mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, September 05, 2005

Useful Tip from Air Milikay

Salamt sa tip ni Air Milikay, it is now possible to trace anyone's country and ISP basta alam mo ang IP address niya. All you have to do is go to the following website:
http://www.formyip.com/ipcountry.php

Then type the IP address, for example, the IP address 208.181.68.167, then click a submit button. You’ll find out that this IP address is from someone writing from Canada. At ang ISP niya is TELUS Communications Inc.

I tried my office IP address: 202.27.76.2. Tama nga. New Zealand and ISP is Datacom Systems Ltd.

I tried the IP address of a fellow blogger from Saudi which is 212.138.64.176 and correct din. From Saudi Arabia. ISP niya is Internet Service Unit.

So next time when someone leaves you nasty comments, verify niyo muna kung saan galing. Or you might end up falsely accusing some innocent people. Thanks Air Milikay.

33 Comments:

  • Eh ako Fafa tama kaya ang isp ko sa yo. Hulaan mo nga kung sino ako. baka naman e.s.p. lang gamit mo hinuhulaan mo lang ako. Parang nataya sa lotto (Hoy laki na $14.5 million hindi na mayor lalabanan ko pag tinamaan ko Gobernador na kaagad)namamana ng tungaw. Clue. Guwapo ako, matalino, matikas, mabait, mayaman, mapagkumbaba lahat lahat ng kagalingan meron ako, at higit sa lahat hindi ako mayabang at marunong magbuhat ng sariling bangko. Kilala mo na ba ako Fafa KU. Ano ang isp ko sabihin mo nga at baka sakaling puwede kong gawing combination sa lotto at pag tinamaan ko may balato ka sa akin. Cruise around the world sa bangkang di sagwan. Deal?

    By Blogger RAY, at 10:12 AM, September 05, 2005  

  • Hello! gandang umaga po, hehehe...

    sinubukan ko yang IP ko, di nag-match dun sa sinasabi nung website na sinasabi nyo...naku, baka ako na ang nagkakalat dito blogosphere! hahaha...joke...

    anyway, totoo po sinasabi ko, kase chineck ko nga IP ko talaga sa IP na binigay sa akin dito pra maka-access ako sa internet, sadyang napakalaki ng pagakakaiba...

    bka nga magamit ko to combination sa lotto, manalo ako...





    kahit di ako tumataya ;)

    By Blogger RAV Jr, at 10:40 AM, September 05, 2005  

  • atoy,
    eto ang IP mo. itaya mo sa lotto: 219.88.50.###. XTRA/Telecom ang gamit mo di ba?


    dops,
    eto namana ang iyo 158.208.128.###. Japayuki ka pala. kunichiwa. ohayo gozaimasu.

    By Blogger Ka Uro, at 11:06 AM, September 05, 2005  

  • KU,
    Tataas naman combination hindi pwedeng panglotto parang pang sweepstakes. Tama Xtra ako. tungkol naman sa I.P. sa email ko na lang sasabihin baka matroll ako. Sabagay ako naman talaga ay isang internet turoll, troll pala ang ibig kong sabihin (he, he, kaya nga naghahamon ako ng eskrima kasi laging 2roll)Ayaw ko na baka maflag ka pero kung sakali may naghihintay na sa ating website nina Tanggerz 4 adults only.Hihintayin ka namin sa ating tagpuan, fafa at uumpisahan na natin ang tournament ng fencing. Let the game begin. Ilabas ang mga "naghuhumindig na sandata"*
    * (quotation from tabloid newspapaer na Tumbok)

    By Blogger RAY, at 11:31 AM, September 05, 2005  

  • hi ka uro,

    i tried mine, tama ang province, country at provider... pero mali ang city ko... just want you to know that its not 100% reliable...

    By Blogger JO, at 12:13 PM, September 05, 2005  

  • how do you get the ip address?

    By Anonymous Anonymous, at 12:23 PM, September 05, 2005  

  • atoy,
    sabihin mo lang kung saan, anong araw at oras, handa akong makipag eskrimahan sa inyo ni tanggerz. hahaha.


    jo,
    kaya iba city, ibig lang sabihin non yung server nung isp mo nasa ibang city. tulad nung akin. nasa auckland ako pero lumilitaw na wellington, kasi yung company server namin nasa wellington wala sa auckland.

    anonymous,
    the ip address is recorded by sitemeter. eto ang gamit ko to track the people who visit my site. yung ibang blogs iba gamit nila. yung shoutbox at tagboard ni-rerecord din ang ip address nung taong sumulat.

    By Blogger Ka Uro, at 12:46 PM, September 05, 2005  

  • Ka Uro - just to let you know na puide mag scamble and IP number??? Let me know if you can detect mine.. If you have IP checker every blog dito.. you know what I mean...

    By Anonymous Anonymous, at 1:24 PM, September 05, 2005  

  • It is me Ka Uro again.. I just wrote you 1:24pm Sept 5. 2005 - tell me my IP address ...

    By Anonymous Anonymous, at 1:27 PM, September 05, 2005  

  • anonymous,
    i don't know what you mean by scrambling the IP address. never encountered that before. in your case are you using a scrambler? if i'm not mistaken you're writing from philippines and your ISP is in the 28TH Floor Galleria Corporta Center Ortigas Center QC. tama ba?

    By Blogger Ka Uro, at 1:30 PM, September 05, 2005  

  • It was not right - First one i sent was from Germany -- second from Malaysia with the IP NUmber 219.93.174.103 and now is from Turkey.. SO I meant to say please don't just judge anyone just because someone give it to you or someone told you.. Just like what happened to Kadyo.. We can not please everyone. Any comment or nasty comment are expected sa blog. That is the reason why you ask for comments right?? So no more hurtfeeling ok.. Just an advice... I felt so bad for Kadyo.. he seems to be a nice person...

    By Anonymous Anonymous, at 1:36 PM, September 05, 2005  

  • anonymous,
    i see your point. so you're saying it is possible to mask one's ip address so it will appear that it's coming from somewhere else? if that is possible it proves then that there is reason to doubt the IP address that appears in sitemeter or whatever tool we use for tracking. if that is the case then there is no way one can be certain 100% of the identity of the commenter, does it? so either way, there can be doubt.

    because you were able to mask your ip address, you could have used atoy's ip address, left nasty remarks on my site, and caused me and atoy into a quarrel? is this possible? is this what you happens when you get trolled?

    thanks in advance for explaining these things. obviously, i still have a lot of things to learn about the net.

    By Blogger Ka Uro, at 1:53 PM, September 05, 2005  

  • ka uro, thanks for the clarification.

    tinanong ko asawa ko, network admin siya, sabi nya, mabilis lang daw ma fake ang IP address (via proxy).

    tsaka, if you use dial up, you tend to get a different IP address everytime you sign in.

    just doing my own research on this topic... medyo na intrigue lang ako. wala lang.

    have a nice day!

    By Blogger JO, at 1:56 PM, September 05, 2005  

  • anonymous,
    btw, i agree with you that bloggers should expect negative even nasty comments too and not only good ones. when we receive bad comments, there is no reason to retaliate. sometimes other people will have opposite views and opinions to ours and we should learn to accept that. and you're right we can't please everyone and that if we are not prepared to receive bad comments, it will be better for us to turn commenting off.

    By Blogger Ka Uro, at 2:03 PM, September 05, 2005  

  • jo,
    thanks for that info too. at least we're getting reliable information from experts like your hubby and improving our knowlege about technology.

    yes, i notice that too when i dial up at home. my isp assigns me a different ip address each time, although consistent naman lahat when i test it with the website i've given above.

    curious lang ako, kung talagang possible na may mag-iwan sa akin ng comment using for example the ip address 202.27.76.2. Can u ask your hubby to leave a message on my site using this ip address? if he can do that, then convince na ako.

    By Blogger Ka Uro, at 2:11 PM, September 05, 2005  

  • Ka Uro -

    That is right Ka uro everyone has its own openion so that is why sometimes it is nice to blog hopping and know to be close sa mga kababaya natin, but sometime we often mis intepret ba. Kaya me I usually stick to blog hopping not leaving a comment. Mahirap under sa matlim na dila. Kaya, kong ayaw nila mag recieve nasty comments di off nila ang comments box di ba.. Bat No offense sa mga pinoy at pinay, kasi minsa we often forgot na we are from Third world country pero payabang ba kahit na sa blog hopping.. this is the only way we can unite to each kasi not all of our family sa Pinas may pera para mag chat, so kong sinong pinoy or pinay online we want to be friend diba?? I do hope na Kadyo is feeling better...

    By Anonymous Anonymous, at 2:16 PM, September 05, 2005  

  • anonymous,
    i can relate to you. ako rin kung minsan parang ayaw ko nang mag-leave ng comments so basa na lang. madali ka kasing ma-misinterpret. me, naman, so far no one has left me any bad comment. i also think that we should trust in the goodness of our fellowmen. if they write something that upsets us i believe it is not done on purpose to make us feel bad. they are probably voicing their own opinion. and there is nothing wrong with that even if it is against our own.

    By Blogger Ka Uro, at 2:33 PM, September 05, 2005  

  • katrabaho po ako ni nao. pareho kaming magka duty. i am starting my own blog which i am not to share yet coz of what's happening here, I would rather keep it to myself muna. u were being first introduce po saikn ni naomi sometime ago, medyo hindi rin maganda yung impression coz of what u did to her. si nao po sa work tahimik, malalim namimili ng kikibuin kasi chrage nurse namin sya she's always drawing the line sa mga subordinates nya ang gusto ko lang sa friend ko na to, totoo syang tao pag galit sya vocal sya pag may na sense syang mail sinasabi nya agad straight from that persons face katulad nung ke SOL, kita ko lahat ng mga documents na pumasok sa hosted-script ni nao noon na naka-enable sa comment box nya kaya ganun na lang po ang galaiti ni Nao pinagkatiwalaan nya si SOL kasi nga po sobrang parang ang banal relihiyosong taong makipagusap sa blog pero ganun ang nangyari, i hate to say this pero kung sino pa yung maka diyos raw eh yun pa ang mapag imbot. As a friend of NAOMI nasasaktan ako sa mga nababasa ko because maling mali ang mga nasasabi sa kanya. Kung sana lang tantannan nalang po ng kahit sino ang blog nya wag nalang pasukin. I was about to comment na ang IP address ay pwedeng ibahin kahit nino, singtalino ng mga trolls ang technology ngayon. Sabi nung Kadyo hindi sya bumisita kay Nao, doon pa lang po ay huli na liar na sya. Magsinungaling ka sa singko pano pa kaya sa sampung piso? sana po nakuha nyo ang gusto kong iparating. Pakiusap nalang po, I'm standing to my friends defence, wag na lang po sanang pasukin ang "haybolz" ni Nao kung sasaksakin rin lang sya ng patalikod dahil tao lang sya para rumesbak. Salamat po

    By Anonymous Anonymous, at 3:42 PM, September 05, 2005  

  • mildred,
    salamat sa iyong comment. katulad mo tinuturing ko ring kaibigan si naomi at naiintindihan ko siya kung bakit siya nagalit sa mga taong gumawa noon. ang akin lang naman ay yung POSIBILIDAD na maling tao pala ang kanyang napagbintangan. ikaw na rin ang nagsabi na napakadaling palitan ang ip address. in other words hindi ito reliable. yun naman tungkol kay kadyo, hindi siya nagsinungaling dahil hindi siya ang bumisita doon sa time na yon kung hindi ang misis niya na mas madalas actually na naka-online pero nagbabasa lang.

    kaya nga ako nababahala sa nangyayari dahil takot na ako kahit bumisita o sumilip man lang sa haybols ni nao. baka kasi ako naman ang mapagbintangan next time.

    naniniwala akong honest mistake lang ang nangyari.

    inis din ako doon sa taong naghahasik ng masamang comments sa site ni nao na alam kong hindi si kadyo. kung maniwala ka man o hindi nag-overseas pa sa akin si kadyo para lamang humingi ng advice. ganon ba ang gawain ng isang "liar" at mag-aaksaya pa ng overseas call?

    kung hindi natin bibigyan ng kalutasan ito matitiyak kong mauulit ito dahil nandoon pa rin yung masamang tao na gumagawa nito. eventually, ibang inosenteng tao na naman ang maaaring mapagbintangan.

    anyway, sana ituloy mo ang iyong blog and don't let things like this discourage you.

    By Blogger Ka Uro, at 4:06 PM, September 05, 2005  

  • Ka Uro salamat sa pagextra mo sa akin. dumami tuloy bisita ko ng di oras.

    tagl ko nang me website noon pa mid 1990's, dami intriga minsn pero ito yatang comment na pinadala sa akin ni Harvard Dude anm me magpapaliwanag sa mga pautot ng mg a iba at pamamaril din ng iba at pagka civilisado ng marami

    best comment i have received thus far
    august 5, 2005

    We work like a horse. We eat like a pig. We like to play chicken. You can get someone's goat. We can be as slippery as a snake. We get dog tired. We can be as quiet as a mouse. We can be as quick as a cat. Some of us are as strong as an ox. People try to buffalo others. Some are as ugly as a toad. We can be as gentle as a lamb. Sometimes we are as happy as a lark. Some of us drink like a fish. We can be as proud as a peacock. A few of us are as hairy as a gorilla. You can get a frog in your throat. We can be a lone wolf. But I'm having a whale of a time!

    nag lintek naman kasi sa iba e, pagme pi nost ang mga kababayan, gusto patidin, lunurin at bugbugin and post sa blog na ari naman nung nappost. ugali kasi natin bukuhin at patunayan na mas magaling tayo.

    tignan mo nalang itong helpul information na ito na sa ordinaryong tao na gaya natin, e pwede nang maka trace. o tingnan nyo sabi nila mali daw ito, e maiwanag namang pektibo di ba? dami sugod kaagad at pinana na kaagad ang post mo.

    kung talagang katarantaduhan ang hanap ng isang malisyosong tao madami namang pinoy na james bong (bond) bong nga lang, siguro kayang itago ang kalokohan sa sci fi na scripting o ghosting. e di pag ganun demonyo na yung pinoy na to.

    pero sa common pepul, pwede na, sa akin tuwa na ako kung malaman ko sino bumabastos sa akin. so far wala pa naman. di naman nila pwedeng sabihin, mayabang ako, bastos ako, tamad ako.

    dahil guilty ako. katunayan hari nga ako. king coke po ito.

    By Blogger UNCLE FOTO., at 4:12 PM, September 05, 2005  

  • Ka Uro, thanks sa pag share ng link in how to track an IP address. Susubukan ko sanang gamitin ang IP address mo sayong shoutbox para magka-experiment kaso sumasakit na ang ulo ko dito di ko pa rin magamit ang IP mo, heheheh, joke lang po. Alam mo bang you can also track the IP address sa person na nag si-send ng e-mail sayo using the header?

    Sige ingat po kayo dyan and family.

    By Blogger Unknown, at 4:22 PM, September 05, 2005  

  • air milikay,
    ikaw talaga ang hinihintay ko kanina pa. kasi nga meron mga nagsabing hindi 100% epektib ang tip. actually, nag-research nga ako at posible nga makapag-comment ang isang tao using a different ip address that is difficult to trace. ginagamitan ito ng proxy server. pero gawain lang yon ng mga malisyosong tao, hindi ng common pepul na katulad natin.

    hinintay kita baka kako alam mong gawin ito. madali ba o mahirap? kung gusto kong maghasik ng lagim at gamitin ang ip address ni Air Milikay, pwede ba yon?

    By Blogger Ka Uro, at 4:28 PM, September 05, 2005  

  • ka uro: pwede siguro pero starwars na yun, c.i.a. siguro pwede. pero sa katunayan, sa kagaya nating ordinaryo medyo imposible siguro yun. dami ko kilala mhga i.t. pepul di nila kayang gawin yun, kelangan hacker ka na at dedicated kanang mangbastos.

    ang isp tracer e parang radar yan, kahit gano ka kataas o kababa lumipad iilaw yung mga radar e sasabihin ka kung saan ka nandun

    ok mga isp ngayun pag nag log ka meron iba huli ng number pero yung unang numero sabi sino isp mo. di ba. kung galing ka saang lupalop alam ng tracer yun. gaya ng a b c d. gahit itago mo pa hanggang z e galing ka din sa a, di ba.

    tingnan mo nalang ang mga visitor trackers na gaya ng nedstat alam nun mga yun saan ka at sinu pa ang isp mo, ito ordinaryong situasyon lang pero ordinaryo lang naman tayo.

    gaya nung mga nakaraang buan, me malisyosong ale na nagkwn, huli isp nya, sinubukan ko nga, e kapitbahay pala ni george bush yung ale. pero tingin ko baka watot nya me gawa, o baka siya rin.
    internet di tayo sigurado baka si tagpi o so meow meow ang me gawa. sa pilipinas pati multo e nagnanakaw daw, pero alam natin buhay na tao ang gumagawa. bwahaha.

    kung me gagamit ng air milikay, tanong ko lang, bakit di si ka uro gamitin mo mas popular na tao ito kesa sa akin.

    sa akin lang, yung gumagawa ng mga kalokohan, e yun mga ka emailan, kausap sa telepono, sigurado me contact na yun sa mga binastos. gaya din ng internet online gaming ang mga bumabastos e yung mga team mates, o kasangga o kaya yung mga nainsulto o nasaktan sa pagkatalo o nagawan ng kasanga

    mabalik sa tanong mo, wlang imposible di da, pero sa akin lang, it will take a lot of hatred for someone to do malicious stuff on behalf of my name, so far marunong akong mangkulam na gamit bad karma, so palagay ko yung anting anting ko o anti kulam e gumagana pa rin.

    ang masasabi ko pang huli, sa mga binastos e kilala nyo din me gawa nun o nacontact na ninyo o nakabiruan ang mga umiinis sa inyo.

    tracer o tracker mahuhuli din ang malaking isda sa bunganga. payo ko lang kung alam ninyo na isp, conting probing, kakanta din yun.

    By Blogger UNCLE FOTO., at 4:59 PM, September 05, 2005  

  • Wala akong alam tungkol diyan sa mga isp kasi nga isa lang akong magsasaka at mag-aalaga ng baboy sa atin. Pero heto ang paniniwala ko "Sana naman bago tayo mambato ng akusasyon at putik sa ating kapwa sa publiko baka naman pwedeng kausapin natin muna sa pamamagitan ng email o anumang paraan ng komunikasyon in private ang ating pinagbibitangan." Pangit kasi na mag-aaway tayong mga Pilipino dito sa blogging kasi hindi lang yong taong ating inaaway ang ating pinasasama kundi imahe nating lahat. Bawat putik kasi nating ipinupukol sa kapwa Pilipino na nabasa ng publiko ay parang inihahagis natin pataas at hindi natin maiwasang balikan o makapol din ng putik na ating itinapon. Sana daanin natin muna ang lahat sa hinahon, mabuting usapan, lahat naman sigurong bagay ay mapapag-usapan magkakalinawagan wag lang nating pairalin ang ating pride at init ng ulo. Huwag kayong gagaya sa akin na matampuhing matanda na may pagka d.o.m. pa kunin ninyo ang magagandang halimbawa at iwaksi ang masama.Sana ako ay hindi na tumawa ng hek, hek, hek na may panlilibak kungdi hik, hik, hik dahil lasing na ako sa pagdidiwang sa kaligayahan ng pagkakaisa nating mga Pilipino.

    By Blogger RAY, at 5:13 PM, September 05, 2005  

  • huling hirit... but please correct me if i am wrong... i'm not claiming to be an expert here, but here's what i gather so far...

    unless you are a professional hackers or part of any govt agencies or an international spy - you are the exception to the rule.

    #1: kung may kakilala akong taga aukland at wellington, tapos si aukland binastos ako sa blog, track ko IP add niya (like in your case), lumabas na taga wellington ang IP add na yon. Siyempre yun taga wellington ang pagbibintangan ko... which is the wrong person!

    #2: unless you are the exeption to the rule, impossibleng magamit ng isang taga canada ang IP address ng isang taga Africa or any other country. the city and province may differ but not the country.

    #3: a person can have many IP address in the following scenario: (1) if s/he uses dial up
    (2) if s/he uses company internet
    (3) if s/he uses internet cafes
    (4) if s/he uses a friend/relative's internet

    my two cents... just want to clarify na wala akong inaaway at wala din akong kinakampihan (mahirap na ma-misinterpret) at di ako expert sa topic na ito... so please correct me if I'm wrong.

