mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, September 08, 2005

Paano Nagumpisa ang Empire ni Ka Uro

Napanood ko nung isang gabi ang The Apprentice. Yaman talaga ni Donald Trump ano? Ilan billion kaya ang halaga ng Trump Empire? Marami ang di nakakaalam, meron ding Ka Uro Empire. Paano ba ito nagsimula? Ano ba ang naging unang trabaho ni Ka Uro? Magkano ba ang sweldo niya sa kanyang first job? E nung makarating siya sa NZ, ano ang unang trabaho niya at magkano ang sweldo niya? Gusto niyong malaman? Pwes basahin niyo sa aking artikulo "First Job Never Dies" sa Pinoy Atbp, at i-share na rin ninyo ang mga hekspiryens ninyo sa first job. Totoo lahat ang sinabi ko, except itong tungkol sa aking empire. Magkakatotoo lang ito pag tama ko sa lotto sa Sabado ng $14.5 million.

13 Comments:

  • KU,
    Real Estate venture dati ang mga pinasukan niyang si Trump. Ngayon pati Media at beauty contest nakasangkap na rin siya. lalo ng gumanda ang exposure niya kasi patok ang kanyang T.V. show na The Apprentice" tapos maganda rin ang rating ng Miss U.S.A. at Miss Universe. Suwerte talaga niya mapera na marami pang hawak na seksi at magagandang babae. Sino ba yong nagpost tungkol sa "Some Guys Have All the Luck" si Air M. yata kung meron ganyan si Donald Trump ang magqandang halimbawa.

    By Blogger RAY, at 8:59 AM, September 08, 2005  

  • mildred,
    balato ha pag nanalo ka. hello din kamo kay nao.

    atoy,
    si fafa kadyo ang nagsulat nung "some guys have all the luck". yung may picture pa nga yung post niya nung daga na nandun sa pagitan ng dalawang bundok.

    By Blogger Ka Uro, at 9:32 AM, September 08, 2005  

  • Baka sa pangalan nagmumula ang suwerte ngalan ko ngayon Don Atoy TRUMP in honor of Donald and may E.T. elephant trunk na parang TRUMPeta ng elepante. Ikaw kaya KU magpalit na rin halimbawa Ka Urockefeller baka sakaling parehong tayong magiging multimilyonaryo ng New Zealand (Trump and Rockefeller I believe are from New York o ito ang kanilang base ng kanilang empire).Headline from New Zealand Herald: Don Atoy Trump and Ka Urockefeller buys Casino Girls Strip Club and Candy's Brothel

    By Blogger RAY, at 11:25 AM, September 08, 2005  

  • hi ka-uro musta na? mag ba blog ka pa ba pag nanalo ka sa lotto? ako pag nanalo ako di na ako mag ba blog for sure yan kasi nasa prayer ko talaga ang manalo ng malaki magiging busy ako as "anonymous" na mamimigay" ng kunting blessings

    By Blogger lws, at 7:25 AM, September 09, 2005  

  • Hi KU,

    Pag nanalo ka sa lotto wag mo na ako balatuhan. Pautang na lang po ng puhunan.:)

    Have a nice weekend!

    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 4:00 PM, September 09, 2005  

  • kadyo,
    di pwede yung balak namin ni fafa atoy diyan, baka kami mapugutan ng ulo.

    j,
    maganda nga yang naisip. para kang si ginang milyonarya. magblo-blog pa naman siguro ako pag nanalo ako ng lotto. pagagandahin ko itong site ko. tapos every week magpapa-raffle ako sa lahat ng bumisita sa site ko. ang first prize plane ticket. ayos ba?

    jack,
    walang problema. yung lang pala. basta huwag mo kaming kumpitensiyahin ni atoy, ha?

    By Blogger Ka Uro, at 4:16 PM, September 09, 2005  

  • KU,
    May 2 akong na-recognize sa entry mo. Una yung tannery. Taga-guiguinto ako at parang malapit lang sa school ko yung pinasukan mo. Pangalawa, yung taga-Mapua na nag-gasoline boy. Mukhang ka-klase ko yon nung college. Is there a letter 'S' in his name?

    By Blogger jinkee, at 8:41 PM, September 09, 2005  

  • jinkee,
    kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nung tannery, IPC (International Products Corp). yun naman taga-mapua, walang letter 'S' yung firstname or surname niya. and also he's about 35 years old now.

    By Blogger Ka Uro, at 8:47 PM, September 09, 2005  

  • KU,
    Yung tannery na nga na iyon ang natatanaw ko from my school. Sayang di ko nakita pano ka magsampay.
    Halos ka-age ko yung taga-mapua na sinasabi mo. Di man sya yung classmate ko, baka nakikita ko sya sa school.

    By Blogger jinkee, at 10:10 PM, September 09, 2005  

  • Hello,

    Isang pangungumusta lamang mula sa isang kapuwa Pinoy na wala sa Pinas. I just hit "next blog" at yung sa iyo ang pumatak.

    LIW

    By Blogger Jeruen, at 7:05 AM, September 11, 2005  

  • Hoy baka ikaw ang taga Auckland na nanalo ng Lotto balato naman.sa Amigo binili sa Mt. Roskill 15.2 million ang premyo pinakamalaki sa history ng lotto ng NZ. Tapos yong 1 million na side draw ba yon sa Glenfield binili ang tiket.

    By Blogger RAY, at 7:52 AM, September 11, 2005  

  • eksakto nga don atoy dahil sa glenfield ako nakatira. problema nakalimutan kong bumili ng ticket.

    By Blogger Ka Uro, at 7:57 AM, September 11, 2005  

  • Salamat sa komento at sa link. Ni-link din kita. Babalik ako. Sa uulitin.

    LIW

    By Blogger Jeruen, at 12:35 PM, September 11, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker