Salo-salo sa PinoyAtbp!!!
PAGKAIN ang current topic. Isa nga ako sa mga natokang magsubmit ng post. Basahin niyo ang post ko doon, pati na ng iba pang fellow bloggers. Lahat tungkol sa pagkain.
To give you a better introduction about PinoyAtbp!!!, eto ang sabi ni TeacherSol. (Mam, pakopya ng intro mo, ha. Galing e.)
ETO NA ANG...PINOY atbp!!!
Isa na namang makabuluhang blog ang aming binuo ng mga fellow bloggers at blogger friends ko. Hindi naman masasabing basta-basta ang aming blog na nai-launch na kahapon; isa ito sa mga paraan upang pagyamanin ang mga nabubuong pagiging magkakaibigan sa blogosphere ng mga Pinoy bloggers na naninirahan na ngayon sa iba't-ibang bansa. Isa rin itong magandang gabay para sa mga Pilipino na nais mamuhay sa ibang bansa, o sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na may mga legal na problema tungkol sa mga naiwang ari-arian sa Pilipinas. Magandang ideya, di ba?
Updated ito halos araw-araw ng mga sikat na published writers, at mga writer wannabes (tulad ko, hehe). Sana naman mai-link ninyo rin ang aming community blog sa website ninyo, at silipin nyo rin paminsan-minsan ang mga nakakatuwang pagbibigay impormasyon namin tungkol sa maraming bagay na dapat nating malaman sa pagiging Pinoy.
So ano pa ang hinihintay ninyo? Halina sa PinoyAtbp!!!
6 Comments:
Congrats! galing galing naman!
By JO, at 11:04 AM, August 26, 2005
yum yum! Mabasa nga. Ay teka KU, ano nga po ba ulit email addy ninyo? Di ko na-save eh - sowi. May e-email lang po ako sa inyo :-).
Hava great week-end!
By Anonymous, at 5:47 AM, August 27, 2005
Congratulations to you and the rest of the crew, specially to the one who spearheaded the blog site! Kakatuwa ang pagkakaisa ng mga bloggers!!
By Unknown, at 7:28 PM, August 27, 2005
Hi KU!
Dami mo nang fans dun sa section mo. (hehe, daming comment). Maghain ka na ng kape at pandesal na mainit dun at makipaghuntahan ka sa kanila :)
By Anonymous, at 12:25 AM, August 28, 2005
Congratulations. Pagkain sarap!
By Ladynred, at 5:04 PM, August 28, 2005
Go ahead Ka Uro, walang kaso sakin yan basta ikaw! Natawa ako sayo, nagmamadali ako nang isinulat ko yan nagustuhan mo pala, mas maganda talaga magsulat sa Tagalog, hane?
By Teacher Sol, at 1:45 PM, August 30, 2005
Post a Comment
<< Home