mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, June 06, 2006

Seeing things from a child's perspective

Nung huling uwi namin, September, last year, 15 years old na ang anak namin. Limang taon lang siya nung una kaming umalis ng Pinas. Yung first uwi niya since then 9 lang siya, kaya medyo vague ang mga memories niya tungkol sa bansa natin.

Nakakatuwang makita ang amazement niya sa mga ordinaryong bagay na komon sa atin pero para sa kanya kakaiba.

Tulad nung unang gamit niya nung toilet sa bahay namin sa QC. Sira kasi yung flush nung bowl. “How am I going to flush my poo?” tanong niya. Sabi ko, “you fill up the timba with water, then buhos it” with matching gestures. Ginawa nga niya yon, kaso hindi mabuhat ang timba. So in the end, ang dakilang ama rin ang nag-flush para sa kanya.

Kinagabihan naman, pasok uli siya sa toilet. Binuksan niya ang ilaw. Maya-maya biglang nagtitili at patakbong lumabas. “There’s something crawling on the wall” ang sigaw niya. Tinignan ko. Meron nga. May La Coste. Butiki!

Finally natapos siyang mag-toilet. Mag-shower na raw siya. Pinihit yung left knob, yung right knob. Hinipo yung tubig. “Dad, why is there no hot water?” she asked. Paliwanag ko, “anak wala talagang hot water dito mainit na kasi sa Pilipinas”. Itinuro ko sa kanya kung paano maligo. Sabi ko punuin ang balde tapos gamitin ang tabo at ibuhos sa ulo at katawan. Ok na raw, gets na niya. Gets na nga niya, kasi maya-maya narinig namin kada buhos. “LAAMMMIIIIIG!”.

Nakakatuwa rin nung unang sakay namin ng jeepney papunta sa bayan namin sa Pampanga. Pagsakay namin sa jeep, kami ang una kaya andun kami sa pinakamalapit sa driver. Nung mapuno na ang jeep at may mga nakasabit pa napansin niya na wala na nga naman madadaan ang pasaherong gustong bumaba. “How are we going to get off?” tanong niya. “Through the window” pabirong sabi ko naman.

Pagdating sa bayan pumara kami ng tricycle. “How are we going to fit inside?” tanong na naman niya. Tapos nakita niya na umupo ako sa likod ng driver. “Ahh, that’s how” sabi niya.

I found it very amusing and refreshing seeing things from our daughter's eyes. But what’s more note-worthy was the fact the she never complained about the inconveniences she had to go through. She accepted the bad, the ugly, the yucky with the same gusto as she did the good ones. I guess that was one reason why she thoroughly enjoyed her stay in the Philippines.

I believe, children in general adapt to their environments much easier than adults. Maybe because they have no pre-conceived notions of how things ought to be and therefore they are more receptive to unfamiliar things. When faced with something different from what they are accustomed to, first they ask questions, then they learn to adjust to it. We, adults, especially when moving in to a new country, should learn from children. We should learn to see new things from a child’s perspective. Accept things as they are. And quit complaining if things are different. Then like children it becomes easier for us to be happy.


21 Comments:

  • reminds me of my ex-boss's story. He used to work in the US NY for a good number of years when they came home his kids was asking him where the bathtub was.

    Sagot nya eto ang "BATHya at TABo" :)

    Then there was a bangaw... she was pointing it to her dad and asking dad what is that ?

    By Blogger Senorito<- Ako, at 3:06 PM, June 06, 2006  

  • Sapul mo na naman Ka Uro!

    Nakakatuwa dahil nakikita na napalaki mo ng maayos ang iyong unica hija. Hindi siya spoiled katulad ng ibang bata.

    Have a good week!

    By Blogger Unknown, at 5:01 PM, June 06, 2006  

  • Oo nga. I can only hope na ang magiging anak namin e magiging kasing bait ng anak mo. :)

    By Blogger Gabeprime, at 7:27 PM, June 06, 2006  

  • one of my greatest wishes in this world is to stay young . which i know is very impossible. i'll be young at heart na lang.

    it reminds me of the bible scene where Jesus tell his apostles let the children go to him.

    you're right ka uro the secret key to happiness is in the child's perspective. because they easily believe, they easily learn and adapt. they may easily get hurt but they can easily forgive and forget. and admit that they're wrong. accept all their fault.

    that's why thy can get easily happy.


    hehehh..i'm planning to post this on my blog..about being a child.

    siguro mga next time..


    stay young ka uro! god bless!

    By Anonymous Anonymous, at 7:53 PM, June 06, 2006  

  • I loved reading this post KU! Hanga ako sa anak mo, very open-minded from your narration. Hindi yung nandidiri at natatakot mahawakan ng mga "crawling creatures". Talent din ang pagiging adaptable.

    LIW

    By Blogger Jeruen, at 10:27 PM, June 06, 2006  

  • senor,
    ayos. magaya din sa sunod na uwi namain. hahaha.

    rhada,
    ya, we feel really blessed. she's very independent sa age niya.

    tricia,
    thanks. sabi ko nga kay rhada we feel really blessed.

    gj,
    uy, mukhang nagpaplano na ha? that's good. habang bata pa kayo, umpisahan na.

    lojika,
    ako man one of my wishes was to work with young people para feel young din ako. noon talaga gusto maging titser. unfortunately nalihis ang aking vocation. anyway, young at heart pa rin naman ako.
    abangan ko ang post mo.

    LIW,
    a yes. she's quite open-minded and is very mature in her ways and thinking. actually takot din naman sa mga crawly and slimy creatures tulad ng snails. but yes she adapts easily and wouldn't hear her complain.

    maxi,
    alam niyang gamitin yung tabo sa toilet, pero di niya alam gamitin sa pagligo.

    By Blogger Ka Uro, at 8:54 AM, June 07, 2006  

  • very very interesting point you have here, KU. looking through a child's eyes.

    i can imagine how it's gonna be once we do take jeff to pinas...siguro, katulad din ng story mo. kasi, sa probinsya din ako eh. sa batangas. just wondering...nagba-brown out ba sa pampanga? if ever, how did your daughter react to it? sa amin kasi, may schedule pa rin ang brown out.

    thanks again for sharing, KU. take care and God bless!

    By Anonymous Anonymous, at 10:54 AM, June 07, 2006  

  • swerte naman hindi niya naranasan ang brown out. pag-uwi niyo sa batangas, mag-take note ka ng mga reaction ni jeff. i'm sure matatawa kayo at mapapaisip ng "oo nga ano? bakit nga naman ganon?" make sure to share those moments too sa blog mo. cheers.

    By Blogger Ka Uro, at 11:07 AM, June 07, 2006  

  • ...woww parang sobrang sweet kayo ng anak mo ^_^ kakatuwa naman mga happenings nya sa atin.
    ...naalala ko rin anak nung umuwi kami..sabi nya bakit lagi raw maramimg tao sa bahay hehe ^_^ nasanay ba naman sya na dalawa lang kami sa mundo pag weekdays dito sa japan and usually weekend lang sila nakakapaglaro ng matagal ng dad nya.
    ...hirap din ako sa pagkain nya kase japanese style talaga sya, kaya nagbaon ako ng ibang instant food.
    ...ang nakakatuwa after 3-4 days andun na sya bumibili mag-isa sa tindahan haha..
    ...yun nga lang pagbalik namin dito sa japan medyo nahiya na sya magsalita na tagalog pero i see to it na kinakausap ko sya kaso sagot nya english at nippongo na.

    By Blogger Kathy, at 4:38 PM, June 07, 2006  

  • KU,

    Parents should make a good example to their children on how to adapt their new environment.

    On your side, you made your daughter aware on certain things that she easily adapted her current situation.

    congrats on that. at least di sya spoiled.

    By Blogger Mmy-Lei, at 4:49 PM, June 07, 2006  

  • Pag nasa pinas kami nakakaawa lang tingnan yung mga kids ko sa pawis nila, lagi kasi kaming summer magbakasyon. Pero excited silang makasakay sa dyip. Lalo sa tricycle.Nung unang madapuan ng langaw yung kinakain nila, hysterical sa kakasigaw..hehehe. kala namin napano.

    By Blogger Ann, at 7:34 PM, June 07, 2006  

  • Talagang nakakatuwa ang mga "kakulitan" ng mga bata. It seems as if their innocence is like a divine miracle. So pure and enervating.

    My kids use to ask questions like "Bakit ang tubig hindi nahahawakan?" and "Me tao ba sa Moon?"

    By Anonymous Anonymous, at 10:56 PM, June 07, 2006  

  • Naku Ka URo, mabait din nman ako ah! kwela din ako gaya ng unica jiha ninyo.. pero ewan ko kung magiging proud sakin ang parents ko... bwheheh!!! hanggang ngayon feel na feel ko parin sumakay ng jeep khit minsan dinako sanay at khit 4x na ang linaki ng pamasahe mula nung huling uwi ko.. at nagkwento daw ako at hindi nag comment sa post mo.. heheh!!! happy fathers Day Ka uro!!! ur truly one of a kind... naks!!

    By Blogger lheeanne, at 11:19 PM, June 07, 2006  

  • actually di ako gumagamit ng bath tub dito.. pag nag huhugas ng wet-pu, tabo pa rin unlike sa mga taga dito --- tissue! hahaha

    By Blogger SarubeSan, at 4:10 PM, June 08, 2006  

  • kids have very simple happines...nice lesson KU!

    By Blogger ev, at 7:27 PM, June 08, 2006  

  • your unica hija seems to be very cool... nasa pagpapalaki yan, kudos for the job well done!

    By Anonymous Anonymous, at 11:30 PM, June 08, 2006  

  • i agree with analyse, super cool ang daughter mo, balae :-) i think though you dont tell her this and that, she had seen it through you, to learn to accept things as they are. good job, KU!

    By Anonymous Anonymous, at 2:43 AM, June 09, 2006  

  • Bless your family for spending time together here and the Phils. Time with children is very precious- as they move on to adulthood they would want to spend more time with their friends and less with parents - from my experience i.e. How sweet - lacoste-butiki haha a new vocabulary word

    By Blogger Vicky, at 10:22 PM, June 09, 2006  

  • you are right, kids adjust easily... buti naman at walang reklamo ang anak mo.

    the only complaint my son had when we went home in 2002 (he was 6 then) was the mosquitos, kasi kahit na naka long sleeve at pajama na with off-lotion, kinakagat pa din siya ng lamok.

    By Blogger JO, at 2:34 PM, June 10, 2006  

  • parang pamangkin ko... amaze na amaze sa trycicle, gusto nya magttrycicle sya papuntang SM, ayaw sumakay sa kotse.. she's only 4years old from turkey..

    By Blogger Unknown, at 6:07 PM, June 11, 2006  

  • my little boy was having fun ng bumabagyo at baha sa PI one time na nandoon kami. Di siya marunong mag-tsinelas, naiiwan half meter behind. Tawid kanal, hulog tsinelas, dala alon, habol- habol,basang basa, tawa ng tawa at tinuloy ng maligo sa ulan. Ng matapos na sabi pa ulit daw.
    Hay, bata!

    By Anonymous Anonymous, at 4:06 AM, June 14, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker