mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, March 17, 2005

Isang paraan ng pagpunta sa NZ

Magkano na ba ngayon ang halaga ng pagpapa-aral ng kolehiyo sa Pilipinas? Kahit rough estimate lang ng mga pangkaraniwang courses – nursing, engineering, medicine, law, commerce, etc.

Kaya ko naman ito naitanong kasi gusto kong ikumpara ang gastos dito sa NZ. Student visa kasi ang isa sa pinakamadaling paraan ng pagpunta dito sa NZ. Kung may pera kang pang-tuition sa mga unibersidad dito at ikaw ay tanggapin nila, automatic kang mabibigyan ng visa ng NZ embassy. Hindi naman kahirapan ang entrance sa mga unibersidad dito. Ang isa nga lang sa mga requirements ay ang hinayupak na English test. Pwede itong kuhanin sa Australian Embassy sa Makati.

Iniisip ko kasi kung may kamahalan din lang ang pantustos ng kolehiyo sa atin, tapos pagkagradweyt naman ay walang siguradong trabaho, bakit hindi na lang dito sa NZ mag-aral? Sigurado akong mas mahal dito pero mas malaki ang chances na makapag-trabaho pagkagradweyt. Kung hindi ako nagkakamali, ang tuition dito ng isang international student sa loob ng isang taon nasa $10k hanggang $15k.

Actually, kung ako ang tatanungin, mas maganda dito ang mga vocational courses o blue-collar jobs. Maiksi lang kaya mas madali ring makatapos at makapag-trabaho. Matataas pa ang mga sweldo. Pati nga ang pagputol ng mga puno pinag-aaralan pala. Ang tawag nila sa mga taong ganito ang hanap-buhay arborist. Mahal maningil ang mga arborist. Nung minsan nga nagpa-quote kami para i-trim ang isa naming puno, i-trim lang ha, ang quote sa amin $800! Yun naman electrician namin naglagay lang siya ng sampung powerpoints at tatlong ilaw, $1500 ang siningil niya! Yung handyman na gumawa ng kitchen renovation namin, $250 per day. At yung hairdresser namin, $100 to $300 ang haircolor with hairstyle.

Ano ba yan? Mali yata ang propesyon ko. Makapag-aral na nga ng pangungulot.

7 Comments:

  • Naisip ko rin yang paglilipat ng propesyon. Alam kong magiging mas maliit yung sweldo ko kung magiging tagakulot ako halimbawa pero mas madali naman ang trabaho at yung sasahurin naman ay magiging sapat pa rin para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kaso nga lang, ngayon ay nag-iipon din kaming mag-asawa para makapamili na rin ng sarili naming bahay kaya malabong lumipat ako ng propesyon sa lalong madaling panahon.

    By Blogger Gabeprime, at 5:16 PM, March 17, 2005  

  • Bako kami tumulak papunta dyan sa Auckland (matagal pa yon), mag-e-enroll ako sa Ricky Reyes Fashion School. Walang biro, matagal ko nang pinag-isipan yon. Ipagpapalit ko ang pag pindot sa keyboard ng computer sa paghawak ng gunting at nailcutter.

    By Blogger jinkee, at 2:15 PM, April 06, 2005  

  • That's true...ako pumasok dito international student 2 months lang inasikaso ang papel ko,after 8 weeks ng pagdating ko dito, kinuha ko ang mag-ama ko as my dependent. Then naghanap ng work offer ang asawa ko. Kaya ngayon sa house na lang ako at ako na ngayon ang dependent sa husband ko na may work permit na two years, and we are working on our residensy. Kaya lang pagdating mo dito at ganito ang estado mo maraming baon na datung at dasal ang kailangan.kami wala kaming perang dala....idinaan sa dasal...matinding dasal.

    By Anonymous Anonymous, at 7:28 AM, June 28, 2007  

  • Ka uro question lang po. Gusto ko po sanang kumuha ng english course na 6 months, passport ko lang po para makapasok ng NZ at makapaghanap ng trabaho na legal. Sa tingin nyo po ba ay makakakuha kaagad ako ng trabaho na later on ay macoconvert ko sa working permit? Salamat po.

    By Anonymous Anonymous, at 9:59 PM, July 26, 2010  

  • Depende sa skills set at qualifications mo. I suggest mag-try ka muna mag-apply online sa seek.co.nz. If you get positive feedback, it's a good indication na madali kang makakahanap ng work. Otherwise hindi ganon kadali makahanp ng job offer especially kung wala kang work permit.

    By Blogger Ka Uro, at 10:20 PM, July 26, 2010  

  • Thanks po Ka uro. Last question na lang po. Since allowed po mag part time work ang students under 6 months english course, possible po ba na yung employer nila from that said part time job, ma iconvert sa working permit? 8 years po ako as an international flight attendant and 2 years nag self employed, hindi po pasok ang skills ko sa shortage list, wala din po bang assurance ang pagpasok ng NZ as a student to get a permanent job?

    By Anonymous Anonymous, at 4:06 AM, July 27, 2010  

  • yes posible ma-convert ang student visa to work permit. although mahabang proseso. employer must prove to Immig that they made an effort to look for locals first, by advertising the position in newspapers. there is no assurance to get a permanent job. swertihan lang din. yung iba they come here with a work permit, pero hirap pa rin makahanap ng permanent job.

    By Blogger Ka Uro, at 8:35 AM, July 27, 2010  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker