mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, May 31, 2006

Sagot ko sa liham ni Linda

God grant me the serenity to accept things I cannot change,
Courage to change the things I can,
And Wisdom to know the difference.

Hi Linda,

Lubos akong nalungkot sa iyong liham. Most times I’m too naive and too trusting of people and I have a tendency to romanticize things. But your letter jolted me back to reality. That life's not perfect. I now think that your case might just be the tip of the iceberg. That there are others with the same predicament as you. That there are more Filipinas like you who feel abused and unappreciated. They feel like captives of their husbands and don’t know where to turn to. They can’t get any help from the system like NZIS, because the slightest hint of their troubles can in fact be used by their husbands and NZIS to deport them.

Due to the lack of external support and no one to talk to, you feel helpless. Katulad ng sinabi mo para kang lumulubog sa kumunoy. It is bad to feel helpless, but far worse to feel hopeless. So Linda, sana huwag kang mawalan ng pag-asa. Makakaya mo yan.

In your current situation, to be blunt about it, I can say that you are practically a prisoner of your husband. But I tell you, even if he puts you in a cage, he won't succeed in locking your mind and spirit. UNLESS you allow him to. Conversely, if you allow him to control your mind through his threats, then he doesn’t need chains to bind you. Because practically, you’re already his slave.

So where to now Linda? You have a number of options.

One option is to get out from the relationship. You can do this two ways. Una, basta lumayas ka na lang. Bad idea (unless you feel your life is threatened) because if you do it this way, he has no recourse but to report you to the authorities. The other way of getting out of your relationship is by mutual agreement, or amicable settlement. Who knows baka yun din ang gusto niyang mangyari. If you split as friends, there is a greater probability that he'll still be supportive of you staying in NZ. Either way, with option 1, you won't get a residency visa via the Partnership Policy.

Another option, if you think you can qualify under the Skilled Migrant Category (SMC) is to transfer your residency applicaton from Family Category (partner policy) to SMC. If you go through the SMC route, your relationship with your husband becomes irrelevant. However, if you leave him prior to your getting a WTR or PR visa via the SMC route, NZIS might still give you a hard time. So this option, just to be sure also requires some waiting game.

The last option will be to stick it out with him. If you could make him change and make your relationship work out so much the better. In 12 months, you can have your work visa converted to a permanent visa.

Once you have a PR visa and you decide to divorce him, will you be safe then? Hindi na ba pwedeng i-revoke ng NZIS ang PR mo? The bad news is that pwede pang i-revoke ng immigration ang visa ng kahit na sino if that person misrepresented themselves, lied, falsified documents or committed any form of dishonesty.

May mga precedents na kung saan na-revoke ang visa kahit matagal na sila dito. In a partner relationship, Immigration must be satisfied beyond doubt that the couple are living together in a genuine and stable relationship for at least 12 months. Should your husband file a complaint against you that your relationship wasn’t genuine even after you've acquired a PR visa, then there is a possibility that your PR could be revoked. Of course, your husband will need to substantiate his allegations.

There was a case about 5 years ago of a Filipina who was deported. She was married to a Kiwi. The Kiwi was maltreating her and she wanted to get out of their relationship. The Kiwi found a letter from the Filipina to her mother saying something like she was having a hard time with her husband and that she intends to divorce him as soon as she gets a PR. Tagalog o Bisaya pa nga yata yung sulat. The husband brought the letter to Immigration and had it translated. In the end, NZIS used that as evidence to deport the Filipina saying that their relationship was not “genuine and stable”; that the wife was only using the guy to acquire residency. Kawawang Pinay, kinaladkad papuntang airport kahit siya’y buntis nung time na yon. Walang nagawa kahit mga abogado.

So my first IMPORTANT advice to you, if your objective is to only to acquire a PR, to not put that in any form of writing, kahit email, because that could be used as evidence against you. Kung may email, i-delete mo. Maging yung Recycle Bin at Deleted Folder sa Outlook, i-empty mo. Also don’t mention your intention to anyone.

My next advice is for you to find a job, kahit part-time. Tama ang sabi ni Troskybee dahil kung may job ka kahit papaano makakatakas ka sa bahay for short periods. At kung may sarili kang pera, hindi ka basta-basta pwedeng sigaw-sigawan ng asawa mo. You’ll get your self-esteem and life back at magiging mabilis pa ang paglipas ng mga araw. Having your own income and savings is good for your security and also gives you a certain level of independence. Hindi ka kailangan umasa sa asawa mo for everything.

My last advice, huwag muna kayong mag-anak. Hopefully, wala pa nga.

If you really assess your situation, hindi pa naman grabe (I hope you agree).

1. Hindi siya relihiyoso. Maybe the reason why God allowed you to marry him is for you to win him back to God. Ipakita mo ang kabutihan ng Diyos, but don’t be preachy about it.

2. Totoong common ang marijuana sa ibang Kiwi. But it is also common kahit sa iba nating mga kababayan. Again, andiyan ka siguro para ikaw ang magturo ng tamang landas para sa kanya.

3. Siguro kaya niya nailihim na may anak siya nung nililigawan ka pa lang niya dahil mahal ka niya. Inisip niya siguro na baka hindi mo siya ibigin kung ito’y hindi niya inilihim.

4. Baka naman mahiyain lang siya kaya ayaw niyang maki-sosyal sa ibang Pinay. Okay din yon, baka agawin pa siya ng iba, di ba?

5. Ako nanonood din ng porno. Komon lang yon sa mga lalaki. May time din na nahilig akong magpunta sa mga malalaswang site sa net. Noon, dahil sa pakikisama, madalas kaming nagpapa-umaga sa mga beerhouse at nanonood ng mga “shows”. Pero ngayon sawa na ako. I’m sure, ganon din siya. Magsasawa din yan.

6. Kung "disrespectful" siya sa kanyang magulang, ito’y gawa ng pagpapalaki sa kanila. Komon yan sa mga puti hindi lang dito sa NZ. Culturally, iba kasi ang upbringing nila kumpara sa atin. For them all adults regardless kung parents nila have same social standings as them.

7. If you have your own income, hindi kanya basta-basta pwedeng sigaw-sigawan.

8. The way you sounded it is as if you’re only relying on him to provide you the future you want. Mag-asawa kayo, so you two should work together as one for that future. Sa mag-asawa, dapat teamwork, di ba?

Sana makatulong ito sa iyo. Mag-iingat ka. Be strong and pray always.

k u


Sunday, May 28, 2006

Liham Galing Kay Linda

Nagpapasalamat ako kay Linda at binigyan niya ako ng pahintulot na ilathala ang kanyang liham. Ito'y para daw malaman ng ating mga kababayan and kalagayan ng katulad niya na isang Pinay na nakapag-asawa ng Kiwi.

Dahil mahaba na ang liham ni Linda, sa susunod na post ko na lang ito sasagutin. In the meantime, kung may payo o word of encouragement kayo para sa kanya o sa iba nating kababayan na tulad niya huwag mag-atubiling mag-iwan ng comments. I'm sure sa NZ, sa Tate, sa Aussie, sa Canada at Europa marami pang Linda.

hi ka uro,

madalas po akong nagbabasa ng blog nyo pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sulatan kayo. sa ngayon kasi, litong lito ako. ang pakiramdam ko po para akong nalugmok sa kumunoy at di makabangon. hindi ko alam kung makakaahon ako. nawawalan na ako ng pag-asa.

ako po’y isang pangkaraniwang probinsiyana. maayos naman ang buhay ko sa atin at mataas na rin ang katungkulan ko sa ahensya ng gobyerno na aking pinapasukan. mapagmahal ang aking pamilya at hindi naman kami mayaman at hindi rin naman naghihirap.

subalit ano ba itong napasukan ko? nakapag-asawa po ako ng isang kiwi. nakachat ko cya and naging kaibigan. matagal kaming nagkasulatan usually sa email. nung ako’y kanyang nililigawan pa, napaka-ideal nyang tao. mabait cya kaya nagtiwala naman ako at cya'y aking minahal. pero ngayon nalaman ko na balat kayo pala lahat. puro po cya kasinungalingan.

1 unang una po eh sabi nya relihiyoso cya and sumasama pa na magsimba sa akin sa pilipinas nung una nyang visit. ang totoo pala di cya naniniwala sa diyos and lagi nya kinecurse ang diyos kapag nagagalit cya.

2 gumagamit cya ng marijuana. nung nililigawan pa lang ako sinabi nya na hindi na cya gumagamit nito. pero ngayon nalaman ko na regular user pala cya. at ang kinakasuka ko sa mga kiwi, di ko nilalahat pero halos lahat ng nakilala ko, eh nagamit and parang wala lang sa kanila as in part of normal life. yun pong kapatid at mga pinsan niya, lahat pushers ng marijuana. puro addict, walang mga trabaho at dakilang naghihintay lamang kada linggo ng biyaya sa gobyerno.

3 lately nadiskober ko na meron pala siyang anak sa dati niyang partner. nalaman ko lang through my mader in law. tinago nila pareho sa kin during our relationship. close po ako sa byenan ko at regular kami nagsusulatan at nagtatawagan nung nasa pinas pa ko at wala naman sinasabi sa akin kahit nagtatanong ako. feeling ko niloko nila ako pareho. kaya ko lang nalaman nung tanungin ko ang biyenan ko kung sino ang babaeng iyon na laging tumtatawag sa asawa ko. pinagtapat sa akin ng aking biyenan na anak nya yon sa previous partner nya. til now laki ng hinanakit ko.

4 ayaw nyang makipag-usap sa ibang pilipina na nakikilala ko. wala daw cyang interes at bahala daw ako makipagkaibigan. syempre po gusto ko naman mamuhay ng normal na maging friends namin pareho ang mga friends nya and ganun din sana sa akin.

5 mahilig ang asawa ko sa malalaswang bagay like porno. siguro po dahil lumaki ako sa relihiyosong pamilya kaya di ako sanay sa ganito. although alam ko naman po normal naman sa lalaki yan. pero di naman po siguro sa kagaya nya na bago matulog nakikita ko na puro kababuyan sa net ang pinagtitingnan. paggising ganun pa rin. nasasabi ko na lang sa sarili ko wala kasi cyang diyos kaya walang guilt feelings sa mga bagay na yan. though di naman po cya baboy sa bed at di naman mahilig na walang nang inisip kundi sex. masasabi ko po na normal naman cya (sori inuna ko na po baka kasi isipin nyo na ganon ginagawa nya in actual).

6 disrespectful po sa magulang kung makasigaw and magsabi ng mga words sa nanay nya like c*nt, sl*t, b*tch etc. wala cyang pakialam sa kanila. kung di cya tawagan wala lang. napakabait naman po ng trato pala sa akin ng biyenan ko.

7 mainitin po ang ulo nya. simpleng bagay eh madaling magalit at ako lagi inaangilan.

8 wala po akong nakikitang future sa kanya. nagtapos po cya pero wala lang. nung nakilala ko sabi nagwowork ng "ganito" so iniisip ko responsable naman pero nalaman ko na lang na part time lang. umaasa din sa benepisyo sa gobyerno.

mahal na mahal ko naman po cya at di naman po ako sinasaktan. at binibigyan naman ako ng pera. ako pa nga po nahawak ng atm card nya pero di nya ako nirerespeto and lagi nasigaw sa akin. nasa akin nga ang bank card pero daig pa po ang auditor kung i-audit ako. di ako pwedeng mag-spend nang hindi nya alam.

siguro naiisip nyo na bakit ako nagtitiis. walang nakakaalam sa pamilya ko ng tunay kong kalagayan dito. ang akala nila masayang-masaya ako dito. wala rin akong masabing kaibigan dahil na rin natatakot ako sa kahihiyan at baka isumbong sa atin at naaawa ako sa mga magulang ko. baka atakihin ang nanay ko. kinokonsider ko din na mahal ko cia pero parang di rin magtatagal baka mapuno ako.

ang situation ko po ngayon eh wala po akong trabaho. kalahating taon na ako ngayon dito sa west auckland, pero recently lang nakakuha ng working permit. bale may 1 year working visa ako. dont know what next if na-expire na. kung minsan parang gusto kong tumakas and magwork kahit ano pero di ko alam if paano at saan pupunta. gusto ko sana dito sa nz na muna kung tatakas ako. sayang din ang visa ko kung uuwi ako sa pinas. at doon di rin ako sigurado kung makakakuha ng work agad. kung aalis ako dito kahit anong work papasukan ko to survive.

sa palagay nyo po ba tama ang balak ko na umalis dito kasi po di ako peaceful at lagi na lang akong umiiyak. di rin ako nakakatawag sa pinas. nakakausap ko lang pamilya ko pag sila ang tumatawag sa akin. nakakapag-internet lang ako kapag nasa work na ang asawa ko. kapag nakakaramdam siya na nagbabalak akong lumayas tinatakot nya ako na ipapadeport nya ako sa nzis. kahit po ba me work visa ako pag ba sinabi nya na tumakas ako from him babawiin ba ng NZIS ang visa ko? di ko matanong ang NZIS since magiging suspicious sila sa situation namin.

sori po kung naabala ko kayo, pero talaga lang pong wala akong malapitan at mahingaan ng mga problema ko.

maraming salamat po sa pagbasa,
linda

Friday, May 26, 2006

Palaisipan

From these words and shapes you can derive familiar English words and phrases. For example, the first one stands for "Seven Seas". Yung second is "Split Level". See how many you can get without googling for the answers or clicking on Comments (kasi may answers ng ang iba). Have fun. Enjoy the weekend.

Photobucket - Video and Image Hosting

Tuesday, May 23, 2006

"Being defeated is often a temporary condition. Giving up is what makes it permanent."

3rd year college, 1st sem sa UP College of Engineering ang worst sem ko scholostically. First my mom past away. I lost the only adult person left who could put restraint and direction in my life. Napabayaan ko nang husto ang aking studies nung sem na yon. Nightly, nag-iinuman kami ng mga ka-board mates, kaya puyat at parating may hang-over kinabukasan. Kadalasan tuloy absent sa first class ko sa umaga. Heto rin yung time na una akong nanligaw kay wisheart. At first time din akong ma-basted. Huhuhu. Emotionally, I was a mess.

Out of 6 subjects, apat lang ang naipasa ko. Yung dalawa ni-drop ko. Dun sa mga subjects na naipasa ko, dalawa pasang awa pa.

Kaya no surprise, na nung sumunod na sem at mag-request ako sa aking adviser na mag-overload ng subjects, ni-deny niya ang aking request. Gusto ko kasing maka-graduate ng maaga. Instead of 5 years, gusto ko 4.5 years lang matapos na ako. Pero sabi nung aking adviser, paano ko raw maipapasa ang pito/walong subjects kung apat na subjects lang hirap na ako? Hindi raw kaya ng aking limited brain cells ang makapasa sa UP. Marami pa siyang sinabi that humiliated me in front of my peers. Umalis na lang akong nakayuko. Walang naisagot sa sermon niya.

Ang lekat na matandang yon, pinahiya ako. But I controlled my temper and actually took everything he said as a challenge. Sabi ko sa sarili ko na I’ll have my revenge by proving that he’s mistaken in his assessment of my capability. Ipapamukha ko sa kanya na mali siya.

I didn’t give up. Nilapitan ko ang aming Dean at sa kanya ko pinapirma ang listahan ng subjects na kukunin ko. Pinirmahan naman niya, kaya nung second sem, hataw ako sa bigat ng load. Ganun pa man lahat ng subjects ko naipasa ko. Fourth year, hataw ulit at pasado na naman. Fifth year, after the first sem, I became one of maybe less than 10 students from the college of engineering to have graduated in less than 5 years.

Sometimes unlikely events happen in our lives that make us feel bad. Sometimes things don’t always turn out the way we wanted. Sometimes when other people humiliate us it’s easy to be bitter and angry. It is a test of one’s character, how one reacts to overcome a setback, a humiliation. Sulking or doing nothing, or worse doing something destructive is an acceptance of defeat. “There are victories of the soul and spirit. Sometimes, even if you lose, you win.” ika nga ni Elie Wiesel, isang sikat na writer at nobel peace prize winner. To succed we need to transform losses into gains, defeats into victories. With guts, determination and a positive attitude it can be done.

Sabi naman ni T2Onit, na katulad kong trying hard maging writer:

“Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa....vulcanizing shop”
“Ang umaayaw ay hindi nagwawagi. Ang nagwawagi nagbabalato.”
“When God closes a door, He opens a window. But don’t use the fire exit.”

Hehe, have a good day!

Wednesday, May 17, 2006

NZ dream, NZ nightmare

Kahapon may na-meet akong Pinoy na kararating lang dito sa NZ. One week pa lang sila dito kasama asawa niya at naghahanap pa ng trabaho. It’s typical of new migrants coming here. Most come here without job offers. Pagdating sa NZ dun na lang sila naghahanap ng job. Most Pinoy migrants come here through the normal Skilled Migrant Category application process. A lot of them are able to acquire Work to Residence Visas by simply following the steps outlined in the NZ Immigration website with no assistance from immigration consultants. Sariling kayod lang kaya sila nakarating sa NZ. Minimal lang ang nagastos nila -- pamasahe at standard processing fees.

Pero itong Pinoy na na-meet ko kahapon, nakaubos daw siya ng 600 thousand pesos sa pagpunta dito! Ibenenta raw niya lahat ng kanilang ari-arian para lang makarating sa NZ. The immigration consultant they hired charged them 5000 US dollars. The consultant promised to help them acquire a permanent residence visa. Instead they are now in NZ on a student visa. With a student visa, pwede silang magtrabaho legally ng upto 20 hours a week only. Pagkatapos kapag nag-expire na ang student visa nila which is only valid up to the time they’re enrolled in school, problema na naman. Kailangan nilang mag-enroll ulit o kaya makahanap ng employer na willing mag-sponsor sa kanila ng work permit. In any case, hindi ganun kadali na mai-convert ang visa nila into a permanent residence visa.

Sabi nung Pinoy na nakilala ko, hindi lang daw siya ang ganun ang kaso. Siyam daw silang dumating ng NZ with a student visa. Lahat sila nagbayad ng 5000 US dollars dun sa agency. Ayoko pang sabihin na naloko sila nung agency, dahil hindi ko naman alam ang full details ng kontrata nila with the agency. But what I know so far may mga agency sa atin, at mga kapwa Pinoy pa man din natin ang aktibong naghihikayat sa mga kababayan natin na pumunta ng NZ at pinapangakuan sila ng residence visa kabayaran ang limang libong dolyares. So far, marami na rin anecdotal evidences na hindi lahat ng pangako ng mga consultants na ito ang nasasakatuparan.

Sa ibang kwento naman, may nabalitaan din akong ilang Pinoy ang napunta naman ng South Island, NZ. Dumaan din sila sa isang Pinoy agency na tumulong sa kanila upang makakuha ng work visa. Ang problema nga lang ang trabahong ibinigay sa kanila hindi related sa kanilang education at work experience. They were hired as kitchen hand, waiters, crop pickers when they are college graduates in the Philippines. Sabi daw sa kanila nung agency pagdating sa NZ dun na lang sila ihahanap ng trabaho na mas tugma sa background nila. Ang problema, hindi sila maihanap ng bagong trabaho nung agency. And the worst part, nagsara yung kumpanyang nagbigay sa kanila ng initial na trabaho.

Kaya ngayon pakalat-kalat sila sa South Island, walang trabaho, walang tiyak na patutunguhan. At sa oras na mag-expire ang visa nila malamang ma-deport sila. And that’s after they spent thousands of dollars, sold their properties, and most probably borrowed thousands of pesos from friends and relatives back home.

No wonder, may ilang cases ng mga kababayan natin dito sa NZ ang nag-suicide during the last few years. I’ve heard it was because of disllussionment because their dreams of a good life in NZ turned out to be their worst nightmares.

What can be done to prevent our gullible kababayans from being exploited by unscrupulous consultants? (I’m not saying all consultants are dishonest, but there sure are greedy ones). For a start, I hope all Kiwi-wanabees join the yahoo group Pinoyz2NZ. From the group they can get heaps of sound advice from well-meaning people with no vested interests. At the very least malalaman nila kung okay ang consultant nila o hindi. It's highly probable that some members have been victimized by the same consultant. And it doesn’t cost anything to join. Membership and all advice are free.

It will be very sad if a country like NZ, beautiful, clean and green to most, ends up a land of broken dreams to some.

Tuesday, May 09, 2006

Whose Farts Smell Worse? (Conclusion)

Now let me reveal the results of the fart experiment. If you don’t know what I’m talking about, paki basa muna yung Part 1 sa previous post.

Salamat nga pala sa mga nag-iwan ng comments at nagpahayag ng kanilang sariling opinyon sa napakahalagang katanungang ito. Ang masasabi ko lang, lahat ng inyong sagot may kanya-kanyang amoy (pun intended). Hahaha. But if I was to judge the answers the one with the best smell came from LIW because it validated the results of the experiment. Sabi ni LIW mas mabango daw ang amoy ng utot ng vegetarian kasi parang hawig din ng amoy nung pagkain na niluto niya.

Participants: Two girls who work in porn and a male model. Si pogi ang aamoy ng farts nung dalawang girls.

Heto ang resulta ng experiment.

First round: Both girls wearing jeans.

Naunang umutot ang carnivore. Walang sound. Itinapat ang kanyang wetpu kay pogi. Sabi ni pogi:

Sa utot ng Carnivore: “It smells like autumn leaves. Or nuts. I have to say it doesn’t smell bad at all.”

Palakpakan ang audience.

Si herbivore naman ang sumunod na umutot at wala rin sound. Itinapat ang wetpu kay pogi. Tahimik ang audience. Hinihintay ang sasabihin ni pogi. Eto sabi niya:

Sa utot ng Herbivore: “Mmm. This is like candle wax. Like candles melting after a meal. Or paper burning. Yes. This is not bad at all. Not like a fart at all. I definitely prefer this fart to the first.”

Panalo ang Herbivore sa round one. Palakpakan ang audience.

Second round: Boths girls only wearing skimpy underwear this time.

Lalong na-excite ang mga nanonood. Tahimik silang umantabay kung sino ang susunod na uutot.

This time unang nautot ang vegetarian. Wala pa rin tunog. Medyo disappointed ang crowd. Inilapit ng binibini ang makinis na wetpu kay pogi. Aba, si pogi, talaga naman tinutok ang mukha nang pagkalapit-lapit sa butas. At with feelings pa na suminghot! Parang na-high yata si pogi. Ika niya:

Sa utot ng Herbivore: “This is more like rubber, or a burning tire. I can’t tell what food it is. Well, it’s probably a bit cliché to say this, but I’d go for sprouts.”

Applause, applause na naman ang crowd. Tapos tumahimik muli para hintayin ang utot nung pangalawang binibini. Medyo natagalan. Nag-e-emote pa ang babaeng carnivore.

Sa wakas lumabas din. Pero wala pa rin tunog. Very disappointed ang crowd. Itinapat ng binibini ang bilugang wetpu kay pogi.

Talagang sini-serious ni pogi ang kanyang part sa experiment. Ayaw niyang may makatakas na hangin. Parang addict kung makasinghot. Lalo yata siyang na-high dito sa pangalawa. Sabi niya:

Sa utot ng Carnivore: “This is like a cigarette. It… smells like fire… a cigarette… a burning fire. This is more pungent, this one… than the first one. And yes, there’s no noise at all. No audible sound. Still, I have to say that my favorite fart is the first.”

Panalo na naman ang Herbivore sa round two. Palakpakan. The crowd went wild.

Conclusion: (Not mine, but the magazine’s). - Meat eaters make stinkier farts than vegetarians.

My Own Conclusions:
1. Delikadong umutot ang mahilig sa karne. Dahil kung amoy yosi ang utot, posibleng may nicotine din ito.

2. Kung ututin ka, magpantalon ka na lang. At least may filter, hindi gasinong mabaho.

3. There is a high probability that those who work in porn fart with no sound.


Friday, May 05, 2006

Whose Farts Smell Worse? (Part 1)

Carnivores or Herbivores?

I came across this article in a magazine and I thought I'ld write something about it here. Very valuable na kaalaman and mapupulot dito. Hehe. In an experiment to find out the answer to the above question, two girls who work in porn were asked to fart on the face of a male model. Each girl was asked to fart twice. First time wearing jeans and second time wearing very revealing underwear. (Para bang it makes any difference kung ano suot). Yung isang girl, carnivorous, yung isa naman vegetarian. Sino kaya sa dalawa ang may mas mabahong utot?

Photobucket - Video and Image Hosting

Nakyutan ako sa wetpu nung nasa piktyur. Yun naman lalaki, hindi ko alam kung nakapikit o inaaninag lang ang nakakubli sa likod ng underwear nung girl. Masasabi niyo bang swerte o malas yung male model na naatasang lumanghap nung masamang samyo? Kayo, papayag ba kayong makilahok sa ganitong eksperimento? Ako, papayag ako. Basta anything for the advancement of human knowledge, kahit tiisin ko ang amoy. Hehe.

Ano kaya ang resulta ng eksperimento? Gusto niyong malaman? Pwes, ilalahad ko sa isang condition. Sabihin niyo muna sa akin kung ano sa palagay ninyo. "Carni" ba o "Herbi"? Siyempre sabihin niyo na rin kung bakit. For now ang masasabi ko lang, ako, kahit ano ang kainin ko mapa-gulay, prutas o karne, pare-pareho lang mabaho ang aking utot. Konti na lang radioactive na!

Monday, May 01, 2006

Big OE

Overseas experience or the Big OE as they call it here in NZ. This is something really foreign to us Pinoys, but is a common thing among Kiwis and Europeans aged between 25 and 30 years old. What it is is that after they graduate from the university and after working locally for a few years and just before they get past 30 years old they leave the country and just roam, backpack and go out in the world for work and adventure. Usually they go to other commonwealth countries like Canada and UK.

Last Friday, I got a farewell email from an officemate who decided to leave for his OE. Below is his travel plans. It'll give you an idea of a typical OE.

  1. Arrive in Singapore on the 13th
  2. Backpack through South East Asia
  3. Depart from Hong Kong, and arrive in London 19th July
  4. Arrive in New York sometime around Sept
  5. Backpack around North America for 3 months
  6. Work in Canada for 6 months
  7. Work in the UK for 12 months

Sa atin mga Pinoy, mukhang ang hirap yatang pakawalan ang ating mga anak na mangibang bansa na nag-iisa, palipat lipat ng pupuntahan at tumitira sa kung saan-saan. Wala sa kultura natin eh. Sabi nga ni esmi kung mag-decide daw ang anak namin na mag-OE sasama daw siya. Sabi ko naman, aba, ako rin sasama. Alangan naman magpaiwan ako, di ba?

But seriously, right now (kasi di ko alam kung magbago isip ko when the time comes), masasabi ko na papayagan ko ang anak namin kung sakaling mag-decide siyang mag-OE. Para sa akin, magandang paraan ito para makita at ma-experience ang ibang mga lugar. Be independent and broaden her horizons ika nga. At age 25 to 30 I'll have to trust her decisions. Kayo papayagan niyo bang mag OE ang mga anak niyo?



 
eXTReMe Tracker