mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, September 05, 2005

Feeding your Kiwi Guests

May request sa akin si Senyang na mag-sulat tungkol sa mga gustong pagkain ng mga Kiwi. May mga bisita kasi siyang darating from NZ.

Actually madali lang naman i-please ang mga Kiwi. Mas madali ngang i-prepare ang mga pagkain nila. Hindi tulad ng mga pagkain natin na de-putahe at preparation pa lang aabutin na nang siyam-siyam. So here are some tips on what to prepare and also what to avoid if you want to impress your Kiwi guests.

Breakfast
Kung tayo mahilig sa heavy breakfast na may sinangag, fried eggs, tocino, fried fish, kamatis, etc., sila hindi. The simplest breakfast you can prepare is what they call continental breakfast. Pinaganda lang ang name pero actually, cereals lang at fresh milk. Pwede mo rin dagdagan ng toasts at butter. Kung medyo galante ka bacon, ham and fried eggs idagdag mo. For drinks, coffee or tea or orange juice. Yung mga Kiwi, they like to add milk to their tea. At ang milk nila dito sa NZ yung fresh milk. Hindi sila gumagamit ng evap na nakalata.

Lunch
Madali din mag-prepare ng lunch para sa mga Kiwi. Usually, light lang. Hindi heavy na tulad natin. Sandwiches lang okay na. Kaya lang yung sandwiches nila dito malalaki at maraming sahog na salads na tulad nung mga tinitinda sa Subway Restaurant. Para mas madali, dahil alam ko naman na mahal din ang mga fresh salads sa atin, pwede na rin ang hotdog sandwich. Fried, grilled o kahit na-microwave na sausages lang tapos tinapay na pinahiran ng spreadable butter okay na. Yung iba gusto rin samahan ng fried onions at lagyan ng ketchup. Nga pala, try the Heinz or Del Monte ketchup. Huwag yung UFC. Matamis kasi yung UFC at hindi sila sanay doon.

Kung gusto mo pwede rin magluto ng french fries (chips ang tawag nila dito). Make sure damihan mo kasi yun ang ginagawa nilang kanin. Yung isda kung magluluto ka tanggalin mo ang ulo at tinik. Ayaw nilang nakikita ang ulo ng isda or any animal na tulad ng lechon baboy. Cruelty to animals yon para sa kanila. Very gross para kanila yung ugali nating sinisipsip ang mata ng isda. Kaya kapag isda usually fillet na.

After lunch, offer them some desserts and coffee or tea. Usual desserts nila could be cakes, ice cream, fruits or fruit salad. Ang fruit salad nila, sari-saring chopped fruits (watermelon, melon, oranges) na pinagsama-sama lang. Hindi tulad sa atin na may gatas at pinalamig pa.

Dinner
Eto ang pinaka-heavy meal para sa kanila. If you want to serve some starters bago yung mains you can start with soup. Corn soup or seafood chowder soup are common. For the mains the safest to prepare is anything meat that is grilled on the barbecue. Slices of pork, beef, chicken or lamb or sausages. Hindi mo na kailangan tuhugin, extra work lang yon. Kailangan lang malalaking slices. And if you're going to marinate the meat, huwag masyadong maalat, matoyo o matamis. Bland ang panlasa nila di tulad sa atin. Kung chicken, I suggest lutuin mo muna slightly sa oven bago mo i-barbecue. Kasi kung barbecue lang hindi maluluto ang loob. Sa steak naman, yung iba gusto yung rare o medium rare na mamula-mula pa ang gitna. Better ask them first how they like their steaks.

With the meat, gusto nila ang fresh salads na may dressing na nabibili naman sa mga supermarket. Magbukas ka rin ng corn at green peas na nakalata to add some color on the table. If you want to serve rice, okay din. Otherwise dagdagan mo ng chips and bread and butter.

The other variation from barbecue is roasted beef or pork. Roast the meat in the oven. Then slice it into thin strips na parang ham to serve. In the oven, mag-roast ka rin ng buo-buong patatas, kamote, at gabi. Kahit di balatan ang patatas at kamote okay lang basta hugasan mo lang mabuti. When they eat the patatas and kamote, they sometimes like putting some butter on it.

With their dinner plates, they normally use fork and knife. Yung iba nga di marunong gumamit ng spoon.

If you’re feeling sosy, magbukas ka ng wine. The rule of thumb is white wine kung white meat like chicken, fish or pork ang ulam. Otherwise red wine kung red meat tulad ng steak. Make sure you use proper wine glasses. Hindi kasi magandang tingnan kung may wine ka nga tapos ordinary drinking glasses or plastic cups naman ang gamit mo.

After the mains, serve the usual desserts then coffee, or tea.

Eto naman ang mga dapat tandaan especially if you’re serving Pinoy dishes. Nasabi ko na sa itaas yung fish na dapat walang ulo. Don’t serve any exotic Pinoy dish like dinuguan, pinapaitan or anything with animal internal organs. Avoid serving anything that is fatty or high in cholesterol. For example yung pork chop na makapal ang taba. O kaya ang bulalo na may lumulutang pang utak at mga buto-buto. They are not used to anything na may buto-buto. Dito kasi sa NZ, yung mga buto-buto na ginagawang bulalo sa Pet Food Section ng supermarket kang nabibili. Avoid soup dishes like sinigang, tinola or nilaga. They are not used to eating rice na binabad sa sabaw. You can serve lumpiang shanghai and pancit. Alam nila ito. But try to avoid adding shrimps kasi some Kiwis are allergic to it. Huwag din lalagyan ng mga atay at balumbalunan. No, no yon. Tahong very common dito. Kaya pwede itong isang putahe.

Merienda
Madali lang, coffee or tea at biscuits lang. Anything heavier than that is already a main meal.

I hope I've given you an idea of what food Kiwis like at makatulong ito sa pag-entertain sa iyong mga guests. Kung nahihirapan kang magpakain sa kanila, dalhin mo na lang sila sa Mcdo o KFC o kaya umorder ka na lang ng pizza.

18 Comments:

  • Hi KU,

    Parang nakakapagod mag prepare ng food ng mga Kiwi KU. Sa atin kasing mga pinoy, isang ulam lang talo-talo na. Minsan nga kahit tuyo o itlog lang oks na.=) Yung kinakain nila for dinner usually kinakain ko lang pag may special occasions- pag birthday ko at pag pasko lang *hu-hu--* (Nag drama! hehehe...) Sa bagay, sanayan lang naman ang lahat. Kailangan sanayin ko na rin kumain ng steak! Kailangan kahit pati Bonifacio day kakain narin ako nun!=)hehehe...

    Anyways, very informative ang entry mo KU. Ngayon alam ko na ang mga taboo sa mga Kiwi when it comes to what they eat.

    Have a good week ahead KU!=)

    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 9:46 PM, September 05, 2005  

  • Nakup, karibal ko pa pala yung mga aso dyan sa buto-buto. KU, balita ko mahilig din sila sa ice cream. How about fast foods like BigMac? Bumebenta ba yon dyan?

    By Blogger jinkee, at 10:46 PM, September 05, 2005  

  • PS: see you sa MegaMall.

    By Blogger jinkee, at 10:46 PM, September 05, 2005  

  • jack,
    actually mas madali ngang i-prepare ang pagkain nila if you compare it sa mga de-putahe nating dishes like menudo for example. mura kasi dito ang beef at chicken. mas mahal pa nga ang tuyo kasi imported. kaya kami namang mga pinoy dito kapag special occassion lang nakakakain ng tuyo.

    jinkee,
    yap click din ang mga bigmac at ang ibang fastfood chains like pizza hut, burger king, kfc. hope to see you too at megamall. basta may naka-shake hands akong may kuntil ang kamay alam ko na kung sino yon. :)

    By Blogger Ka Uro, at 10:54 PM, September 05, 2005  

  • Mga kaupsina ko noon ang hilig pag lunch (sa opisina) ay yung sandwich na may alfalfa sprout, tomato, shrimps at avocado. Halos everyday yoon ang tsinitsibog ng mga loko! Hindi ko nasubukan ilagay sa sandwich yung avocado, para kasing weird dahil sanay tayong kainin yun as dessert. Dinner naman, veggie dips while waiting for dinner to be served, soup, then lamb chops or steak (medium-rare) with chips (fries) or pandelemon, and mixed steam veggies (carrots, pipino, sitaw, bataw, corn). Alam mo miss ko dine, yung tahong dyan sa NZ. Tarangya, $4.00 isang dosena dito ang frozen NZ mussels while it's $1.50 a bucket dyan sa Countdown (ganoon pa rin ba kamura, KU?).

    By Blogger Huseng Busabos, at 6:18 AM, September 06, 2005  

  • Korek Ka diyan Ka Uro - mas madaling ma-please ang kiwi guest and madaling magprepare ng dish. Sa pInas kse pag bisita dpat 2-3 ulam tapos each food eh very cumbersome ang preparation e.g. menudo, afritada, embutido, etc. Ang Kiwi, masaya na ng fried chicken, tinapay na may butter at pinaghalo-halonh green veggies. Although unsolicited advice for Senyang...kung andiyan sa Pinas ang guest maybe it pays na may isang Pinoy dish na ihanda. Probably the Kiwi guests would like to have an idea kung ano lasa ng Filipino dish.

    So far based sa experience ko, ang big hit talaga sa mga Kiwi friends ko eh adobo - pero yung hindi gaanong maasim (i just either lime or lemon) at medyo tuyo ang pagakaluto - hindi lumulutang sa sabaw.Okies din ang afritada (same, hindi lumulutang sa sabaw). At oo nga pala - pancit or dried sotanghon! Naku - mabentang mabenta sa kanila ang dried sotanghon ko hehehe.

    By Anonymous Anonymous, at 6:54 AM, September 06, 2005  

  • HB,
    $1.99 na ngayon ang mussels. tumaas na rin. although kung masipag ka may mga pwedeng puntahan at ikaw na ang kukuha.

    correct ka rin don sa veggie dips, example carrots at asparagus. kya lang baka mahal sa pinas yon.

    trotsky,
    tama yung sinabi mo na mag-prepare din ng pinoy dish kahit paisa-isa. at yung mga adobo, afritadam, etc, dapat di lumulutang sa sabaw. yung adobo huwag lalagyan ng atay or internal organs at huwag lumulutang sa mantika.

    By Blogger Ka Uro, at 9:01 AM, September 06, 2005  

  • Ewan ko lang diyan sa Auckland pero dito maraming mga bano sa pagkain palibhasa siguro galing sa mga farm. Hindi kilala yong mga dessert sa atin tulad ng leche plan, broken cathedral, brazo de mercedes at iba pang kayang lutuin ng hipag ko. Kontyento na sila sa kanilang pavlova (meringue na pagkaing pambata sa atin)at mga cake na kung ihahambing mo sa Goldilocks walang panama. Mas sophitiscated ang taste natin kaysa sa kanila siguro dahil mas maraming kultura tayo naexpose kaya mas marami tayong alam na iba't-ibang putahe.

    By Blogger RAY, at 9:11 AM, September 06, 2005  

  • atoy,
    mukha ngang mas sophisticated sila dito sa auckland kesa diyan sa gawi mo atoy. pero mas sophisticated pa nga rin ang taste natin. siguro dahil sa vetsin. :)

    mildredworld,
    ay di ko masasagot ang tanong mo, kasi di ko alam ang canadian culture. ikaw nga diyan ang makakapagsabi dahil nasa canada ka. ano ba'ng mga pagkain ng mga taga riyan?

    By Blogger Ka Uro, at 12:27 PM, September 06, 2005  

  • Ka Uro, you're right... ang simple lang pakainin ang mga puti. Hehehe! Very true yung point mo about "headless, tail-less" fish... ha ha ha. I remember a time when I brought home a fresh barramundi from the market, and in the course of preparing it got a bewildered look from my then housemate. Ang tanong ba naman sa akin "what is that???" Eh ako naman medyo na-confuse, what does he mean what is that???... sabi ko "what else would you call this, it's fish! haven't you seen a REAL one before???" *poinks!* Mweheheh! May iba namang quite adventurous... I've served kare-kare and sinigang na rin to my western friends. Ok naman. We have even brought some for Chinese yum-cha... at pina-try namin ang chicken feet, duck tongue, jellyfish, at kung ano ano pa. Delicioso! Haha!

    By Blogger Jovs, at 4:07 PM, September 06, 2005  

  • muntik masira ang ulo ko kakatawa about fish eyes na sinisipsip. Imagine their reaction if you do that while dining with them.

    By Blogger Senorito<- Ako, at 6:04 PM, September 06, 2005  

  • i can't help it, i shouldn't be eating now. I swear (for the nth time) to start my diet tonight. After reading your post, i cant resist my dinner... Haay!

    By Blogger darlene, at 11:01 PM, September 06, 2005  

  • hi ka uro a big thanks po...now i know what to serve them. kahiya pla mga pinag-seserve ko before sa hubby ko though kala ko di nia lng tlg type yun pla me pandidiri na pla sa tingin nia. Nasira pagiging kapampangan nmin sa pagluluto kc di pinansin. I remeber me hinanda kming relyenong bangus (syempre me ulo & tail yun) & chopsuey. Dito kc usual na sahod sa chopsuey eh atay-balunan ng manok he he he. Tama ayaw nila ng malalasang putahe. Di nila type mga menudo or masasarsa. Palibahsang konti sila kumain ng rice. Tyo kc maraming kanin & konti ulam basata malasa lol
    Thanks sa lahat ng nagcontribute...Sobra po appreciation ko.

    -SENYANG

    By Anonymous Anonymous, at 11:50 PM, September 06, 2005  

  • pinakatype ko ang lunch nila... hard to please din pala. pero sabagay kung sila naman ang magsisilbi sa isang Pinoy guests, tiyak na hard to please din tayo ha ha

    it is really a nice move for senyang to ask..

    By Anonymous Anonymous, at 1:36 AM, September 07, 2005  

  • senor,
    they don't know what they're missing. ang sarap yatang sipsipin ang mata, utak at ulo ng isda, di ba?

    nao,
    ok, pinasa ko na kay kadyo. although papaano kung hindi pala si amika ang may ganon ip address? how would you think amika would feel towards you? towards kadyo? i wish you would have gone doing this investigation in a more covert way para walang masaktan in case mali pala ang mga hinala.

    senyang,
    walang problema. it's my pleasure to be able to give you this information.

    bing,
    hard to please kasi iba sa pagkain natin. tama ganun din kung sila ang mag-hohost sa atin.

    By Blogger Ka Uro, at 8:40 AM, September 07, 2005  

  • bat nawala ang mga messages sa tagboard? talaga? ano yon sabotahe system? pinolitika ang tagboard nung kadyo? sinong nagtanggal? si German Moreno? kakabasa lang ng buong mundo iyon kanina? tapos naging anomalya? bwahahahah? sabi ko na nga sayo nao ihinto mo na ang mga gantong tag na to makulit kang sobra bakla..!

    By Anonymous Anonymous, at 11:58 AM, September 07, 2005  

  • mildred,
    that's exactly what happened. parang election din sa atin. may magic at misteryong naganap. can i just ask you a few questions? papaano mo naging suspect yung tao na yon? dahil ba nasa tagboard lang ni kadyo kaya naging suspect or is there something else you see that we don't? did that person leave messages in other blogs too? if so, nabura din ba? i'm just as curious as everyone else about this mystery.

    nao,
    i sent you an email. i can't YM at this time kasi nasa office ako.

    By Blogger Ka Uro, at 3:19 PM, September 07, 2005  

  • paki check ang iyong email Kaka Uro ayaw pinapasabi po ni Nao I will show you my blog tomorrow thank you

    By Anonymous Anonymous, at 3:40 PM, September 07, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker