First day of work ko ngayon galing sa bakasyon. Hirap bumalik sa "work" mode. Hangover pa rin after weeks of shopping, pamamasyal at masasarap na pagkain sa atin. Pero bago ko makalimutan ang lahat let me just enumerate some of my impressions about the Philippines during our 3 weeks stay after being away from our country for nearly 6 years.
- I observed significant improvements in Metro Manila traffic. The traffic flow along EDSA was noticeably much better compared to what it was in 2000.
- The impact of the LRT and MRT systems to mass transport was dramatic. The roads and flyovers all over Manila also made a huge difference.
- Travel along the North Expresseway was a joy and a breeze. From Balintawak (wala na rin ang amoy ng palengke doon at ang mga nagtitinda hindi na nagooverflow sa EDSA) to San Fernando, kuha na in half an hour. Medyo mahal nga lang ang toll.
- MMDA and its traffic enforcers seem to be doing a good job. Public jeeps and buses are loading and unloading in designated areas much better. The commuters and pedestrians also seemed to be more disciplined.
- Malls and shopping centers are everywhere! Naubusan na nga kami ng time para pasyalan lahat. Ang gaganda ng mga malls sa atin. World class talaga! Even those I've seen in LA, Sydney and Gold Coast, are no match to our malls. And the best part is mas mura sa atin!
- Food in the Philippines are tastier. Sabi ng anak ko mas malasa daw ang mga pagkain natin. Masarap pa rin ang Jollibee Chicken Joy at Champ.
- People everywhere seems to be friendlier, more polite and more helpful. Everywhere you go, at the airport, in malls and restaurants, you’re greeted “good morning sir/mam”. Sa provincial buses, mas mabait at matulungin ang mga driver at mga konduktor.
- I noticed Pinays are slimmer, sexier and more beautiful compared to what I recalled the last time I was in the country 6 years ago. Lots of women are skinny, but some of the men have big tummies.
- Brand new cars are everywhere. Much more compared here in NZ, where people generally are content with second hand Japanese and European cars.
- Huge two/three storey houses have sprouted everywhere. In Manila and even in the provinces you immediately noticed these new dwellings with colored tile roofs and manicured gardens.
- It seems that only people in Manila and those belonging to a certain class in society are aware of or care about the goings on in the national government. For most people, especially those in the provinces, they seem indifferent. Tuloy lang sila sa mga everyday na gawain nila.
Overall, I was very pleased with what I’ve seen in the Philippines, that it made me want to come back again soon. I wasn't that pleased and impressed when I was home in 2000. There is improvement everywhere, despite the bunglings of politicians. It only shows how resilient a people we are and that there is hope for us as a people. Kung naging mahusay pa ang national government natin lalo pa sana tayong maunlad ngayon. Sa susunod na balik ko sa Pinas, siguro (sana) mahusay na.
20 Comments:
Im so glad that you noticed all those improvements and other signs of progress! However, I wonder if I belong to the slimmer and sexier filipinas?!
It's great you're blogging again.
By darlene, at 4:54 PM, October 11, 2005
can't wait to go back home :) nag laway tuloy ako sa post mo ngayon :)
By debbie, at 6:11 PM, October 11, 2005
Hi...yah, Ka Uro, ang ganda naman ng mga nabasa ko dito, ang dami na pala ng improvements do'n sa atin? How nice to hear that naman, na people there are making progress, ma proud din naman tayo nyan. Mabuti kong ganon, sana nga lang ii-improve din ang pag Govern ng mga officials sa country natin, sila kasi ang key to make a big difference at sa buhay ng mga tao doon. Anyway, it's good to see you back here, welcome back sa inyo ng family mo. Oo nga pala, ilang hours ba it took you to fly from NZ to PI? Curious lang ho ako, kasi, is it as long as it takes here ba or much lesser sa hours?
By Anonymous, at 6:35 PM, October 11, 2005
fafa KU, so nice of you to enumerate the changes in our country. If only the government would improve more esp on the DOT side - tourist will come back to our country and that means big revenue for Phil. (sana magising na sila) at sana makauwi na rin ako...
By Mmy-Lei, at 7:25 PM, October 11, 2005
Ka Uro, nice to know you're blogging again.
Yes, tama ka, madami na nga talagang improvement sa traffic dito.
