mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, October 10, 2005

I'm back!

Kahapon lang kami nakabalik sa Auckland. 5AM ng umaga nung dumating kami. Pagdating sa bahay diretcho sa bed at antok na antok kami kasi di kami nakatulog sa plane. Okay naman yung trip from Manila to Auckland. Although parang ang haba ng trip namin kasi nag-overnight pa kami sa Brunei. Imagine Friday kami umalis ng Manila nakarating kami sa Auckland Sunday na!

We left Manila Friday 5PM via Royal Brunei Airways. Manila to Brunei only took 1.5 hours. Gabi na nang dumating kami sa Brunei kaya kinailangan namin magovernight sa Brunei Hotel. I was very impressed with the service from RBA as well as Brunei Hotel. Sarap nga ng complimentary breakfast sa hotel. Ang ganda-ganda pala ng Brunei. Spotless! Linis talaga. Malinis pa nga kaysa sa NZ. Walang masyadong tao kaya hindi crowded at wala ring pollution. Parang NZ din. Eto post ako ng isang photo of a mosque near the Brunei Hotel were we stayed. Sabi nila totoong Gold Plated yung mosque na ito.

Image hosted by Photobucket.com

Short muna ang post ko today. Medyo may hangover pa ng vacation eh. I’m also still catching up with all emails. Imagine pagbukas ko ng inbox ko, 2300 new messages! Pasensiya na kung di ko mabasa lahat at di ako makapag-reply sa mga emails at comments ninyo. Kung may importante kayong email during the past 3 weeks paki re-send na lang at baka kasi na-delete ko.

Thank you to everyone who visited and left comments and messages here while I was away. Missed all my blogging friends. I'll make up for lost time, promise.

13 Comments:

  • ang tagal pala ng stopover nyo. kasali na rin ba yong accomodation sa hotel sa binayaran nyo sa airline. at least nakarating ka sa isang place na hindi mo pa nakikita. maganda malinis mayaman kung di ako nagkakamali yan dati ang may pinakamataas na per capita income kasi mayaman sa langis tapos kokonti ang tao. naalala ko tuloy sabah. kung sa pilipinas kaya yon mas maganda kaya ang buhay nating mga pilipino sa sariling bayan? welcome back!

    By Blogger RAY, at 3:46 PM, October 10, 2005  

  • Ka Uro welcome back po. Ingat po kayo lahat dyan :)

    By Blogger Unknown, at 5:27 PM, October 10, 2005  

  • Hi KU,

    Welcome back po!!!

    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 6:44 PM, October 10, 2005  

  • hi fafa KU,

    wow exciting na ang bakasyon sa pinas exciting pa pag-uwi. ganda naman ng mosque nayan. im sure hang-over to the max ka pa. but im waiting for the post esp pictures sa pinas.

    Welcome back.

    By Blogger Mmy-Lei, at 6:49 PM, October 10, 2005  

  • Welcome back KU. Akala ko dadaan ka dito sa Canada para ibigay ang pasalubong ko. Ay! biro lang ...

    By Blogger Ladynred, at 8:48 PM, October 10, 2005  

  • glad you and your family are safe and back in NZ..

    welcome back, Ka Uro :)

    By Anonymous Anonymous, at 11:45 PM, October 10, 2005  

  • Hi Ka Uro,

    I like reading your blog and I can say ngayon lang ako nakakita ng blog na very informative. Yours and other NZ-Pinoy blogger's are one in sharing valuable information about many things specially on NZ life. Pinagkaisahan nyo ba (mga Pinoys in NZ) na maging informative lahat ang blogs nyo? hehehehe...

    Sorry for posting here pero ito yung sigurado akong latest na part ng blog mo so kahit hindi karapat-dapat eh nag-post na rin ako para itanong ito.

    I'm seriously thinking about trying our luck in NZ (kaya napadpad ako sa mga blogs ninyo). However, my wife was recently diagnosed to have Type II Diabetes. Will this negatively affect our chance of having our application approved? Puede ba humingi ng payo kung ano ang dapat gawin? pls email me at nojzh(at)yahoo(dot)com, kung hindi makakaabala sa inyo.

    Thanks a lot!
    -NOJZH

    By Anonymous Anonymous, at 12:55 AM, October 11, 2005  

  • hi ka uro, glad to see you back online...

    By Blogger JO, at 9:35 AM, October 11, 2005  

  • atoy,
    next time sa SG naman mag-stopover para painumin ni Tanggerz. Sa Brunei maganda pero walang beer o alak.


    ghie,
    thank you.


    kadyo,
    ok talaga yung sidetrip. sayang overnight lang kasi. masarap mamili ng ginto doon para din diyan sa saudi.


    jack,
    thank you.


    mmy lei,
    try ko mag-post the pictures next time kahit konti lang ang mga shots na kuha ko.


    agring,
    next year sa US/Canada naman siguro ang vacation namin. tago ko muna yung pasalubong ko sa yo. dalhin ko na lang diyan next year. eng-bee-ten na hopia.


    thess,
    thanks


    NOJZH,
    sige email kita.


    settejr,
    sinabi mo pa. imagine, 50kg (110lbs) halos ang total weight ng mga pinamili! muntik nga kaming mag-over sa bagahe.


    jo,
    thanks.

    By Blogger Ka Uro, at 12:03 PM, October 11, 2005  

  • Maganda pala ang Brunei eh? Ganiyan din ang nangyari sa akin noon, pero sa Doha, Qatar naman. Last summer papunta ako sa Vienna, 6:45 am umalis ang Qatar Airways puntang Doha from Manila. Dating sa Doha 10:45 am. Eh ang connecting flight is 1:45 am the next day. So ayun, hotel na maganda, tapos very fascinating ang mga minarets and the scenery. And the food was heavenly. Sayang, 15 hours lang...

    Welcome back,
    LIW

    By Blogger Jeruen, at 3:06 PM, October 11, 2005  

  • Hi KU,
    Glad that your back. Miss na namin ang entries mo =) Gano katagal ang Brunei stopover? Nakapaglibot ba kayo?

    By Blogger jinkee, at 3:22 PM, October 11, 2005  

  • jinkee,
    overnight lang ang stopover namin. the following day 11am pinik-up na kami ng shuttle para ihatid sa airport kaya di kami nakapaglibot sa brunei. naglakad-lakad lang kami sa mga nearby buildings na malapit sa hotel namin. dami rin nga kaming na-meet na pinoy na nagwowork sa brunei. yung isa nag-wowork sa isang jewelry shop, kaya ayun nabentahan tuloy ng isang bracelet si jean. ok na rin kasi maganda naman ang ginto doon sa brunei at totoong 22k.

    By Blogger Ka Uro, at 3:52 PM, October 11, 2005  

  • Wow. Namiss ko tuloy yung Brunei. Anyway, good to know you're back.

    By Blogger Gabeprime, at 4:46 PM, October 13, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker