Laugh and the world laughs with you, snore and you sleep alone - Anthony Burgess
Medyo papalamig na dito ngayon sa Southern Hemisphere. Hindi pa naman malamig na malamig. Para lang nasa Baguio ka lalo na sa gabi. Kaya sa pagtulog kailangan makapal na kumot na ang gamit. Kadalasan gamit dito yung tinatawag nilang “duvet”. Sa Tate naman tawag nila dito “comforter”.
Sa mga bagong dating sa NZ o mga nagbabalak pa lang pumarito, may tips ako sa inyo sa pagbili at paggamit ng duvet. Kung bibili kayo ng duvet, bilhin niyo yung mas malaki kesa sa size ng inyong bed. Halimbawa, kung queen size ang bed niyo, bilhin niyong duvet yung king size para may allowance at hindi lumabas ang paa o ano man parte ng inyong katawan kung sakaling maghilaan kayo ni esmi.
Ang isa pang rason kung bakit mas maganda ang mas malaking divet ay para mai-fold mo ang upper part ng duvet katulad ng nasa larawang ito.
By folding the upper part it’s like having two blankets over your upper body. Sleep well, good night and don’t let the bed bugs bite. Ngork! Ngork!
6 Comments:
uy, una ako! hehe
nwei, ganyan din ako, i buy the next size larger pagdating sa comforter. para mas may sense yung comforter, to make me comfortable. so, palamig na pala jan, KU. dito naman, naghihintay pa rin kaming umalis nang (kahit) konti ang lamig. okay na sana minsan, kaso pag umulan...yan na naman! ayayay...
By Anonymous, at 10:10 PM, April 15, 2006
yep true too cold na din po dito sa southland...a lot colder sa north island right? there are different types of duvet to choose from, which u think is the best.
-senyang
By Anonymous, at 12:57 AM, April 16, 2006
Ka Uro,
Ako yung friend ni Kneeko na balak mag-migrate dyan sa NZ. Hintay namin approval ng application for residency, at pag ok punta na kami dyan. At present, andito ko sa Florida working as accountant sa isang floating casino. Hope I can hear more tips from you in preparation for my new life in NZ. Thanks.
P.S. I'll link your site with my blog. Thanks.
By Arch_aces, at 12:38 AM, April 17, 2006
naku KU, dapat mabasa ito ng mister ko (translate ko na lang he he)..twice kasi sya hinayaan ko bumili ng comforter, hindi na nadala eh, eksaktong haba lang sa kama binili, ayun, lawit paa namin sa gabi..nakakainis lalo na pag winter!
btw, iyo yung bear sa bed? *wink*
have a fine week po!
By Anonymous, at 5:53 AM, April 18, 2006
des,
dont worry konting araw na lang, iinit na rin diyan sa inyo.
senyang,
nasa SI ka pala. di ko alam kung anong da best na duvet. diyan siguro sa SI the thicker the better. baka kailangan mo rin diyan ng electric blanket para mas mainit.
arch_aces,
i don't want to disappoint you, pero medyo mahirap makakuha ng accounting work dito kung hindi ka chartered accountant. kung okay na position mo diyan, pagisipan mo muna. here, you might have to start as accounting clerk.
thess,
hindi sa akin yung bear. bed ito ng anak namin. dun sa bed ko, si esmi ang teddy bear ko. hehe
By Ka Uro, at 10:36 AM, April 18, 2006
aba ang gara nung teddy bear.... mas malaki pa ang higaan nya kesa sa akin.. ako naka airbed lang... ;)
By Anonymous, at 12:29 PM, April 18, 2006
Post a Comment
<< Home