Weird Tag
When COB tagged me to list down 5 weird habits of mine, matagal akong nag-isip. Mahirap pa lang isipin ang ating mga ka-weirduhan. Eventually, I was able to come up with 5. Kaya nga lang puro about food. Here, it's up to you if you want to digest them. hehe.
Weird habit number 1: Weird siguro ito kasi di naman talaga sanay mag chopstick ang mga Pinoy, pero ako mas enjoy akong kumain using a bowl and chopstick. Of course, may mga ulam na di pwede sa chopstick tulad ng fried chicken o baboy na inihaw. Kapag ganun ang ulam, masarap naman magkamay.
Weird habit number 2: When eating fish such as bangus, my favorite part is its head. I slowly eat all the soft parts of the head including the eyes, until finally only the skull is left. Then I finish it off by sucking the brains.
Weird habit number 3: When eating fried chicken, my favorite part is the ass. I don’t suck it, you silly!
Weird habit number 4: Sa pamilya namin hindi ito weird, but some people think it is so. Kapag kumakain kami ng paksiw na isda hindi kumpleto kung walang katernong scrambled eggs.
Weird habit number 5: Another weird family habit. We have a preferred way of eating lechon. Tatadtarin namin ang lechon with the laman and balat together into tiny pieces tapos ihahalo sa umuusok na kanin at mantika ng lechon at bubudburan ng asin o patis. At tapos hahaluin at lalamasin ng kamay hindi sandok o kutsara. Mas masarap daw kasi kapag kamay ang ginamit (hindi paa. hehe). Tapos ihahain ang hinalong kanin at ulam sa dahon ng saging. Hala! Lamunan na!
Pass ko naman ang tag na ito sa 5 blog friends na ito, para malaman ko kung ano ang mga ka-weirduhan nila. Analyse, Glo, Huseng, Kathy, and Kuya Rolly.
10 Comments:
Yung Nos. 1,2,3& 5 mo parang sa amin din at sanay akong makakita ng ganyan sa mga kasama ko, pero yung paksiw na may scrambled egg...yan medyo weird sa kin..hehehe ngayon ko lang nadinig yan.
Medyo marami palang similarities tayo sa pagkain...makikikain na lang ako sa inyo minsan....*wink*
By Flex J!, at 5:26 PM, January 23, 2006
yung #5 mo nung binabasa ko feeling ko parang ako yung aatakehin sa puso.... heheh.
By Sassafras, at 6:50 PM, January 23, 2006
hehe weird ka nga ^_^ umamin hehe..kase baligtad tayo sa no.1 mo,ako naman matagal na dito sa japan pero di masyadong gumagamit ng chopstick, pero yun ang ginagamit ko pag nagluluto(yung medyo malaki ha) haha...tapos yung no.3 mo pareho tayo(but i dont suck too^_^)kulit ko?Ka uro bigyan ko ng time to ha..meron pa kase ko isang tag eh.
Thanx...
cheers,
-kathy-
By Kathy, at 12:15 AM, January 24, 2006
Ka uro magandang araw po, comment ko lang okey pa ang 1, 2 , 3 .minsan ginagawa ko din yun ha ha ha, weird din pala ako,yung 4 di ko pa nasubukan, kasi ang partner ko sa scrambled egg ay pickles, weird ba to? pero yung 5 parang di ko yata makakain ang halo halo he he he, yun ang weird!
thanks,
Monna
By Anonymous, at 2:03 AM, January 24, 2006
Hmmmm. mukhang gutom ka na. Puro tungkol sa pagkain ang entries mo.
By jinkee, at 6:26 PM, January 24, 2006
huh, naglaway tuloy ako...
di pa naman ako nag-almusal, makauwi na nga at makapagluto.
ang sarap na ka-weirduhan eto :D
By nixda, at 8:08 PM, January 24, 2006
Ka Uro, paborito ko rin ang ulo ng bangus, sa fried chicken naman paborito ko ang wings, hehehe.
God bless!
By Unknown, at 8:22 PM, January 24, 2006
Daig mo pa pala ang pusa kapag kumain ng bangus, KaUro. =p Pero masarap nga "daw" ang mata ng isda. My labidabs also eats fish eyes... di ko pa rin gustong subukan. Hehe!
Nakakagutom yung #5 ha!... pero agree with Sass, mukhang kailangan i-Ajax power clean ang arteries pagkatapos kainin ang lechon ng ganyang klase ha! =)
By Jovs, at 12:40 AM, January 25, 2006
super relate ako sa n°2 hehe. weird ba yun? ngek, akala ko normal lang hehe, sarap kasi.
mission accomplished na po si ako.. ;)
By Analyse, at 5:15 AM, January 25, 2006
Salamat sa Tag Ka Uro! Medyo nahirapan akong mag-isip - dahil hindi naman natin nakikita yung ka weirdohan natin. niweys, sinagot ko na yung tag doon sa blog.
By Huseng Busabos, at 11:55 AM, January 25, 2006
Post a Comment
<< Home