mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, March 07, 2006

Sa aking pagmumuni-muni sa loob ng banyo...

Kanina habang ako’y nakaupo sa toilet, napalingon ako sa paligid ng banyo. Malinis, maputi ang mga dingding. Sa tabi ng toilet bowl ang isang kulay dilaw na plastic pitcher, originally timplahan ng juice pero ngayo’y na-demote at ginagamit na lang na tabo. Napaisip ako, bakit nga ba dito sa NZ walang nabibiling plastic na tabo? Tayo lang bang mga Pinoy ang marunong maghugas ng wetpu? Lumingon-lingon pa ako sa aking paligid at nagisip kung ano-anong mga gamit na pangkaraniwang nakikita sa banyo natin sa Pinas ang hindi nakikita o nabibili dito sa NZ. Eto ang mga naisip ko. Lista ko, para kung pupunta kayo dito alam niyo ang dapat at di dapat dalhin.
  1. Tabo – Naalala ko sa amin noon, lata ng pineapple juice ang ginagawang tabo o kaya yung plastic na lalagyan ng motor oil.
  2. Batong panghilod – Huwag mo nang dalhin dito ang gamit mong batong panghilod at baka ipukpok pa sa ulo mo ng Customs Officer sa airport. Isa pa, problema mo pa kung ano isasagot mo kapag tinanong ka ng Customs Officer kung ano yon. Ano nga ba yon sa English?
  3. Drum ng tubig – I suppose hindi na kailangan ito dito kasi di naman nauubusan ng tubig pampaligo. Although pwede itong gamitin na imbakan ng tubig-ulan para pandilig ng mga halaman.
  4. Shampoo at conditioner na naka-sachet – Wala nito sa mga supermarket.
  5. Baretang sabon na panlaba (katulad ng perla, ajax, mr clean) – Eto rin wala pa akong nakita dito nito.
  6. Batya – Meron nito dito pero karamihan plastic nga lang, di tulad sa atin na aluminum. Natatandaan ko gamit namin noon korte pang higanteng tansan.
  7. Arinola – Kung pala-ihi ka sa gabi at malayo room mo sa banyo magdala ka nito at wala nito dito. Diaper marami.
  8. Palo-palo na gamit sa paglalaba – Huwag ka nang magdala nito, moderno na tayo dito, washing machine na gamit ng lahat. Pero kung mapilit ka, bumili ka na lang ng cricket bat, marami nun dito. Pwede na yon i-substitute.
Wala na yata akong maisip. Kayo, may maidadagdag pa ba kayo?

21 Comments:

  • KU, yung batong panghilod, pumice ata tawag doon sa Ingles. Ang mahirap i-explain sa customs e yung tawas. Baka mapagkamalang drugs. ;)

    Kami rin dito, gamit naming tabo e yung di na naming ginagamit na pitsel ng tubig. Sabi sa akin ng kaibigan ko na makakabili raw ako ng tabo sa Asian grocery. Lagi ko nalilimutan tingnan kung meron sila non e. Malay mo dyan sa NZ meron.

    By Blogger Gabeprime, at 5:10 PM, March 07, 2006  

  • na alala ko noon sa California. ginawa naming tabo yung biggie size plastic cup ng Carl's Junior... yan ang pinoy - ma abilidad! LOL

    By Blogger SarubeSan, at 5:38 PM, March 07, 2006  

  • kya siguro wala sa ibang bansa nun mga yan (tabo, panghilod..) kse mas hightech na gamit dito eh..

    pero dto sa dubai, makkbili ka ng tabo sa mga tindhan ng indiano..ehehhehhe

    By Anonymous Anonymous, at 7:10 PM, March 07, 2006  

  • walis tambo at walis tingting. :lol:

    By Anonymous Anonymous, at 7:46 PM, March 07, 2006  

  • isa pa pala: bunot... pambunot ng sahig, nde bunot na buhok. :lol:

    By Anonymous Anonymous, at 7:48 PM, March 07, 2006  

  • KU,
    un mga albatross, saka muriatic acid chaka un pambomba (parang un gamit ni super mario)
    hmm ano pa ba? papasa na rin un liquid sosa sa mga barang tubo =)

    musta na po!

    By Anonymous Anonymous, at 10:29 PM, March 07, 2006  

  • KU, batya, yung hindi plastic. Sa pilipinas ang banyo = labahan din di ba?

    By Anonymous Anonymous, at 1:41 AM, March 08, 2006  

  • Ang naiisip ko Ka Uro ay yung rubber pumps na kinakailangan pag medyo sira yung john. I think marami ang gumagamit nito sa Pinas pero I bet wala dyan sa NZ...

    By Anonymous Anonymous, at 5:16 AM, March 08, 2006  

  • gj,
    oo nga pumice nga pala. naisip ko rin yang tawas. mas mahirap ngang i-explain sa customs.

    vemsan,
    naalala ko rin yung mga tabong gamit namin noon sa cal - yung mga libreng plastic na lalagyan ng coins sa mga casino sa las vegas. dami kong inuuwing ganon everytime punta kami ng vegas.

    pobs,
    ewan ko kung high-tech nga ang mga puti na hindi marunong maghugas ng wetpu. puro toilet paper lang gamit kaya minsan may amoy sila.

    pao,
    ay oo nga walis tambo. nagdala ako niyan dito. yung bunot di na. mahirap magbunot eh.

    nzhopeful,
    meron naman dito ng mga chemicals na yan. yung liquid sosa meron din yata pero iba pangalan.


    kd,
    hahaha. oo nga bakya wala dito. karsunsilyo? boxer shorts na ako ngayon dito.

    thess,
    tama ka sa probinsiya namin yung paliguan yun din ang labahan.

    major tom,
    wala ngang gumagamit nun dito. meron yatang tinitindang ganun sa mga asian shops pero so far di pa naman namin kinailangan kaya di ako bumibili nun.

    By Blogger Ka Uro, at 10:50 AM, March 08, 2006  

  • may tabo kami dito ku. ewan ko lang kung saan nakuha ni mrs. gusto mo ba ng tabong lata. dami ko dineng mga sustagen in can na wala nang laman.
    mga nakikita sa pilipinas na banyo na wala dito. gugo para sa buhok, tawas para sa kili-kiling pumuputok, walis tingting para sa damusak na sahig ng banyo at yong tingting pang saksak din sa matang mahilig manilip sa mga butas sa dinding ng banyo. totoo ba ku na ikaw at si kadyo ay bulag ang isang mata?

    By Blogger RAY, at 1:15 PM, March 08, 2006  

  • mga tao dito sa thailand ka uro marunong din mag-hugas ng wetpu, katunayan nga yong kubeta sa opisina namin may shower head na designated lang para sa wetpu :)

    By Blogger jlois, at 1:59 PM, March 08, 2006  

  • may nagtitinda ba dyan ng tawas? hehehe

    By Blogger kukote, at 2:12 PM, March 08, 2006  

  • atoy,
    ayoko ng lata, nangangalawang at baka makasugat. gusto ko yung plastic na meron pang hawakan at sabitan.

    jlois,
    nakakita na ako ng ganyang showerhead para sa wetpu. sa brunei ganun din may katabign shower head ang toilet bowl para after yung ang gagamitin panghugas.

    kukote,
    wala pa nga akong nakita. siguro dahil mahirap i-import dito. sinisita akala droga.

    By Blogger Ka Uro, at 4:02 PM, March 08, 2006  

  • pedeng magdala jan ng bilao at bayong fafa KU? pero iyong bayong may lamang balot, sitahin kaya? :D

    bat di isinama ni fafatoy sarili niya? mga mukha yata kayong pirata, may takip ang isang mata. hehehe

    *faffi kaddi, may tinda ng bakya sa alemanya :P

    By Blogger nixda, at 8:07 PM, March 08, 2006  

  • KU...dito sa Japan may biglang lalabas na lang na tubig pagpindot mo(lahat dito remote control di ba?)pero ako ayoko nun yaakkkk sa tabo pa rin ako.Minsan pati bowl nagsasalita nga eh tinatanong ka kung tapos ka na haha...kakatakot^_^.
    Cute ng topic mo...hehe exit na ko baka mabatukan pa ko dito ng hubby ko^_~

    cheers,
    -kathy-

    By Blogger Kathy, at 9:33 PM, March 08, 2006  

  • ok sa list a, naalala ko tuloy yung lumang banyo namin sa probinsya nun, ginagawa kasi naming swimming pool yung drum at yung batya namin...

    kung kelangan mo ng tabo, maraming lata ng gatas si louna dito hehe..

    By Blogger Analyse, at 7:40 AM, March 09, 2006  

  • Ka Uro, d2 KL meron din tabo, saka ung cnasabi ni jlois na shower head para sa wetpu... tawas ang wish ko na meron dito, kailangang-ailangn ng mga *Pana hehehe...

    By Anonymous Anonymous, at 9:57 AM, March 09, 2006  

  • KU... nakakaaliw nman! hehhehe... may dagdag pa ko pero sigurado lahat meron! salamin! hehhehe.. pero sa probinsya namin nuon alang salimin eh. kundi tapayan lang na lagyan ng tubig. Tama ka meron kmi nun malaking tansan! hahaha... nun bata pa ko dun ako pinaliliguan ng lola ko!

    tanong lang totoo ba pagnaghuhugas ng wetpu eh tinitingnan pa yun kamay at minsan inaamoy pa? bka nga daw ba may free? hihihi

    By Blogger Deng's Outdoor World and Travel, at 6:00 PM, March 11, 2006  

  • KU, assumption lang, yung mga nakasabit na panty at labakara na kakalaba lang at pinapatuyo? Meron din ba dyan?

    By Blogger armikins, at 12:58 AM, April 11, 2006  

  • KU, reading your blogsite make my day complete.Good sense of humor talaga ang mga pinoy.tawa ako ng tawa mag-isa. Keep up the good work folks.
    Greetings from Germany!
    Me,Sunmabelle

    By Anonymous Anonymous, at 9:07 AM, June 06, 2006  

  • Ang correct term dun Sa shower head para sa wetpu eh bidet, pronounced as bee-dey. Nabibili lang sa ace hardware yun, pwede mo ipakabit sa toilet mo.

    By Anonymous Anonymous, at 4:09 AM, June 28, 2014  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker