Life is just a phase you're going through...you'll get over it.
I started blogging December last year. Malapit na pala ang 1st anniversary ng blog na ito. Binilang ko lahat ng posts ko.
I guess my interest in blogging is waning off. Or siguro dahil wala na akong maikwento. Naubusan na siguro ako ng kuro-kuro. Or maybe I’m just going through a certain phase in a blogger’s life. So far I've experienced a number of varied emotional phases during the short time I've been blogging. Ano-ano ba ang mga phases na ito? Eto basahin niyo. See if you yourself have gone through any of these phases.
Dear Diary Phase
During this phase, unsure pa ako kung kaya kong magsulat, kaya ang mga topics ko were mostly intended for myself alone. Walang particular audience. Ang aim ko sa pagsusulat para lang i-put into writing ang mga experiences ko, views, core beliefs and opinions about certain things in life.
May mga taong bumibisita na sa blog ko during this phase. Nakakatanggap ako ng mga comments na nakakataba ng puso at akin naman ikinatuwa. Sa phase na ito una kong na-realize na hindi na pansarili ang mga sinusulat ko, may audience na pala ako.
Dito sa yugtong ito, I discovered the joy of intercourse. Hindi po sex ang ibig kong sabihin, kundi yung interaction with other bloggers. They visit my blog and they leave comments, tapos ako din I reciprocate. Pinaligaya nila ako, ako rin pinaligaya ko rin sila. Hehehe. During this phase, nagbago ang istilo ng aking pagsusulat dahil alam kong may audience na ako. Instead of writing for myself I was writing for others. My main purpose was to to move them, to make them laugh, to elicit reaction and feedback from them. And the more people I have intercourse with, the more satisfied I become.
Addicted to Blogging Phase
Most times of the day and night preoccupied ang isip ko kung ano ang susunod kong post. Lahat ng links ko sa ibang bloggers I see to it na pinapasyalan ko at nag-iiwan ako ng comments. Na-ha-high ako dahil sa dami ng nakaka-intercourse ko. Manyakis ako! Pag-gising sa umaga blog kaagad ang pinupuntahan, sa opisina ganun din at pagdating sa bahay blog pa rin hanggang bago matulog. Pati missis ko nakalimutan ko na dahil feeling ko kakaiba ang enjoyment sa blogging. During this phase I felt compelled to write kasi feeling ko parang may responsibilidad ako sa aking mga mambabasa. Kailangan ko silang aliwin, paligayahin. It’s also during this phase that I thought of the blogging world as utopic.
Nung una lahat gusto kong ka-intercourse, walang pinipili. Then unpleasant things happen and opened my eyes na meron palang ibang bloggers na hindi dapat kinakama. I realized that the blogosphere is not a perfect universe after all and in fact it is but a reflection of the real world. Parang promiscuous sex din pala. Sa umpisa masarap and you think you are invincible at hindi ka tatamaan ng anumang sakit. Then all of a sudden you feel sick. Ganun din pala sa blogging. Sa phase na ito umpisa nang nabawasan ang interest ko sa blogging, dahil hindi pala lahat masaya dito. May lungkot din pala.
Enlightenment Phase
Naligaw ako ng landas. Akala ko ang blogging ang magbibigay sa akin ng tunay na kasiyahan, fulfillment at purpose sa buhay. Hindi pala. Napagmuni-muni ko na napabayaan ko pala ang aking mga mahal sa buhay. Physically kasama ko sila, pero mentally nasa cyberspace ang aking diwa. Ngayon alam ko na. Blogging should just be a hobby. Pasttime lang. Dito sa phase na ito natutunan ko nang i-detach emotionally ang sarili ko sa mga nangyayari sa blogosphere and I don't feel compelled to write anymore. Dahil gaano man kadami ang mga naging kaibigan ko sa blogging, the fact remains, we hardly know each other, and that it’s still my family that’s more important and will always remain dear to me.
Ano naman kaya ang susunod na phase? Or is it just cyclical? O baka Terminal Phase na? O baka naman nagme-menopause na ako?
31 Comments:
hi ka uro,
tama ka, phasing lang nga ang blogging... i think i am in between the 'addicting to blogging' and 'lost of innocence' phase right now.
but, you're right, we shouldn't neglect the most important people in our lives... that's our family!
nagrereklamo na itong asawa ko, blog lang daw ako ng blog. ano nga ba daw ang napapala ko dito? :-)
By JO, at 4:29 PM, November 14, 2005
Nice one KU. Ako naman, blogging is just an expression. Mas gusto ko nga sana anonymous lang ako eh..but some know me already, which is I guess okay din naman. At least you know I'm a real person. Dumating din ako sa time na na-adik sa blogging...not the writing per se but bloghopping I suppose. And time came yung interest is waning na rin. But I guess I will always go back to check. Afterall, yung blog ko is just a trial. I don't know how long it will last but then, as long as it's there, then am still blogging hehehe
By Bluegreen, at 6:27 PM, November 14, 2005
Pangarap ko kasi noon talaga maging writer sa school paper pero i never auditioned...chicken!
By Bluegreen, at 6:28 PM, November 14, 2005
KU,
I always visit your blog. May entry ka man o wala, it feels nice to see how your blog-friend is doing.
May isang nagtanong sa akin kung may magkaka-interest daw ba sa blog nya if she ever starts one. Ang sabi ko naman, may nagbo-blog para ma-appreciate ng audience nya, at meron namang nagsusulat dahil gusto nyang i-archive ang mga experiences nya. Which ever the case, masayang itong balikan after sometime.
Sana mahanap mo ulit yung 'spark' sa pagbo-blog.
By jinkee, at 8:26 PM, November 14, 2005
Nice on KU....
Siguro nasa lost of inocence phase na rin ako dahil sa mga di inaasahan discoveries dito sa blogging...
Anyways...just keep on.andami mong na-inspire magblog and would you believe that includes me....it somehow created a spark within me to contribute to others through writing with reminders of the WORD...
smiles..
--jun--
By Flex J!, at 10:12 PM, November 14, 2005
164 posts?! wow..that's quite a lot! =)
ako ewan, sometimes i don't feel like posting an entry, but i do enjoy bloghopping, reading posts of fellow bloggers! =)
By Anonymous, at 11:15 PM, November 14, 2005
welcome back ka uro. yan ang next phase mo. he he he.
anyways i agree on what you said about your loved ones. given some moderation, after you have done your share in the household. then like what i have done, when they are sleeping i hug the keyboard.
my hope and wishes you stay blogging cause you are "the" good guy.
By UNCLE FOTO., at 12:53 AM, November 15, 2005
Hi KaUro! Ang masasabi ko lang, I enjoy reading your blog, and I'd be sad if you will stop blogging permanently. Then again, it's something that only you will have control of diba, and something I reckon you should act on based on yourself - not others.
As for myself, I only write kung nasa mood. Ha ha ha. Wala kasing lumalabas kung hindi ganado eh.
Oh well... hope your week has started out right and good. Ingat!
By Jovs, at 1:03 AM, November 15, 2005
meron ding PHASE OUT. like me, 2x na akong nag-phase out. kasi lagi akong napapahamak sa blog ko. una sa kompanya ko. 2nd sa lovelife... but blogging is one habit i cant get rid of, no matter what.
By Anonymous, at 2:44 AM, November 15, 2005
sana walang terminal or last phase. i guess its but a cycle. a cycle that when you go back to the first phase, you're but a better person, a better and matured blogger.
i remember going through all the phases you've enumerated to the extent that i almost thought of parking my keyboard and kiss blogging goodbye. but as i assessed myself and once again asked why i started blogging in the first place, i realize that i should continue.
we blog to express and certainly not to impress nor oppress anyone. the friends we gain are what i would consider as bonus or perks of blogging. and these perks, just like in our work, are but one of the reasons why we chose to stay. so it's a cycle isn't it?
By darlene, at 5:16 AM, November 15, 2005
Tamang tama po kayo mang KU. Oks lang ba bigyan kita nga assignment? Ito po ang tanong "What's the similarity between a journal, a diary and a blog?"
Is that an interesting question?
By Raquel, at 6:44 AM, November 15, 2005
pahabol po...nakakataba puso pag may nag cocomment sa posting natin. The readers help me to write too. Believe it or not, nuon I don't know how to write kahit isang sentence lang.
By Raquel, at 6:50 AM, November 15, 2005
JO,
parehong-pareho ng reklamo ni jean. bakit daw ako nagaaksaya ng panahon sa blogging? hahaha
bluegreen,
i think ok lang na mabawasan ng interest sa blogging. minsan kasi napagisip-isip ko masyado siyang time consuming na.
jinkee,
it's people like you that keeps the "spark" in me to write. it's a nice feeling to be appreciated.
flex j,
i appreciate your kind words. and you may not be aware of it but just as i inspired you, you too inspires me.
pobs,
enjoy nga ang bloghopping, but dangerous too. i attributed my "lost of innocence" to bloghopping. dun ka kasi nakakabasa ng mga bagay na di kanais-nais at minsan dahil sa mga comments ko sa iba na for me harmless naman, pati ako tuloy napapahamak. o well, ganyan talaga siguro ang buhay maging dito sa mundo ng blogging.
air m,
thanks for that, but don't look at me as "the" good guy because it implies that there is/are bad guys. let's just say everyone has the capacity to be good guys. ingat ka, huwag mo na silang patulan.
jovs,
thank you. don't worry i won't stop blogging. it's people like you that inspires me to keep on keeping on.
nam,
welcome to my house. is this your first time to post a comment here? siguro nga may phase out. hahaha. so napahamak ka rin pala sa lovelife mo? ako rin eh.
darlene,
siguro nga walang terminal phase. siguro hibernation phase lang paminsan-minsan. i like what you said about cycle, but being a better person the next time around.
raquel,
thanks for the assignment. hindi trick question ito ha?
By Ka Uro, at 9:34 AM, November 15, 2005
KU kailan natapos utopic stage nang mapaltan ng utotic stage:)
Nang dahil sa utot nagumpisa ang lahat. Doon nawala ang innocence ng mundo. doon nagkaalaman na may gustong umamoy ng ating utot at mayroong ayaw tumanggap.Kaya sa mga taong umuutot ng sala (gaya ko) mamili ng lugal na magsasabog ng inyong samyo. baka kasi maiflush kayo sa inidoro.ku huwag mo flush comment ko.Pinadala ko na sa iyo Itlog at Bakat pati si S.C. at si Robin n Richard. Wag mong pagtabihin dalawa dating nagaway mga yon nagsuntukan sa Star Olympics dahil kay Sharon.
By RAY, at 11:53 AM, November 15, 2005
Ay, oo nga itong pag ba-blog hay, talagang it should just be a hobby, kasi nakaka interfere sa tutoong buhay, at sa personal life natin. Mapabayaan ang pamilya, lalo na kids for some of us who has little kids. I got into it Feb 2004, I think, at naku! Talagang it made people that I need to pay more attention to neglected. Sabi nga ng husband ko, people use it for blabbering, yang sinasabi na di totoo kung di to rub someone's nose off, sa mga this 'n that successes and good life nila, yon ang openion ng husband ko. Ako naman eh inisip ko na lahat ay telling the truth and not just showing off, pero who knows really. Ang importante na walang personalan daw. A blog is a place to blurb. I don't blog very often anymore either, twice a week is more than enough. I enjoy blogging/journaling as a hobby, my past time din. Nice ang post mo na ito, to the point.
By Anonymous, at 1:07 PM, November 15, 2005
Mang KU, di yan trick question, yan sana ang topic ko ngaun pero nung pumunta ako dito kanina, naisip ko na ikaw nalang mag explain. Kahit ako, nalilito din. Medyo parehas lang ata ang meaning.
Bumisita pala ako sa pinoy at iba pa. Nakita ko yung article mo dun. Galing mo sumulat.
By Raquel, at 3:39 PM, November 15, 2005
atoy,
langya ka sumakit ang tiyan ko sa katatawa. galing mo talagang magimbento ng mga salita. "utotic" - very original! hahahaha.
ana,
in some ways may point ang hubby mo but it also depends on how we receive a message. maaaring successes and good life ang topic ng post. for some pagmamayabang lang yon. pero sa iba they'll look at it as inspiration para sila din gayahin nila. so it depends on the person. take care of your kid and hubby. huwag silang pababayaan. di bale nang pabayaan ang blog.
raquel,
o sige pagiisipan ko yung assignment. it's funny you say na magaling akong sumulat kasi i don't think of it that way. bakit? kasi i read your blog and other people's blogs too and i find you and they write very well too. siguro kanya-kanyang style lang ng pagsulat. for the purist i'm definitely a bad writer because i can't write consistently in one language. but i don't care what others say. for me it's more important that i convey my ideas well. kung mas madali sa tagalog e di tagalog, o kaya taglish.
By Ka Uro, at 4:01 PM, November 15, 2005
Hello Ka Uro,
I read almost all of your blogs.. nakakatuwa.. sometimes nakaka-relate ako, minsan naman wala lang, natutuwa lang ako.. napaka-realistic ng mga blogs mo.. here i learned all about going to NZ, pinoyz2nz groups na napaka-supportive.. kind, always ready to help with their own special way. siguro kung ganito lahat ng tao sa mundo, smooth sailing siguro ang buhay buhay natin.. am really glad my friend forwarded this to me.. More power po Ka Uro and to everyone in pinoyz2nz.. GOD bless everyone!
By Anonymous, at 7:57 PM, November 15, 2005
Amen na lang ako sa sinabi ni faffi Kaddi! haba eh (mababatukan na naman ako nito) :D
By nixda, at 5:41 AM, November 16, 2005
One of the reasons I frequent your BLOG ay dahil nasisiyahan akong basahin ang inyong mga kuro-kuro. And sana ay patuloy pa rin akong mabasa ng iyong mga kaisipan sa mga darating pang mga araw. Huwag kayong bibitaw Ka Uro!!!
By Unknown, at 6:25 AM, November 16, 2005
In behalf of the the Pinoy Bloggers that you have inspired to enter this crazy , zany , funny, entertaining, parang reality tv mundo ng blogging I would like to confer you the honorary title of the "Dean of Penoy Bloggers". By the power vested in me of the constitution I also confer to you the honoraray degree of Doctorate in Blogiology, honoris casua for doing so much in this Penoy blogging world. Congratulation Doctor Ka Uro! you are no longer a professor but a dean, you are no longer a programmer but a ph. d. Ngayon kung doktor ka na libre na siguro ako sa bus diyan sa auckland kasi ikaw nagtitiket sa mga sasakay.Oki doki doc!
By RAY, at 9:05 AM, November 16, 2005
Ka Uro, great post!
I know you're going through another phase in life. ... I always hope the best in you
something fun in the blogsphere life :) God Bless
()
° )
_ )I´--.
==(o)=´
-------------------------
.() ()
( °o° )
(,,) _)l´--.
o)===(o)=´
-------------------------
...() ()
(´( °o° )
,-)___) l´--.
´=(o)===(o)=´ Ethel
By Anonymous, at 11:43 AM, November 16, 2005
fafa KU,
Additional po sa phases nyo.
Sabbatical Phase - This is the phase that you need to rekindle your life and priorities.
The following scenario fits for this phase.
-Wifey/Husband gets angry/jealous
-Troubles on your deadlines at work
-Lost track of time on your dates
-Neglecting your health
-Bloggers bites you
I am on this phase now! You encouraged me before not to shut off my blog during those dark days with one of the fafa's. Thanks for that, im not gonna shut it off, im enjoying my vacation.
Maybe you need this phase but come back soon…hahaha… You have lots of responsibilities here in blogsphere.
By Mmy-Lei, at 8:20 PM, November 16, 2005
Ka Uro,
I hope you won't stop blogging.. nakakalungkot naman.. very informative ang writings mo.. keep up the good work Ka Uro.. We're always here smiling while reading your blogs.. =)
By Anonymous, at 9:36 PM, November 16, 2005
Hi Ka Uro,
Actually, i was surprised when i read your new post..i told myself na-"kaya pala bihira na mag post ng notes c ka uro kac dumating na yung time sa kanya na, kailangan nya ng i-prioritize yung mga dapat unahin nya" or whatever..
i remember u when i joined backpack, bago pa lang ako nun sa forum na yun, and that was the time that we had the interview scheduled in Bangkok, i was looking for someone who can help me na pwede kung maging character reference who is already in NZ ...and then all of a sudden may isang tao na sumagot sa plea ko..and that was u!... i was very happy that time , sabi ko sa sarili ko, "grabeeh may tao pa palang ganun na very much willing to help. you gave also your phone number..tinawagan pa nga kita just to confirm kung totoo nga(medyo hindi pa nga ako naniwala kaya tinwagan kita kagad) pero luckily i get in touch with u..so totoo talaga! :)....you send me an email pa nga about your site and tips on interview....grabeeh sobrang very helpful po talaga kau sa amin...from that time i always visited your blogsite, i really learned a lot ...i just hope na sana tuloy-tuloy pa rin ang pag-post nyo, kahit hindi na madalas..
one more thing nga pala.before i forgot....pati sa friendster i also invited u, and i was glad that you accepted my invitation....
salamat sa lahat ng tulong...hope to c u in NZ! :)
jane
By Anonymous, at 10:47 PM, November 16, 2005
KU, babalik din yang hormones mo sa pag blo blog. Like u said, it's a hobby, kaya yung interest mo is weather-weather lang.
Saka dami mo nang fans, isa na ko dun :)
By Tanggero, at 2:43 AM, November 17, 2005
Hi ka-Uro. I can see myself in these descriptions og phases in a blogger's life. You hit it right to the bone.
By Anonymous, at 4:09 AM, November 17, 2005
kadyo,
isa ka (at si ann) ang mga tinuturing kong kapatid dito sa blogging. don't worry di pa naman ako titigil. medyo binawasan lang ang oras sa blogging at nagbago ng priorities sa buhay.
siguro nga dapat dalawa tagboard. kakainis ang shoutbox, parating down ang DB server nila.
flordeliz,
i appreciate your kind words. really helps me keep going.
neng,
sino bang nambabatok sa yo? sabihin mo sa akin. si atoy ba?
rhada,
alam mo, ikaw at ang neighbor mong si thess nahihiya ako sa inyo kasi andalas ninyong mag-iwan ng comments dito pero ako nakakaligtaan kong magcomment sa mga bahay ninyo. pasensiya na. minsan kasi wala na akong time, pero i assure you i see to it na bumibisit ako sa inyo at least once or twice a week.
atoy,
ikaw sobra nang parangal yan ha? kaya lang may problema, wala yatang konduktor ang mga buses dito. wala tayong mara-racket niyan.
ka elyong,
tama ka, mid-life crisis nga. kahit pala sa blogging may ganyan din. parang ikaw, musta na ang mid-life crisis mo?
ethel,
thanks and God bless you too.
mmy lei,
ay totoong totoo ang lahat ng mga ni-lista mo mmy. di ka pa ba babalik from your sabbatical? miss ka na namin eh.
kiwinoy,
yaan mo mararanasan mo rin yan lahat. and good luck. sana yung maganda lang ang maranasan mo at hindi yung mga di kanais-nais na bagay dito sa mundo ng blogging. baluuut!
filip,
thanks for the million piso kind words. really appreciate it.
jane,
salamat sa pag-comment dito. oo i remember you. musta na ba ang application nyo? i hope everthing's okay.
tanggerz,
kung fans kita, fans mo rin ako di mo ba alam. i liked your lighthearted approach to blogging. napaka-kwela kaya siguro wala kang nakakatalong ibang tao.
major tom,
thanks for the comment. i remember when i was still new to blogging during my "being appreciated phase", you were one of my very first commenters who made blogging really fun for me. it was a great honor for a blogger like you to visit my site.
By Ka Uro, at 8:47 AM, November 17, 2005
Good morning Ka Uro.
I'm glad at natatandaan nyo pa ako :).....until now we're still waiting for our visa, medyo matagal mag-assess ngayon ..i'm praying po talaga na sana dumating na.....
jane
By Anonymous, at 2:11 PM, November 17, 2005
tama ka sa 'yong tinuran
By lws, at 6:58 AM, November 19, 2005
hahaha...sobrang late ko na fafa KU! dami ko na-miss dito sa mga posts mo, hehehe...
kakatuwa tong post mo, different phases...
wag namn terminal, panget pakinggan, hehehe...
o sige po, basa pa ako ng iba...
DOPS
By RAV Jr, at 9:09 PM, November 28, 2005
Post a Comment
<< Home