mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, May 23, 2006

"Being defeated is often a temporary condition. Giving up is what makes it permanent."

3rd year college, 1st sem sa UP College of Engineering ang worst sem ko scholostically. First my mom past away. I lost the only adult person left who could put restraint and direction in my life. Napabayaan ko nang husto ang aking studies nung sem na yon. Nightly, nag-iinuman kami ng mga ka-board mates, kaya puyat at parating may hang-over kinabukasan. Kadalasan tuloy absent sa first class ko sa umaga. Heto rin yung time na una akong nanligaw kay wisheart. At first time din akong ma-basted. Huhuhu. Emotionally, I was a mess.

Out of 6 subjects, apat lang ang naipasa ko. Yung dalawa ni-drop ko. Dun sa mga subjects na naipasa ko, dalawa pasang awa pa.

Kaya no surprise, na nung sumunod na sem at mag-request ako sa aking adviser na mag-overload ng subjects, ni-deny niya ang aking request. Gusto ko kasing maka-graduate ng maaga. Instead of 5 years, gusto ko 4.5 years lang matapos na ako. Pero sabi nung aking adviser, paano ko raw maipapasa ang pito/walong subjects kung apat na subjects lang hirap na ako? Hindi raw kaya ng aking limited brain cells ang makapasa sa UP. Marami pa siyang sinabi that humiliated me in front of my peers. Umalis na lang akong nakayuko. Walang naisagot sa sermon niya.

Ang lekat na matandang yon, pinahiya ako. But I controlled my temper and actually took everything he said as a challenge. Sabi ko sa sarili ko na I’ll have my revenge by proving that he’s mistaken in his assessment of my capability. Ipapamukha ko sa kanya na mali siya.

I didn’t give up. Nilapitan ko ang aming Dean at sa kanya ko pinapirma ang listahan ng subjects na kukunin ko. Pinirmahan naman niya, kaya nung second sem, hataw ako sa bigat ng load. Ganun pa man lahat ng subjects ko naipasa ko. Fourth year, hataw ulit at pasado na naman. Fifth year, after the first sem, I became one of maybe less than 10 students from the college of engineering to have graduated in less than 5 years.

Sometimes unlikely events happen in our lives that make us feel bad. Sometimes things don’t always turn out the way we wanted. Sometimes when other people humiliate us it’s easy to be bitter and angry. It is a test of one’s character, how one reacts to overcome a setback, a humiliation. Sulking or doing nothing, or worse doing something destructive is an acceptance of defeat. “There are victories of the soul and spirit. Sometimes, even if you lose, you win.” ika nga ni Elie Wiesel, isang sikat na writer at nobel peace prize winner. To succed we need to transform losses into gains, defeats into victories. With guts, determination and a positive attitude it can be done.

Sabi naman ni T2Onit, na katulad kong trying hard maging writer:

“Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa....vulcanizing shop”
“Ang umaayaw ay hindi nagwawagi. Ang nagwawagi nagbabalato.”
“When God closes a door, He opens a window. But don’t use the fire exit.”

Hehe, have a good day!

20 Comments:

  • Sana ganyan lahat ang attitude ng mga kabataan ngayon, wala sanang naliligaw ng landas.

    Have a nice day.

    By Blogger Ann, at 4:32 PM, May 23, 2006  

  • Very inspiring post Ka Uro. Naipakita mo na hindi ka basta-bastang kayang pabagsakin ng mga pagsubok. Bagkus, ito pa ang iyong naging inspirasyon upang pagbutihin ang iyong buhay.

    By Blogger Rhada, at 4:46 PM, May 23, 2006  

  • hmmm, at least you were able to overcome your problems...

    cant talk much, kasi till now depressed pa rin ako!

    By Blogger Mmy-Lei, at 7:48 PM, May 23, 2006  

  • KU, very encouraging story. Lahat kami na-inspire sa iyo. We will try our best to overcome the different situations God presents to us. In the first place, di naman niya bibigay sa atin kung di natin kaya.

    By Anonymous banjan, at 8:39 PM, May 23, 2006  

  • very true indeed.. i agree with you Ku.. difficulties are part of life, that's what makes success sweeter! as long as you learned something from your losses will make you the winner in the end..
    God Bless Everyone!

    By Anonymous Art, at 11:09 PM, May 23, 2006  

  • "There are victories of the soul and spirit. Sometimes, even if you lose, you win."
    ..ang ganda ng lines...at medyo nakarelate ako kasi minsan akala ko naibigay ko na best ko..di pa pala kaya minsan pag may critics..i felt bitter..pero nung huli kong experience..nachallenged ako..and i saw victory over one thing.."my own weakness"..madali akong sumuko nuon sa pagsubok and i ended up blaming myself but this time i'm a bit proud..dahil kaya ko pala lumaban sa hamon ng buhay..ang seryos ko no?hehehe..nice!nice entry!well-said KU!

    By Blogger ev, at 1:17 AM, May 24, 2006  

  • super relate naman ako sa story mo. i've taken a lot of challenges in my life din kasi, because i wanted to prove something. like na lang ng pagdating ko dito sa France, some of frenchguy's friends(and some family rin) were discouraging him about our relationship kesyo it will never work, kesyo i will never integrate myself here in france because i don't know the language, etc... if only they know that now, he's thinking of being an stay-at-hom-fafa..and me as his mama-san...tama ba yun?

    By Blogger Analyse, at 1:56 AM, May 24, 2006  

  • You are a good example to all of us KU, an inspiration to everyone. Keep it up. God bless!

    By Blogger WalkAbout...TalkAbout..., at 2:46 AM, May 24, 2006  

  • A wake up call comes in strange packages. Sabi siguro ni Bossing sa taas, hmmm...mahirap itong batukan - humiliatin is the only way. Pero voila - tinganan mo naman ang effect di ba Tito KU?

    By Anonymous trotskybee, at 6:47 AM, May 24, 2006  

  • kaya naman bilib ako sa iyo pards e. iba talaga ang may abilidad.

    By Blogger Ka Elyong, at 7:10 AM, May 24, 2006  

  • ka elyong,
    kasama ka sa abilidad na yon. pakners in crime. heheh

    trosky,
    nasapul mo. ganun nga ang feeling. minsan nababatukan tayo ni Bossing para marealize natin kung tayo'y lumilisya ng landas.

    By Blogger Ka Uro, at 11:09 AM, May 24, 2006  

  • ann/kd,
    have a nice day too.

    rhada,
    thanks.

    mmy lei,
    bakit ka naman depressed?

    banjan,
    thanks


    art,
    yun nga ang sekreto. learn from mistakes.


    ev,
    victory over one's weaknesses. minsan nga it's our way of thinking, our fears and apprehensions that's holding us back from succeeding. mahirap kalabanin ang sarili. so nice that you were able to overcome that.

    analyse,
    e di pahiya sila sa yo because you prove them wrong. most importantly you're proud of yourself and your accomplishment.

    walkabout,
    thanks

    By Blogger Ka Uro, at 11:17 AM, May 24, 2006  

  • Nalungkot naman ako sa story mo KU. Sa sobrang kagustuhan nila na makapangibang bansa. I pray they make it.

    By Anonymous Patrice, at 1:08 PM, May 24, 2006  

  • hey ka uro, elib naman ako sa iyo. u.p. ka pala. alam ko, mga nekmati lang doon. my hat's off to you sir.

    By Blogger Air Milikay, at 10:59 AM, May 25, 2006  

  • That's the spririt. yan ang true winner! galing! Idol talaga hehehe!

    By Blogger Bluegreen, at 3:57 PM, May 25, 2006  

  • isang magandang halimbawa ng taong hindi nagpapatalo sa kabiguan ang iyong nailahad na karanasan.

    By Anonymous malaya, at 6:23 PM, May 25, 2006  

  • HUSAY!!!
    very inspiring indeed KU, buti ka pa 4.5 yrs. ako 5.5 hehe

    Galing!!!

    By Blogger Flex J!, at 9:34 PM, May 25, 2006  

  • buti nalang di ka naging UP drop out- thanks to your adviser- dahil he/she challenged you and you took the challenge. Ika nga, you have to be cruel to be kind... I have a similar story- but...sa blog ko na lang ikukuento- in the near/far future. hi hi hi Bilib ako sa character mo ka uro...

    By Blogger VICKY, at 10:53 PM, May 25, 2006  

  • Hey Ka Uro, your experience reminds me of myself when I was in college in Ateneo deZamboanga. I had been transferring from Silliman University and I had a lot of backlogs when some subjects I had taken there wasn't credited in my new school. So I had to overload always, sometimes far beyond what DECS allowed. It was really hardand exhausting, having about 6 to 7 classes a day and until 9 in the evening. But I got thru it but my grades suffered. Still, I was able to fasttrack my graduation date.

    By Anonymous Major Tom, at 3:54 PM, May 27, 2006  

  • Meron lang ako dagdag: Ang umaayaw di nagwawagi, ang nagwawagi ay nagtatrabaho para magwagi.

    By Anonymous myepinoy, at 6:42 AM, May 29, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker