mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, January 10, 2006

Of Names and Nicknames

Mauro ang firstname ko, kapareho ng aking ama. At dahil Junior ako, “Jun” naman ang nickname na nakalakihan ko. Nung magkolehiyo ako, dahil sa dami ng mga Jun, “Jiggs” ang naging nickname ko sa barkada.

Bakit nga ba ganoon? Sa Pilipinas mahilig tayong gumamit ng mga nicknames. Yung firstname natin, ginagamit lang ng ating mga magulang kapag pinapagalitan tayo. Dito sa NZ, hindi uso ang paggamit ng nicknames. Lahat dito first name basis ang tawagan. Kaya nga dito kung dalawa ang pangalan mo at ang una ay “Maria”, asahan mo “Maria” lang ang itatawag sa yo. You might as well forget about your second name. Sa office, “Mauro” ang tawag sa akin. Kapag nagpapakilala ako sa iba, “Mauro” din ang pangalang ibinibigay ko. Si Jun at si Jiggs naiwan na sa Pinas.

Wala naman akong complain sa pangalan ko and I also don’t mind when some people make fun of it. When someone says “give it to Mauro”, it sounds like “give it tomorrow”. I sometimes butt in and tell them “excuse me, but I need it today”. Most of the time, kahit corny natatawa naman sila.

Ang isa pang bagay na napansin ko, iba ang pronunciation nila dito ng mga pangalan compared sa atin. Sometimes ibang-iba talaga sa nakagisnan natin sa Pinas. Si Pareng Ruben, ang bigkas sa pangalan niya “roooo-been”. Mahaba yung “roooo” parang manok na rooster at maigsi naman yung “been”. Si Mark naman, ang maririnig mo lang “Mahhk”, walang “rrrrr”. Parang yung isang sikat na sports personality dito na si “Dean Baka”. Ang dinig ko sa TV “Baka”. Sabi ko pangit naman ng surname niya, parang hayop. E nung mabasa ko sa diaryo, “Dean Barker” pala.

Pero wala na yatang tatalo sa pangalan ng opismeyt ko. Kahit mag-hearing aid siguro ako di ko mahuhulaan ang spelling ng name niya. Sa pandinig ko ang first name niya “Nohl”, minsan pronounced na parang “Null”, as in null value or zero. Then nag-email siya sa akin at dun ko lang nalaman ang tamang spelling ng name niya. Langya, “N-O-E-L” lang pala. Napailing na lang ako. Hay naku! Mga taga-Inglatera talaga. Kung ayaw nilang bigkasin ang “R” at “E”, ba’t kaya di na lang nila ito alisin? Nililito pa tayo.

17 Comments:

  • Kung tungkol sa pag-alis ng "R" and "E", baka gusto mong basahin ang novel na pinamagatang:

    ELLA MINNOW PEE

    ni Mark Dunn. Tungkol ito sa isang mundo na unti-unting nawawalan ng letra ang alpabeto. Interesting read...

    By Blogger Jeruen, at 12:05 PM, January 10, 2006  

  • Oops,

    ELLA MINNOW PEA

    pala.

    By Blogger Jeruen, at 12:05 PM, January 10, 2006  

  • This comment has been removed by a blog administrator.

    By Blogger jinkee, at 2:39 PM, January 10, 2006  

  • Kung ang mga brits ay inuumit ang R and E, ang mga pinoy naman mahilig magdagdag ng 'H' i.e. jhun, bhoyet, bhaby, jhoey, etc. Kanya-kanyang gimik. he he he

    By Blogger jinkee, at 2:41 PM, January 10, 2006  

  • Jun ka rin pala! dami ngang Jun dito sa atin kaya Flex J ginamit ko na name dito sa blogosphere eh...para maiba ng konti.

    O sige tukayong Jun, tapos na breaktime ko eh....

    By Blogger Flex J!, at 6:00 PM, January 10, 2006  

  • architecture = ah-ki-tek-cha !

    By Blogger Senorito<- Ako, at 11:10 PM, January 10, 2006  

  • hi, ku! dito naman sa France, yong name mo ganito pag-pronounce: Mah - io- raw :-)

    Ang name na Guy (ex ate Guy) ay very common dito pero napapangitan ako sa pronounciation. "Gi" ang pagbasa nito as in ga ge "gi" go gu ng ating salitang Tagalog. :-)

    Magandang araw diyan sa inyo Ka Mauro!

    By Anonymous Anonymous, at 1:44 AM, January 11, 2006  

  • Hello Jiggs este KU hehe...ganda pala ng nickname nyo pipili nalang ako nyan ok? :)
    ako rin Jiggs dalawa pangalan ko pero pag si mama ko dati galit sa akin maging iba ang pronunciation "Enggrasya" na waaahh..matanong nga kita sa pangalang "ethel grace" pano mo kaya e create yan pag galit ka hehe...basta hwag lang may "grasya" ha baka magalit ako sayo hahaha...

    By Anonymous Anonymous, at 2:08 AM, January 11, 2006  

  • Hehehe.Korek ka Tito KU! May Maria din ako kaya nung bago ako dito and bago sa work my officemates called me Maria. Pero napapansin nila na ang tagal kong mag-respond whenever they call me by my 1st name. So I explained to them that am called by my 2nd name ever since I was born and that Maria is a common 1st name for Filipinos kaya di na ginagamit ;-)

    By Anonymous Anonymous, at 7:30 AM, January 11, 2006  

  • PS: May isa pang nakakalitong pagbikas ng name: McLeod & Murray.

    By Anonymous Anonymous, at 7:33 AM, January 11, 2006  

  • ok lang yan wag lang masamahan ng mga ngalan at apelyidong hindi dapat pagsamahin. imagine mo kung ang apelyuido mo ay go tan. di ba mas masamang pakinggan mauro gotan. tulad ng babae sa amin luz panagalan nagasawa apelyido Luz di ang samang pakinggan. LUz Luz. yong isa naman marivic napangasawa Lat. Marivic Lat. Pepe Lat.

    By Blogger RAY, at 10:19 AM, January 11, 2006  

  • Pareho ho pala kayo ng nickname ni kd, "Jigs" din sya sa mga friends nya.

    Yung friend ko family name nya Matic..pangalan nung 2 anak nya Jet at Carisse.

    By Anonymous Anonymous, at 12:29 PM, January 11, 2006  

  • so..ano na itatawag ko sayo nyan ngayon?nalito na ko..pero cute na yung K U( key yu)hehe..pag dito ka sa japan malamang k chan (as in yung unang letter lang talaga sa una) babanggitin nila!
    sige na nga mauro^_^ oops K U pala haha..
    sayonara>>>

    By Blogger Kathy, at 11:44 PM, January 11, 2006  

  • sa amin bibigkasin na Ma-u-ro ang name mo fafa KU. kung sakaling pareho tayo ng family name, sama pala pakinggan Ma-u-ro ..lla (ller) hehe

    By Blogger nixda, at 6:22 AM, January 12, 2006  

  • HI KA URO,

    d2 naman sa singapore, preho rin, walang 'R'. kaya ang car "ca". d ko na rin gamit "beth" kasi pag pronounce ng mga chinese singaporean "bert", kaya full name na lang. pati "A" di "ah". ang bank "benk", fax "fex", then pag tagal hawa na rin kami. can lah!

    By Anonymous Anonymous, at 9:01 PM, January 18, 2006  

  • Buti pala di ka napadpad dito sa Pransia, as in di mo mahuhulaan ang spelling ng bawat word nila kung ang pagbabasihan mo ay ang pronounciation. Karamihan pa, nasal words hehe...

    By Blogger Analyse, at 10:37 AM, January 19, 2006  

  • Kuya Uro,

    Di ba sa atin sa Pinas usong suso din pag Jr eh bong or bong-bong ang nickname, gaya dun sa anak ni Ferdinand Marcos, na bongbong marcos ang nagsimula daw or nag pauso nito..
    dito pala sa sydney--or marahil dyan din sa NZ... iba ang meaning nang bong sa kanila..husband ko kase bong ang nickname nya--pinagtawanan daw sya sa ofc at yung boss nya ayaw daw sya tawagin nang nickname nya, kahit daw mahirap ipronounce sa kanila yun real name ng asawa ko yun na lang daw-- eh ang asawa ko heheh di masyado sanay gamitin real name nya na "eufemio" ...heheheheh

    ngapala, sa di naka kaalam yung meaning ng bong d2 sa sydney ay "pipe" use for inhaling drugs like maryjane/marijuana...

    By Anonymous Anonymous, at 12:24 PM, December 01, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker