mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, October 17, 2005

Tag ni Jun

Kasagutan ko ito dun sa tag ni Felix J.

Is It Really Bad to Stare?

Tulad din ng sinabi ni Felix J, depende sa tinititigan at sa sitwasyon. Kapag may dumaan o nasalubong akong seksi sa daan, natur reaction ko ang titigan siya. Hindi lang sa mata, mulo paa hanggang ulo pa. Sa aking palagay flattery pa nga yon para sa chick. Pero iba ang sitwasyon kung kasama niyang naglalakad ang syota niya. Para sa chick, okay lang titigan siya. Pero para sa syota niya, iisipin niyang pambabastos ito. Kaya sa ganitong situation, huwag kang tumitig, para iwas gulo.

Naalala ko sa Saudi, meron mga nakukulong dahil lang dito. Doon huwag na huwag mong titingnan ang babae kapag kasama ang kanyang asawa. Yun lalaki na lang titigan mo. Hay! Type!

Panghuling advice ko, kung may tititigan ka, siguraduhing hindi nakanganga ang bibig mo at baka mapasukan ng kung anong UFO o insekto.

Do You Have a Favorite Song?

Favorite ko yung “Impossible Dream”. Matagal ko nang favorite ito. Long before Ninoy died, narinig ko na ito. It was in the movie “Don Quixote de la Mancha” that I heard it first. It evokes a sense of idealism kasi kaya gusto ko yung song. Tapos yung mga role models na hinahangaan ko yung mga medyo may tililing o may pagka-weird katulad ni Don Quixote, at yung sikat na pintor na si Vincent Van Gogh.

Pasa ko naman ito sa mga chicks, kasi sila ang madalas na matitigan. Kay Agring, Ghie, Maui, at Trotsky (na isang James Taylor fan na tulad ko).

13 Comments:

  • Hello Ka Uro, kakatuwa ng mga sagot mo, tama ka sa sagot mo doon sa stare, mayroon nga'ng masama at mayroo'ng mabuti. Scary talaga pag may bf ang babae or lalaki na naka tingin ang mga ka opposite sex sa kanila. It goes both ways. Minsan ma slap ang lalaki pag naka tingin sa iba na kasama ang kanilang gf. Anyway, either, basta di lang masyadong halata na naka stare ka, you'd never get in trouble. Parang ma flatter nga mga babae pag may naka stare sa kanila, feel na feel ko yan minsan eh[blushing], pero medyo kakahiya din pag they stare ng parang matutunaw ka na. Mix feelings ang having someone stare at you for long.

    By Anonymous Anonymous, at 12:55 PM, October 17, 2005  

  • Hi KU,

    Correct ka dun! Sa akin naman KU, okay lang tingnan ang chiching ko pero dapat tingin lang ng paghanga sa kagandahan. Kung tingin ng manyak ang ibibigay nya, rumble hanap nun!

    Musta po!=)
    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 2:15 PM, October 17, 2005  

  • ana,
    condolences ha. so sorry about the news about your uncle.


    jack,
    hahaha! ini-imagine ko kasi kung ano ang itsura ng titig-manyak.

    By Anonymous Anonymous, at 2:22 PM, October 17, 2005  

  • Ka Uro, nakalimutan ko pa lang mag reply sa tanong mo dun sa tagboard ko...oo po yun ang mag favorite songs ko...hehehe, ano kukuntra ka rin?

    May kumukuntra dun sa collections ko, sabi pa, luma daw ang taste ko, hahaha. Di naman luma yun, timeless yun ah.

    O cge, have a great week...

    By Blogger Raquel, at 3:09 PM, October 17, 2005  

  • NAALALA KO TULOY YONG DALAWANG NAG AWAY SA AMIN. pARE ANG SAMA MONG MAKATITIG,NAGALIT YONG ISA SAPAGKAT SIYA AY BANLAG (MAY PAGKADULING)KALA HINAHAMAK SIYA. NAGSUNTUKAN NA. mORAL OF THE STORY PAG MAY PASULIMPAT TUMINGIN HUWAG MUNANG MAGALIT BAKA NAMAN MAY DEPEKTO ANG MATA NG NAKATITIG.
    IMPOSSIBLE DREAM, PABORITO KO RIN YAN "TO BE WILLING TO DIE SO THAT HONOR AND JSUTICE MAY LIVE" MAY MGA GANYANG TAO PA KAYA NGAYON?

    By Blogger RAY, at 8:02 PM, October 17, 2005  

  • bt ganon...can't tag on taggie board mo..=(

    By Anonymous Anonymous, at 9:32 PM, October 17, 2005  

  • hi, KU! sa susunod yung tag ko ha?

    at ang flex j, he tagged you pala. originally, the tag required 7 songs, me utang nga siyang 6 songs...

    raquel is right, timeless ang fave mong song.

    By Blogger bing, at 1:47 AM, October 18, 2005  

  • hallo fafa KU, paano po kung iyong kasama ng tinitigan ninyo ay gurl din? ano kayang eksena ang mangyayari?

    fafatoy, marami pa tayo sa mundong ito! di ka nag-iisa...

    By Blogger nixda, at 3:31 AM, October 18, 2005  

  • Ka uro,
    Impossible Dream? huh! graduation song ko yan ah, nung elem. pa ako hehhe...
    ingatz po kayo dyan.

    By Anonymous Anonymous, at 3:51 AM, October 18, 2005  

  • Ka Uro,
    Thanks sa tag. Mission accomplish na. You may visit my blog now and thank you.

    By Blogger Ladynred, at 5:58 AM, October 18, 2005  

  • Welcome back ulet KU! Sige po - sagot ko tag ninyo.

    By Anonymous Anonymous, at 7:27 AM, October 18, 2005  

  • raquel,
    agree ako timeless talaga yung mga songs na yon. most of it nga nasa mp3 player ko.


    atoy,
    ewan ko kung may mga ganun pang tao. willing to fight siguro meron. pero "to die" mahirap yon.


    pobs,
    ay ewan ko ba da taggie board ko. balak ko na ngang palitan e.


    KD,
    narinig ko na rin nga yung kwento na yan sa saudi. tom cruise? baby pa si tom cruise nung pinalabas yung movie na yon. =)


    bing,
    of course, yung naman tag mo naman. tignan mo nga yang si flex, siguro tinamad magisip kaya isa lang ang nilagay.

    neng,
    di ko naisip yon. tanungin natin ang mga gurls.


    ethel,
    matagal na talaga ang kantang yon. ika nga ni raquel, timeless.


    agring,
    thank you din.


    trotsky,
    thank you. andito pa sa akin yung JT dvd. email mo lang ang postal address mo anytime para ma-send ko.

    By Blogger Ka Uro, at 9:25 AM, October 18, 2005  

  • KU,

    Diba dyan sa NZ pareho din dito sa Canada, pag nagkatinginan kayo mapa babae o lalaki nag greet kayo to each other ng hi o hello. Nasanay ako sa ganoon ugali tapos uwi ako ng Pinas, nasa bar kami sa Greenhills (hindi ko na alam ang pangalan, kasama ko yung mga barkada) nasa may bar kami naka-upo sa kanan ko yung barkada kong babae sa kaliwa hindi ko kilala pero napakagandang pilipina. Pag ikot nung aking upuan pa kaliwa para tingnan yung banda na kumakanta nagkatinginan kami nung babae (eye to eye) tapos nag hello ako sabay ngiti tapos tingin na uli doon sa banda. Pag ikot ko uli yung kasama ng lalaki yung nakaupo doon at masama na ang titig sa akin - napa aga tuloy yung labas namin ng bar dahil nagyaya na ako - mahirap na baka anak ni Tongressman yung lalaki at kung saan pa kami umabot. Eh bawal pa man din sa aking relihiyon ang makipag-away.

    By Blogger Huseng Busabos, at 11:35 AM, October 18, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker