mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Saturday, March 25, 2006

Feijoa

Pasensya na po at wala akong maihain sa inyo ngayon. Naubos na kasi ang San Mig at Boy Bawang. Pagsaluhan na lang natin ang mga pinulot kong prutas ng Feijoa sa aming bakuran.

Image hosting by Photobucket

Ang Feijoa ang siyang bayabas namin dito sa NZ.

The Feijoa (Feijoa sellowiana, synonym Acca sellowiana), also known as Pineapple Guava, is an evergreen shrub or small tree, 1-7 m in height, originating from the highlands of southern Brazil and northern Argentina. The pulpy fruit is green, chicken-egg-sized, and ellipsoid-shaped. It has a slightly tart taste, and is not fully ripe until it falls to earth in autumn. This plant is monotypic in its genus. Like the guava, the fruit pulp has a gritty texture which is utlised in some natural cosmetic products as an exfoliant. - from Wikipedia

Eto ang picture ng Feijoa sa puno. Normally, hindi ito pinipitas sa puno. Hinihintay lang itong mahinog at kapag hinog na kusa lang nahuhulog sa lupa. Kaya ang pag-harvest nito, hindi na kailangan umakyat pa sa puno. Pinupulot na lang ito sa lupa.

Image hosting by Photobucket

Kinakain ang feijoa sa pamamagitan ng paghiwa cross-wise at pag-scoop ng laman gamit ang kutsarita. Hindi kinakain ang balat kasi mapakla. Ang laman nito'y parang bayabas din pero walang mga buto at malambot na parang atis. Kaya ang lasa'y parang pinagsamang atis at bayabas. Dahil walang umaabot na atis at bayabas dito sa NZ, ito na lang Feijoa ang pagtiyagaan natin.

Image hosting by Photobucket

Siyanga pala. Meron din ako ditong nakatagong Feijoa wine. Vintage 2003 pa yan. Home made nung kapitbahay kong si Ken. Tagayin na natin, gusto niyo? Sabihin niyo lang kung gusto niyo para mailabas ko na ang pitsel at yelo.

Image hosting by Photobucket

24 Comments:

  • ku,
    mukhang masarap po iyan ha.... pwede kayang magpatubo nyan dto sa pinas. sayang at d makadala dyan ng fresh fruits from the phils. may atis kami dito sa bahay, halos araw araw may nahihinog (mmm, sarap). at yung langka namin sa likod bahay, andaming bunga, mahigit 20, kaya yung ibang mura pa, ginawa naming ginataang langka with hipon (sarap ulit) pag nakarating ako dyan,bigyan kita ng minatamis na langka at minatamis na makapuno.mahilig ka ba sa "tagilo"(burong kanin ng mga kapampangan)? dalhan din kta, kaya lang baka d magustuhan ng mga kapitbahay mo ang amoy.hehehehe....

    By Anonymous Anonymous, at 11:31 AM, March 25, 2006  

  • sarap ng atis at langka lalo na yung ginataang langka. paborito namin yung tagilo. bago ka pumunta dito, pag-aralan mo kung papaano gumawa ng tagilo para gumawa tayo dito. sorry na lang mga kapitbahay kung maamoy nila. hahah

    By Blogger Ka Uro, at 11:38 AM, March 25, 2006  

  • KU, masarap ba yung ganung wine? Parang interesting inumin, pero gusto ko tunggaan, di ko ata type yung color ng pitsel mo!!!

    By Anonymous Anonymous, at 1:43 PM, March 25, 2006  

  • I looove Fijeoa juice! One question, do you have to put a net around the shrub to prevent birds from pecking on the fruits before they ripen and fall to the ground?

    By Blogger Jovs, at 2:13 PM, March 25, 2006  

  • sure kU,
    magpapaturo ako sa tita ko, sarap magluto nun eh. marunong sya,tagilo na hipon, tilapia or dalag at marami pang lutong kapampangan.
    grabe nakakagutom....

    By Anonymous Anonymous, at 3:14 PM, March 25, 2006  

  • KU parang hilaw pa rin ang kulay ng figeoa kapag hinog. palagay ko mas masarap yung natural na bayabas natin dito kaya lang di yun pwedeng gawing wine.

    Labas mo na po yung pitsel mong talented at simulan na agad natin ang tagayan Gusto ko ng matikman yang wine na yan... hehe!

    By Blogger Mistyjoy, at 5:29 PM, March 25, 2006  

  • KU, si kd ho di mo mapakain nyang "tagilo" para raw kasing yung kanin na kinain mo na tapos nilabas mo lang ulit. Pero di nya alam ang sarap.

    By Blogger Ann, at 6:31 AM, March 26, 2006  

  • The Feijoa fruits looks yummy! They must taste good because they look good eh. Parang bayabas nga tingnan, naku! Ang dami ng bayabas sa amin, I enjoyed eating them when I was at home. Soft pala ang laman ng feijoa na parang atis din, kakaiba na fruits talaga. Are they so sweet ba? Thanks for sharing the pics, sana we can get them here, kaso 'la eh.

    By Anonymous Anonymous, at 7:27 AM, March 26, 2006  

  • Great post as usual, KU. Marami akong natututunan sa mga entries mo. Nga pala, hindi ba related sa passion fruit ang feijoa? It reminded me of it seeing the hiwa version of the fruit.

    LIW

    By Blogger Jeruen, at 1:51 PM, March 26, 2006  

  • mukhang masarap yang feijoa wine nyo ka uro, tagayin na natin yan kaya lang wag na natin idaan sa pitsel sa baso na lang na may yelo par puro ang lasa :)

    By Blogger jlois, at 4:13 PM, March 26, 2006  

  • ..no way Ku, wag mo na ilabas yung pitsel pls.,straight na lang natin yan from the glass haha(tutal wine naman sya db?)..at baka sumama na naman sa panaginip ko yang pitsel mo hmmph!hehe..saulo ko pa nga pati yung kulay at size nyaaa!
    happy weekend..

    cheers,
    -kathy-

    By Blogger Kathy, at 8:06 PM, March 26, 2006  

  • Haha..kala ko talaga totoong bayabas.
    cge makikain na rin ako, hwag na kayong mag-alala sa inumin ko may juice na rin akong dala.
    Happy Sunday senyo Ku and family.

    By Anonymous Anonymous, at 11:14 PM, March 26, 2006  

  • looks yummy..looks bayabas din..ehheh

    By Anonymous Anonymous, at 7:40 AM, March 27, 2006  

  • major,
    masarap din yung wine. parang punch lang. pero nakakalasing din.

    jovs,
    no we did not have to put a net around the shrub. di naman ginagalaw ng mga birds.

    cindy,
    yan ang dapat mong alamanin bago ka pumunta rito. dahil kapag andito ka na wala nang pwedeng magturo sa yo at wala ka rin mabibili ng mga ganyang luto.

    misty joy,
    actually para sa akin mas masarap pa rin ang ating bayabas at atis. ang feijoa pwede na rin.

    ann,
    hahaha. ganun nga itsura ng tagilo. masarap lalo kung may mustasa o kaya ampalaya at inihaw na hito. nakakapaglaway.

    anaps,
    they taste sweet, especially the bigger ones.

    LIW,
    i think they are related to passion fruit. yun din ang unang naisip ko when i first saw this fruit over here. but their taste is a bit different.

    maxi,
    pinsan nga ito ng bayabas, pero iba itsura ng puno. yung puno nito parang shrub lang di tulad ng bayabas na tumataas. marupok din ang kahoy ng feijoa di tulad ng bayabas na pwedeng gawing tirador.

    jlois,
    masarap ang feijoa wine parang juice lang sa umpisa pero malakas din sumipa.

    kadyo,
    punta ka na lang dito kapag buwanan ng march-april para makatikim ka. gusto mo naman yun na lang feijoa wine ang padala ko jan. kya lang di pwede wine jan di ba?

    kathy,
    nag-nightmares ka pala dahil sa pitsel ko. hahaha. kakatawa ka.

    ethel,
    ayay mo rin ng tagay tulad ni kathy ha? hope you had a happy weekend too.

    pobs,
    yummy, kain ka pa.

    By Blogger Ka Uro, at 8:51 AM, March 27, 2006  

  • hahaha...kala ko nga bayabas... ang panget ng itsura...maganda pa bayabas baguio diot... pero sosyal ang pagkain...hmmmpppp! at mukhang masarap!

    By Anonymous Anonymous, at 7:05 PM, March 27, 2006  

  • makikipitas na rin sa hacienda mo fafa ... mukhang masarap iyang wine ah ...pero kay faffi kaddi lang kulang pa yan :D

    yan, naglabasan tuloy mahihilig tumagay! heheh

    By Blogger nixda, at 7:35 PM, March 27, 2006  

  • hi Ka Uru, eto procedure ng pag gawa ng tagilo: mag steam ka ng maliliit na hipon, tapos magluto ka ng lugaw, lagyan mo ng asin at ihalo and mga hipon. palamigin tapos lagay mo sa garapon, after three days ihalo mo. medyo may amoy na yun. then after 6 to 7 days (mas matagal mas maasim)igisa mo sa maraming bawang at sibuyas. sarap nito sa nilagand ampalaya at talong tapos may inihaw kang bulig!!...rOndizon

    By Anonymous Anonymous, at 9:00 PM, March 27, 2006  

  • KU, ngayon lang ako nakakita nito, thanks for sharing.

    sana makatikim din someday :)

    By Anonymous Anonymous, at 10:57 PM, March 27, 2006  

  • hello ku n rondizon,
    iba-iba pala ang paggawa ng tagilo, kasi sa amin ang nilalagay na shrimp, fish(maliliit na tilapia or dalag) ay hilaw, at pinalamig na kanin (hindi na naglulugaw). dbale ang finished product naman ang mahalaga eh.rond, capampangan ka ba? kasi namention mo ang bulig(dalag).

    By Anonymous Anonymous, at 7:10 AM, March 28, 2006  

  • ang tawag ata dyan ay bayatis... ansagwa hehe joke! buti pa kayo me natitikmang prutas mula sa inyong bakuran...

    By Anonymous Anonymous, at 3:58 PM, March 28, 2006  

  • Cindy,
    opo capampangan ako. pwuedi rin yung sinasabi mong procedure. yung dalag at tilapia hilaw na ilinalagay sa kanin. kaya lang pag walang sobrang kanin ubligado kang mag lugaw..rOndizon

    By Anonymous Anonymous, at 11:33 PM, March 28, 2006  

  • Mukhang masarap! kamukha din ng bayabas! diyan lang ba sa NZ makikita yang fruits na yan?

    By Blogger Ladynred, at 7:14 AM, March 30, 2006  

  • papasa sa kin yan, pareho kong fave ang atis at bayabas..

    By Anonymous Anonymous, at 3:42 AM, April 03, 2006  

  • It look so much like Guava. This fruit only proves further the very unique environment of NZ where delicious Kiwi fruits are all bound.

    By Anonymous Anonymous, at 6:12 AM, April 04, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker