mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, May 01, 2006

Big OE

Overseas experience or the Big OE as they call it here in NZ. This is something really foreign to us Pinoys, but is a common thing among Kiwis and Europeans aged between 25 and 30 years old. What it is is that after they graduate from the university and after working locally for a few years and just before they get past 30 years old they leave the country and just roam, backpack and go out in the world for work and adventure. Usually they go to other commonwealth countries like Canada and UK.

Last Friday, I got a farewell email from an officemate who decided to leave for his OE. Below is his travel plans. It'll give you an idea of a typical OE.

  1. Arrive in Singapore on the 13th
  2. Backpack through South East Asia
  3. Depart from Hong Kong, and arrive in London 19th July
  4. Arrive in New York sometime around Sept
  5. Backpack around North America for 3 months
  6. Work in Canada for 6 months
  7. Work in the UK for 12 months

Sa atin mga Pinoy, mukhang ang hirap yatang pakawalan ang ating mga anak na mangibang bansa na nag-iisa, palipat lipat ng pupuntahan at tumitira sa kung saan-saan. Wala sa kultura natin eh. Sabi nga ni esmi kung mag-decide daw ang anak namin na mag-OE sasama daw siya. Sabi ko naman, aba, ako rin sasama. Alangan naman magpaiwan ako, di ba?

But seriously, right now (kasi di ko alam kung magbago isip ko when the time comes), masasabi ko na papayagan ko ang anak namin kung sakaling mag-decide siyang mag-OE. Para sa akin, magandang paraan ito para makita at ma-experience ang ibang mga lugar. Be independent and broaden her horizons ika nga. At age 25 to 30 I'll have to trust her decisions. Kayo papayagan niyo bang mag OE ang mga anak niyo?


27 Comments:

  • good morning ka uro, challenging ang topic mo for parents overseas like us- a young bird has to leave its nest to learn to fly- but... it should come from them so that they will take responsibility and not blame anyone if it does not work out. I will be worried sick but hey lets think that it's for their own good. Kia Ora

    By Blogger Vicky, at 11:49 AM, May 01, 2006  

  • That's what I'm gonna do. I'm 26 so I shall consider my going to NZ alone as my biggest OE! A great adventure, I suppose. Am so glad my parents always support me and recognize my independence. :)

    Yenz

    By Anonymous Anonymous, at 1:59 PM, May 01, 2006  

  • ako pagtuntong ng anak ko sa high school papayagan ko na sya maglayag.. hehehe totoo yun! IF budget permits that is! gusto ko rin mag OE kaso di naman ganun kalaki ipon ko para mag travel around the world. kuya, sama din ako pag yung anak nyo mag decide na mag OE... hehehe

    By Anonymous Anonymous, at 2:01 PM, May 01, 2006  

  • Yes.

    KU, nadama ko ang typical Filipino mindset may kinalaman sa mga anak na lumalaki. Umalis ang mga magulang ko papunta sa Vienna, Austria, noong January 2004. Nasa Manila pa kami ng kapatid kong babae na mas bata sa akin. Pareho kaming nasa kolehiyo noon, 22 ako at 19 siya. Pagkatapos ng isang taon, ako naman ang nag-desisyong umalis, papuntang NY. Grad school. Ok lang sa magulang ko. Pero sa mga kakilala ng pamilya namin, they took it as a daunting task. Tanong agad nila, kung babalik ako pagkatapos ng PhD ko. Bakit ko daw iiwan ang kapatid kong babae. Isip ko naman, bakit? Habang hindi ba ako nag-aasawa, totoy pa rin ang tingin nila sa akin?

    I'll turn 24 this July. I'm living by myself, feeding myself, taking care of myself. Para sa akin, this so far is the best OE I have.

    LIW

    By Blogger Jeruen, at 3:49 PM, May 01, 2006  

  • Hello po KU. Papayagan ko rin siguro sila, at that age kaya na nila mag decide para sa future nila. Ayokong maging dahilan para di nila matupad yung mga pangarap nila na gustong marating.

    By Blogger Ann, at 4:00 PM, May 01, 2006  

  • We need to grab every opportunities that knocks on our door. I would be happy if my kids will be able to experience living in different countries and see the different culture. Kakaibang experience ang ganito. Siyempre papayagan ko ang anak ko, basta kasama ako ",)

    By Blogger JO, at 4:23 PM, May 01, 2006  

  • OE's the coolest thing. you should do it at least once.

    By Blogger JB Lazarte, at 5:31 PM, May 01, 2006  

  • ..parang mahirap yan KU lalo na pag babae ang anak natin no?hehe malamang sumama rin ako ^_^
    ...pero who knows pag umabot din sa edad na 25 anak ko (nyee kelan pa yun?)tagal pa ,baka magbago rin isip ko.

    -kathy-

    By Blogger Kathy, at 6:32 PM, May 01, 2006  

  • kahit hindi naman tayo pumayag, eh desisyon pa rin naman ng mga anak natin ang masusunod lalo na kapag sila ay nasa idad na.

    kaya ang pinakamabuti nating gawin bilang mga magulang ay bigyan natin sila ng solid foundation; ng magandang upbringing na marunong kumilala ng tama at mali, ng tatag at tibay ng loob to withstand any difficulty na maaari nilang kaharapin, at ng pananalig sa Diyos upang maging gabay nila kahit wala tayo sa tabi nila.

    By Blogger Unknown, at 7:01 PM, May 01, 2006  

  • (In the future) I will allow my kids (kung meron) to go and explore the world. If I don't, sabihan kaya ako ng "eh ba't ikaw, nag-ibang bansa lang para mag-aral, tapos di ka na bumalik sa Pinas?!" Hahahahaha!

    Like most of the opinions here, I think it is fantastic to have an opportunity to get an oversea experience. Cliche at it may sound, but you're right KU, it really broadens one's horizons. Especially if aside from working, you also take extra effort to find out more about the place, dig deep into the culture, etc. Once the wings are spread, there's no stopping more explorations.

    By Blogger Jovs, at 9:53 PM, May 01, 2006  

  • O Sige opinyon ng tutubi ito. Syempre sino bang ayaw ma explore ang magagandang bansa hindi ba?, kung kaya mo nman talaga at may pakpak kang gaya ni tutubi ok lang. Khit around the world payan... go ako jan.

    Pero isa lang ang gusto kong pabaon sa mga pinoy na gustong gawin ang OE nayan, wag nyong hayaang mawala ang magandang kaugalian na sa pinoy ay meron lamang.

    I thank u. bata papo ako, kaya kung bagsak ang grade ko sa comment na ito, willing kopong balikan ang grade one.... sa New Zealand... hehe

    By Blogger lheeanne, at 12:06 AM, May 02, 2006  

  • Ka Uro,

    Got a letter from Chariz - I'll try to email you sometime. Since andito na ako, mag leave na rin ako ng komento.

    OE - papayagan ko ang anak ko na gawin ito - dahil sa malaking tulong para sa kanilang life experiences that eventually will help them (we hope) as they go along with their life. It 's an eye opener lalo na sa isang bata na lumaki with our culture, dahil sa ayaw man nating tangapin, we are over-protective of our love ones. Me konting takot siempre, pero 100% ko itong susuportahan. Ginawa namin ito noon. Nag OE kami dito sa Canada from NZ at marami akong natutunan (ibat-ibang kultura) na nakatulong sa aking pananaw sa buhay. Keep on posting at maraming salamat uli...


    JAP

    By Anonymous Anonymous, at 6:23 AM, May 02, 2006  

  • pinoy lang naman yata ang masyadong senti! kaya karamihan, kahit na may mga asawa na di pa rin makapag-desisyon mag-isa! :(

    mga bata sa amin, nasa kindergarten pa lang ni-train na nila na maging independent ... sa ganyang edad 25-30 parang 35-40 na sila!

    By Blogger nixda, at 8:25 AM, May 02, 2006  

  • vicky,
    that's very true, dapat galing sa kanila ang decision so they learn to accept responsibility and the consequences of their actions.

    yenz,
    you are very lucky to have supportive parents and for you to do things you wanna do at a young age.

    vemsan,
    huwag ka mag-alala, kami na lang punpunta diyan. hahahah

    LIW,
    isa ka rin palang free-spirit. at a very young age andami mo nang napuntahan.

    ann,
    talaga papayagan mo sila? sabagay ang problema nga baka sila pa ang ayaw umalis kahit na adults na sila dahil marunong mag-alaga si mommy. sarap pang magluto.


    jo,
    paraho pala kayo ni esmi, gusto parating kasama. :D

    JB,
    ikaw, na-experience mo bang mag-OE?


    kathy,
    para nga yatang mahirap kapag babae. e kahit nga mag sleep-over sa kapit bahay di namin pinapayagan, OE pa kaya? siguro kapag 25+ years old na siya, hindi na kami tututol.


    rhada,
    yun ang pinakamagandang payo. ang bigyan sila ng matibay na foundation para ready sila sa anumang haharapin nila kapag wala na tayo.

    jovs,
    oo nga naman, ikaw nag OE, bakit sila hindi? hindi na natin sila mapipigilan kung mag-decide sila na hindi na bumalik as long as maginhawa ang kanilang buhay. katulad mo, sarap ng buhay diyan sa melby.

    TK,
    sigurado ka bang bata ka pa? kasi parang matanda ka na kung magbigay ng payo. very mature.

    JAP,
    nice to hear from you again. ikaw ang best example ng pinoy na nag OE. andami mong alam tungkol sa NZ at Canada. yung mga comments mo sa backback parati kong nime-mention sa mga kababayan nating nag-iisip mag-migrate.

    racky,
    oo nga over protective yata tayo sa ating mga anak. minsan tayo na lahat nagde-decide para sa kanila.

    By Blogger Ka Uro, at 11:42 AM, May 02, 2006  

  • Ka uro, tnx nman. Mature nga lang cguro ako, pero isip bata.. ang gulo ata nun...
    Pero infernes, complement un para sa tutubi!!! muahhhh! pakiss nga jan. lakas ko senyo! wag kalimutan regalo kong bear brand. diba galing un sa New Zealand?... o chismis lamang?

    By Blogger lheeanne, at 12:17 PM, May 02, 2006  

  • TK,
    sarap ng kiss. thanks. anchor milk at butter meron kami dito, galing sa gatas ng baka. yung bear brand di ko alam san galing.

    tala.sa.umaga,
    totoo rin yon kasi magastos ang OE. but come to think of it, technically, matagal nang nag-o-OE ang pinoy. kilala lang natin sa ibang terms tulad ng OFW, OCW, TNT, Migrant. kaibahan lang yata sa atin ang main and only purpose ay hanap-buhay at hindi pagpapasarap lamang.

    By Blogger Ka Uro, at 2:09 PM, May 02, 2006  

  • O Sige pwede na sakin yang Anchor, onga pala anchor ung nasa commercial. diba un ung Anchor kid, para naring promil kid na me pagka genious?

    btw, tenx dun sa coment mo sa bahay ko. lam ko nman love na love nyo si Mommy Ann kaya ngaba gusto ko sanang sa inyo magpa ampon, pede poba un?

    By Blogger lheeanne, at 2:24 PM, May 02, 2006  

  • Wait... nagkamali ata ako ng banggit ng pangalan. di Si Mommy Anne ang wife nyo dba? Paluin nyo ko, hindi tama ito. ... weeeeeeeeee.. si Mommy Lei dba?

    By Blogger lheeanne, at 2:30 PM, May 02, 2006  

  • naku TK, matsitsismis pa ako nito. baka ma-outside d kulambo pa ako nito pag nabasa ito ni esmi. di lang yon, babarilin ako ni KD at baka putulan naman ako ni mmy lei.

    By Blogger Ka Uro, at 2:54 PM, May 02, 2006  

  • depende sa desisyon ng anak yan... papayagan ko rin kung gusto nilang mangibang bansa...

    By Anonymous Anonymous, at 6:15 PM, May 02, 2006  

  • bwahahahaa...

    patawad fafa KU!!! kiss mo nalang ako kay esmi mo.

    oist tutubi, ako po'y isang mommy na walang asawa at anak! in short certified single pa po ako! bwahhahaa.

    fafa KU, yan OE na yan ang gustong gusto ko nun pa man, kaso masyadong mahigpit ang nanay ko at ayaw akong payagan... kung di pa ako sapilitang nalipat sa Southeast Asia, di ako makakawala sa nanay ko! ngayon go na ako anywhere. Di ko masagot ang tanong mo kasi wala akong planong mag-asawa! hehehe

    By Blogger Mmy-Lei, at 6:43 PM, May 02, 2006  

  • Ako po ay patawarin
    Ang tutubi e nagkakamali rin
    Sa dami kc ng gustong umampon sa akin
    talagang nakakalito rin

    Ka Uro, sana'y unawain mo
    alam kong ang puso ay hindi bato
    lalo naman ang puso kono

    Mommy Lei, single papo kayo?
    gusto nyobang hanapan ko kayo
    ng taong mamahalin ninyo?
    pero parang mahirap ata ito
    sige pagdarasal ko nalang kayo..

    TEcnhu!!

    By Blogger lheeanne, at 8:04 PM, May 02, 2006  

  • me advantages at disadvantages naman lahat ng bagay eh... pero naniniwala pa rin ako na nasa tao pa rin nakakasalalay ang tadhana niya..pagalingan lang magdala.

    hehe! natawa ako sa ino ka uro..papayagan mo siya pero sasama kau! hahah! pilipinong pilipino pa rin ah!

    By Anonymous Anonymous, at 8:36 PM, May 02, 2006  

  • mmy lei,
    pano yan? sabunutan ba natin si TK? putulan natin ng isang pakpak? hahaha

    TK,
    ok na pinapatawad na. pero pag nagkita tayo pipitikin kita sa tenga. :D

    KD,
    tama yung nga ang isang problema - visa. gusto man nilang mag-OE wala naman gustong tumanggap sa kanila.

    malaking eskandalo kung tayong dalawa ang napagkamalan ni TK. hindi lang pitik ang aabutin niya sa akin. puputulan ko pa ng buntot at pakpak.


    settejr,
    galing talaga ni Marion! mana sa ninong. yaan mo nag-iipon na si Petet. may part time work na nga siya ngayon every weekend dun sa mall malapit sa amin. 8 hrs a week lang naman. pero iipunin daw niya sweldo niya para marami siyang balang pang shopping.

    By Blogger Ka Uro, at 3:23 PM, May 03, 2006  

  • Naku pag pinitik nyo teka ko baka mabalian na ako ng ulo... tutubi ako remember?

    By Blogger lheeanne, at 8:30 PM, May 03, 2006  

  • Have you toured NZ na ba ?? kahit north island man lang ? Write something about vacation spots naman.

    By Blogger Senorito<- Ako, at 3:10 PM, May 04, 2006  

  • Yung mga pinsan ko have been to the UK, US na rin for their OE after HS pa lang diyan sa NZ.
    If you consider the "cultural and educational benefits" that they will acquire from such a trip, it is a good idea. But then again, it is hard to trust the environment that they will be exposed to. ake the case of Natalee Holloway of Alabama.

    By Anonymous Anonymous, at 11:09 PM, May 08, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker