Sleepover
I remember the first time na mag-sleep over sa ibang bahay ang daughter namin, she was 7 years old. Naalala ko noon hindi kami mapalagay ni esmi dahil perstaym siyang hindi natulog sa bahay namin. Hirap kaming matulog at malungkot pala kapag may kulang na isang miembro ng pamilya.
Ano naman ang ginagawa ng mga bata during a sleepover? Sa mga girls, the usual girlie stuff. They play dress up, watch chic-flic movies, eat popcorn, and talk all night long. Anything but sleep. 5AM nga gising pa! Sa mga boys naman, di ko alam. Wala kasi akong anak na boy. I’d guess play PS2 or Xbox.
What should children bring during a sleepover? If you’re child is the one going to a mate’s house for a sleepover, make sure that they bring along some warm clothes during winter, play clothes, pyjamas or sleep wear, tootbrush, toothpaste, towel, a pillow and sleeping bag. You shouldn’t expect a bed and blankets to be available. Out of consideration for the host you shouldn’t require them to provide any either. Hence a sleeping bag is essential.
May kaibigan akong Pinoy na may tatlong anak na halos kasing idad ng anak namin. Siya hindi niya pinapayagan mag-sleepover ang mga anak niya. Kapag tinatanong siya ng mga anak niya kung bakit. Ang sagot niya “basta, di pwede because it’s not common Filipino practice!”. Sa aking opinyon, over protective siya. Para sa akin kasi there comes a time na kailangan din payagan ang bata para masanay na maging independent and responsible. Kailangan din ipakita na you trust them not to do anything stupid especially when you’re not watching.
Kayo, what’s your view on this? Papayagan niyo bang mag-sleepover ang anak niyo? At what age will you allow them?
19 Comments:
Cool na cool na magulang ka, KaUro. It is true, however, that sleepover is not a common Filipino practice. Ang madalas sinasabi ng magulang ay "bakit makikitulog sa iba, eh may sarili ka namang bahay!" Ha ha ha! Naaalala ko pa noong bata pa kami ng mga kapatid ko, gustong gusto naming mag-sleepover sa pinsan namin... kasi naman may bakery sila, at walang katapusang supply ng softdrinks and chichiriya! Paminsan pinapayagan kami, kung minsan naman ay hindi para hindi mamihasa. Tama rin naman. =D You're right, na kailangang iparamdam sa anak na pinagkakatiwalaan sya, sa gayon ay magkakaroon rin sya ng ideya na may responsibilidad sya na hindi dapat abusuhin. In the future, pag nagka-pamilya na ako, definitely papayagan ang anak na mag-sleepover, oportunidad rin naman nila yung makihalubilo sa kasing edad nila. Depende rin kung gaano ka-mature sa pagiisip ang anak, at depende rin sa klase ng kaibigan na meron sila.
By Jovs, at 1:36 PM, August 17, 2005
Naunahan ako ni jovs sa pagpost ng similar line: laging sinasabi ng mom ko sa amin noon, BAKIT KA MAKIKITULOG SA IBA, WALA KA BANG BAHAY. Still, I think if I had insisted on wanting to sleep over, my parents would have relented. But since alam kong di sila mapalagay hanggat di kami nakakauwi lahat, I opted to forego sleepovers and late nights. What I did instead was invite friends to sleepover sa amin--- o diba, happy compromise.
Maganda nga diyan sa NZ- kasama sa etiquette ang consideration para sa pagdarausan ng sleepover. Dito sa atin sa tingin ko expected pa rin ang may-ari ng bahay na magprovide ng beddings, pati na kutson sa nakikitulog. Sa atin kasi, parte ng pagiging hospitable yun. Ewan ko lang ngayon kung mas modern na ang pag-iisip at kanya-kanyang ambag na din.
By Sassafras, at 2:08 PM, August 17, 2005
Same here with HT. Pinalaki kami ng parents namin na marunong kumilatis ng tama sa mali. I hope I can raise my kids the same way para di ko sila po-problemahin kahit na mag-sleepover pa sila.
By jinkee, at 3:24 PM, August 17, 2005
Likewise here! Papayagan ko sila, at ten years old na siguro. I think, it is also a gauge on us parents on how effective we are in teaching them to behave good in other territory with out us watching over them. Pero di mo rin maiaalis yung mag-alala....di rin siguro ako makakatulog gaya nyo Ka Uro. Saka dapat kilala ko na decent family yung tutulugan...mahirap na, lalo dito sa Pinas.
Sige tulog na ako.....
By Flex J!, at 4:25 PM, August 17, 2005
Hi KU,
If you were to ask me kung papayagan ko ang anak ko for a sleepover, OO naman. Kaso lang, wala pa akong anak.=) I believe parents should first know what their children are capable of. If the child is responsible enough inspite his/her young age, then why not! Meron kasi ako kakilala na nalingat lang yung nanay at tatay nya, ayun! nabuntis agad!
My point is... If you feel your children are not as responsible as they should be, by all means never allow them to sleepover or do risky stuff or things. Maybe by the time they understand the word "responsible" means, so as sleeping over or freedom is.
-Jack
By Anonymous, at 8:15 PM, August 17, 2005
Alexis knows na sleepovers require TRUST. Trust hindi lang sa mga bata, kung hindi sa parents ng bata. She knows na kailangan eh kilala ko ang nanay at tatay nung kaibigan nya and vice-versa. For her 8th birthday, she chose to have a sleepover instead of a party. I allowed her to have 4 other kids in our house, and I talked to the parents myself. I set up a drop-off and pick-up time (very important!) Well, masaya naman yung sleepover, they watched DVDs, ate, played dress-up games, danced to hiphop music etc etc. Super puyat sila, as in hindi talaga natulog!!!
By Unknown, at 7:02 AM, August 18, 2005
jovs,
saya-saya niyo sigurong magpipinsan nung bata kayo.
sass,
kami man dito pag nagpapa-sleepover we provide them with kutson and bedding, etc. pero ang mga puti, don't expect that. yun nga ang maganda sa atin. very hospitable.
HT,
tagal mong nawala ha? tagal mo na rin di nagpopost sa blog mo.
jinkee,
kung tama ang pagpapalaki sa bata at masinop sa bahay (eg. hindi makalat, polite sa matatanda, etc), i'm sure di sila magiging problem sa sleep-over.
flex j,
tama nga, gauge on us parents kung tama ang pagpapalaki natin sa bata. kung well behave sila sa ibang bahay, that's a good sign.
jack,
oo nga kailangan kilala mo ang anak mo kung responsible siya o hindi at kung marunong siyang mag-behave sa iba.
may blog ka ba? ano ang url? i'm interested to read your entries.
naomi,
yan din ang sabi sa akin ng friend ko na may tatlong anak. kasi raw hindi niya naranasan ang sleepover kaya ayaw rin niyang gawin ng mga anak niya.
rhada,
hay naku, nakakapuyat talaga ang mga bata. pero bilib ako sa kanila kahit walang tulog, the following day may energy pa. anyway, i noticed sa first time lang na di sila natutulog. sa mga succeeding sleepovers, maaga na rin natutulog.
By Ka Uro, at 8:49 AM, August 18, 2005
Ano kaya ang pagkakahawig at kaibahan ng sleepover sa pajama party? Madalas may magsleepover dito sa amin pero ang mga bata ko di pa nakakasleepover sa ibang bahay nagcacamping lang kaya lang ang camping dito sa SI ang mga bata inaabot ng isang linggo at sa dulo ng New Zealand sa Stewart Island masyado kasing ang emphasis dito sa outdoor activities tuwing winter skiing naman ang activities bukod sa p. e. pa nila.
By RAY, at 9:27 AM, August 18, 2005
Hi KU,
Ala pa po akong blog ei. Actually, I was tempted for a long time now. Hmmm....Kenkoy na malungkot ang buhay ko ei. In case I decided to create a blog, you will be the one of the first ones to know.=)
Cheers!
Jack
By Anonymous, at 2:15 PM, August 18, 2005
Wala pa akong anak, but I think papayagan ko yung anak ko na mag sleepover. Ok lang as long as responsible naman yung bata at kakilala naman yung tutulugan.
By Tyler's Mummy, at 2:38 PM, August 18, 2005
As early as seven, I already experienced these activities. My mom allowed me to sleepover with my friend's house or them in our house. Yan siguro ang isang advantage ng di peborit sa bahay. hehehe
On your question, I will definitely allow my kids. It only shows that you trust them as well as their friends and it will build up their confidence.
Kaso wala pa akong anak. coming soon palang... hehehe
By Mmy-Lei, at 5:54 PM, August 18, 2005
overnight --- mas ito iyong terminong ginagamit ng mga anak ko noon, just a few years back, kapag sila ay naiimbitang makitulog para makipagbonding sa kanilang friends. hindi malaking issue ito saming mag-asawa dahil matalik din naming mga kaibigan ang mga magulang ng friends nila. kulang na nga lang e kami rin e maki-overnight/sleepover sa kanila. totoo yan, puyatan sila at hagikgikang umaatikabo. not to mention ang pagraid nila sa ref ng walang humpay o ang pagsugod ng host(yung nanay iyon of kors) sa convenient store (7-11 ang kilala dito sa pinas sympre). Naranasan ko na ring magpa-sleepover grabeng pagod ang inabot ko. d rin ako makatulog dahil sa ingay nila. at kadalasan me tawad pa kaya-- overnights. ayos lang enjoy naman sila, clean fun ika nga. para naman un sa mga bata.
kakatuwa ang blogspot mo KU kaya d ko mapigilang di makilahok. baguhan pa lang po sa ganitong medium. saya pala.
tita nancy
By Anonymous, at 12:11 AM, August 19, 2005
ang tanong kauro bababa ba ang moralidad ng isang makikitulog?kung magkaganun kung ang sagot mo ay oo-- di ko patutulogin sa ibang bahay pero kung hindi di -papayag ako.
By lws, at 2:35 AM, August 20, 2005
ako naki sleep over na ako ilang beses na siguro may 20x na mahigit di ko mabilang.
By lws, at 2:36 AM, August 20, 2005
Though I do not have kids and some people might say 'uttering is easier than doing', I will definitely allow my kid for a sleepover. I agree with you that this is one way of teaching a child to be responsible and independent..because someday, a child will leave its nest and fly on his own, so having steady, strong wings that are trained during its formative stage is a necessity..
matatalino ang mga bata nowadays. malaking bagay para sa kanila na alam nilang pinagkakatiwalaan sila ng magulang kasi minsan, mas higpitan mo, mas lalong gustong umalpas at minsan yan pa ang simula ng pagsisinungaling sa magulang..trick lang naman dyan ay to think and feel the way a child would.
ay ang haba...happy weekend to you and your family, Ka Uro!
By Anonymous, at 8:15 AM, August 20, 2005
i agree with tita nancy - it is called overnight here. whatever you call them, wala naman sigurong masama. but we should be cautious din naman, like we should be able to know the information we need in case of emergency. we should also talk to the parents, too, like what Rhada did - to establish acquaintanceship first.
this is one way of teaching kids to experience the joy being with her friends, and to be independent little by little.
By bing, at 6:28 PM, August 20, 2005
Payag ako. Nung bata ako ginagawa ko rin ang sleepover, Masaya at magandang experience para sa mga bata. - Donald
www.donaldshow.com/powert3io
By Anonymous, at 10:53 PM, August 20, 2005
Hello KU,
Dito sa Canada very common din ang sleepover. When the time comes papayag din ako na mag-sleepover ang anak ko sa mga magiging friends n'ya. For now she will be sleeping under my roof.
By Ladynred, at 12:06 AM, August 21, 2005
dito po sa amin sa Riyadh, lalo na po sa mga Filipino families, common din po ang sleepover..haayyy..sana ma-approve ang apply namin dyan sa NZ in the near future..
By Adolf Reyes, at 8:24 PM, August 12, 2010
Post a Comment
<< Home