Three Things You Still Don’t Know About Me
This is an assignment from Bing. Sorry, Tita, late ang assignment ko. Pero finish or not finish pass your papers kaya, eto ginawa ko na rin. Para may theme naman, lahat ng sagot ko tungkol sa pag-aaral.
Three Things You Still Don’t Know About Me
1. I was a delinquent student when I was in grade school. Natandaan ko first day of class sa Prep, nahuli ako ng titser nakikipagdaldalan sa katabi ko. Tinawag kami ng titser at pinapunta sa harap ng class, tapos pinapunta sa isang korner, pinagharap kami nung classmate ko at pinahubo ang aming mga shorts. Isang oras kaming nakatayo nang walang salawal! Nung grade 2 naman ako, muntik akong ma-kick-out sa school. Akala ng mga magulang ko pumapasok ako sa class. Di nila alam, tumatambay lang ako sa gym. Reason ko: takot akong pumasok kasi terror yung titser. Pinakiusapan lang ng mga magulang ko ang iskul kaya di ako na-kick out.
2. Nagseryoso lang ako sa aking pag-aaral, pagkatapos mamatay ng Dad ko nung 10 years old ako. Grade 6 nag-graduate ako with honors. Fourth year, class salutatorian ako. Isa ako sa apat na nakapasa sa UP galing sa school namin. Tinapos ko ang Civil Engineering, na normally ay limang taon sa loob lamang ng 4 and a half years. Wala akong grade na singko sa aking mga subject. Pero may kwatro at Dropped. At least di pa rin considered na bagsak, di ba?
3. Seryoso ma’y pilyo pa rin. First and second year, block section kami sa UP
Pasa ko naman ito sa tatlo sa mga bago kong nakilala sa blogging. Isang nasa NY, isang nasa Germany at isang nasa Japan - kay LIW, Neng, Diosa4ever.
24 Comments:
hi KU,
Glad to see that you're 'back'.
By jinkee, at 12:58 PM, October 26, 2005
hehe iba ka talaga Ka Uro!!! Natawa talaga ako sa post na to kasi nakakarelate ako sa ibang part haha!!!
By CoB, at 2:07 PM, October 26, 2005
hi KU! di ba ang passing grade natin sa UP ay 3.0? so kung 4.0 considered as below the passing grade, ergo the student has the option to take a remedial exam, wherein his/her grade would only either be 3.0 or 5.0?
just asking. ;)
By Dorothy, at 5:35 PM, October 26, 2005
Hi KU!
Na-stretched na naman ang matabang mukha ko sa post mo dahil sa pag -smile...Ibang klase ka talaga....
Kumusta ng nga pala si Dina at yung titser mo?
smiles..
--jun--
By Flex J!, at 5:46 PM, October 26, 2005
nag bold pala si dina !!
By Senorito<- Ako, at 5:47 PM, October 26, 2005
glad that ur back...grabe prep palang pilyo na...
By Mmy-Lei, at 5:55 PM, October 26, 2005
waahh namiss ko skuldays! =)
By Anonymous, at 6:20 PM, October 26, 2005
nyehehe, natawa naman ako dito, as in sit in ka pa para lang magpantasya ha..
By Analyse, at 10:30 PM, October 26, 2005
Ka Uro, hindi naman halatang piloy ka! tawa ako ng tawa dito!!
(paki adjust na lamang po ang link, lumipat ako ng bahay eh...d nakabayad ng renta sa luma eh =) salamat po)
By Anonymous, at 11:16 PM, October 26, 2005
Ahahahayyy bata pa lang ay nag-mo-mooning na! Mwehehe! Seriously though, puwede bang gawin ng teacher as punishment yun?
Si Dina Bonnevie, nag UP?!
By Jovs, at 12:07 AM, October 27, 2005
glad u'r back! at natawa ako dito, promise ;)
By kukote, at 12:26 AM, October 27, 2005
Naku po. Nagka-assignment pala ako thanks to you. Sige, I'll do this tonight.
Yes, ang passing grade ng mga taga-UP ay 3.0. And 4.0 is conditional failure, which would force you to take a removal exam para maging either 3.0 or 5.0. Pero, kung hindi ka kumuha ng removals, and instead ay inulit ang subject, the 4.0 remains in your transcript unchanged, in other words, hindi iyon magiging 5.0.
I didn't know UP alumni ka rin pala.
LIW
By Jeruen, at 12:55 AM, October 27, 2005
kia ora fafa KU!
mamimitas sana ako ng kiwi dito sa hacienda mo, assignment pala ang iuuwi ko! kailan ho ba dapat i-submit? pwede hanggang wochenende?
naglalabasan na mga prens ko for halloween, cgrado they cud help me
(have to consult them kung anong seekreet ang pwedeng ilabas, hehe)! einen guten tag noch!(have a good day)
By nixda, at 1:39 AM, October 27, 2005
pilyo ka talaga kauro. tama ka, naalala ko tuloy si titser diday.
- kaelyong
By Anonymous, at 5:23 AM, October 27, 2005
jinkee,
thanks.
cob,
anong part ka naka-relate? may braless ka rin bang titser? haha!
daks,
una job na napasukan ko sa hydraulic research. tapos na-assign ako sa computer section kaya sa IT na ako since then.
pao,
yes, tama ka. kumuha ako ng remedial. swerte naman pumasa kaya naging 3.0.
flex j,
si dina, isang sem ko lang nakita sa UP, tapos tumigil na siya. yung titser namin nawala na rin sa UP after a couple of sems.
senor,
opo, sa mga boldie movie siya unang sumikat. "Katorse" ang una niyang hit movie, if i'm not mistaken. nasa cradle ka pa siguro non.
mmy lei,
thanks. di naman pilyo, madaldal lang. (palusot pa!)
pobs,
sarap gunitain ang mga skul days. napaka-simple ng buhay noon.
analyse,
hahaha! ikaw ba nung nag-aaral ka wala ka bang naging crush o pinagpantasyahan? di ba you'll do anything para makita mo siya?
thess,
ok, adjust ko na link.
jovs,
nung time namin malupit ang mga titser. ngayon di na pwede ang mga ganun punishment. one sem lang dun si dina tapos nawala na sa UP.
marhgil,
thank you.
LIW,
gawin mo assignment mo ha? make sure maganda sagot baka mabigyan ka ng 4.0 na grade. hehe
neng,
sensya na nabigyan ka tuloy ng assignment. next time ipaghahain kita ng golden kiwi fruit.
kaelyong,
ikaw ha, pinagpantasyahan mo rin pala si titser diday? oo nga pala, magkasama tayo non. hihihi!
By Ka Uro, at 8:30 AM, October 27, 2005
what peyups ka rin? at ikaw ang model sa oblation? (sorry, mali pala kasi may nakita ako alis ang salwal, hindi pala naman ganon katagal kayo pala ang unang neophyte na tumakbo sa oblation run, he, he,he at least 70's yon di kagaya ng panahon ni guillermo tolentino)loka naman elementary teacher ninyo corporal punishmnent usong uso noong una.
14, napanood ko rin yon ilang beses yon ang launching movie ni dina sa bold bandwagon pero may isa pa siyang naunang movie hindi lang siya ang starring temptation island ba yon.
kung siguro hindi mo lang dinaan sa titig baka mrs. uro na ngayon si dina higit ka namang mas gwapo kaysa kay vic at comedian ka rin naman :)
By RAY, at 9:35 AM, October 27, 2005
Hmmm....di ako maniwala dito sa sinasabi nyo ah. Di naman siguro kayo kapareho ng mga estudyante ko na may behavioral problems, hehe...have a good day!
By Teacher Sol, at 4:02 PM, October 27, 2005
May nakinig kayang estudyante nung time na wala kayong salawal??? Hmmmnnn... may malisyosong batang babae na ba nung time ninyo??? hehehehe wala lang.. di ko lang ma imagine...grabe titser nyo ha.
By Admin, at 4:22 AM, October 28, 2005
salamat sa pagpapaunlak!
hmmm at katulad ka pala ng mga kaklase ko!!!! mahilig sa braless!
By bing, at 4:31 AM, October 28, 2005
atoy,
temptation island, nakaligtas yata sa akin yon ha? meron ka bang kopya?
kadyo,
hoy fafa, siempre babae yung titser ko ano. babae na mukhang lalaki. hahaha
sol,
wala naman siguro akong behavioral problems. 100% nga ako parati sa conduct. behaved naman ako.
filip,
totoo yon. hindi ko talaga makakalimutan yon. usually wala na tayong memory sa mga nangyari sa atin nung 5 or 6 years tayo. pero yon tandaan ko pa. tanda ko pa nga yung classmate ko ang apilyido "santos", yung titser si Ms. Mendoza.
may sheila,
all boys kami sa prep. ok lang naman, wala pang malisya kami non.
bing,
noon naman yon. ngayon iba na hilig ko. pero di ko muna sasabihin. hehehe
By Anonymous, at 8:46 AM, October 28, 2005
hahahah! nakakatuwa namn po ang karanasan nyo fafa KU! hehehe...
huling-huli na ako dito ah, hehehe...
sana maka-habol pa...
musta po kau jan?
-DOPS
mqyqxnwl
By RAV Jr, at 9:19 AM, October 28, 2005
Natatandaan ko pa ring yang Katorse with Dina, Maricel and Snooky, di ba? Nasa High school ako nung ipinalabas iyang pelikulang yan.
By niceheart, at 4:11 PM, October 28, 2005
Tawa ako ng tawa dito habang ini-imagine yung punishment sa kadaldalan...ha ha ha...imagine, prep, eh di hindi pa tuli. hahahaha j/k.
Anyway, nice to see a post like this. Nakakapag-pasaya sa araw. Regards!
By Unknown, at 5:36 PM, October 28, 2005
hmmm. typical engg student ka pala KU. pilyo! well, at least motivated di ba? =)
By ria, at 9:07 PM, October 28, 2005
Post a Comment
<< Home