mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, February 25, 2008

Migrant Tales From Pinoyz2nz - Kwento ni Ivy

Sari-saring mga experiences ng mga new migrants ang nababasa ko sa Pinoyz2nz. Malungkot man o masaya, lahat pwedeng pagkunan ng aral, impormasyon, at inspirasyon. Ito ang dahilan kung bakit naisipan kong ibahagi ang ilan sa mga kwentong migrante dito sa aking blog. Uumpisahan ko ang series na ito sa kwento ni Ivy.

In my personal experience sa pakikibaka in migrating to NZ, madami din po akong pinagdaanan na struggle. Pero sabi nga ng karamihan sa atin, dasal lang and eventually you'll reap the fruit of your labor.


Para na ikaluluwag naman ng loob para doon sa mga naghahanda pa lamang na makamtan ang NZ Dream, ako ay isa sa mga magpapatunay kung ano ang naidulot na kabutihan sa aking ng NZ. Hindi po sa pagmamayabang (im sharing this para naman mabuhayan ng loob ang mga desidedo talagang makarating dito sa nz). Again, my experience may not be applicable to Juan nor to Maria

Here is my story:

1. I visited NZ sometime 1996 (KU: correction, I think this should be 2006) as tourist. At that time, it was 12 months in the waiting ako sa application process, just lodged ITA. I was only granted with LPV. I tried my luck in applying jobs. Got several interviews but wala akong swerte noon. Hindi ako natanggap, tho, muntikanan na. Alam ko may kulang pa ako na skills...skills of good NZ english communication (ang hirap intindihin kase salita nila) and what nz employers want to hear from job applicants. Kaya uwi po ako ng Pinas bago mag-expire ang 1-month
visitors visa ko.

2. After 1 month back sa Pinas, I was scheduled for interview by my VO. We were the 1st batch na sa Pinas nagconduct ng interview ang mga Visa Officers. Take note, hindi po ako nagresign muna sa job ko when I left for NZ. So tama ako, may binalikan pa ako na job.

3. After a month, I got AIP-PR, biglang PR baga. Hindi ko po ini-expect yun. Luck nga kaya yun? Seguro, since si ML ang VO ko, na sabi nila mabait & very considerate si ML. Ano raw ang factor why I got outright PR? Kase, nag-visit daw ako sa NZ, so na-i-relate ko ng maigi sa VO ko yung how well am I prepared to migrate to NZ. Sipag din seguro, kase nag-research ako sa tulong
ng madaming members dito sa group na to, sila ang nagbigay sa akin ng tips (lalo na yung kelan lang na-grant nya ng outright PR before me). Eto yung sinasabing, "do your homework".

4. One month after, fly na po ako with my daughter sa NZ. Wow! exciting! Sa wakas wala ng balikan ito!

5. Naku, almost 2 months na po ako dito sa NZ noon hindi pa po ako makahanap ng work related to my job. Bakit??? Sa kagustuhan kong may pagkakitaan, nag-apply ako ng mga temping job. Yun bang on-call ka kung may need na odd job sa mga company na hawak nung agency. Hayyy, minsan tinawag ako for a job. Sa isang big wholesaler store. And ang work ko for the week? Magpupulot po ng emptied cartons sa shelves! Grabe...naiiyak ako dahil sa Pinas manager
po ako ng malaking warehouse! And now tagapulot ng carton? Sabi nung friend ko, bakit ko daw sobrang pinababa sarili ko. Basta pray lang ako.

6. At last, may tawag sa akin for interview in the same industry where i was working back sa Pinas. Nag-research ako. Sabi ko, this time, I should be accepted. And tama ako, I got Job offer. A big Luck? seguro, kase hindi ko inaasahan yung salary offer sa akin na mas mataas as to what I was expecting.

7. In 2 month's time working with the company, I got pay rise. Unexpected din po ang % increase ko. Praise to God!

8. Monetary wise, in less than 3 months working, I was able to save money katumbas ng nagastos ko sa pag-aapply sa NZ. Aside sa nakabili din po ng kotse. Yung, 15 years ko po sa pagtratrabaho sa Pinas, naipon ko lang po dito sa NZ in 3 months time. Baka hindi po kayo maniwala pero totoo yun. (Kase mahirap po makaipon sa Pinas, un ang totoo...)

9. In 12 month's time, nakabili po ng sariling bahay.

Sana po huwag panghinaan ng loob ang ilan sa atin na nasa Pinas pa. Try your luck, do your homework. Kung may hirap....may ginhawa na naghihintay sa atin.

cheers and more strength to hold on for those who are in struggling times
now....

ivy


 
eXTReMe Tracker