mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, April 26, 2006

Hirap mag-ispits

It happened to me twice. First time during a speech last year in Megamall in front of members of Pinoys2NZ. Then yesterday again in another meeting while I was talking about the difficulties we experienced during our first weeks in NZ. It’s not really stage-fright. I don’t think so. Because if the subject matter is something technical or something happy, I'm fine. But if the subject matter is something dear to my heart like my family, my parents, love of country, friendships, I become overwhelmed by my emotions.

When I talk about sentimental topics, I become emotional that I find it very hard to let words out of my mouth. Kahit nga binabasa ko na speech ko, ayaw pa rin lumabas ng mga salita. Hindi naman ako kinakabahan but I start to get teary-eyed and my lips tremble na parang tuluyan akong maiiyak. I only experience that though when I’m talking in public. Many times, I rehearse my speech in my mind and never felt emotional at all.

Bakit kaya? Hindi naman ako iyakin na tao. Although, I’ld admit sentimental din ako. Gawa kaya nang kapapanood ng mga pelikula nila Aga, Claudine, Piolo, Regine, Kristine, at Juday? Dapat siguro, ibahin na ang mga pelikulang pinapanood ko. Isalang ko kaya ulit yung mga dibidi ni da King nang tumigas ang aking loob? O mas maganda pa siguro kung tigilan na ang kaka-ispits at mag-blog na lang? Anong suggestions niyo mga kablogkada?

19 Comments:

  • Isa lang ang maipapayo ko. Sumali sa isang "Toastmasters Club". Toastmastering isn't just about speaking, it's about listening as well. There are too many skills to learn from Toastmasters to enumerate here. Toastmasters members have gone the path where you are and are very supportive. Google it up. I believe NZ has several clubs.

    By Blogger Blackdove, at 4:43 PM, April 26, 2006  

  • Practice makes perfect...ma-oovercome nyo rin po yung stage fright nyo. I think naninibago lang po kayo dahil ngayon puro computer po kaharap nyo.. diba po teacher kayo before, and during those time, di naman po kayo natakot or kinabahang humarap sa mga estudyante nyo. Basta po, be confident with yourself, pray and ask for guidance before taking the center stage... Kaya nyo po yan!!!

    By Anonymous Anonymous, at 5:18 PM, April 26, 2006  

  • May napanood ako dati sa Maalaala Mo Kaya na naglalagay ng coin sa loob sapatos para hindi ma-concious when speaking in public. Baka effective yon sa yo.

    By Blogger jinkee, at 6:28 PM, April 26, 2006  

  • same po pala tayo fafa KU. kahit mag-praktis po ako, when the big day comes, i forgot everything. Sabi ng iba, stage fright daw, ewan mahirap talaga ang ispits.

    mas gusto ko pa sa debate team at least dun me kasama ka!

    on the other hand, naging teacher din po ako sa college, i had one semestral break, wala namang takot dun kasi alam mo under mo sila... hahaha.

    By Blogger Mmy-Lei, at 6:42 PM, April 26, 2006  

  • suggestion ko lang pareng papa, huwag mong pakadibdibin. gawaing mong light at may pagkacomedy ang iyong mga speech. sa tingin ko hindi ka ninerbyusin kong para ka lang nakikipagkuwentuhan at nakikipagkulitan sa iyong mga audience. kung magkamali ka kahit matawa sila okey lang kasi sadya mo naman silang pinatatawa (hindi nila halata, malay mo sinadya mo yon para matawa sila.)
    ako man takot magspits. nang tumakbo nga akong konsehal sa bayan namin natakas na ako pag ako na ang magsasalita sa entablado.pero noong naisip ko wala namang iba ito sa parang nakikipagkuwentuhan, nakikipagjamming medyo nalabanan ko na ang hiya ko.si ralph recto naalala ko laging may baong gin sa ilalim ng upuan at suma-shot pa kaunti kaunti para mag-init ang tenga.

    By Blogger RAY, at 6:45 PM, April 26, 2006  

  • Like so many things in life, there really are no shortcuts, tricks or gimmicks to succesful public speaking other than honest to goodness HANDS-ON. Seek (not hide from) opportunities to give a speech. This was an epiphany for me and became the subject matter of my Icebreaker Speech (Icebreaker is the very first speech of so many in your journey as a toastmaster). You may want to see my speech in a link found at the bottom of this entry. Delivering a speech is easy. The hard part is in the preparation - writing the speech and practicing it. Hope you do well!

    Come to my Nest.

    By Blogger Blackdove, at 8:08 PM, April 26, 2006  

  • ako, minsan ganyan din eh. pero ako, sa umpisa lang. yung suggestion ni KD, may nagsabi din sa akin noon. and since then, i do it often. and let me tell you KU, it does work! pero KU, parang hindi ko kayo ma-imagine na ganyan pagdating sa ispitsan.

    By Anonymous Anonymous, at 8:19 PM, April 26, 2006  

  • Bata palang ako me stage freight na ako, hindi ko alam kung bakit? kaw alam nyo poba? at hanggang ngayon may stage freight parin ako, kaya cguro nabugok at nabonsay ako dahil hindi ako lumaki.

    Emotional din ako, kc kahit tutubi ako, me pusong tao parin nman ako. HIndi nman problema na makita ng ibang tao ang pagka emotional mo khit mangiyak-ngiyak kana at natulo na ang sipon mo, ang mahalaga e meron kang baong tissue o kaya ay nahiram ka ng panyo.

    At least pag nakita kang naiyak ng mga tao, maniniwala na sila na isa ka ngang tunay na tao at hindi nagpapanggap na kung ano-ano hindi ba? May puso't damdamin, me bituka at me balunbalunan pa.

    Ako poy musmos na tutubi lamang, at kung inyong mamarapatin e gusto kolang maibsan ang inyong kasiryusan sa post nyong eto.

    Hindi po ako mahilig manood ng telenovela dahil natipid po ako sa cable ko, ngunit pag si Piolo pascual na napanood ko, feeling juday ako!!

    tapos napo tula ko!! tenkyu!!

    By Blogger lheeanne, at 9:54 PM, April 26, 2006  

  • aba fafa KU, mukhang lumilinaw na ang direksyon ng karir mo ... dapat lang na mag-praktis ka na! nakikita ko, na ikaw ay magiging Mayor ng lugar nyo! kung si erap naging pangulo, kayo pa kaya? :D

    By Blogger nixda, at 10:36 PM, April 26, 2006  

  • Hehe...KU pag nasa harapan kana isipin mo lang yong mga ulo ng mga tao, yong ulo ng pako na minartelyo mo.
    mzta na pala kayo? :)

    By Anonymous Anonymous, at 7:09 AM, April 27, 2006  

  • dalasan nyo kase ang pagharap sa tao and pag-speech para maging routine nlang sa inyo yun. pag nasanay na kyo, kakapal narin muks nyo...hehe.

    By Anonymous Anonymous, at 7:43 AM, April 27, 2006  

  • blackdove,
    thanks for the suggestion and thanks for dropping a comment. first time i've seen you here. thanks

    lyn,
    tama ka nga siguro dahil puro puter ang kaharap ko at naninibago lang ako. teacher nga ako noon. kung tungkol sa computer programming o engineering ang topic wala naman akong problema.

    jinkee,
    sige nga try ko yon sa susunod.

    kd,
    susubukan ko rin ang suggestion mo fafi. problema lang baka may bumukol sa bandang ibaba. kahiya-hiya. hahaha

    mmy,
    ako naman hindi ako nasali sa mga debate. hindi ko naman nakakalimutan speech ko kasi may kodigo ako. yung nga lang nagiging emotional ako tapos non nahihirapan nang magsalita.

    atoy,
    tama ka nga. dapat huwag ko na lang dibdibin. masyado ko kasing dinidibidib eh. try kong lagyan ng mga patawa sa susunod. nakasama mo ba sa entablado si ralph recto?

    des,
    ok lang sa babae yung suggestion ni KD. sa lalaki mahirap yata baka may bumukol eh.

    TK,
    natutuwa naman ako sa comment mo TK. pero mahirap yata yung iiyak kasi baka lumobo ang sipon sa ilong! thank you sa iyong comments. di mo alama pero nakatulong ito sa akin lalo na yung sinabi mo na okay lang na maging emotional at umiyak.

    neng,
    naku ayaw kong maging politiko. mahirap yan. baka imbes na pangulo maging pang-gulo.

    ethel,
    manang eth, musta na? ako ok lang. iba naman pala style mo. pako naman ang ini-imagine mo.

    curacha,
    oo nga siguro sanayan lang. manipis pa kasi mukha ko. hehe

    By Blogger Ka Uro, at 8:12 AM, April 27, 2006  

  • boys don't get teary-eyed;
    men do!

    hehehe joke! ok lang yan kuya!

    By Anonymous Anonymous, at 1:42 PM, April 27, 2006  

  • Ka Uro, ka uro
    salamat at may maganda akong naituro

    tutubi may maliit ang bagwis
    marami nman sa kanya ang nakakamiss

    kung lumobo man ang sipon sa iyong ilong
    wala nman sa inyo ang mag susuplong

    bakit nung si franzen ba ang mangulangot sa loob ng confession room
    Meron ba sa kanyang nagpakulong?

    By Blogger lheeanne, at 2:19 PM, April 27, 2006  

  • ka uro...part of being a human is being emotional. only humans have this so-called feelings. its like magic! bigla mong nararamdaman ng hindi mo alam kung anong maituturong dahilan..

    alam mo tanong ko rin un. nakakapagtaka kung bakit nanunundo ng luha ang mga sentimyento inilalabas ng bibig mo..bawat salita mula sa kaibuturan ng puso mo ang hirap ilabas.kase somehow, there something that touched your heart... magic ! it's magic.

    By Anonymous Anonymous, at 7:48 PM, April 27, 2006  

  • Kaya pala nung makita kita sa Megamall eh parang gusto mo ng bitiwan yung mike...kala ko patawa mo lang yon, pero bilib pa rin ako sa yo for inspiring so many people to achieve their dreams.

    Pareho lang pala tayo fafa KU malakas din ang "Speech Fright" ko eh and I tend to become emotional as well. I'll just sticj to the "practice makes perfect" principle. Pag na-expose ka kasi ng madals don mawawala na rin yon. Problema ko walang mag-imbitang mag-ispits sa kin...hehehe

    By Blogger Flex J!, at 4:25 PM, April 28, 2006  

  • ka uro, you did very fine in your speech because you expressed your true humanly feelings as talking about people closest to our hearts but not close by, reminiscing memories of home away from home now really touch our hearts and it's just natural to be overwhelmed with emotions...very human and sincere. well done. pabasa naman ng script. toastmaster's club is the one to join to hone our public speaking and meet other nervous wannabe's who wants to be more comfy speaking to the public. australians like nzers are so fond of making speeches short and long in events such as b-days, 21st, weddings, despedida, etc and there were times when I am put on the spot and i don't like being embarrassed so i always prepare 2 or 3 sentences about the host or the celebrant, nice ones of course baka hindi na maimbita next time. June 12 is coming up so better get ready for some patriotic comments or speeches. comedy as others say is a good element to add to speeches...vicky of kangaland.

    By Blogger Vicky, at 1:04 PM, April 29, 2006  

  • vemsan,
    i'll remember that! cheers

    TK,
    malaki natulong mo. sa susunod na ispits ko isasaisip ko ang mga sinabi mo. nawa'y hindi naman sana lumobo sipon ko. hahaha

    lojik,
    thank you for the magic!

    flex j,
    thanks. praktis nga lang siguro ang kailangan.

    vicky,
    i'll keep everything you said in mind. very good advice.

    By Blogger Ka Uro, at 9:03 AM, May 01, 2006  

  • pero we make better speeches if we talk about things close to our hearts di ba?

    By Blogger nikki, at 5:21 AM, May 04, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker