May request sa akin si Senyang na mag-sulat tungkol sa mga gustong pagkain ng mga Kiwi. May mga bisita kasi siyang darating from NZ.
Actually madali lang naman i-please ang mga Kiwi. Mas madali ngang i-prepare ang mga pagkain nila. Hindi tulad ng mga pagkain natin na de-putahe at preparation pa lang aabutin na nang siyam-siyam. So here are some tips on what to prepare and also what to avoid if you want to impress your Kiwi guests.
BreakfastKung tayo mahilig sa heavy breakfast na may sinangag, fried eggs, tocino, fried fish, kamatis, etc., sila hindi. The simplest breakfast you can prepare is what they call continental breakfast. Pinaganda lang ang name pero actually, cereals lang at fresh milk. Pwede mo rin dagdagan ng toasts at butter. Kung medyo galante ka bacon, ham and fried eggs idagdag mo. For drinks, coffee or tea or orange juice. Yung mga Kiwi, they like to add milk to their tea. At ang milk nila dito sa NZ yung fresh milk. Hindi sila gumagamit ng evap na nakalata.
Lunch Madali din mag-prepare ng lunch para sa mga Kiwi. Usually, light lang. Hindi heavy na tulad natin. Sandwiches lang okay na. Kaya lang yung sandwiches nila dito malalaki at maraming sahog na salads na tulad nung mga tinitinda sa Subway Restaurant. Para mas madali, dahil alam ko naman na mahal din ang mga fresh salads sa atin, pwede na rin ang hotdog sandwich. Fried, grilled o kahit na-microwave na sausages lang tapos tinapay na pinahiran ng spreadable butter okay na. Yung iba gusto rin samahan ng fried onions at lagyan ng ketchup. Nga pala, try the Heinz or Del Monte ketchup. Huwag yung UFC. Matamis kasi yung UFC at hindi sila sanay doon.
Kung gusto mo pwede rin magluto ng french fries (chips ang tawag nila dito). Make sure damihan mo kasi yun ang ginagawa nilang kanin. Yung isda kung magluluto ka tanggalin mo ang ulo at tinik. Ayaw nilang nakikita ang ulo ng isda or any animal na tulad ng lechon baboy. Cruelty to animals yon para sa kanila. Very gross para kanila yung ugali nating sinisipsip ang mata ng isda. Kaya kapag isda usually fillet na.
After lunch, offer them some desserts and coffee or tea. Usual desserts nila could be cakes, ice cream, fruits or fruit salad. Ang fruit salad nila, sari-saring chopped fruits (watermelon, melon, oranges) na pinagsama-sama lang. Hindi tulad sa atin na may gatas at pinalamig pa.
DinnerEto ang pinaka-heavy meal para sa kanila. If you want to serve some starters bago yung mains you can start with soup. Corn soup or seafood chowder soup are common. For the mains the safest to prepare is anything meat that is grilled on the barbecue. Slices of pork, beef, chicken or lamb or sausages. Hindi mo na kailangan tuhugin, extra work lang yon. Kailangan lang malalaking slices. And if you're going to marinate the meat, huwag masyadong maalat, matoyo o matamis. Bland ang panlasa nila di tulad sa atin. Kung chicken, I suggest lutuin mo muna slightly sa oven bago mo i-barbecue. Kasi kung barbecue lang hindi maluluto ang loob. Sa steak naman, yung iba gusto yung rare o medium rare na mamula-mula pa ang gitna. Better ask them first how they like their steaks.
With the meat, gusto nila ang fresh salads na may dressing na nabibili naman sa mga supermarket. Magbukas ka rin ng corn at green peas na nakalata to add some color on the table. If you want to serve rice, okay din. Otherwise dagdagan mo ng chips and bread and butter.
The other variation from barbecue is roasted beef or pork. Roast the meat in the oven. Then slice it into thin strips na parang ham to serve. In the oven, mag-roast ka rin ng buo-buong patatas, kamote, at gabi. Kahit di balatan ang patatas at kamote okay lang basta hugasan mo lang mabuti. When they eat the patatas and kamote, they sometimes like putting some butter on it.
With their dinner plates, they normally use fork and knife. Yung iba nga di marunong gumamit ng spoon.
If you’re feeling sosy, magbukas ka ng wine. The rule of thumb is white wine kung white meat like chicken, fish or pork ang ulam. Otherwise red wine kung red meat tulad ng steak. Make sure you use proper wine glasses. Hindi kasi magandang tingnan kung may wine ka nga tapos ordinary drinking glasses or plastic cups naman ang gamit mo.
After the mains, serve the usual desserts then coffee, or tea.
Eto naman ang mga dapat tandaan especially if you’re serving Pinoy dishes. Nasabi ko na sa itaas yung fish na dapat walang ulo. Don’t serve any exotic Pinoy dish like dinuguan, pinapaitan or anything with animal internal organs. Avoid serving anything that is fatty or high in cholesterol. For example yung pork chop na makapal ang taba. O kaya ang bulalo na may lumulutang pang utak at mga buto-buto. They are not used to anything na may buto-buto. Dito kasi sa NZ, yung mga buto-buto na ginagawang bulalo sa Pet Food Section ng supermarket kang nabibili. Avoid soup dishes like sinigang, tinola or nilaga. They are not used to eating rice na binabad sa sabaw. You can serve lumpiang shanghai and pancit. Alam nila ito. But try to avoid adding shrimps kasi some Kiwis are allergic to it. Huwag din lalagyan ng mga atay at balumbalunan. No, no yon. Tahong very common dito. Kaya pwede itong isang putahe.
MeriendaMadali lang, coffee or tea at biscuits lang. Anything heavier than that is already a main meal.
I hope I've given you an idea of what food Kiwis like at makatulong ito sa pag-entertain sa iyong mga guests. Kung nahihirapan kang magpakain sa kanila, dalhin mo na lang sila sa Mcdo o KFC o kaya umorder ka na lang ng pizza.