"Mura na, X dollars lang per week" Trap
Nakatambay ang magkumpareng Tibs at Onyok sa parking lot ng simbahan ng Good Shepherd. Heto ang usapan nila:
Tibs: Uy ganda ng bago mong 4x4? Anong modelo yan? Mahal siguro yan ano?
Onyok: Terrano, Nissan. Hindi murang-mura lang. $2000 down, tapos yung balance pina-finance namin.
Tibs: (pinindot-pindot ang calculator sa CP) : $53 times 52 weeks sa isang taon times 5 years equals $13780. Plus yung $2000 na down payment mo equals $15780. Magkano ba yung cash price niyan?
Onyok: $12000. Naku, laki pala ng kita ng finance company halos $4 thou. Yung kotche mo magkano?
Tibs: Yung Corolla? $1800 lang sa TradeMe.
Onyok: (Hindi na umimik. Nagmuni-muni na lang, habang nakatitig sa kanyang 4x4. Sa isip niya $4k, halos 4 months na rent sa apartment or dalawang Corolla tulad nung kay Tibs).
Moral of the Story:
Be careful when buying items priced at weekly/monthly installments. The price may look cheap, but when multiplied by the total number of installments it could cost you an arm and a leg.
15 Comments:
KU, suggest ko sana sundan mo sana yong article mo sa pagkuha ng bahay tungkol naman sa firt time home loan. kasi ang pagkakaalam ko dito sa new zealand pwedeng makautang ng walang deposit kung first time home buyer. bukod pa dito pwede ring tulungan ka ng gobyerno sa pagbabayad ng mortgage mo sa bahay mo. pakipaliwanag mo nga ito at ng yong mga nag-aatubiling bumili ng bahay ay mabuhayan ng loob.
By RAY, at 9:26 AM, July 18, 2006
Hence I dont bite pag merong interest... that's how they get to you. Pag 12 months to pay tapos interest free or 3 months to pay 25% down (LVMartin) oks sa akin.
By Senorito<- Ako, at 9:39 AM, July 18, 2006
atoy,
o sige, mag-research pa ako tungkol sa mga nabanggit mo, especially yung pwedeng gamitin nung mga first home buyers.
senorito,
nakakaka-fake kasi kapag binigay nila ang presyo na per week. akala mo tuloy ang mura-mura. kapag interest free, ok. ingat ka lang sa mga hidden cost like insurance at set up fees.
buhay pa pala ang LVMartin jan sa welly. dito kasi sa AKL, bigla yan nawala.
By Ka Uro, at 11:00 AM, July 18, 2006
fafa atoy, puntahan mo itong website na ito: http://www.welcomehomeloan.co.nz/
at ito
http://www.hnzc.co.nz/homeownership/index.htm
By Ka Uro, at 11:16 AM, July 18, 2006
Well sa mga baguhan dito sa histeyt mas gugustuhin nming yung 5 years to pay na loan para makapag build kami ng mangandang credit history, pero dapat reasonable parin nman ung price at interest rate...
Dito kasi nabubuhay kami sa Utang eh!! haha! at least after 5 years kung ok ang history ko sa loan, at maganda na credit line ko... home loan nman diba??
Lalo na sa aming girls, di pwede ang medyo lumang tsekot kc di kami marunong mangumpuni... gaya ng mga vengaBoyz...
oo alam ko parang kinontra ko post at coment nyo.. pero depende nman kc tlga yan eh!! Kung pamporma lang ang kotse eh wag na! pero dito necessity na yan kaya dapat ung magagamit mo tlga for more dan 20 years...
Yun lang po! i thenchu!!
By lheeanne, at 11:19 AM, July 18, 2006
TK,
appreciate your comments and they are valid as well. kung home loans, wala talagang choice kundi umutang. so ok lang yon. isa pa ang bahay, appreciating assets yan. tumataas ang halaga, sa katagalan kahit nagbabayad ka ng interest sa loan.
sa cars naman, at sa mga bagay na hindi nag-aapreciate ang halaga, dapat ingat lang kung uutangin. kung kaya mo at you don't mind paying high interests, okay lang. pero kung hindi mo naman kaya, just choose a car na reliable at mukha pa naman tatagal ng at least limang taon, okay na. in other words try to live within your means.
lastly yung pagbuild ng credit history, okay yan. ang hindi lang maganda, yung iba 10 to 15 years na sa abroad, continues pa rin ang utang "to build credit history" pa rin at wala pang napundar na properties. minsan natanong ko "how long do you have to build your credit history?"
By Ka Uro, at 3:33 PM, July 18, 2006
sa akin ok lang ang mga interest! nyahahaha.
That's business!
By Mmy-Lei, at 10:45 PM, July 18, 2006
I agree with tutubing_karayom...a good credit standing is necessary to survive in the states. Kaya minsan, kahit kaya i-cash, mas pinipiling hulugan to build credit history. Anyway, ang maipapayo ko lang is to use your credit wisely. Shop for the best rates and avoid impulsive buying. Don't fall into credit card traps. More importantly, kailangan kung may bibilhin tayo eh "always within our means" lang. At huwag din nating kakalimutan yung mga "what ifs"..."what if bigla akong nawalan ng trabaho", "what if isang income na lang kami"..etc...
As for buying a house, I agree that it is a good investment. The house we bought in the States back in 1998 is paying for itself (courtesy of our tenants).
By Unknown, at 1:59 AM, July 19, 2006
Ay ang saya nman ng comment nyo sa comment ko... pahabaan na ito... mas mahaba pa kesa sa post nyo.. bwahhah!!
Base lang nman yan sa experience ko dito... kelangan mabasa yan ng mga maporma jan na wala namang K, kaya hinahabol ng collection agency.. heheh! peace!
By lheeanne, at 3:53 PM, July 19, 2006
buti na lang wala ko lagi akong denied pag nangungutang kahit sa kapitbahay kaya ligtas ako sa malalaking interes...hehe!
By Anonymous, at 6:26 PM, July 19, 2006
KU, yan ba ang current price ng 4x4 nissan terrano dyan (in NZ dollars)? or you just used a number for example's sake? aba, padalhan nyo nga ako ng 5 ganyan dito hehe, bargain a..
i hate paying those interest, sumasama ang loob ko, so if we could pay cash, we pay cash, if not, ipon ipon muna till we saved the amount... meron din dito 12 months to pay at 0% interest, ok din..
By Anonymous, at 8:31 PM, July 19, 2006
Hello Ka Uro!
this is the reason why our family policy is: if we do not have the money for it, we then do not buy it. No bank financing.
tutal matiisin naman kaming mag asawa at buti na lang, hindi maiinggitin, kung hindi...nakuuuu!!
By Anonymous, at 2:02 AM, July 20, 2006
siguro inisip niya mura lang ang bayad a week...
sana kung makakapaghintay pa siya ay mag ipon muna at minsanan na lang ang bayad...sayang ang pera...
By Unknown, at 1:21 PM, July 20, 2006
Wala yan sa lolo ko... este kay Henry pala. $400 nya lang nakuha yung 1991 Honda Legend nya. ANg problema nga lang, pag-uminit ang makina, ayaw ng mag-start :(
By jinkee, at 12:20 PM, July 21, 2006
jinkee,
buti na lang pala winter ngayon at hindi madaling uminit ang makina. :)
By Ka Uro, at 2:52 PM, July 21, 2006
Post a Comment
<< Home