By nikki, at 8:52 PM, October 11, 2005
"...but some of the men have big tummies."
tinamaan ako!!! hahahaha!
ka uro! welcome back to blogworld!
By kukote, at 9:13 PM, October 11, 2005
Naks, mukhang na-miss mo ang Pinas Ka Uro. Nai-blog ko na yung tungkol sa MMDA na yan, dami kasing nagre-reklamo, nagre-reklamo sila dahil kulang sila sa disiplina at sila ang nadidisiplina.
Lagi, over-exaggerated lang ang mga balita sa tin, marami ring magagandang nangyayayri dun. Welcome back!
By Tanggero, at 10:11 PM, October 11, 2005
darlene,
oo dami ng improvements. katulad ng sabi ni kadyo kasama ka sa mga slimmer and sexier pinays. kung papayat ka pa, anorexic ka na nun.
debbie,
yes uwi ka. sarap pa rin sa atin.
kadyo,
di ko nakita yung sinasabi mo sm mall of asia. di rin kami nakapunta sa mt samat at sa corregidor. ubos na time e. at ang mag-ina ko mas type ang mag shopping. wala kasing ganon kalalaking mall dito sa nz.
ana p.s.
umuwi kayo to see for yourself. kailan ka ba huling umuwi? huwag mong intindihin ang mga bad publicity lalo na tungkol sa gobyerno natin. masaya pa rin sa atin. about 14 hours from nz to phil.
mmy lei,
darating din yon. kung minsan kasi puro negative lang ang nababasa natin kaya akala natin puro pangit at walang asenso sa atin. see for yourself. umuwi ka naman para maipamudmod mo ang limpak-limpak na dolyares mo. hahah
nikki,
wala akong complain sa traffic. nag-improve talaga. minsan kailangan din natin puriin ang mga opisyales na maganda ang nagagawa sa bayan.
marhgil,
di bale cute ka naman. at di kanaman mataba sa personal
tanggerz,
hindi maiiwasan siguro na may corrupt pa rin pero in general matuwa ako sa nakita kong pagbabago gawa ng mmda.
By Ka Uro, at 10:59 PM, October 11, 2005
nice post! you're giving fellow pinoys positive things to cheer up. wala naman talaga pang sasarap na mabuhay sa sariling bayan. kaya nga itong bunso ko laging pag tinatanong mas gusto diyan sa pilipinas. kung hindi nga lamang ba diyan sa mga politikong sobrasobrang magnakaw ng pondo ng bayan di sana baka tayo ay kabilang sa nangungunang bansa sa asya tulad noong mga 1950's. magpagayunpaman hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. tungkulin lang natin na laging magbantay at punahin mga kapalpakang nagaganap sa atin pero kung may nakikita tayong maganda purihin din natin ito at ipagmalaki.
By RAY, at 8:27 AM, October 12, 2005
Hi KU,
You have a good heart KU. I can feel your sincerity through your words. I can feel that you give more accents on beauty rather than unpleasantness. Truly it helps to look on the brighter side despite apparent darkness that shrouds our country. For we can never change without hope, and hope, I found in your words.
Mabuhay po kayo!=)
-Jack
By Anonymous, at 3:19 PM, October 12, 2005
Salamat Ka Uro sa magandang feedback. Nakakasabik tuloy umuwi. I haven't been back home since 1991.
By Anonymous, at 4:57 PM, October 12, 2005
Welcome back KU!
You're possitive notes on our country really helps to inspire a lot of kababayans to keep on....
I like you optimism...it reinforces...
Long live!!
smiles..
--jun--
By Flex J!, at 5:17 PM, October 12, 2005
Hmm.. interesting pt of view for a change... kung taga dito ko nde mo mapapansin ang mga napuna mo.
Although kami dito mismo aminadong mejo maraming malls sa atin ! hahahaha...
By Senorito<- Ako, at 5:32 PM, October 12, 2005
Coming from someone who has been away for quite some time sa country, this is a refreshing insight. For us here kasi minsan so swamped up with negativism ang hirap makita yung positive aspects.
Hehehe about MRT, needs a lot of improvement, really. MOre on sa management side I think. Yung how fast they react pag nagkaroon ng aberya. LIke last night, may technical problem, and before they announced na merong problem hehehe puno na ng tao sa platform. In effect nung dumating yung ride, parang sardinas,considering the fact na way way past the rush hour yon. Sana lang they already held up people who were coming in kasi safety concern na rin pag overloaded ang train. I was really pissed off pero what can you do? Hehehe...
Tama ka Ka Uro, there is still hope for improvement...sana lang it doesnt have to take so long at abutan pa natin lahat hehehe...Ubt if it does, at least we prepare the way for the future generations. Di man tayo ang makinabang, yung younger generations man lang...
By Bluegreen, at 6:08 PM, October 12, 2005
Kia Ora Ka Uro!
Hot pandesal with reno liver spread o pansit bihon - yumm.
Balot with maanghang na suka at isang ice cold San Miguel beer - double yumm. Maaring di mo ginawa ito pero kay sarap isipin.
Nyehehee - inggit na ako Ka Uro! Welcome back!
By Huseng Busabos, at 7:04 AM, October 13, 2005
gelo,
mas ok nga kung direct flight. kakapagod din yung maraming stopover. sa RBA mas mura ang fare. yung below 18 years child fare pa. di tulad sa ibang airlines na 12 years adult fare na.
settejr,
kami na lang papasyal diyan next year.
atoy,
narealize ko rin na kung minsan masyado tayong nagfofocus sa negatives. may mga positibo ding bagay na nagaganap sa atin. pero of course hindi rin natin dapat iwalang bahala ang mga katiwalian lalo ng ng mga nasa gobyerno. kailangan siguro balance ang ating pananaw.
jack,
maraming salamat sa insight mo. na-feel ko talaga sa aking pag-uwi na may pag-asa pa tayo. lalo't nakita ko na kumpara sa ibang mga nationalities, tayo yata ang pinaka-friendly at masayahin.
irene,
it's about time na umuwi ka naman, tagal na pala. makikita mo ang malaking kaibhan ng ating bansa.
FJ,
thanks.
senorito,
i know. minsan mahirap makita yung everyday na nakikita mo na. and because gradual yung changes dahil anjan kayo kaya di nyo napansin. unlike me, 6 years ago pa ang last recollection ko ng bansa natin. within that period, laki talaga pinagbago.
bluegreen,
yun nga minsan mas madaling mapansin ang negative kesa sa positive. minsan din siguro kailangan isipin natin kung ano ang pwede nating makontribute. halimbawa sa sinabi mo about the MRT na it needs improvement sa management side. why not send a letter to them of possible suggestions for improvement? they may or may not listen but at least you did something constructive, di ba?
huse,
hot pandesal at sardinas ang sinubukan ko. bawal kasi ang liver sa gout ko. first time ko rin natikman ang San Mig Light. masarap siya kahit walang balut.
uwi ka naman at gastusin ang limpak-limpak mong dolars diyan.
By Ka Uro, at 9:51 AM, October 14, 2005
in comparison to those who'd managed the traffic problem, bf is excellent. hindi nga lang maging successful sa lahat ng parte dahil sa napakaraming dahilan. resilient talaga ang karamihan ng mga pinoy, i agree! 'wag lang patatalo sa mga suliranin...
welcome back! sensya na was not here agad to gree you. di nakapag rounds madalas. been busy. eneweiz, balik ka naman sa iyong makabuluhang blogging!
By bing, at 1:57 AM, October 15, 2005
erratum:
what i meant is, balik ka NA naman sa makabuluhang blogging!
nega kasi ang dating nung nauna dahil lang sa kulang na NA he he
truly, welcome back, KU!
By bing, at 6:51 PM, October 15, 2005
bing,
kaw talaga balae, you don't have to explain anything. naintindihan ko naman yung una mong mensahe.
By Ka Uro, at 2:51 PM, October 17, 2005
Ka uro nakakataba naman ng puso ang mga nabangit mo. Mabuti naman at napansin mo ang mga magandang pagbabago dito sa atin kasi sa amin na "common filipino" bagamat nakikita namin ang ilan pagbabago ay hindi naman namin ito gaanong maramdaman. Natatabunan ng pulitika at corruption ang naglalakihang mga tulay, building at pagbabago sa trapiko.
Welcome back ka Uro
By Anonymous, at 7:22 PM, October 18, 2005
Post a Comment
<< Home