Have RIDE will Travel
Dearest KU,
May question po
Ang inyong masugid na tagasubaybay,
Newbie in
Sa aking opinyon at base sa na-experience ko nung bagong dating din kami sa NZ, ang masasabi kong best time para bumili ng sariling bahay dito sa NZ ay ASAP, ‘as soon as possible’. Ang timing ng pagbili ay di nasusukat sa haba o ikli ng panahon. If it’s possible, then do it now.
When do you know it’s possible? You know it’s possible once you’ve acquired a RIDE. As soon as you have a RIDE, consider buying your own house right away. The sooner you invest on a house, the easier it will be for you when you’re older. If you start early, by the time you are in your late 40s or early 50s, mortgage free ka na. Wala ka nang binabayarang utang. By that time, paholiday-holiday ka na lang.
RIDE are the requirements to be met in order to be able to buy a house. Heto ang ibig sabihin ng RIDE.
- Residency – Eto ang unang requirement ng mga banks. Hindi ka kasi pauutangin ng pera ng bangko kung hindi ka Permanent Resident. Baka nga naman takbuhan mo sila, di ba?
- Income. Dapat may stable job o source of income ka na. Sa estimate ko kapag may combined income kayo na $60k annual, pwede na ito panimula.
- Downpayment. Normally, 5 to 10% ang nire-require ng mga bangko. So sa $300k na halaga ng bahay dapat may pan-down ka na at least $15k.
- Extra. Dapat may naitatabi kang at least $100 kada linggo (mas mataas mas ok siempre) . Instead of putting your extra income in a savings account or just wasting it for non-essential items, you should seriously consider using the extra money towards a mortgage. Say, if you are already paying $300 weekly for your rent, tapos may $100 kang sumosobra weekly, think of buying a house where in you’ll pay $400/wk para sa amortization. Isipin mo para ka lang nag-rerent ng bahay sa bangko with the difference na magiging iyo ang bahay later on.
Ngayon kung wala ka pang RIDE at gusto mo na talagang makabili ng sarili mong haybols, isa lang ang alam long paraan. Dapat may PNB ka – Pambayad Ng Bahay. Dapat bayaran mo ng cash ang bahay para di mo na kailangan ng RIDE.
TNT and CFN
K U
16 Comments:
Very comprehensive explanation. I like the way you abbreviate the important points.
By Pogz, at 10:40 AM, March 17, 2006
Sound advice, thanks KU. In the future I might ask you many questions as well, sana ok lang sa iyo...talagang kino consider ng mister ko NZ pag nag retiro or even sooner.
Hope you're having a good weekend.
By Anonymous, at 10:18 PM, March 19, 2006
ang cute naman ng abbrevaitions nyo ni mang kadyo hehehe..
By Analyse, at 10:41 PM, March 19, 2006
ok din ang utak ni kadyo, a. mukhang nahahawa na sa yo, KU!
By Anonymous, at 2:10 AM, March 20, 2006
pagpasensiyahan nyo na po si faffi kaddi ...ganyan lang ang sumakay sa kamel papuntang NZ! hehehe
fafa KU, kailan ka ba pedeng lumaban na Mayor jan? siguradong mananalo ka sa dami ng pinoy na natutulungan mo :)
By nixda, at 5:18 AM, March 20, 2006
KU, Hindi ko alam na magaling ka rin palang financial adviser.
Dapat maging part ito ng handbook about migrating to NZ.
Meron din palang PNB, ang alam ko lang PLDT.
Have a great day.
By Anonymous, at 7:08 AM, March 20, 2006
pogz, is that short for "pogi"? hehe. thanks for dropping by.
kadyo,
ok din ang RIDE mo. kay fafa atoy tayo mangutang. madaming hacienda yon sa batangas.
thess,
no worries. nz is a very nice country to retire. sabi ko nga dito para kang parating nakabakasyon.
analyse,
thanks
bingskee,
ako yata ang nahawa sa kanya eh. hehe
neng,
hahaha. naimagine ko tuloy si KD na nakasakay sa camel. mayor? naku ayoko sakit ng ulo yon.
rolly,
di ko yata alam ibig sabihin ng PLDT?
By Ka Uro, at 9:05 AM, March 20, 2006
PLDT, familiar na term yan dito sa KSA. Mahirap sabihin dito...
By Anonymous, at 10:57 AM, March 20, 2006
Alam ko rin yang PLDT..hehehe..di nga pwede rito ka rolly.
KU, meron na rin pala kayong dearest ku, kala ko blog ni batjay to eh.
Thanks po sa dalaw.
By Ann, at 4:04 PM, March 20, 2006
naiintriga ako sa PLDT??? Is it something to do with the male and female organs? parang alam ko na nga. uso nga sa mga taga-sauding papauwi ng pinas. hehehe
By Ka Uro, at 9:34 AM, March 21, 2006
You're right KU! Dati nga ho pala kayo sa saudi rin.
Si Ka Rolly uuwi ng end of this month kaya PLDT na..hehehe.
By Ann, at 8:18 PM, March 21, 2006
KU,
I really like the way you blog. Lalong nagiging very interesting ang mga entries mo. Paglaki ko, gagayahin kita :-) see you soon.
By jinkee, at 1:09 PM, March 22, 2006
Hi KU! Just came back from Auckland... and I can't wait to go back again already. Ha ha!
Re: properties, I've had a drive around the inner city suburbs and the further suburbs, quite a number of nice houses in AKL huh. Many residential places up for sale as well. What I've noticed though is that prices have gone up really high. One thing I can say is that house price during summer is normally just slightly higher as compared to when it's in winter - season for showing the house kasi, kitang-kita ano man ang kagandahan. Advantages of buying during winter?... slightly lower price, and you'd get to see any drippings if there are! He he!
By Jovs, at 1:24 PM, March 22, 2006
ann,
kya pala PLDT ang nasa isip ni ka rolly. :)
jovs,
that's true you said about prices during winter/summer. thanks for pointing out the advantages of buying during winter. i never thought of that before. kita nga naman ang mga tulo sa bahay and i suppose also the mildew and the moulds.
and if you're selling a property, it's the reverse naman. mas okay sa summer.
By Ka Uro, at 2:48 PM, March 22, 2006
Dearest KU,
ako'y natutuwa sa pagbabasa dito sa hybols nyo, sana lahat ng pilipino sa abroad ay kagaya sayo, tumutulong sa kapwa at di nag-aaway.
Pagpalain ka ng maykapal.
at ako po'y naintriga din sa PLDT hehe...
*~*~*~*~*~*
ang iyong masugid na tagapagsubaybay,
-Churchill-
By Anonymous, at 9:05 PM, March 22, 2006
You are so right Ka Uro...real estate often goes up as time passes by, and sometimes it escalates. Delaying the buying would risk higher price paid for...
By Anonymous, at 4:24 AM, March 25, 2006
Post a Comment
<< Home