mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Sunday, May 28, 2006

Liham Galing Kay Linda

Nagpapasalamat ako kay Linda at binigyan niya ako ng pahintulot na ilathala ang kanyang liham. Ito'y para daw malaman ng ating mga kababayan and kalagayan ng katulad niya na isang Pinay na nakapag-asawa ng Kiwi.

Dahil mahaba na ang liham ni Linda, sa susunod na post ko na lang ito sasagutin. In the meantime, kung may payo o word of encouragement kayo para sa kanya o sa iba nating kababayan na tulad niya huwag mag-atubiling mag-iwan ng comments. I'm sure sa NZ, sa Tate, sa Aussie, sa Canada at Europa marami pang Linda.

hi ka uro,

madalas po akong nagbabasa ng blog nyo pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sulatan kayo. sa ngayon kasi, litong lito ako. ang pakiramdam ko po para akong nalugmok sa kumunoy at di makabangon. hindi ko alam kung makakaahon ako. nawawalan na ako ng pag-asa.

ako po’y isang pangkaraniwang probinsiyana. maayos naman ang buhay ko sa atin at mataas na rin ang katungkulan ko sa ahensya ng gobyerno na aking pinapasukan. mapagmahal ang aking pamilya at hindi naman kami mayaman at hindi rin naman naghihirap.

subalit ano ba itong napasukan ko? nakapag-asawa po ako ng isang kiwi. nakachat ko cya and naging kaibigan. matagal kaming nagkasulatan usually sa email. nung ako’y kanyang nililigawan pa, napaka-ideal nyang tao. mabait cya kaya nagtiwala naman ako at cya'y aking minahal. pero ngayon nalaman ko na balat kayo pala lahat. puro po cya kasinungalingan.

1 unang una po eh sabi nya relihiyoso cya and sumasama pa na magsimba sa akin sa pilipinas nung una nyang visit. ang totoo pala di cya naniniwala sa diyos and lagi nya kinecurse ang diyos kapag nagagalit cya.

2 gumagamit cya ng marijuana. nung nililigawan pa lang ako sinabi nya na hindi na cya gumagamit nito. pero ngayon nalaman ko na regular user pala cya. at ang kinakasuka ko sa mga kiwi, di ko nilalahat pero halos lahat ng nakilala ko, eh nagamit and parang wala lang sa kanila as in part of normal life. yun pong kapatid at mga pinsan niya, lahat pushers ng marijuana. puro addict, walang mga trabaho at dakilang naghihintay lamang kada linggo ng biyaya sa gobyerno.

3 lately nadiskober ko na meron pala siyang anak sa dati niyang partner. nalaman ko lang through my mader in law. tinago nila pareho sa kin during our relationship. close po ako sa byenan ko at regular kami nagsusulatan at nagtatawagan nung nasa pinas pa ko at wala naman sinasabi sa akin kahit nagtatanong ako. feeling ko niloko nila ako pareho. kaya ko lang nalaman nung tanungin ko ang biyenan ko kung sino ang babaeng iyon na laging tumtatawag sa asawa ko. pinagtapat sa akin ng aking biyenan na anak nya yon sa previous partner nya. til now laki ng hinanakit ko.

4 ayaw nyang makipag-usap sa ibang pilipina na nakikilala ko. wala daw cyang interes at bahala daw ako makipagkaibigan. syempre po gusto ko naman mamuhay ng normal na maging friends namin pareho ang mga friends nya and ganun din sana sa akin.

5 mahilig ang asawa ko sa malalaswang bagay like porno. siguro po dahil lumaki ako sa relihiyosong pamilya kaya di ako sanay sa ganito. although alam ko naman po normal naman sa lalaki yan. pero di naman po siguro sa kagaya nya na bago matulog nakikita ko na puro kababuyan sa net ang pinagtitingnan. paggising ganun pa rin. nasasabi ko na lang sa sarili ko wala kasi cyang diyos kaya walang guilt feelings sa mga bagay na yan. though di naman po cya baboy sa bed at di naman mahilig na walang nang inisip kundi sex. masasabi ko po na normal naman cya (sori inuna ko na po baka kasi isipin nyo na ganon ginagawa nya in actual).

6 disrespectful po sa magulang kung makasigaw and magsabi ng mga words sa nanay nya like c*nt, sl*t, b*tch etc. wala cyang pakialam sa kanila. kung di cya tawagan wala lang. napakabait naman po ng trato pala sa akin ng biyenan ko.

7 mainitin po ang ulo nya. simpleng bagay eh madaling magalit at ako lagi inaangilan.

8 wala po akong nakikitang future sa kanya. nagtapos po cya pero wala lang. nung nakilala ko sabi nagwowork ng "ganito" so iniisip ko responsable naman pero nalaman ko na lang na part time lang. umaasa din sa benepisyo sa gobyerno.

mahal na mahal ko naman po cya at di naman po ako sinasaktan. at binibigyan naman ako ng pera. ako pa nga po nahawak ng atm card nya pero di nya ako nirerespeto and lagi nasigaw sa akin. nasa akin nga ang bank card pero daig pa po ang auditor kung i-audit ako. di ako pwedeng mag-spend nang hindi nya alam.

siguro naiisip nyo na bakit ako nagtitiis. walang nakakaalam sa pamilya ko ng tunay kong kalagayan dito. ang akala nila masayang-masaya ako dito. wala rin akong masabing kaibigan dahil na rin natatakot ako sa kahihiyan at baka isumbong sa atin at naaawa ako sa mga magulang ko. baka atakihin ang nanay ko. kinokonsider ko din na mahal ko cia pero parang di rin magtatagal baka mapuno ako.

ang situation ko po ngayon eh wala po akong trabaho. kalahating taon na ako ngayon dito sa west auckland, pero recently lang nakakuha ng working permit. bale may 1 year working visa ako. dont know what next if na-expire na. kung minsan parang gusto kong tumakas and magwork kahit ano pero di ko alam if paano at saan pupunta. gusto ko sana dito sa nz na muna kung tatakas ako. sayang din ang visa ko kung uuwi ako sa pinas. at doon di rin ako sigurado kung makakakuha ng work agad. kung aalis ako dito kahit anong work papasukan ko to survive.

sa palagay nyo po ba tama ang balak ko na umalis dito kasi po di ako peaceful at lagi na lang akong umiiyak. di rin ako nakakatawag sa pinas. nakakausap ko lang pamilya ko pag sila ang tumatawag sa akin. nakakapag-internet lang ako kapag nasa work na ang asawa ko. kapag nakakaramdam siya na nagbabalak akong lumayas tinatakot nya ako na ipapadeport nya ako sa nzis. kahit po ba me work visa ako pag ba sinabi nya na tumakas ako from him babawiin ba ng NZIS ang visa ko? di ko matanong ang NZIS since magiging suspicious sila sa situation namin.

sori po kung naabala ko kayo, pero talaga lang pong wala akong malapitan at mahingaan ng mga problema ko.

maraming salamat po sa pagbasa,
linda

17 Comments:

  • unang-una, nagpapasalamat ako sa kanya for allowing you to post her letter. pangalawa, salamat for this, KU.

    siguro nga, kanya-kanyang palad ang bawat tao. may sinuswerte at meron namang minamalas. ang masasabi ko lang, kung hindi buo ang loob ng isang tao sa isang desisyon, wag sumugod. if someone feels something is not right, then he/she should stop.

    i have read an almost similar kwento na nabasa ko sa sinulat na libro ni Nena Gajudo-Fernandez, tiyahin ng aking hubby, at asawa ng isang kilalang national artist. sa mga kwento sa kanyang sinulat na mga karanasan ng mga Filipina sa ibang nasyon, isa dito ang babaing nakapangasawa ng isang German, na minaltrato siya, kasama ang biyenan sa pagmamaltrato. iniiwan siya sa bahay na nakakandado palagi. natuklasan niya ang basement kung saan nakita niya ang mga pugot na ulo ng iba't ibang babae. ang huling garapon na walang pangalan ay may pangalan niya.

    sorry to have flooded your comment box. masyado akong nadala ng istorya ni Linda.

    By Anonymous Anonymous, at 5:57 PM, May 28, 2006  

  • Hi Ka Uro,

    Makikisingit lang ako sa liham ni Linda na talaga namang napabugtong-hininga ako at di ko mapigilang hindi manghimasok.

    Linda, tama si Bing na dapat buo ang loob mo sa kung anong disisyon mo. Kung nais mong manatili dito sa NZ kailangang kumbinsihin mo ang asawa mo na makapag-apply ka na ng residency nang sa ganu'y hindi ka nya basta tinatakot(Nabola ka nya noon, ngayon sya naman ang bolahin mo). Mahal mo sya, OO pero hindi lang naman pagmamahal ang importante sa pagsasama ng mag-asawa. Para sa akin mas importante ang respeto. Kung tatakasan mo sya sa ngayon talagang sa Pinas ang kahahantungan mo na ayaw mo namang mangyari.

    Sa ngayon dalawa lang yan, dito ka sa NZ at magtiis hanggat wala ka pang residency O bumalik sa Pinas at maging malaya.

    Hayaan mo't isasama kita sa dalangin ko na nawa'y patnubayan ka Niya sa ano mang magiging decision mo.

    Ingat ka palagi!

    Salamat ka Uro, sya nga pala "Hi!" daw sabi ni Mark from Christchurch.

    -Malou-

    By Anonymous Anonymous, at 8:22 PM, May 28, 2006  

  • merong di nagtutugma sa istorya. kung nag-asawa or fiance silang dalawa, bakit work visa ang hawak ni Linda? hmmm

    By Anonymous Anonymous, at 9:49 PM, May 28, 2006  

  • banjan, actually wala naman di tugma. kasi it's common for VO to give work visa if relationship is less than 12 months as per article R2.1.15.5 of the residence policies. it says:

    a.If a visa or immigration officer is satisfied the principal applicant*
    and partner* included in the application are living together in a
    partnership that is genuine and stable*, but the duration of that
    partnership is less than the 12 months required, then:
    i in any case where the grant of residence to a principal applicant*
    is reliant on the relationship with or attributes of their partner* the
    application must be declined* under Government Residence
    policy, or
    ii in any case where the grant of residence to a principal applicant*
    is not reliant on the relationship with or attributes of their partner*
    the visa or immigration officer may proceed with processing the
    principal applicant for residence but defer the final decision* on
    the partner* to enable the qualifying period to be met.
    b. If a partner’s* application for residence has been deferred as
    described in (a)(ii) above they may be issued with a work visa or
    granted a work permit (once an application has been made*) for a
    period sufficient to enable the qualifying period to be met and any
    further assessment of their residence application to be completed (see
    WF2.20).

    By Blogger Ka Uro, at 10:07 PM, May 28, 2006  

  • Yep.... I agree with Tito KU. Walang discrepancy sa kuwento ni Linda - kahit nga na married ang Pinay sa Kiwi but they got married in another country or even they live (de facto) together for how many years sa ibang bansa, pagpasok sa NZ, the Pinay wife/partner will be given a work visa for 12 months. Then after that, Permanent resident visa na - automatic, that is if she immediately applied for a PR visa pagpasok sa dito.

    TO Linda: Malou's correct. You only have such limited options at the moment: Stick it out until you get your PR visa or uwi ka na sa Pinas after the expiry of your work visa.

    As far as I know, hindi basta basta mababawi ng NZIS ang work visa na hawak mo at the moment pero once mag-complain ang husband mo - definitely the renewal of your work visa or future application for a PR visa will be jeopardised. Wala talagang kasiguraduhan ang situation mo not until the time na hawak mo ang passport mo na may tatak na permanent resident permit.

    As much as possible, calculated risk ang gawin mo. Its an issue of priorities & sacrifices. If you are set with your priosities, am sure kahit anong unos ang dadaanin mo, makakaya mo!

    I used to work at Women's Refuge - your case isn't that bad but to be on a safe side, be sure na ikaw ang nagtatago ng passport mo, Linda. Keep it in a safe place na hindi alam ng asawa mo. For the meantime, magtatanong-tanong ako ng Asian network na makakabigay ng payo sa iyo.

    Also, while you are still with your husband - DO FIND a job. Kung may work ka, you'll have the freedom to ask around at kahit papaano "makakatakas" ka for a short period sa bahay. I know this is not a solution to the problem but it will make things bearable and will help your self esteem.

    Be strong! I will pray for you.

    By Anonymous Anonymous, at 8:17 AM, May 29, 2006  

  • Whoopsie - ako yung anonymous sa itaas. I forgot to type in my identity.

    By Anonymous Anonymous, at 8:18 AM, May 29, 2006  

  • Linda,

    I agree with all of the comments, esp dun sa comment ni trotskybee. Keep ur passport with you or in a safe place where u can get it kapag kailangan na. Tiis lang muna ng konti until such time na makuha mo ung PR mo..i know kaya mo yan. Matatag ang mga pinay and one thing more do pray always..it will add strength to you as you go along these testing ground. I will also include you in my prayers God Bless Linda!!!

    By Blogger abet, at 1:40 PM, May 29, 2006  

  • Napaka hirap naman pala ng situation ni Linda. Di niya alam pinasok nya. Ayaw ko na pahabain ang comment ko at baka lumabas pa na sermon ito hehehe. Mukhang maraming nag post ng comments dito na helpful at informative. The rest is up to her talaga.
    I hope makita nya agad ang solution na makakabuti sa kanya. Maging aral sana ito sa mga babaing nag iisip na mag asawa ng dayuhan at manirahan sa ibang bansa. Look before you leap.
    Good luck kay Linda.

    By Blogger fionski, at 3:57 PM, May 29, 2006  

  • Hi K U, dont know how to thank you. A million thanks for the encouraging emails and for posting my letter here for the benefits of others.
    Ninerbyos nman ako sa comment ni bing,thanks to all of you bing, angelo,malou,banjan,trots,basey and fionski. I do always pray and your prayers will help more.
    -Linda

    By Anonymous Anonymous, at 8:16 PM, May 29, 2006  

  • Linda,
    Kung ako ang nasa kalagayan mo (may similarity ang situation ko noon dian sa situation mo- circa 1988) ganito ang gagawin ko. Kausapin mo ang asawa mo ng masinsinan at kung talagang mahal ka rin niya, sabihin mo you have to see a marriage counselor to save your marriage. Kung hindi papayag yan hindi ka niya mahal, iwanan mo nalang. Verbal and mental abuse ang ginagawa sa yo. Malaking "no no" yan sa NZ authorities (income support, police and association of domestic violence) Wala kang anak kaya lakasan mo ang loob mo. Ako noon 1 anak ko, buntis pa ako. Maghanap ka muna ng trabaho. Mag-ipon ka ng pera mo- open your own bank account and save. Kung hindi ka aalis sa situation na yan baka masisira ang ulo mo. Mahirap lang sa umpisa pero yung peace of mind and importante at masasanay ka rin. Then you can plan your own life, without a man victimising you like that. Good luck and God Bless you.

    By Anonymous Anonymous, at 9:30 PM, May 29, 2006  

  • i agree with GELO, nothing is impossible with God, He will help you in everything, just keep on praying to Him..

    wala bang embassy jan ng pinas? maybe they can help you out, and i'm sure KU will help you too.. so be strong and remember to pray always!

    By Anonymous Anonymous, at 11:01 PM, May 29, 2006  

  • sigurista pala ang nzis. gusto talagang married na married. hmmm. thanks for the info.

    By Anonymous Anonymous, at 11:21 PM, May 29, 2006  

  • To linda
    Since me access ka pala sa net, search ka about the rules and regulation dyan. may mga grupo namang pinoy dyan na pde mo matanungan. Be strong! Huwag kang papakita ng takot sa asawa mo. Kya may mga lalaking nang-aabuso!

    To KU and all pinoy there in NZ.
    Try to analyze and give her an advice. Kababayan natin sya! Hanga ako sa grupo nyo dyan at nagtutulungan kyo.

    Dito sa amin, wala akong makitang ganyang grupo, kahit sa embassy dito, pahirapan pa ang tulong, bawat galaw kailangan mo ng pera(sorry sa tatamaan). Ako mismo naka-witness kung anong mayroong sistema ang embassy dito... para kang nsa Pinas!

    By Blogger Mmy-Lei, at 11:34 PM, May 29, 2006  

  • hi, linda!

    am very sorry to have caused you to feel that. unintentional. masyado lang nadala. no harm intended but my prayers and wish that you can overcome your present situation.

    honestly, kung ako ang nasa sitwasyon mo, malamang na malito ako, maguluhan. madaling magbigay ng advise o payo, pero hindi ganoon kadali gumawa ng hakbang sa totoong sitwasyon. pero ang isang totoo sa mga sinabi nila, ang Filipina ay likas na matatag, at kaya mo 'yan. pero 'wag sanang dumating sa punto na sobra na ang abuse. hindi na rin dapat iyon. God bless!

    By Anonymous Anonymous, at 3:21 AM, May 30, 2006  

  • To Linda,

    nasabi na nila lahat... all I can say is DON'T lose your identity in the process... selfish man sabihin, but in this situation, one should think about his/her own well being and safety. be safe!


    To KU,

    you are a blessing to people like Linda. God bless you and your family!

    By Blogger JO, at 4:15 AM, May 30, 2006  

  • sa mga nagiwan ng comment, thank you very much. i'm sure linda appreciates them a lot and hopefully makatulong sa kanya.

    banjan,
    yun lang kasi ang paraan para maiwasan ang mga "marriage for convenience". may mga cases kasi na babayaran ang isang nz citizen for a fixed marriage para makakuha ng visa, magsasama kunwari, then later magdi-divorce. may mga nangyayari kasing ganoon kaya nzis has no recourse but to really make sure that a couple are in a "stable and genuine" relationship for at least 12 months, bago i-aprub ang PR.

    By Blogger Ka Uro, at 12:09 PM, May 30, 2006  

  • Hi Ka Uro,
    Bigla naman tuloy akong natakot.. Sabi pa naman ng mga friends ko (some are married to foreigners like Linda, but they are doing well naman..) mag-try daw ako sa chat baka don ko matagpuan si Mr. Wrong..este.. Mr. Right (??) ewan ko ba, hindi rin talaga ako mahilig sa chat-chat.. mahirap kasi makipag-bolahan sa hindi mo naman kakilala.. Anyway, all I can do is pray for Linda since andito naman ako sa Phils.. Kaya mo yan Linda.. GOD is with you.. just trust...

    Mabuhay ka Ka Uro!

    By Anonymous Anonymous, at 7:59 PM, May 30, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker