mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, June 30, 2006

Anonymously yours, Randy

What would you do if the person you love is already married? This is the situation Randy (not his real name) found himself in. He sent me an email about his dilemma. I've changed some of the details so as to protect the true identity of the sender. I'll post my reply later. Meanwhile, readers out there, baka may maipapayo kayo kay Randy. Here's what he said:

Ka Uro, pagkabasa ko nung liham ni Linda at nung inyong sagot sa kanya, napagpasyahan kong ako naman ang mang-istorbo sa inyo. Pasensiya na po. Wala po kasi akong ibang mapagbalingan ng aking problema.

Beinte siete anyos at binata pa po ako, pero may GF sa Maynila. Plano na nga po namin magpakasal sa Disyembre. Engineer ako at madalas madestino sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas.

Nagumpisa ang problema ko nang madestino ako sa Mindanao. Doon po may nakilala akong kapwa engineer na babae. Madalas po kaming nagkakasama sa mga site inspections at dahil dito nakagaanan ko siya ng loob. Mahal ko naman po ang aking GF, pero sa umpisa pa lang parang iba na ang naramdaman ko sa babaeng ito. Ang sarap niyang tumawa at napaka-malambing po kasi niya.

Minsan ginabi kami sa project at kami lang dalawa ang naiwan sa opisina. Habang kami’y nagkukwentuhan napasandal siya sa aking balikat. By instinct siguro bigla akong napa-akbay sa kanya. At nang masamyo ko ang kanyang perfume, hindi na ako nakapagpigil pa at naramdaman ko na lang na naglapat ang aming mga labi. Doon po nagsimula ang lahat. Magmula noon marami pang beses itong na-ulit. Subalit, hanggang kissing at petting lang po naman.

May dahilan po kung bakit nagpipigil kaming dalawa. Siya po’y meron nang asawa’t isang anak. Naging close pa nga po ako sa pamilya niya at ginawa pa nila akong ninong sa binyag ng kanilang anak. Yan po ang malaki kong problema. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami makakapagtimpi at maitatago ang aming ugnayan. Katoliko po ako at alam kong mali ang aming ginagawa, pero tao lang po ako. Marupok.

Kung papayag siyang hiwalayan ang kanyang pamilya at sumama sa akin, nakahanda naman po ako. Pero pinag-iisipan ko pa kung tatanungin ko siya tungkol dito. Sabi niya mahal daw niya ang kanyang asawa at anak, kaya ayoko naman siyang i-pressure. Naguguluhan ako Ka Uro. Di ko alam ang dapat kong gawin. Napamahal na rin po kasi siya sa akin, bagamat mahal ko pa rin ang aking GF. Sana po, mapayuhan niyo ako sa aking suliranin.

Anonymously yours,

Randy


17 Comments:

  • very sensitive itong topic mo ngayon, KU. hmn, IMO...once you're married, you're married until death claims the other ('til death do they part). saka...kawawa 'yung bata. the parents' divorce will stay in his mind (and will affect him) until God knows when. 'yun lang po.

    By Blogger Des, at 9:17 PM, June 30, 2006  

  • para po sa akin ka uro, when i am faced with a problem that i don't know what to do and what to decide, i put to mind that i must decide for what is good in the eyes of God and man... may he be enlightened, and decide for the greater good... God bless!

    joey

    By Anonymous joey, at 9:56 PM, June 30, 2006  

  • Randy, all of us there is a point in our life that we are tempted, wag mong gawin at pigilan mo ang sarili mo, magdasal ka. kawawa naman yung husband niya at mga anak.

    By Anonymous Anonymous, at 12:38 AM, July 01, 2006  

  • Pare koooo...Libog lang yan ...diyos ko pooooo , , ,maghunos dili ka naman at hwag mo nang sirain ang kasal na ipinagkaloob ng Diyos...Pareho kasi ka yong malibog eh...Maligo ka na lang !
    Sa mata ng Diyos at mata ng Tao pareho kayung nagkakasala...kahit anu pa sabihin mo ...kahit sabihin mo pa na mahal ka niya o mahal mo sya...Naku pohhhh...ganyan na ba tayong mga Pilipino ...marupok ! at malibog :)

    By Anonymous Anonymous, at 12:58 AM, July 01, 2006  

  • Isa pa ...nakakalalaki ka na ha ...:) Anu ka ba ...e panu kung ganyan din ang gawin sa iyo ha ...anung gagawin mo ...ibig sabihin si babae e malibog at pwede din sya uli magtaksil...mag-isip isip ka naman iho...Engineer ka ba kamo ...e ayusin mo naman ang kukote mo at wala sa Etiquette ng isang Engineer ang mang-agaw ng asawa...tsk tsk tsk

    By Anonymous Anonymous, at 1:01 AM, July 01, 2006  

  • Randy, hindi nga tamang manira ng isang pamilya. Sabi nga ni anonymous nagkasala kayo at kung magsasama kayo parang hindi mo rin linutas ang problema mo at dinagdagan mo pa.
    Ang maipapayo ko lang sa iyo, ay pag-isipan mong mabuti yang papasukan mo at ang masasaktan mo.
    Siguro mas makakabuti kung magpaassign ka ng ibang lugar sa trabaho mo para malayu ka sa kanya.
    At bumalik ng Manila para ang GF mo ang asikasuhin mo.

    Mali sa mata ng Dios ang ginagawa nyo at hindi tamang ikaw ang dahilan ng pagkasira ng isang pamilya.

    Magpigil ka!!!!

    By Blogger settejr, at 2:17 AM, July 01, 2006  

  • randy, mahirap ang tukso. iwasan. it will be best for all in the end.

    By Anonymous banjan, at 9:27 AM, July 01, 2006  

  • second d motion ako kay anonymous...kahit saang anggulo mo tingnan, MALI yan. buhay pa kayo, sinusunog na kaluluwa nyo sa lawang apoy, kaya sana matauhan kayo...maawa kayo sa mga taong maaapektuhan ng mali nyong pag-iibigan..God bless you my friend..

    By Blogger katrina, at 11:12 AM, July 01, 2006  

  • randy,pasaway ka pare,libog nga lang yan,alam ko napalayo ka lang sa gf mo,talagang ganun ang tao naghahanap ng significant others,lito ka lang kasi palagi mo syang nakakasama,naniniwala ka ba sa karma?cge ka mamanahin ng anak mo yon,mas painful.
    Pray hard

    By Anonymous Anonymous, at 3:38 PM, July 01, 2006  

  • randy, hanggat maaga putulin na yang relation na yan, walang patutunguhan yan. may karma, matakot kayo mga taksil!

    By Anonymous Anonymous, at 3:57 PM, July 01, 2006  

  • nth d motion ako sa kanilang lahat, knowing married na si girl dapat alam nya limitations nya , mas madali mag pigil ang girlash , know na nya na there is something between them from the very start dapat pinutol na ito... yung "relationship" . And the nerve of the boy , NINONG ka pala ,yung inaanak lang ang dapat alagaan di yung nanganak. BUti na lang di sila celeb, pag na tsismis ayyyyyy "FRIENDS LANG KAMI" ngek.

    By Anonymous anonymous - ana l, at 4:14 PM, July 01, 2006  

  • I might sound harsh but you (Randy) have got to STOP this at once. This is the ultimate betrayal. Please, how could you look this woman's husband and child in the eyes?

    Iwasan mo na lang ang tukso. The more you two are around each other, the greater the temptation.

    By Blogger Rhada, at 4:48 PM, July 01, 2006  

  • Randy
    Ang sagot ay ibinigay niya mismo sa yo- na mahal niya ang asawa't anak- so simple and clear na pinaglalaruan ka lang niya..ouch...kung nagawa niya sa asawa niya yan- ma trust mo ba siya? kawawa naman ang asawa't anak. magulo. kawawa din gf mo so-may you find the peace and love you used to have before.

    By Blogger VICKY, at 8:16 AM, July 02, 2006  

  • it could either be you or her ang naglalaro. just put yourself in someone's shoes.

    grabe, KU, pang-Maala-ala Mo Kaya o Magpakailanman 'to, a. balak mo bang palitan si Charo o si Mel? ha ha

    By Anonymous bingskee, at 6:55 PM, July 02, 2006  

  • Kabayan, saganang akin. Di lahat nang umiibig ay nasa tama madalas mandaraya at sinungaling eto at kong magpapadala tayo sa nararamdaman natin maaaring makakasira eto sa maayos na pamumuhay or na tinatawag na ideal na buhay. Sa totoo lang mahirap etong pakawalan kong tayo ay nandodoon na sa setwasyon na yon pero kong gugustuhin natin lahat ay posible at may paraan kaya minsan naniniwala din ako na Life is by choice, kong anoman ang pinili natin yon ang magiging kalagayan natin sa buhay. Ang mabigat na kalaban natin ay yong sarili natin. My God help you in your decision.

    By Blogger gelo, at 4:51 PM, July 05, 2006  

  • randy randy? si rodolfo verdida jr a.k.a. DOPS lang iyan

    By Anonymous pong pagong, at 6:58 AM, July 09, 2006  

  • ito lang ang lagi mong isipin pag may nangyayaring ganyang ka-leche-han sa buhay mo... "shit happens"
    dude, hindi sa naglolokohan kayo. miss nio lang siguro ang may kasama. siguro dahil di mo kasama GF mo, wala ka lang mapagbalingan?
    don't act like a dog, pare. at wag kang makinig sa libog.
    mag-ayus-ayus ka!

    By Anonymous Anonymous, at 6:18 AM, September 07, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker