Christmas 1982 o 1983. Di ako sure, but it was sometime when we all just graduated from college. Right after Christmas nagkayayaan kami ng barkada- ako, si JunS, Cune, at Rodel na umakyat ng Baguio at mag-stay doon for a few days. Hindi ako sure kung kasama rin si Benjie. Anyway, nag-bus kami from Quezon City to Baguio. Di ko na matandaan kung sabay kami lahat o sumunod na lang yata si Rodel. I think late si Rodel. Alam ko parati siyang late e.
Anyway dumating kami sa tutuluyan namin ng mag a-alas nuwebe na ng gabi. By the time na nakapag-settle in na kami, siyempre tsibog at binuksan namin ang Gilbeys na baon namin. Needless to say, nalasing kami lahat. At around midnight, lumabas kami para maglakad sa paligid ng compound, hoping to find others who are still awake like us. Wala kaming nakita kaya naglaro na lang kami ng taguan. We went back inside the unit at around 1am at which time nagsuka naman si JunS dahil sa kalasingan. Pero bilib ako diyan sa kaibigan kong yan. Kahit na lasing at nagsusuka, malinis at may-disiplina at hindi basta kung saan nagsususuka. May plastic bag siyang hawak at doon sumusuka. Kahit tulog siya, hawak pa rin ang plastic bag. Masaya ang barkada. Especially, the following morning recollecting our insanities the previous night.
Even today when we talk about that time in Baguio, it never fails to elicit laughter and transports us back to a magical moment in our lives when all of us were still single, fresh from college, mataas pa ang testosterone levels, looking for adventure. Ngayon malalaki na ang mga anak namin. Si JunS ay nasa Toronto. Benjie works in New Jersey. Ako sa Auckland. Si Cune at Rodel sa Pinas. To this day, we still hope to revisit Baguio, have a reunion and relive those moments.