mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, February 14, 2006

My Balentaym’s Story: Ang Aking Perslab

Naka-asul siyang blouse na may kulay puti sa collar ang manggas. Terno sa suot niyang puting pantalon at beige na sapatos. Unang kita ko pa lang sa kanya, nasabi ko na sa aking sarili na siya na ang babaeng dadalhin ko sa altar. Siya ang nais kong makasama hanggang sa aking pagtanda. Wala nang iba.

Ang problema, di naman ako marunong manligaw. Kaya nung siya’y aking ligawan, hindi man ako naka-pers base. Basted kaagad. Di raw niya kasi ako type at sobrang tanda ko raw para sa kanya. Limang taon lang naman ang pagitan namin eh, pero tingin niya sa akin lolo na. Bakit kaya? Dahil kaya 4th year college ako at 3rd year high school lamang siya?

Dinamdam kong lubusan ang pag-basted niya sa akin. Siya pa lang kasi ang kauna-unahang babaeng aking niligawan. I was broken-hearted, because I knew I poured all my love for her. Huhuhu! Pag-uwi ko noon bumili ako ng kalahating case ng beer. Nagkulong sa kwarto at sinumulang ubusin mag-isa ang beer. Masakit ang masawi sa pag-ibig, pero masakit din ang sumuka at ang hangover ko kinabukasan.

After that pinilit ko siyang kalimutan. Nagsumikap na lang akong makatapos ng maaga sa college. Mabilis lumipas ang dalawang taon at ako’y grumadweyt na. Subalit iba pala talaga ang perslab. Mahirap kalimutan. Kaya’t nagpasya akong bumalik sa buhay ng aking perslab. Niligawan ko siyang muli. This time she was more mature. At least hindi na Lolo ang tingin niya sa akin. After a few months of relentless courting nakamit ko rin ang kanyang matamis na oo. Yheeey!

Alam ni kumander ang lahat tungkol sa aking perslab. Alam niya nung una akong mabasted ni perslab 26 years na ang nakaraan. Alam niya dahil 10 years later, perslab and I got married. And from then on perslab became my wan-en-onli lab.

26 Comments:

  • may pagkacradle snatcher ka pala papa ku. sabagay matandang kabayo para sa sariwang damo. neiiiggh! ilang taong pagitan ninyo ni jean. at least pinakita mo sa kanya kadalisayan nang iyong pag-ibig. anuman ang mangyayari ipaglalaban mo at nadaan mo rin sa tiyaga. ganda love story mo pwedeng comedy lovestory pelikula ikaw si vic sotto si mrs. naman si dinah bonnevie.

    By Blogger RAY, at 11:36 AM, February 14, 2006  

  • aba KU, 2 babae lang pala ang dumaan sa buhay mo, yung naka-una sa iyo at si Ma'am Jean, hehehe.

    but you're a lucky man, first love mo ang napangasawa mo.

    Happy V-day to you and your wife!

    By Blogger Tanggero, at 4:01 PM, February 14, 2006  

  • KU and Jean,
    Maligayang araw ng mga puso sa inyo. Di pa huli para sundan si Fides :-)

    By Blogger jinkee, at 5:00 PM, February 14, 2006  

  • Wow! Nice story. Galeng naman. :D Happy V sa inyong lahat!

    By Blogger Gabeprime, at 5:05 PM, February 14, 2006  

  • What a nice love story, grabe ano, ang first love mo ay naging one and only mo naman. Kakatuwa at it's not often na magkatuloyan ang firsts, pero you made it. Na basted ka pala at first, buti nalang you didn't quit kaagad. Na talagang persistent ka. Great job! You were meant to be siguro, for each other tlaga.

    By Anonymous Anonymous, at 5:31 PM, February 14, 2006  

  • meron tayong similarity ku, 5 years din ang ahead ko sa wife ko, pero baliktad, ako ang perslab at wan-en-onli nya...
    salamat sa mga komento....

    By Blogger rica, at 5:47 PM, February 14, 2006  

  • ka uro...tagal na po akong tagasubaybay ng inyong blogs.ganda po ng love story nyo di ko mapigilang di mag komento! comedy love story ika nga..nakakatuwa..nakaka inlab ! happy valentine's day po sa inyo ni madam jean...

    - jinggay sa dubai

    By Anonymous Anonymous, at 5:56 PM, February 14, 2006  

  • Haha lagot ka kay Kiwinoy KU^_^ sa kanya kase term na wan en onli hehe..bayad ka raw o tagay na lang?
    Naks bumawi ka ng kwento ha...(after nung 1st time)^_^ pero elibs ako sa luv story nyo...di kase kami nagkatuluyan ng first love ko(nyaa..kinilig ako^_^)ayun pag nasa pinas ako at nakakasalubong ko ..kumikindat pa rin,muntik na nga madapa minsan eh haha.Pero nakakatuwa maalala minsan yung ganun di ba?
    Thanx sa maori word of iluv u(sinulat ko na sa post ko)

    -kathy-

    By Blogger Kathy, at 6:25 PM, February 14, 2006  

  • KU,

    grabe, you rock! kaka2wa naman at matindi ang tama ni kupido sa iyo. happy v-day to you and your perslab.

    cris

    By Anonymous Anonymous, at 6:43 PM, February 14, 2006  

  • wow ka uro...ka lupeet na lab stori nito! it's one of the best!!!
    heheh, kumusta ka naman kase nung 4th college ka pa t sa hayskul ka nanligaw..aba! abuse of the minor un ah! heheheh.. lethel injection ka dun pre!

    buti na lang me balikan...

    tama nga everything change at lahat ay may tamang panahon at pagkakataon!

    nice post man!!

    By Blogger lojika, at 6:58 PM, February 14, 2006  

  • tindi pala ng pag-ibig mo fafa!

    ^my first and last love^ ...kakaenggeeettt! :D

    Happy Valentine's Day sa inyo!!!
    *saan ba ang date,
    pedeng sumabit?
    may dala akong plate ...

    By Blogger nixda, at 10:02 PM, February 14, 2006  

  • ang sweet!!!

    By Anonymous Anonymous, at 11:48 PM, February 14, 2006  

  • very cute... galing mong magkwento, senti pero may halong humor.

    Happy heart's day to you and your beloved!

    By Anonymous Anonymous, at 1:05 AM, February 15, 2006  

  • Nasa dugo mo pala ang lahi ni Andres Bonifacio...atapang atao..hindi sumusuko...

    Kakatuwa Ka Uro, dahil talagang napatunayan mo kay esmi kung gaano mo sya kamahal!

    Happy Balentayms Day!

    By Blogger Unknown, at 4:31 AM, February 15, 2006  

  • kuya totoo pala na "walang matimtimang birhen sa matyagang manliligaw" ba yun? nakalimutan ko na.... basta something like that :)

    By Anonymous Anonymous, at 1:39 PM, February 15, 2006  

  • atoy,
    5 taon lang pagitan namin. uy type ko si dina.

    tanggers,
    lucky in love ika nga. happy v day din sa yo. balik ka na ba sa SG?

    jinkee,
    naku mahirap nang sundan. baka sa kinder ang bata, may tungkod na ako.


    gj,
    thanks. happy valentine's din sa yo at kay raquel.

    anaps,
    sabi nga nila, ang umaayaw di nagwawagi at ang nagwawagi hindi umaayaw.

    kiwinoy,
    sorry na hijak ko ang terms mo. very fitting kasi.


    majork,
    mahirap ngang paniwalaan na isa lang ang naging lab mo. ikaw pa? hahaha. nakukuha lang yan sa luks, di ba?


    jinggay,
    salamat sa pagsubaybay at pagiwan ng comment. happy v day din sa iyo at kung sino man ang lab mo.


    KD,
    after 2 years, daddy na lang tingin niya sa akin di na lolo. hehehe


    kathy,
    actually ako perslab ko esmi ko. pero ako di niya perslab. siguro ang pinaka-swerte yung para kayong perslab. kung baga sa baraha, pusoy.

    cris,
    happy v day din cris. salamat sa pag-comment.


    lojica,
    oo nga e kaya okay lang na naghintay muna ako ng dalawa pang taon para naman di na minor. thanks for the comments.

    neng,
    wala kaming date. di na uso sa amin ang valentines e. ipadala mo na lang yung plate mo. heheh

    joy,
    thanks. happy v day din sa you and your loved one.

    rhada,
    nasabi ko nga, ang umaayaw di nagwawagi at ang nagwawagi hindi umaayaw.

    kenji,
    "walang matimtimang birhen sa sa binatang matiyagang manalangin". nakakuha lang yan sa "timing". heheh

    ka elyong,
    e di kung i-pelikula natin, extra ka rin. remember, nagkikita pa tayo sa recto kapag sinusundo ko si esmi?

    By Blogger Ka Uro, at 2:54 PM, February 15, 2006  

  • that was a nice story, count me in my first love became my one and only same with him and his first love and i became his one and only...God bless!

    By Anonymous Anonymous, at 3:14 PM, February 15, 2006  

  • Ganda ng lab story nyo ka uro, first love mo rin ang nakatuluyan mo, bihira kasi ang nakakatuluyan ang first love.

    By Blogger jlois, at 3:22 PM, February 15, 2006  

  • Wow! feel ko yung post mo ah..ganda!

    Ano nga pala tawag sa yo ng perslab mo ngayon? Papa o Granpa??? hehehe (joke po?)

    Hapi V- day!

    By Blogger Flex J!, at 6:41 PM, February 15, 2006  

  • Hehehe... magandang ifeature sa Maalaala Mo Kaya , ka uro... :o) Ako rin perslab din asawa ko e. Classmeyt ko nung college.

    By Blogger ..., at 10:05 PM, February 15, 2006  

  • lil_taz,
    you are very lucky then. you both are.

    jlois,
    i'ld say i'm blessed.

    flex j,
    sige asarin mo ako father. hahaha.


    james,
    maswerte ka rin pala. thanks for the comment.

    By Blogger Ka Uro, at 9:49 AM, February 16, 2006  

  • Hei,
    Nakakatuwa naman basahin yung story ninyo mag-asawa. :) You are definitely blessed.

    By Blogger Unknown, at 10:50 AM, February 16, 2006  

  • Ku, kakatuwa ng story nyo :) first love never dies nga eh! hehe..

    By Blogger Ethel, at 11:34 AM, February 16, 2006  

  • Very sweet, ideal pa nga kung iisipin.

    By Blogger Jeruen, at 5:35 PM, February 16, 2006  

  • This is a very sweet, funny and very touching story Ka Uro. I can't believe its a true story but it is. That only shows what determination could bring a man with relentless intensity...Happy V-DAy to you...

    By Anonymous Anonymous, at 9:16 PM, February 16, 2006  

  • Catching up...hehehe late na pero hapi belentayms sa inyo ng wan en onli nyo. Katuwa naman po love story nyo. I guess that's what we call destiny. Tama timing nga lang. She was too young that time. Sometimes you wonder, what if noon in-accept na nya kayo? Would it have been different? Well, at least it is a hapi ever after story di ba?

    God bless

    By Blogger Bluegreen, at 8:28 PM, February 28, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker