mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, January 12, 2006

Ang 4x4 ni Bitoy

Ito’y naikwento lang sa akin ng aking sampit na nag-aral sa Assumption sa Pampanga. Ayon sa kanya, true story daw ito.

Estudyante ng Assumption is Bitoy. Mayaman, anak ng heneral, medyo may kayabangan at mahilig idisplay ang kanilang mga magagarang sasakyan. Minsan pumasok si Bitoy dala yung brand new nilang Nissan Patrol.

Image hosted by Photobucket.com

Nung time na yon hindi pa uso ang mga SUV at mga four wheel drives. Kaya naman lahat ay napapalingon sa paghanga tuwing dadaan ang magarang sasakyan na sa likuran ay may eye-catching 4x4 decal sticker.

Image hosted by Photobucket.com

Siguro dahil mayabang maraming galit o inggit kay Bitoy. Kaya naman isang hapon pagbalik ni Bitoy sa car park para kunin ang sasakyan, may sulat ng pentel pen ang 4x4 niya, eto ang nakita niya.

Image hosted by Photobucket.com

Siyempre nagalit siya. Pero dahil wala naman siyang mapagbintangan, umuwi na lang siya at pinatanggal sa boy nila ang sulat ng pentel pen. Kinabukasan, naulit na naman. May nagsulat na naman ng “=16” sa kanyang 4x4. Pinatanggal na naman niya. Subalit naulit na naman ng ilan pang beses at hindi pa rin niya mahuli ang may sala. Finally, nakaisip siya ng solusyon para wala nang magsulat sa kanyang SUV. Binago niya ang sign. Eto ang bagong sticker.

Image hosted by Photobucket.com

Nung hapong yon nakangisi, na parang nanunuya, na siyang tumungo sa carpark para kunin ang kanyang SUV. Subalit pagkita niya sa kanyang 4x4, biglang nabura ang ngisi sa kanyang mukha. Eto ang tumambad sa kanyang paningin. Click here.

Moral ng istorya... ewan ko, meron nga ba? Ang mga may 4x4 na sasakyan, ingit na lang. Insan, salamat sa kwento.

19 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker