mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, February 25, 2008

Migrant Tales From Pinoyz2nz - Kwento ni Ivy

Sari-saring mga experiences ng mga new migrants ang nababasa ko sa Pinoyz2nz. Malungkot man o masaya, lahat pwedeng pagkunan ng aral, impormasyon, at inspirasyon. Ito ang dahilan kung bakit naisipan kong ibahagi ang ilan sa mga kwentong migrante dito sa aking blog. Uumpisahan ko ang series na ito sa kwento ni Ivy.

In my personal experience sa pakikibaka in migrating to NZ, madami din po akong pinagdaanan na struggle. Pero sabi nga ng karamihan sa atin, dasal lang and eventually you'll reap the fruit of your labor.


Para na ikaluluwag naman ng loob para doon sa mga naghahanda pa lamang na makamtan ang NZ Dream, ako ay isa sa mga magpapatunay kung ano ang naidulot na kabutihan sa aking ng NZ. Hindi po sa pagmamayabang (im sharing this para naman mabuhayan ng loob ang mga desidedo talagang makarating dito sa nz). Again, my experience may not be applicable to Juan nor to Maria

Here is my story:

1. I visited NZ sometime 1996 (KU: correction, I think this should be 2006) as tourist. At that time, it was 12 months in the waiting ako sa application process, just lodged ITA. I was only granted with LPV. I tried my luck in applying jobs. Got several interviews but wala akong swerte noon. Hindi ako natanggap, tho, muntikanan na. Alam ko may kulang pa ako na skills...skills of good NZ english communication (ang hirap intindihin kase salita nila) and what nz employers want to hear from job applicants. Kaya uwi po ako ng Pinas bago mag-expire ang 1-month
visitors visa ko.

2. After 1 month back sa Pinas, I was scheduled for interview by my VO. We were the 1st batch na sa Pinas nagconduct ng interview ang mga Visa Officers. Take note, hindi po ako nagresign muna sa job ko when I left for NZ. So tama ako, may binalikan pa ako na job.

3. After a month, I got AIP-PR, biglang PR baga. Hindi ko po ini-expect yun. Luck nga kaya yun? Seguro, since si ML ang VO ko, na sabi nila mabait & very considerate si ML. Ano raw ang factor why I got outright PR? Kase, nag-visit daw ako sa NZ, so na-i-relate ko ng maigi sa VO ko yung how well am I prepared to migrate to NZ. Sipag din seguro, kase nag-research ako sa tulong
ng madaming members dito sa group na to, sila ang nagbigay sa akin ng tips (lalo na yung kelan lang na-grant nya ng outright PR before me). Eto yung sinasabing, "do your homework".

4. One month after, fly na po ako with my daughter sa NZ. Wow! exciting! Sa wakas wala ng balikan ito!

5. Naku, almost 2 months na po ako dito sa NZ noon hindi pa po ako makahanap ng work related to my job. Bakit??? Sa kagustuhan kong may pagkakitaan, nag-apply ako ng mga temping job. Yun bang on-call ka kung may need na odd job sa mga company na hawak nung agency. Hayyy, minsan tinawag ako for a job. Sa isang big wholesaler store. And ang work ko for the week? Magpupulot po ng emptied cartons sa shelves! Grabe...naiiyak ako dahil sa Pinas manager
po ako ng malaking warehouse! And now tagapulot ng carton? Sabi nung friend ko, bakit ko daw sobrang pinababa sarili ko. Basta pray lang ako.

6. At last, may tawag sa akin for interview in the same industry where i was working back sa Pinas. Nag-research ako. Sabi ko, this time, I should be accepted. And tama ako, I got Job offer. A big Luck? seguro, kase hindi ko inaasahan yung salary offer sa akin na mas mataas as to what I was expecting.

7. In 2 month's time working with the company, I got pay rise. Unexpected din po ang % increase ko. Praise to God!

8. Monetary wise, in less than 3 months working, I was able to save money katumbas ng nagastos ko sa pag-aapply sa NZ. Aside sa nakabili din po ng kotse. Yung, 15 years ko po sa pagtratrabaho sa Pinas, naipon ko lang po dito sa NZ in 3 months time. Baka hindi po kayo maniwala pero totoo yun. (Kase mahirap po makaipon sa Pinas, un ang totoo...)

9. In 12 month's time, nakabili po ng sariling bahay.

Sana po huwag panghinaan ng loob ang ilan sa atin na nasa Pinas pa. Try your luck, do your homework. Kung may hirap....may ginhawa na naghihintay sa atin.

cheers and more strength to hold on for those who are in struggling times
now....

ivy

7 Comments:

  • Ka uro,
    what a nice story!kapag nakakabasa ako ng ganyang klase ng kwento e nabubuhayan ako ng loob though I am not a nz wanabe, basta story ng success na e encourage ako to strive harder.salamat KU.i hope tuloy tuloy na na ulit ang pag blog mo and umasa ka babasahin ko palagi.

    By Blogger Wato, at 4:41 AM, February 26, 2008  

  • Hi Ka Uro,

    Good start! Welcome back for sharing your precious time serving your kababayans. Despite political or any kind of uncertainties, Pinoys have something to hope for. Truly an inspiration and source of encouragement to every Pinoy migrants. Keep it up.

    Pinay

    By Anonymous Anonymous, at 4:44 PM, February 26, 2008  

  • nakakaiyak naman-- in a good way =)
    whoever ivy is, congratulations, and thanks for sharing your story.
    ka uro, you're helping so many people. it's wonderful that you make time for this. thank you very much!

    By Anonymous Anonymous, at 3:47 PM, February 28, 2008  

  • Salamat Ka Uro s pagbabahagi ng mga kwento.Isa po ako sa ngaaply din sa New Zealand,I am working on my EOI submission,nakakainspire yung kwento ni Ivy,nakakapagpalakas ng loob.

    By Anonymous Anonymous, at 4:40 AM, July 13, 2008  

  • ka uro,

    ok kwento mo, maraming tama, maraming false hopes.

    una, koruption ang sumira sa bansa natin. kultura na yan at nasa dugo. kung aalisin dapat drastic, death penalty sa corruption. isang halimbawa ang reciprocity na lang ng mga CPA to CA rito, di ginawa, tamad, kasi walang pera, bakit naging official ng PICPA, ang CHED ganon din. di pagdating dito sa NZ malasubas ang pinag aralan sa pinas. BALE WALA, ZERO.

    swerte ka pa, dahil sa COKE ka, merong coke rito, so experience mo, ayos, pero pag di nila kilala rito BALAHURA ULIT, kasi manager ka nga, di sa micro scale u mismanaged kasi mismanaged ang bansa. walang kinalaman sa pagiging pinoy natin yon. pag pinoy ka, pero experience mo sa tate or USA or aral ka doon, sus pasok na pasok ka. so the root of evil is us being in third world country becoz of corruption.

    si PGMA, yon OFW TO OFI, bakit ang OFW ang hihuthutan nya, wala na kasing investor na makuha at gusto pa ang OFW ang maging investor. nuknukan ng kalokohan to. pati padalang pera may tax 0.15%, mga hinayupak ang mga yan , dugo at pawis ng ofw at di makita ang pamilya.

    buti pa ang meralco foundation, nag pa accredit sa canada at australia at nz. ched at tesda walang silbi, walang ginawa, puro na kasi matatanda sa corruption ang nilagay.

    tama ka, false hopes, kasi buhay nz, is trabahong BOY ka lang, oo, milagro pinalad ka tsong, MILAGRO TO, kahit nasa pinas ka milagro nanalo ka sa lotto ayos, kahit saang parte ng mundo. wag ganito, di pwedeng iasa sa milagro ang buhay kasi, bihirang mangyari yon.

    Isang sumpa ang pumunta ng NZ para sa akin, very attractive parang demonyo, pero isang masamang kulungan at panaginip ang mamuhay rito. oo, pag asa natin ang mga ganyang kwento, pero ilang porsiento brad, 5% lang sa mga nagpunta rito.

    tignan mo, nangarap ka, binigyan ka ng false hope at aprub ng nz na akala mo ikaw ang pinalad kasi marami raw nag apply pero di naman pumasa. now umutang ka ng malaki, gastos ng malaki, ang pinakamasama, pinaasa mo pamilya mo at anak. so umalis ka, gulat ka, galing mo tsong, pero dito BOY lang hirap pang magwork dapat may kilala ka pa.

    shit, swerte pa nga yung makakabalik, dahil yung isa, apat na buwan nagpakamatay, nakapost yan.

    paano ka babalik, haharapin mo ang san damakmak utang mo sa kamag anak at kung saan saan, hanggang nandito ka, siempre asa sila na time lang at mababayaran sila, e bumalik ka na, patay. ang mga anak mo pina asa mo na ganito, e bumalik ka, sinira mo pa pangarap nila, di mo naman pwedeng sabihin totoo, kasi ang sasabihin FAILURE KA LOSER. shit sinira mo pangarap nila. kasi di ka matapang at hinarap mo pagiging BOY at di mo pa hinintay na mabagsakan ka ng istante para at least sabihin mo ginawa mo ang lahat.

    buhay mo rito parang robot.

    anyway, hirap talaga, puntahan ang nz ng walang pera. pag mayaman canada at australia, laki show money, dito papel lang di na nid dalhin.

    wag mo tignan ang milagro, one in a thousand yon, ang tignan mo mga failure stories at check mo kung kaya ng bituka mo o handa ka sa suicide na buhay tulad nito. yung dalawang taon ayos pa, pero less than date, malabo na yan. ngayon pang peke pala ang immigration head at yon napalayas na kasi may pinapasok na kamag anak, ASIAN assasination kasi masyado na marami asians rito., mgr racists talaga ang mga puting yan, pero fairly, nz mas magalang na racists. sa iba, lantaran eh. dito magalang sila, racists rin,pero bawal ipakita.

    mag OFW ka muna na ang experience ayos rito. mag tourist ka lang, pag swak ka sa work rito, di mag EOI ka at PR, mas di ka pa gagastos. wag na diretso EOI, u will be stress out. eto ang best na payo.

    check mo, kung nid training, mag open university ka. punta ka lang pag medyo ayos ang connection mo rito at ayos ang qualification at experience mo na tanggap rito, hindi ng immigration kundi employer rito.

    tama, mahirap unawain kiwi, di lang salita pati ugali. sila ang pina hypocrite na magalang. ayaw nila makasakit kaya puro EXCELLENT, GREAT, FANTASTIC, superlative lagi pero di ganoon ang pagkakahulugan.

    so ang maayos na payo, pag may pera, canada, or austalia.

    Pag walang pera, pag aralan ang connection, MBA rito dapat may referral or MAY BACKER AKO(MBA).
    tapos mag OFW muna sa bansa na swak qualification and experience at least kita ka muna, then, pag matanda na settle na rito. pag bata, wag, sayang buhay, or maliit pa kids. wag dito manganak, hirap buhay, magastos. bawi ka rito education ng mga anak sa high school at college. at least student loan mga 18k lang sa canada 30k at usa ganon rin, NZ LAST SA list of globally accepted education pero kasali pa rin.

    work life balance, kabalbalan to. nasa tao na yon. pag may pera siempre may work life balance, pag wala, di kayod kalabaw, e sa isang pamilya na nid mo 3 bedrooms, kasi hiwalay ang babaing anak, so 360 dollars a week or 43200 pesos yon. lalaki work for utilities, asawa work for others. kayod kalabaw ang buhay nz. mahala lahat.

    walang encourage or discourage, buntot mo hila mo , so buhay mo yan.

    TOTOONG KWENTO LANG PO

    KABAYAN

    By Anonymous Anonymous, at 12:14 PM, September 19, 2008  

  • I believed that a great future is for those people who believed that their dream will become a reality. And all of us have the choice to choose our destiny by prayer and faith to God all things are possible...Keep on dreaming kababayan!

    By Anonymous Anonymous, at 7:25 PM, October 29, 2009  

  • hello po ka uro,
    interested po akong mag work dyan sa nz me pamilya po ako 3 anak ko. ang gusto ko sna ay makakuha ng wtr. sabi nla kasama daw sa shortlist jobs ng nz ngayon ang baker. tanong ko lng po kung apply akong baker dyan sa nz ano pong training at certificate or accreditation ang need ko kunin dito sa pinas. actually bs accountancy graduate ako at me banking job background pero di nman ksama sa shortlist jobs ng nz ang accounting kaya baker na lang ang naisip kong pasukan since nakapag short course na ako dati dito sa pinas din ng culinary course. kuha na lang ako baking course ulit dito ng 3 mos para mag qualify ako as baker sa nz. sana po mabigyan nyo ako ng infos and tips about this things. ang husbnd ko po ang isang mechanical engineer.
    tnx po. God bless.

    By Anonymous Anonymous, at 2:40 AM, July 12, 2010  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker