mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, September 30, 2005

Vacation Update

This is just a quick update of our vacation so far. But first I'ld like to apologize for not updating my blog for the past few days. Putol kasi yung phone connection sa bahay kaya walang internet. Ngayon nakikigamit muna ako at may time na rin kasi lie low na sa shopping. First week, e puro shopping ang ginawa nag mag-ina ko. Sa Gateway, SM, Greenhills, Makati at 168. Talagang shop to death sila. Ako tagabitbit lang ng mga pinagshopping nila.

Enjoy naman dito at maganda ang weather. Hindi masyadong mainit at hindi naman maulan. Although at times, medyo maalinsangan, kaya kailangan maligo nang two to three times a day. Highlight of our stay so far was when I attended the Pinoyz2nz meeting at Megamall last 24th Sept. Kinakabahan talaga ko nung nag-speech ako. Wala kasi akong praktis. Very friendly ang mga members and organizers ng meet. To all of them I wish them all the very best.

I was quite impressed with the improvements in traffic sa metro manila compared to what it was 5 years ago. Very efficient yung LRT at MRT. Yung mga malls dito grabe, super laki at ganda. Mami-miss namin ito pagbalik sa NZ.

For now, I really miss updating my blog and blog hopping. I'll be back in NZ on the 9th Oct. Until then...

21 Comments:

  • sorry. profile is locked

    By Anonymous Anonymous, at 7:23 PM, September 30, 2005  

  • Tingin ko enjoy kayo ng pamilya sa bakasyon nyo sa Pilipinas. Have more fun! Reading from everyone's comments you had a great speech. Congrats! Inuman na. Punta ka at lahat ng blog barkada mo dito sa amin. Sa akin ang inumin sa inyo ang pulutan, he he. Teka muna baka marami akong kapitbahay sa mga barkada mo. Kopyahin muna kita, cheers!!!

    Pasensya na. Nakainom na ko eh. Deleted previous to the previous comment kasi mali yung link back. Ah basta enjoy kayo sa bakasyon. (Sana wala na akong typo error.)

    By Anonymous Anonymous, at 7:29 PM, September 30, 2005  

  • puwede bang pa ampon sa yo at sama ako sa mag ina mo mag shopping spree? :-) huwag kang magalala, tutulong ako sa pagbitbit. :-0

    enjoy your vacation!

    By Blogger JO, at 6:47 AM, October 01, 2005  

  • Hi KU,

    Na miss ko po yung mga entry nyo ah! Grabe...Bisyo na toh!=) Nyways, I'm glad that You and your family is having a great time with your vacation.

    Sayang talaga KU, nde ako nakapunta dun sa Pinoyz2nz meeting sa Mega. Tsk-tsk... Na meet ko sana kayo personally. Dbale, sa NZ nlang tayo kita KU.=)

    Mabuhay po kayo!
    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 11:14 AM, October 01, 2005  

  • pareng fafa, size 10 ako sa rubber shoes, tshirt ko naman xl sa pilipinas. vcd o dvd alam mo na type ko pinoy chics movie kahit panahon pa ng miff.hindi naman ako pillin kahit orig na galing baclaran o divisoria o bangketa. 'La Cost o Our Manni pwede na sa aking tatak. sa relo naman pwede Taga wer or Roll Lex or O (outside) Mega mall mo binili

    By Blogger RAY, at 11:40 AM, October 01, 2005  

  • Hi fafa na rin, mukhang enjoy na enjoy ang mag-ina mo ah. Ay ganyan talaga ang mga asawa nagabitbit...hayaan nyo na po. Don't forget our pasalubog ha.

    By Blogger Raquel, at 6:31 PM, October 01, 2005  

  • 'Andyan ka pala sa Pinas? Enjoy your holiday. Huwag mong kalimutan ang pasalubong ko ha!hehehehe....

    By Blogger Ladynred, at 4:40 AM, October 02, 2005  

  • nabalitaan ko nga na narito ka sa Pinas... am glad you're enjoying your stay.

    maganda talaga ang ginawa sa traffic. i wonder why di nakikita yun ng iba.

    By Blogger bing, at 4:49 AM, October 02, 2005  

  • fafa KU bumalik ka na... para masimulan na kwento... update na kasi...

    By Blogger Mmy-Lei, at 5:37 PM, October 02, 2005  

  • Kayapala di kanag-post eh busy sa shopping.....nice meeting you Ka Uro!

    By Blogger Flex J!, at 11:38 PM, October 02, 2005  

  • hello! kaya naman pala walang masyadong update dito, busy ka sa shopping... hehehe, pag naoverbaggage ka, sa akin mo na ibigay yung sobra! hahahaha!!!

    ingatz!!!

    By Blogger kukote, at 7:08 PM, October 03, 2005  

  • WOW! Enjoy your vacation Ka Uro...I'm looking forward to your kwentos when you come back to NZ.

    By Blogger Unknown, at 7:27 PM, October 03, 2005  

  • KU, alam kong kasalukuyan kang namamakyaw ng mga bilihin sa malls at tiange. Im sure enjoy na enjoy kayong lahat. Pasyalan nyo din ang metrowalk sa ortigas o di kaya yung baywalk sa roxas blvd. Sigurado ako mamamangha ka sa pinagbago ng lugar na ito.

    Ang tanong, di kaya kayo ma over-baggage nya? hmmm...

    post ka naman dyan. hinihintay ka namin dito - dito sa blogosphere!

    By Blogger darlene, at 3:55 AM, October 04, 2005  

  • just passing by for updates..enjoy the remaining vacation days, ka Uro!

    By Anonymous Anonymous, at 10:39 PM, October 04, 2005  

  • Buti naman po enjoy vacation nyo hehehhe...It was a good and sensible speech by the way. Nice meeting you po!

    By Blogger Bluegreen, at 6:18 PM, October 05, 2005  

  • Hi KA Uro,
    Glad to know that you are enjoying your holiday. Sayang di kayo nakapunta sa bday ko nung 27 Sept. Dont forget po yung bilins ng mommy ko.
    Regards to your lovely wife and daughter.

    By Anonymous Anonymous, at 12:06 AM, October 06, 2005  

  • musta?sana mag enjoy pa kayo lalo sa pamimili :) ang sarap mamili talaga dyan sa pilipinas

    By Blogger lws, at 6:26 AM, October 06, 2005  

  • Ka Uro,
    Marami pa kayong di naco-cover... Market! Market!, Rockwell, Glorietta, Landmark, etc. Ano bang email add ni Jean and Fides? he he he

    Salamat sa pagpapaunlak mo sa amin sa 8th Pinoyz2NZ meet.

    By Blogger jinkee, at 9:24 PM, October 06, 2005  

  • waaa... tagal ko na di nakauwi sa PI.. almost 14 yrs. :) oh well, ikain mo na lang ako ng fishball kuya! (let me know kung magkano na rin) dati kasi 8pieces for 2 pesos. hehehe. Enjoy ur vacation!

    By Anonymous Anonymous, at 4:57 AM, October 08, 2005  

  • At talaga namang walang katapusang shopping yan ha! Kahit ako ay feel na feel na mag-lakwacha sa Pinas, dalawang buwan na lang makakabalik na ako!!! Yoohooo! Ang mabuti dyan sa bakasyon nyo, Ka Uro, ay hindi pa Disyembre... Iniisip ko palang ang traffic na aabutan ko pag dating ng Pasko, ay sus naloloka na ako... pero tuloy pa rin ang shopping, tuloy pa rin ang pakikipag-sisksikan! Hehe!

    Nag-restaurant hopping rin ba kayo? Haaay nakaka-miss ang Jollibee at Gerry's Grill!

    By Blogger Jovs, at 8:07 PM, October 09, 2005  

  • donald- INGIT AKO!

    By Anonymous Anonymous, at 2:07 PM, October 10, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker