Migrant Nightmares: Dreams Turning to Nightmares for WTR visa Holders
Sadly, not only a few are experiencing or have experienced the same plight. Marami pa!
So my advice to all our countrymen planning on immigrating to NZ or anywhere else: huwag isugal ang lahat nang dahil lamang sa isang pangarap. Dapat parati kayong may backup plan para kung ano man ang mangyari hindi kayo magising na luhaan.
Hi Everyone,
Sa lahat ng mga makakabasa nito humihingi ako ng inyong pang-unawa at konsiderasyon. Alam ko pong may kanya-kanya tayong mga problema, magkaiba man o magkaparehas man, minsan depende ito sa nagdadala kung gaano kabigat at kagaan ito para sa kanya. Kung sa iba maliit at magaan lang, sa iba naman ay napakabigat at napakalaking suliranin sa buhay.
Sa 22 August 2009 na ang expiration ng aming WTR extension. Dahil sa nadecline kami sa aming residency application gumagawa kami ng paraan na makakuha ng work permit. Sad to say, hindi pwedeng ipangwork permit ang trabaho naming mag-asawa. Isa akong independent contractor as a Home Educator with PORSE at ang asawa ko naman ay Assistant Retailer sa $2 and More Shop. Tinulungan na rin kami ng iba nating kapwa Filipino upang makahanap ng bagong trabaho, kaso kadalasan walang makapag-offer sa amin ng job dahil sa kaunting oras na lang ang natitira sa aming WTR extension.
Masyado na kaming apektado sa problema. Hindi madali sa aming tanggapin na umuwi na lang ng Pilipinas dahil nawala na sa amin ang lahat. Naubos na ang aming pera, nalet go na namin ang aming mga ari-arian at wala na rin kaming trabahong babalikan. Kahit pamasaheng pauwi ay wala kaming magamit. Hindi na kami nakakatulog sa kaiisip ng mga paraan na pwede pa naming gawin. Unti -unti nang nauubos ang lakas namin sa paharap ng problema. Kahit gusto naming matulog, di kami makatulog sa sobrang bilis ng kaba ng aming dibdib. Di na rin ako makapagtrabaho ng maayos kaya nagdesisyon akong tapusin ang kontrata ko sa pamilya ng mga bata na I look after. Hindi na namin alam kung papaano kami ulit mag-uumpisa sa buhay. Di ko na rin maintindihan ang aming pakiramdam. Magkahalong kaba, takot, hiya, lungkot at kung anu-ano pa ang nararamdaman namin.
Sa mga may kakayahang tumulong nagpapakumbaba kaming mag-anak na pakitulungan niyo kami in any way na kaya niyong maitulong sa amin. Nagpapasalamat din kami sa mga tumutulong at nagbibigay na ng mga pamamaraan upang kami ay makasurvive. Salamat sa inyong pang-unawa at pagmamahal.
3 Comments:
ano na po ang nangyari sa sumulat nito. Nakakuha ba sila ng extension ng WTR or naka-pagconvert ba sila to Work Visa?
uly
By Anonymous, at 1:58 PM, September 10, 2009
ka uro matanong ko lang ako po ang nangyari sa mag anak na ito.
salamat po
By Anonymous, at 1:18 PM, July 22, 2010
Not sure exactly kung ano na nangyari sa kanila. Sa tingin ko andito pa sila sa NZ kasi last email niya was Sept 09 at open pa rin mobile number niya.
By Ka Uro, at 1:38 PM, July 22, 2010
Post a Comment
<< Home