Life abroad is not all roses
Ang bansag nga namin sa kanya "Bulok", kasi wala kang maririnig sa kanya kundi ang salitang "bulok". "Bulok naman dito sa New Zealand, malungkot. Sa amin marami kang mahihiraman ng VCD, DVD, video games. Dito walang Jollibee, walang MegaMall, etc. etc. ... bulok ang New Zealand." Ganyang klaseng pananalita ang maririnig mo sa batang ito. Sarap ngang batukan, e. At very impolite sa magulang. Kung makahingi ng tubig sa ina daig pa ang utusan ang sampung alipin.
After na ma-meet ko itong pamilyang ito, na-realize ko na meron din palang mga Pinoy migrants ang nahihirapang mag-adjust sa buhay dito. Hindi pala lahat katulad namin na nag-enjoy kaagad sa buhay dito. Inisip ko kung ano-anong mga katangian meron itong pamilyang ito at very negative ang reaksyon ng kanilang anak.
Una sa lahat napag-alaman ko na may-kaya sila sa Pilipinas. May malaking bahay. Magandang paaralan (La Salle) ang pinapasukan at katangi-tangi sa lahat ang pagkakaroon nila ng maraming yaya at mga maid sa Pilipinas.
Based on this family's profile, I've concluded that Pinoys coming from well-to-do to very rich families, are more likely to find it difficult to adjust to life in New Zealand, or any life abroad for that matter. If you are used to having servants do all your everyday house work, life abroad can be traumatizing and humiliating. Wala kang mauutusang maid o yaya dito. So you have to learn to cook, to do the laundry, clean the house, take care of your kids. I've not experienced it because I have a really good wife who takes care of us, but I know some, mostly women ang napapaiyak kapag kanilang ginagawa ang everyday housework. Imagine nga naman kung sa atin Senor o Senorita ka at lahat ng bagay pwede mo iutos sa maid, tapos dito naghuhugas ka ng pinag-kainan, naglilinis ng toilet, etc. Hay, naku, mapapa-iyak ka na nga lang di ba? Sabay buntong-hininga: "Eto ba ang pinangarap kong buhay...buhay ng isang domisticated?"
Coping up with the domestic chores can be a huge challenge to some new migrants.
The moral lesson -- life abroad may not be suited to everyone. Life abroad is not all roses. There are sacrifices and difficulties too. Nasa sa iyo na lang kung paano ka mag-aadjust sa bagong environment mo because you can't expect it to adjust for you. Pero gaano man kahirap ang maranasan mo, if you think positive, ma-o-overcome mo lahat yan.