mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, December 19, 2005

Eto na siya. Si Pinoy Kiwi Brother

Image hosted by Photobucket.com (a big thank you to jack for designing this PKB logo)
Nung una ang tawag ko dito “Pinoyz Big Brother”, but later decided not to use PBB. Baka kasi ma-confuse ito sa reality TV show na PBB. Ang isa pa PBB has an implied connotation of heirarchy. Parang sinasabing Big ako, at Small ka naman. So finally nag-settle na lang ako na tawagin ang programang ito as “Pinoy Kiwi Brother” (PKB).

This concept or initiative came about because of a very simple concern among those who desire to migrate to NZ. Marami sa ating mga kababayan ang qualified na makakuha ng NZ Residence visa. Ang problema ng karamihan, mahina ang loob nila kasi wala silang kamag-anak o kakilala man lang sa NZ na pwedeng maging gabay o adviser nila pag dating dito. Problema nila ang humanap ng matutuluyan pag dating sa NZ. At kung may matutuluyan na, paano makarating doon mula sa airport? How does one get around in a new city? Paano sumakay sa bus? (More importantly, paano pumara? Di pwede, yung psssst!, psssst!). Saan makakabili ng Asian food? Saan pwedeng bumili ng SIM card? Paano mag-open ng bank account? Simple hurdles that new migrants will face during their first few days/hours upon arrival.

Kaya dito papasok sa eksena si Kiwi Brodah (or sistah). Si KB ang magiging guide ng bagong migrant at least during the first few hours or couple of days pagdating niya sa NZ. Para naman maiwasan na ma-culture shock at ma-homesick si new migrant or Pinoy Brodah. Siya ang magiging adviser ni new migrant. Kung kinakailangan, siya ang tutulong para makahanap ng flat/apartment na matutuluyan si Pinoy Brodah. Kung may time siya at may sasakyan, pwede na rin niyang i-organize ang pag-pickup ng migrant mula sa airport. In short, konting assistance at advice lang naman para sa bagong salta upang sila’y makapag-umpisa ng maayos sa NZ.

Sa pagkakaalam ko, sa Wellington, may grupo na ng mga Pinoy, ang WlgNZPinoys ang gumagawa nito, ang tumulong sa mga new migrants. Pero sa Auckland at ibang cities, wala akong alam. Kaya kung sa Welli ang punta ninyo, kontakin na lang ninyo ang WlgNZPinoys.

Pwede akong maging KB sa mga bagong dating na walang relatives or friends sa Auckland, NZ. But that’s not always possible. Iisa lang ang katawan ko. So naisip ko bakit hindi tanungin ang iba pang nandito na sa NZ, baka gusto rin nilang mag-volunteer na maging KB sa kapwa nila Pinoy. It’s all voluntary work. Sometime in the past may mga tao ding tumulong sa atin nung bago tayong dating sa NZ. Now, it’s payback time. Tayo naman ang tumulong sa iba. Those who are willing to be a Kiwi Brother, paki email lang ako ng inyong contact details. At sa mga kababayan natin na nangangailangan ng Kiwi Brod or Sis, mag-email na rin sa akin and I’ll do my best to match you up with your Kiwi brod (or sis). Pinoy tayo. That’s enough to treat each one as brothers and sisters.

My email: maurojean (at) gmail (dot) com.

31 Comments:

  • Ka Uro,

    Saludo ako sa idea mo. Hindi ko itinuturing itong "payback" but "pay it forward" - tulad doon sa movie.

    I'd like to help once nandyan na ako.

    best regards,
    rene navarro
    raainy2@netscape.com

    By Anonymous Anonymous, at 3:46 PM, December 19, 2005  

  • Ka uro,
    Napakaganda po ng naisip ninyo at marami kayo matutulungan, kilala na nga kayo dito sa mga pinoyz sa pinas, you're a big brother to us, nasa interview stage pa lng ako at pag dating ng time na makarating ako dyan lalapit po ako sa inyo. God bless you to your kindness.

    Regards,
    Monna

    By Anonymous Anonymous, at 4:23 PM, December 19, 2005  

  • maganda siguro gawa tayo ng asosasyon ng buong pinoy all over new zealand. North Island to South Island. gawa rin tayo ng ating blogsite kung saan ang ipopost natin lahat na article about new zealand at makakatulong sa ating mga nagbabalak magmigrate at magiging tagpuan nating mga pinoy migrants na nasa n.z.

    By Blogger RAY, at 8:45 PM, December 19, 2005  

  • Naiiyak ako sa tuwa. May God Bless you all. I hope that when I am already there also, I can do my "payback" also.

    Merry Christmas to one and all.

    By Anonymous Anonymous, at 12:46 AM, December 20, 2005  

  • KU, galing mo tlga! kudos to you! keep on helping others and He will bless you for that!

    Happy Holidays!

    By Anonymous Anonymous, at 2:48 AM, December 20, 2005  

  • Galing nyo KU..
    God Bless you richly!

    By Anonymous Anonymous, at 4:34 AM, December 20, 2005  

  • nobility springs only from good people like you... very nice idea. please pursue it. malay mo magdecide akong bigla, ikaw ang hanapin ko. pero teka munit, baka malaki ang charge ha ha

    By Blogger bing, at 11:56 AM, December 20, 2005  

  • bing,
    no charge. may sukli pa!

    By Blogger Ka Uro, at 12:44 PM, December 20, 2005  

  • bing,
    sorry, i lied. may charge nga pala. the pinoy family i helped out i charged them. isa lang ang ni-request ko sa kanila. sabi ko kailangan ipagdala nila ako ng "boy bawang" cornicks.

    By Blogger Ka Uro, at 12:48 PM, December 20, 2005  

  • ang galing KU. very helpful post. its good to know that there are groups of Pinoys there who're willing to help out mga kapwa-Pinoys na bagong dating lang. this info will sure come in handy. :)

    By Anonymous Anonymous, at 12:53 PM, December 20, 2005  

  • KU,
    Napakagandang adhikain nito. Promise, I'll do my share pag nandyan na kami.

    Merry Christmas!

    By Blogger jinkee, at 2:59 PM, December 20, 2005  

  • PS:

    dadalhan kita ng Chocnut at Boy Bawang pag dating namin :)

    By Blogger jinkee, at 3:07 PM, December 20, 2005  

  • Hi KU,

    Your sincere kindness touched my heart. You can truly bring out the best in every Filipino.=) I'm privileged to have known someone like you kahit sa blogsphere pa lamang.

    Mabuhay po kayo KU!=)

    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 4:14 PM, December 20, 2005  

  • Mabuhay ka Ka Uro...

    Regards,
    RayCer

    By Anonymous Anonymous, at 4:19 PM, December 20, 2005  

  • Ah, that is nice of you, Ka Uro, to volunteer na maging guide ng mga Filipino newbies dyan. Makakatulong talaga yan, it's very difficult kasi pag new ka sa kong saang lugar na di mo pa narating. Hay, mahirap kaya, it will help our bro. 'n sis around the world kong mayroong kagaya nyo. Sana nga sa ibang bansa may mga ganong ka bait and matulungin sa kapwa. I'd help if I know one is new, no question ask as long as I am able to.

    By Anonymous Anonymous, at 5:52 PM, December 20, 2005  

  • Hi Ka Uro,

    It's good of you to initiate this move. Isa kang tunay na Pinoy na may magandang kalooban. I'll surely gonna contact you once na papunta na ko diyan. I just submitted my ITA last 29 Nov. I already received the acknowledgement. Yun nga lang, mga 3 to 6 mos daw ang processing. Ganun ba talaga katagal? I'm currently here in Sydney. Pagdating ko dito, saka naman dumating yung ITA ko sa Pinas. Nainip na kasi ako sa Pinas. Kaya I decided to go to Sydney. I'm a student here.
    Merry Christmas. Mabuhay ka....bella

    By Anonymous Anonymous, at 6:13 PM, December 20, 2005  

  • KU
    Salamat ng marami sa pagtulong nyo sa aming mga andito pa sa pinas. Pag andyan na kami tutulong din kami pramis! :)
    To Atoy,
    Maganda din ang ideya nyo- na magkaroon ng asosasyon ang lahat ng mga pinoy dyan pati na rin yung blogsite. Malaking tulong yan para sa lahat.

    Mabuhay kayo!

    By Anonymous Anonymous, at 6:55 PM, December 20, 2005  

  • Hello Tito Ka Uro,

    Ang galing nyo naman, libre pa. Sana marami din mag volunteer anoh para matulongan naman ang kapwa pinoy.

    While I was reading on your entry I thought may business ka na jan, akala ko meron ka nang agency.

    By Blogger Maria Angelica, at 7:21 PM, December 20, 2005  

  • ka uro, maraming salamat po. ako ay isa sa iyong mga natulungan sa proseso ng aking pag-aaplay.

    ngayon pa lang mag-oorder na ako ng boy bawang sa aking estudyante. sa kanila iyon e.

    maligayang pasko.

    mayie

    By Anonymous Anonymous, at 8:29 PM, December 20, 2005  

  • mabuhay ka fafa KU! bihira ang pinoy na katulad mo. kung bukal sa puso ng isang tao ang pagtulong sa kapwa, siya ay pagpapalain ng Dakilang Lumikha. di lang pala sa panahong ito ninyo ipinadarama ang tunay na diwa ng pasko, araw-araw pasko pala dito.

    Frohe Weihnachten!

    By Blogger nixda, at 10:11 PM, December 20, 2005  

  • Long live KU! The peace crusader!!

    May your tribe increase!!!

    By Blogger Flex J!, at 10:30 PM, December 20, 2005  

  • KU, bow po ako sa inyo. This is bayanihan at its best. Sana marami pa kayong maisip na magagandang bagay...at alam ko mas lalo kayo pagpapalain ng Panginoon...

    Hmmm...KU, KB na rin hehehe

    By Blogger Bluegreen, at 10:56 PM, December 20, 2005  

  • Hi KU,

    PS...BTW, I would like to offer my service in creating a logo for PKB. My profession nga po pala is a Graphics Designer. I will email you my design within this week.

    Mabukay po kayo ulit!=)

    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 10:57 PM, December 20, 2005  

  • Hi KU,

    PS ulit...=) It's a free service that I offer nga po pala.=)

    Cheers!=)
    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 10:59 PM, December 20, 2005  

  • Ka Uro, that's a very cool idea. It shows how real a person you are. Saludo po ako sa initiative nyo.

    Maligayang Pasko po sa inyo at sa inyong pamilya!

    By Blogger Analyse, at 11:34 PM, December 20, 2005  

  • Ka Uro,

    Thanks for responding to GODs's call of helping others. He will reward you sa lahat ng kabaitan mo. I'm still on my EOI stage. Nag coconsolidate pa ako sa lahat ng mga papers ko just in case ready na for lodging.

    By Anonymous Anonymous, at 3:42 AM, December 21, 2005  

  • Grabe Ka URo...hats off!!!

    By Blogger Unknown, at 6:28 AM, December 21, 2005  

  • rene,
    oo nga dapat pay forward nga pala. hope to get in touch with you once you're here.

    monna,
    good luck sa interview at sana magkita tayo dito sa nz.

    kiwinoy,
    napakaswerte ng mga welli bound pinoys at marami kayo diyan na tumutulong. sana mapalaganap natin ang bayanihan pati dito sa auck at sa iba pang lugar.

    atoy,
    i think darating din tayo sa stage na yon. kailangan lang umpisahan paunti-unti.

    banjan,
    asahan ko ang tulong niyo kapag andito na kayo.

    pobs,
    thank you at happy holidays din sa inyo.

    ethel,
    thank you. maligayang pasko sa iyo.

    pao,
    thanks

    jinkee,
    ok ang chocnut, peborit ni fidez yon.


    jack,
    salamat. sabihin mo lang kung kelan ka paparito at kung kelangan mo ng kiwi brother.

    sige email mo sa akin ang logo. i never thought of that. pero ok nga siguro na i-display dito sa blog ko.


    raycer,
    same to you.

    jane,
    don't worry. pinoys here are generally helpful especially to their kababayans.


    kadyo,
    meron ako nung talent and time, pero kulang din sa treasure. hehe.


    ana p.s.
    i know it is hard to go to a place where you know no one. ganyan kasi ang nangyari sa amin nung first time kami dito. hopefully, our pinoy brothers and sisters wouldn't have to go through that difficulty like we did.

    bella,
    3 to 6 months, sandali lang yon. at least nasa sydney ka na pala. ganun din ako noon. i went to the states habang naghihintay ng result ng application. tama lang yang ginawa mo.

    sxyfreak,
    hope you get in touch with you kapag andito na kayo.

    maria angelica,
    wala akong agency. i'm just doing this because i enjoy meeting our kababayans.

    mayie,
    dagdagan mo ang boy bawang. pati mga ka-opismeyts kong puti nagustuhan. maligayang pasko din sa iyo.

    neng,
    madami din naman pinoy ang matulungin sa kapwa. sometimes they just don't know how.

    flex j,
    thanks.

    blue,
    bayanihan does not have to stop once we are already in another country, di ba?

    analyse,
    thank you at maligayang pasko din sa yo , sa french hubby mo, at kay bebe.

    anonymous,
    good luck sa application mo. just one step at a time.

    rhada,
    thanks

    ke elyong,
    mayor? di ko kaya yon. baranggay captain na lang. hahaha

    By Blogger Ka Uro, at 11:49 AM, December 21, 2005  

  • orly,
    thanks.

    By Blogger Ka Uro, at 9:14 AM, December 22, 2005  

  • This is an inspiring idea. Ang galing!!!

    2 reasons for this message:
    1) I'd like to volunteer as a Kiwi sistah pag dating ko diyan sa Auckland. We are still here in Wellington and relocating at the end of January 2006. Wala akong masyadong alam sa pasikot sikot but I can offer my house doon sa bagong dadating. May sister is on the ITA stage na rin (paki pray naman na ma approve) and hopefully will join us here soon.
    2) Hingi ako ng tulong sa iyo Ka Uro to help me integrate sa pinoy community diyan sa AKL.

    Email kita in private nearer our relocation date.

    Beng W.
    Wlg,NZ

    By Anonymous Anonymous, at 7:03 PM, December 22, 2005  

  • Hi Ka Uro,

    Natutuwa ako't tuloy tuloy na ang una nating na pag usapan sa pinoyimmigrants.com, maasahan mong sasali ako dyan kung loloobin ng Dios na makarating ako sa NZ. maarami pa akong plano, saka ko na ilalabas pag talagang tuloy na tuloy na!

    Mabuhay ka KU!!!!!

    Happy New Year mga Kababayan!

    regards,
    Kabayan of PinoyImmigrants.com

    By Anonymous Anonymous, at 2:00 AM, January 10, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker