Sweet at 16
Babatiin ko ng maligayang kaarawan ang aming one and only dawter, unica hija sa araw na ito. Happy Birthday! Sweet 16 siya sa araw na ito. The past 15 years were very memorable. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang...
Nung ilabas ka ni Mama, two weeks kang premature. Kaya napakaliit mo’t napakagaan. Kalbo ka pa noon. Mahigit isang taon ka na nga, manipis pa rin buhok mo. Kaya naman parati kang sinusuotan ng head band ni Mama noon.
Nung baby ka paborito mo iyong kinikiliti at nilalandi ka. Tawag mo doon “landian”. Ang problema nung may nagtanong sa iyo kung ano ang ginagawa ni mommy at daddy, ang palagi mong sagot “landian”.
Nung pumasok ka sa pre-school, mag-dadalawang taon ka pa lang. Saling-pusa ka pa lang sa school, pero paborito mo nang laro ang mag-titser-titseran. Gusto mo ikaw parati ang titser. At nung pre-school graduation nabigyan ka ng award na “Most Delightful”.
Nung pagkatapos mong napanood yung pelikulang “Home Alone” nagiiyak ka, imbes na magtatawa ka. At nung tanungin ko kung bakit, sabi mo “awa ko sa boy kasi iwan siya mommy at daddy niya”.
Nung ilang beses ka namin isinugod sa emergency clinic. Una nung hating-gabing nilagnat ka at tiningnan ni Mama ang iyong temperature. Pagbasa niya sa thermometer, nasa 100 ang iyong temperature. Eh ang alam namin kapag 40 mataas na. Kaya naman nag-panic kami at nilusob ka sa emergency. Yon pala Fahrenheit yung thermometer, hindi centigrade. (100F = 37.8C)
Nung mahulog ka sa trampoline at mabali at sinemento ang iyong kaliwang kamay. Tapos tumalon ka naman sa pader at paa naman ang mabalian. Minsan kumakain ka lang ng cereals at napalaki yata ang buka ng bibig mo, lock-jaw naman. Pagkatapos minsan mag-swimming, pinasukan ng tubig ang isa mong tenga. Kung ibang bata yon, isang araw lang wala na yon. Pero bakit ba naman sa yo, 2 weeks na bingi ka pa rin? Naglalaro ka ng cricket at ipapasa lang ang bola, na-dislocate naman ang isa mong balikat.
Joskopo naman anak, ba’t ba napakahilig sa iyo ng disaster? Kinakabahan tuloy ako kapag tinuturuan kitang mag-drive.
Kahit maraming disaster, marami rin naman kaming kinatutuwa at kinagigiliwan sa iyo. Siempre ang pagiging consistent na mataas na mga grado sa school. Kahit mahal ang bayad sa matrikula, alam namin na sulit naman.
Lalo na nung manalo ka ng $100 na award sa regional science fair dun sa science project mo na pinagtulungan nating gawin. Sinundan pa nang magkasunod na taon na first prize sa speech contest sa school niyo. Mana ka talaga, kay Mama…Madaldal.
Sana maging masaya ka sa araw na ito at sa mga darating pang araw. At kapag ika’y tumanda pa nang ilang taon at tuluyan nang mawalay sa amin, at kami'y matatanda na at puti na ang aming mga buhok, nawa’y
23 Comments:
Happy Birthday, Ate Fides.
- Vince and Shannen
KU,
I believe you and Jean raised Fides well. Mabait, magalang at smart si Ate. May bonus pa, she's really pretty.
San ba ang handaan :)
By jinkee, at 1:54 PM, August 03, 2006
Uhwaw! sweet16 na sya... konting panahon nalang magkaka apo kana sa kanya.. hehe!! para nmang naiiyak ka habang magkukwento ko eh! tama poba ako? kc ganyan din ang erpat ko., kunwari masaya ang kwento nya about me, pero naiiyak nman sya.. heheh!!
By lheeanne, at 3:07 PM, August 03, 2006
True, nakaka-touch ang iyong kwento. Sana ay mabasa ng iyong dalaga. I'm sure, ma-be-bless sya at matutuwa.
Happy Birthday sa iyong magandang dilag.
Naku, kaisa-isa pa pala. More happy returns.
Your family looks great and your stories are so charming.
Thanks for sharing...
By Leah, at 3:11 PM, August 03, 2006
saan ba pinaglihi si Fides sa Titanic ba at prone siya sa disaster? Pareho palang august panganay natin at kasukob din natin ng buwan, kaya lahat tayo ay mababait, matatalino, mapagkumbaba, maalahanin, masunurin, lahat na magagandang katangian mayroon tayo, iisa lang ang ating pintas tayo ay sinungaling.
By RAY, at 3:50 PM, August 03, 2006
thanks tita sette,
belated naman kay marion. kelan ba punta niya ng italy?
jinkee,
thanks sa bati ni vince and shannen.
oo mabait nga siya. buti di nagmana sa amin ni jean.
tk,
galing mo talagang manghula. para kang may crystal ball at nakikita mo ako habang nagta-type. tulo luha at sipon.
leah,
salamat.
atoy,
swak na swak ka atoy. perfect description natin mga pinanganak ng agosto. hahaha
By Ka Uro, at 4:16 PM, August 03, 2006
happy birthday Fides.
fafa KU, kay ganda ng dalaga mo! aba'y ilang taon nalang mananakit na ulo mo sa mga manliligaw. hehehe
congrats fafa KU and mama jean!
By Mmy-Lei, at 4:55 PM, August 03, 2006
Nyahahahha!!! nalintikan ka... itabi mo ang keyboard baka damuhong luha at sipon ang tumulo jan! heheh!!
Iba na kasi pag love and pinag uusapan... kakambal na ang LUHA....
tama puba ako?? hehe! diko kaano ano si Madam Auring ah!!
By lheeanne, at 6:29 PM, August 03, 2006
Maligayang Kaarawan sa iyong dalaginding Ka Uro!!
Very touching ang iyong post. Napaghahalatang ikaw ay talaga namang doting father, kasi madaming (significant) memories about your child ang nakatatak sa iyong isipan.
By Unknown, at 6:59 PM, August 03, 2006
^^ alles gute zum geburtstag ^^ sa suesse töchter (sweet daughter) mo ... ooopppsss baka di maintindihan ETO na lang :)
By nixda, at 7:11 PM, August 03, 2006
aaaaawwww...napakatamis ka uro...nararamdaman namin ang iyong lubos na pagmamahal kay Fides....napaka swerte nyo sa kanya, at swerte din sya sa mga magulang na katulad nyo..maligayang kaarawan sa kanya *^_^*
jinggay sa dubai
By Anonymous, at 10:06 PM, August 03, 2006
HAPPY BIRTHDAY to your unica hija, KU!
very touching naman itong greetings mo KU. natatawang naiiyak naman ako. kasi, kitang-kita sa bawat salita mo ang pagmamahal mo sa inyong unica hija. ung aking unico hijo, malapit na rin. agosto rin hehe.
take care!
By Anonymous, at 12:23 AM, August 04, 2006
ang pretty naman nang unica hija mo KU.
Happy bday!!!
pag nabasa ito ni Fides, i am sure na lalo kayo nyang mamahalin at magiging thankful.
By Cielo, at 2:34 AM, August 04, 2006
happy birthday sa iyong dalagita, ka uro. tama sila, mukang mananakit ang ulo mo sa manliligaw a!
what a very fitting tribute to a very fine young lady...
By katrina, at 2:51 AM, August 04, 2006
happy birthday to Fidez!
By JO, at 10:20 AM, August 04, 2006
sino yung binatilyong me bigote sa likuran nya ? boyprens ba ? :) Happy bday... the joys of fatherhood.
By Senorito<- Ako, at 11:05 AM, August 04, 2006
naks artistahin ang anak...hehe happy birthday sa kanya. san po inuman? hehe
By Anonymous, at 3:50 PM, August 04, 2006
wow! ang ganda niya...pang miss philippines ang dating...buti kamukha ng mama niya at walang nakuha sa papa...ooopppsss...araykupo! nabatukan ako...hehehe...
na-touch ako sa post mo kuya...tumulo ang luha ko sa ilong...sinisipon ako eh...hehe...
By Unknown, at 12:26 AM, August 05, 2006
Happy birthday to your beautiful daughter, Ka Uro- she looks very pretty- kanino nagmana?
Sweet 16- nakuuuu!!! yan na ang simula...mapapansin na siya ng mga 'boys' at siya naman magiging aware na rin sya na merong mga 'boys'
But...with you and your better half as her guardian I am sure that she will go a long long way- phils, new zealand and beyond!
God Bless her and hopefully as she grows she will outgrow her being such an accident prone tinedyer. Part of growing up- like my boy (who's also 16)- their limbs grow so much that the other parts of the body (like the mind) needs to cope...
By Vicky, at 3:42 PM, August 06, 2006
Happy happy birthday Fides! Malapit na ang 18 roses.
Iba pala mukha nyo pag may bigote.
By Ann, at 7:08 PM, August 06, 2006
wow ka uro! ang ganda pala ng daughter niyo :) syempre san pa nagmana! :) belated happy birthday sa kanya :) God bless her and you all :)
Natutuwa ako sa post mong ito :)
By Sayote, at 10:25 PM, August 07, 2006
Sweet sixteen! Pumipila-pila at aaligid-aligid na ba ang mga binatilyo dyan? Ano naman ang reaction ng tatay?
By Jovs, at 11:31 PM, August 08, 2006
happy birthday, sweet sixteen!
am sure your daughter will like this post very much. kitang-kita ang pagmamahal ng daddy. naaalala ko tuloy nung minsang umuwi si Kay, tapyas ang front permanent tooth. para siyang si Fides, parang boy kasi kumilos nung maliit.
By Anonymous, at 6:10 PM, August 13, 2006
sweet...i miss my dad. Nice meeting you ka uro ^^
By Helena, at 8:25 PM, August 18, 2006
Post a Comment
<< Home