Milyonaryo na si Kaloy
Nagsimula lamang si Kaloy na isang pangkaraniwang mangingisda. Ang kaibhan nga lang siya’y nakapag-aral at may nalalaman na bagong sistema ng pangingisda na nagdudulot ng mas maraming huli. Sa lalawigan nila, si Kaloy lamang ang nakakaalam ng bagong sistema. Bagamat parating mas malaki ang huli ni Kaloy kumpara sa iba, hindi pa rin siya kontento. Gusto niyang yumaman, maging milyonaryo.
Isang araw naisip ni Kaloy ang isang raket kung paano siya yayaman. Naisip niyang magtayo ng isang samahan. Ang gagawin niya, ituturo niya ang bagong sistema ng pangingisda sa mga sasapi ng kanyang samahan. Pero mag-chacharge siya ng membership at training fees. At karagdagan doon may kontrata na kakaltasan niya ng ilang porsiento ang anumang kikitain ng mga na-train niya.
At yun nga ang kanyang ginawa. Nag-train siya ng tatlong tao, si Kulas, si Pepe, at si Toti. Naging hit ang kanilang samahan at lumaki ang kita nilang lahat. In fact, si Kaloy, hindi na kinailangan mangisda. Dun lamang sa mga training fees at porsiento ng kita nina Kulas, Pepe at Toti, buhay na siya. Kalaunan, napansin ito ni Kulas. So lumapit siya kay Kaloy at nagsabing: “Bossing ayaw ko na rin mangisda. Gusto ko katulad mo tambay-tambay na lang.”
“O sige”, sabi ni Kaloy. “Ganito ang gawin ninyo. Bawat isa sa inyo, mag-recruit ng tatlong tao na pwedeng mangisda para sa inyo. Bawat ma-recruit ninyo dapat magbayad din ng membership fee sa ating samahan at bibigyan din natin ng training sa bagong sistema ng pangingisda. Tapos kung ano man ang kitain ng inyong mga recruits, may porsiento kayo, at siempre meron din akong hati sa porsientong tatanggapin ninyo”.
Brilliant idea! Sa ganitong paraan, kikita rin sina Kulas, Pepe at Toti kahit hindi mismo sila ang nangingisda. Bawat isa sa kanila’y nakapag-recruit ng tigatlong bagong members. Nang maging productive yung mga recruits nila, pati sila sitting pretty na rin at di na nangingisda. Meanwhile, si Kaloy, lalong yumayaman. Nagpagawa pa ng bagong mansion. Napansin na naman ito ni Kulas at kinausap uli si Kaloy. “Bossing gusto ko rin magpagawa ng sarili kong mansion at yumaman na katulad mo”.
“O sige”, sabi ni Kaloy. “Ganito ang gawin natin. From now on every member must recruit 3 more members. And for everything a member earns, the person senior to them gets a small percentage. In other words, everyone more senior gets a small percentage, including me. And like everyone before, all new members pay a membership fee and receive training.”
And so started a business model known as Pyramid Scheme. Some companies use fancier terms like Multi-Level-Marketing or Networking, but in essence the method is the same. I.e. Become rich by recruiting more people and let the people below you do the work for you. In fairness, the scheme made a few millionaires, like Kaloy, Kulas, Pepe and Toti. But only a few. Most of the members have been promised that they too will become rich. Many years past, they are still waiting.