    By Blogger JO, at 3:27 AM, September 06, 2005  

  • what to do if you have gotten the ip (internet addy or proto) address (internet addy or proto) of the "bastosing"

    1) write an email to the isp (internet service provider) telling/informing them of the malicious bastoszation (he he he)

    2) ban the ip address thru the tag. (go to admin page of your tag)
    most likely he will reoffend from his work (do number item 1 to his employer/work) or if internet cafe(ban, ban, ban)

    3) most bastos wants attentions so maybe write him/her a long lettah or article about him/her antics. Guarantee they will leave you alone because the thrill is gone for them

    4) most bastos are fed up of your postings specially if it is about your "good job", "your good family", "your good car", "your good fortunes" or anything that has "good" attached to it, so if they write you an uncalled for comments, write some more about that "good" thangs, and more and more, more outageous postings aboue "very good" thangs naman -they goin' away after. over the bakodan baka ke ka uro green green grass of home naman

    5) or if you a are lazy to respond with apoy, baga or ulings then develop a thicker skin, kapalan mo nalang ang balat mo at magtengang malaking kawale nalang. pag kinontra blogs nyo gawa ka nang blog na saying "putanghina at putonghama mo konti palang yanga mga yabang ko at pautot ko" hinggit ka na" - hup yours - tarantading ka, gagunggung kayo at putangloala at putong lolo mo ayyyy."

    kakatuwa naman ako ang yabang ko - wala man lang bumastos sa hakin.

    sabi ng tsimay namin e dail ansom daw hako at bery lobable daw hako, peksman sir !!

    By Blogger UNCLE FOTO., at 6:06 AM, September 06, 2005  

  • jo,
    #1 - oo tama ka.
    #2 - im not sure about this. kasi bakit si anonymous nakapag send ng comment from 3 different countries? unless exception nga siya at magaling siyang hacker.

    #3 - pwede rin daw gumamit ng proxy server na maaring nasa ibang bansa.

    appreciate your inputs.


    air milikay,
    i'll think about your suggestions. pero parang wala sa character ko ang gawin yung #3 and especially #5. kung ako siguro, silent treatment na lang ako at ignore ko na lang.

    p.s. pahiram naman ng tsimay niyo. hehehe.

    By Blogger Ka Uro, at 8:54 AM, September 06, 2005  

  • o sige na ka uro. uwian na pala, anyways kelangan natin ang mha forum na gaya nito, malaki na progressn natin mga pinoy at "give and take" ang debateh at diskusyon. walang samaan ng loob. di ba.

    madami din akong natutuhan sa mga postings na ito. salamat nga pala sa initiative mo.

    nakita nyo naman civilisado tayong lahat, pro and cons talagang ganon and istoryahan sa kanto dito. wala naman siguro tumaas ang presyon, na heart attack o napatidan ng ugat.

    sa lahat, enjoy ako sa pagbasa ng mga post nyo. o sige na mga pare at kumare. ingat kayo.

    By Blogger UNCLE FOTO., at 3:10 PM, September 06, 2005  

  • air milikay,
    true, true. there is really no reason why we can't carry on a civilised discussion. i too enjoyed everyone's input and exchanges in this particular post. mabuhay tayong lahat!

    By Blogger Ka Uro, at 3:23 PM, September 06, 2005  

  • ka uro... search mo sa google yung SurfAnonymous na application... and you are set to mask your IP address. nacurious lang ako kung posible talaga, and totoo, posible nga.

    yun lang

    By Blogger kukote, at 7:52 PM, September 07, 2005  

  • Ka Uro, pinuntahan ko yung website na ibinigay mo, mali yung ip address details ko. Ako daw ay nasa Ontario, Canada! ngek!

    By Blogger nikki, at 2:42 AM, September 10, 2005  

  • nikki,
    that's possible kung gumagamit ng proxy server yung isp mo. so far natutunan ko dito na pwede kang gumamit ng ibang ip address sa pamamagitan ng proxy, pero hindi mo pwedeng piliin ang ip. in other words hindi mo pwedeng gamitin yung ip ng iba.

    By Blogger Ka Uro, at 7:39 AM, September 10, 2005  

  • mag ttanong lang ako ano ang ibig sabihin ng ip address hindi ko kasi maitindihan

    By Anonymous Anonymous, at 3:45 AM, October 21, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker