  • Pahabol...

    Malayo ba ang difference ng naging lifestyle nyo sa US compared sa NZ ?

    By Blogger Senorito<- Ako, at 6:01 PM, August 17, 2005  

  • senor,
    daming lamb dito. masarap nga rin pag inihaw.

    kapag dinagdagan mo pa ng isang ihaw, uling na ang labas. hahaha

    tungkol sa lifestyle dito kumpara sa US, malayong malayo. although lahat ng meron doon meron din dito pero in a smaller scale. malaki ang states e. mas mabilis ang pace doon sa US.

    By Blogger Ka Uro, at 6:11 PM, August 17, 2005  

  • since mahilig sa barbeque ang mga kiwis, how about 'Barbequewi'?

    -KaEl

    By Anonymous Anonymous, at 3:05 AM, August 26, 2005  

  • KaEl,
    I liked your suggestion. 'Barbequewi'

    By Blogger Ka Uro, at 8:40 AM, August 26, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker