mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, June 14, 2006

My BBM Part 2 (Rated PG)

(Paki-basa muna ang Part 1 sa baba kung di pa ninyo nabasa)

Mamya, punta ako sa Khobar, sama kayo?” yaya ni Arnold sa akin at sa ka-opismeyt kong si Tolits. “Sige” sabi naman namin. Huwebes yon ng hapon. Sa Saudi kasi, Huwebes ng gabi ang umpisa ng weekend, at Biernes ang day off ng lahat, not Sunday. May kotche si Arnold at nakakapag-drive siya sa Saudi. Kami wala, kaya kapag may nag-imbita sa amin, call kami kaagad. Yun lang ang libangan namin sa Saudi kada weekend. Ang magpunta sa Al Shula mall sa kalapit na bayan ng Al Khobar, kumain ng Thai food, at mag-window shopping.

Pagkatapos mag-malling dinala kami ni Arnold sa kanyang tinutuluyan at pinakita ang kanyang quarters. Sa dingding, nakadikit ang mga letrato ng kanyang misis. Sa gawing sulok naman may bench press at isang set ng bar bells at dumb bells. Yon daw kasi ang hilig niya, mag-body building.

Pagkaraan ng ilang oras, inihatid na kami ni Arnold. Tumuloy na si Tolits sa kanyang quarters. Si Arnold naman, dahil malayo-layo din ang uuwian, tumambay muna sa aking quarters at doon nakipagkwentuhan habang nanonood kami ng TV. Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras. Aba, alas nuwebe na pala. Sarado na ang gate ng site at hindi na siya makaka-uwi. Bilang pagmamagandang-loob sinabi ko na doon na matulog at bumiyahe na lang ng madaling araw.

Okay naman sa kanya. Sa kama ako at siya nama’y sa lapag. Binigyan ko siya ng kumot at unan at nagpatay na kami ng ilaw. Madilim ang room pero may sinag ng buwan pumapasok mula sa nag-iisang bintana. Nag-start na akong matulog. Naiidlip na ako, nang ...

Maya-maya’y may naramdaman ako sa aking hita. Napamulagat ako sa kadiliman. Ano yon? Tumingin ako sa ibaba, sa gawi ni Arnold at naaninag ko ang kamay niya nakapatong sa aking hita. Binale-wale ko yon. Baka naman nananaginip lang. Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa pagkapatong sa aking hita.

Nag-emote na naman ako sa pagtulog. Maya-maya’y naramdaman ko na naman ang kamay ni Arnold. Aba! Hindi na sa hita. Sa may itaas na ng hita! Pinakiramdaman ko kung siya’y tulog at nananaginip lamang. Subalit, nawari ko na hindi siya tulog. Dahil narinig ko ang mabilis niyang paghinga. At pagbalikwas ko para tingnan siya, shock ako sa aking naaanig sa dilim. Ang tarantadong ito, hawak-hawak ang kanyang naghuhumindig na baston at ako pala’y kanyang pinag-seseks-tripan! Kinabahan akong bigla. Anong gagawin ko? Pano kung maniak ito at rape-in ako, pagkatapos sakalin na lang ako? Mas malaki siya sa akin. Hindi ko siya kaya.

Isip, isip. Nanginginig at nanlalamig na ako sa puntong ito sa nerbiyos. Di ko alam ang aking gagawin. Bahala na. Nilakasan ko na ang loob ko. Tumayo ako, sabi ko iihi muna ako, labas lang ako sandali. Hindi siya umimik. Lumabas ako at tumakbong paaalis. Ginising ko si Tolits, sabi ko dun muna ako makikitulog at bukas ko na ipapaliwanag. Nanginginig pa rin ako sa takot. Kinabukasan pagbalik ko sa aking quarters, wala na si Arnold.

Yun ang huling pagkikita namin ni Arnold. Hindi na rin siya nagawi pa sa aking cubicle sa opis mula noon. Hanggang nung time na lisanin ko ang Saudi, kami lang ni Tolits ang nakakaalam sa lihim ni Arnold. Bakla kaya siya o maniak na dahil sa sexual deprivation kahit katulad niyang lalaki’y kanyang papatulan? Naisip ko ang kanyang asawa. Kawawa naman. Ano kayang mararamdaman ng misis ni Arnold kung malamang mahilig din ang asawa niya sa talong?

Isang taon at walong buwan lang ang inilagi ko sa Gitnang Silangan. Hindi ko na nga tinapos ang dalawang taon kong kontrata. Ayoko na, baka pati ako maghanap na rin ng talong.

30 Comments:

  • naku....kaya pala di tayo pa dadala sa mga lalaking astig ang dating....matino ang katawan...yun pala...hahahhaha

    Ka Uro salamat sa mga kwento mo. mula dito sa timog silangan ng mindanao. mabuhay kay.

    By Anonymous Anonymous, at 5:31 PM, June 14, 2006  

  • hahahah! panalo ang kwento mo ka uro! pang MMK nga! grabe siya! marami talagang bagay ang nakakagulat sa mundi

    moral: di dapat gawing basehan ang panlabas na anyo lamang! at minsan me mga lalaking nagpapalaki ng katawan para itago ang kabaklaan! ahahaha!

    By Anonymous lojika, at 6:22 PM, June 14, 2006  

  • ala ako masabi pero gusto ko pa rin magcomment..natawa kasi ako KU!ang galing ng pagkadetalye mo...hehehe..asan na kaya si mang/miss arnold ngayon?nacurious ako KU.

    By Blogger ev, at 7:11 PM, June 14, 2006  

  • Thats true di orket malaki ang katawan macho na tulad ni xxx actor mahilg syang magatambay dun sa maraming fafa, think of it kung you look at him macho tlaga........ pera clost queen di sya.!!!

    By Anonymous Anonymous, at 8:22 PM, June 14, 2006  

  • hahaha! muntik ka na pala KU.

    Dami nga rito, meron dati nag party dito, bday nung bading, then kinabukasan nakita sa banyo yung nag bday patay(pinatay). Nakita ng mga pulis yung camera na may film, pina develop. So buking lahat ng mga closet queen, kasi dinampot lahat ang mga nasa picture, yung iba kasama pa pamilya rito pero mga bading din pala sila. Hirap siguro ng ganun.

    By Blogger Ann, at 8:40 PM, June 14, 2006  

  • Grabe, KU. Buti na lang nakatakas ka, muntik ka na pala. buti di ka kumaripas ng takbo pagkalabas ng apartment sabay sigaw ng saklolo! tsk tsk. kaya siguro di mo makayanan yung pelikulang BBM, naiisip mo ang nangyari noon sa Gitnang Silangan. Lapitin ka pala... hehe.

    By Anonymous Raquel, at 10:21 PM, June 14, 2006  

  • grabe pala experience mo, KU. mabuti na nga lang at napaiklian mo yung contract mo. mahirap din siguro yung katayuan ni arnold. sobrang na-deprived siya. pati tuloy kapwa lalaki, tinalo. tsk

    alam ko yung feeling mo...kasi, lapitin ako ng mga tomboy. lalo na noong nasa HS pa ako. very uncomfortable.

    sensya na kung hindi ko ilagay name ko sa ibaba. alam kong alam mo naman kung sino ako...right?

    By Anonymous Anonymous, at 10:29 PM, June 14, 2006  

  • may isa akong friend dito na bading. dati raw di sya bakla pero nung madestino sya sa Saudi, na-rape sya at ayun hinahanap-hanap na nya daw. Me asawa sya sa pinas at 2 anak. Ngayon todo ladlad na sya kasi open naman ang bading dito. Nakakaawa lang isipin yung asawa nya sa pinas!

    Buti nalang di ka nagpadaig sa laki ng katawan nya at takot!

    By Blogger Mmy-Lei, at 12:04 AM, June 15, 2006  

  • Pati tuloy ako ntakot. Pano kc very suspense naman.
    As a christian disagree ako sa gay/lesbian thing pero wala akong magagawa. It's their life. Dito sa Ontario Canada legal na ang gay/lesbian na magpapakasal...

    Lumipat na pala ako dito

    By Anonymous agring, at 1:18 AM, June 15, 2006  

  • tawa ako nang tawa sa kuwentong ito. at tawa pa rin nang tawa habang kinukwento ko kay Papsie. pareho kaming naaliw.

    meron ding karanasan si Papsie noong nasa college pa siya. pwede kasing makitulog ang mga friends niya sa kanilang bahay. nagkataong ang ilang kaibigan niya ay nakitulog at ang isa ay katabi niya sa kama. nagising siya noong madaling araw at natuklasan na ang kamay ng kanyang kaibigan ay nasa loob ng kanyang shorts. syempre nagulantang siya, at nagpalit sila ng isang kaibigang natutulog sa sahig.

    isang certified green bloodied creature na ang kanyang friend ngayon. kaya lang mga bata ang nagiging bata.

    By Anonymous bingskee, at 2:27 AM, June 15, 2006  

  • KU,

    eto na naman po ako....ang inyong sensitive friend. It's amazing how other people would perceive gays and it feels like we came from another planet who is feasting on str8 guys here on earth....he..he...anyways...based on your experience, sana di ka na lang tumakbo at kinausap mo na lang sya and I am sure di naman sya siguro magpipilit. By the way; malaki rin po ang katawan ko,32 years old, isa po akong Civil engr., medyo maskulado dahil I used to participate in Thriatlons at meron po akong American ex navy partner who is 2 years younger and we have been in a committed relationship for 3 years now. Nasabi ko lang po ito dahil hindi naman po lahat ng katulad ko eh bound sa bahay para maglinis at magluto o maggupit ng buhok o magmanicure. Nataon lang po na ganito ang kinalakihan natin na identity ng mga katulad ko. At ginagawa ko po ang pagkakaroon ng matipunong katawan hindi para magtago o hindi mahalata pero to just lead a happy and healthy life. At sa mga makakabasa na maari ko na namang ma offend, pasensya na.

    acf

    By Anonymous Anonymous, at 2:49 AM, June 15, 2006  

  • Nakakatakot ang iyong naging karanasan Ka Uro. Mabuti na lang at mayron kang presence of mind at umiwas na lamang.

    By Blogger Rhada, at 7:34 AM, June 15, 2006  

  • anonymous,
    kumusta sa mga taga mindanao.

    lojika,
    totoo yon. lalo na dito sa NZ. madami rin ang gay at hindi mo mahahalata kasi normal lang silang magbihis. may mga doctor, lawyer, teacher, bus driver, construction worker.

    ev,
    hindi ko na alam kung ano na nangyari kay arnold. sana naman ok pa rin sila ng misis niya.

    ann,
    yun ang hindi ko maintindihan yung mga may pamilya na pero pumapatol pa rin sa kapwa lalaki.

    raquel,
    hindi ako pwede sumigaw, kasi gabi na noon. ayoko naman gisingin lahat ng tao. pero siguro nga kaya di ko nakayanan ang BBM dahil subconsciously naapektuhan ako nung experience ko sa saudi.

    anonymous,
    parang kilala nga kita. if i'm not mistaken may sinulat ka sa blog mo about your tomboy admirer. valentines day. tama ba?

    mmy lei,
    omg, buti na lang pala nakaiwas ako. kinilabutan tuloy ako sa kwento mo. what if, na-rape din ako at nagustuhan ko.

    agring,
    dito rin sa nz, may tinatawag na civil union sa same gender na maitutulad sa kasal. i-update ko yung link ko.


    bing,
    walanghiyang yon naunahan ka pala kay papie. hahaha.


    acf,
    i can only speak for myself but i'm not offended by your comments. on the contrary i really appreciate them a lot. you'll be the first to admit that gays like you are more often misunderstood. your participation here and stating your opinion allows us to learn and understand gays better. natututunan natin na may mga gays din na professional at intelligent katulad mo. i'm sorry if i portrayed my gay friend arnold the way i did. but i'm just narrating what really happened. next time i'm put in the same situation, i'll take your advice and try to talk to him na lang.

    rhada,
    oo nga. pero talagang nanginginig ako sa takot at that time. i've never had that experience kasi before.

    By Blogger Ka Uro, at 9:25 AM, June 15, 2006  

  • naku, KU...hindi po ako yung tinutukoy ninyo. wala po akong nai-post tungkol dyan. wala nga po akong post ng pang-valentines eh. sensya na, KU.

    By Anonymous Anonymous, at 10:38 AM, June 15, 2006  

  • My BBM Part 3 (Rated PG)

    Dali dali ako nang nagtungo sa silid ni Tolits. Sabi ko "Tol, langhya naman yang si Arnold... bading yata"

    Arnold : "Ano kamo ? eh anlaki ng katawan ng mokong ah..."

    KU : "Tangna tol... gusto ba naman akong ulamin"

    Pagkatapos kong ikuwento ang mga pangyayari ay kami naman ang natulog. Pinahiram ako ni Tolits ng unan at kumot, nagtabi din kami nung gabing iyon. Tensyonado pa rin ako ng mga pangyayari kaya hindi makatulog agad.

    Kahimbingan ng tulog ni Tolits at gising pa ako. Mula sa Ilaw na nanggagaling sa labas ng bintana ay naaaninag ko ang pagmumukha ni Lito. Me hitsura din pala ang mokong, meron din syang kakaibang tindig at katipunuan.

    Makaraan ng 30 minutes na katititig ke Tolits ay napagpasyahan kong hawakan ang bandang ibaba ng kanyang hita. Inalis nya yun kaagad. Makaraan ng 5 pang minuto ay hinawakan ko ang bandang itaas ng kanyang hita at sinimulan kong hingahan ang kanyang leeg.

    Dali dali syang tumayo at nagpaalam na jijingle lang daw. Pagkalabas ng banyo ay dire-diretso syang lumabas ng silid .

    By Blogger Senorito<- Ako, at 10:59 AM, June 15, 2006  

  • anonymous,
    naku sorry. wrong number pala.

    senor,
    hahaha. pano mo nalaman ang part 3? sorry na lang kay arnold, di ko siya type. hindi ko pwedeng pagpapalit si tolits. hahaha.

    By Blogger Ka Uro, at 11:31 AM, June 15, 2006  

  • Waaaaaaaaaa... grabe ang kwento na un.. para sa pinilakang tabing lang nangyayari.. pero pwede rin pala sa teleserye.. este sa totoong buhay ni Big brother.. heheh!!!

    Wawa nga ang esmi nya... baka nman Bi-sexual? pero mali parin dba? me asawa na nga! hay buhay nga nman.. mahiwaga!

    By Blogger tutubing_karayom, at 12:54 PM, June 15, 2006  

  • acf, you can't blame ka uro kung tumakbo sya... buti nga di nya sinapak heheh... kahit anong anggulo sexual molestation pa rin un...

    By Anonymous jon, at 2:39 PM, June 16, 2006  

  • Susme, nakakatakot ang ganun ah! Buti na lang nakatakbo ka pa paalis.

    By Blogger jairam, at 3:44 PM, June 16, 2006  

  • LOL! KU sa maniwala kat hindi mayroon din akong istoryang parehas nyan at muntik ko ng masuntok yung "mhin" na malikot ang kamay. Nginig ang katawan ko at tayo ang balahibo ko nung time na yun....parehong experience ah, pero katulad ng sa iyo di sya naka iskor at wala ng mukhang iharap sa kin...buti na lang at malaki ako sa kanya ng konti....hehehe

    By Blogger Flex J!, at 5:41 PM, June 16, 2006  

  • Bilib talaga ako sa yo KU. Galing mong magkwento. Dapat yata sa pene-lakang tabing ka at hindi sa IT.

    Kaya nga di ba nauso iyong tanong na "Ano ang gusto mo, manlalake ako o mambabae?" kapag medyo nagdudda o nangungulit si kumander sa batang saudi.

    Happy Father's Day?

    By Anonymous myepinoy, at 6:34 AM, June 18, 2006  

  • Hi KU- I also know a guy a who was raped and well, 'hinanap-hanap' na daw nya so now, he swings both ways.
    Sadya yatang mahirap din para sa mga lalaki sa SA ang sa araw-araw na lang ay puro lalaki din ang nakikita kaya nagkakaganyan.
    At sa tanong mo naman, like you, I would rather see 2 women on screen making out than 2 guys kissing.

    btw, Happy Father's Day KU!

    By Anonymous thess, at 8:05 AM, June 18, 2006  

  • Hi! KU marami talagang gay dito sa gitnang silangan meron pa nga may mga anak pa sa pinas pero tinatago lang nila ang pagka-gay nila pag-vacation sila sa pinas lalaking-lalake pero pagdating dito gay pala, meron din naman na dito na bumigay sa pagka-gay meron sa pinas palang gay na, pero kong certified lalake ka kahit saan ka lupalop ng mundon dalhin lalake ka talaga. Totoo din yong kuwento na pag landing ng airplane dito sa middleeast change Identity agad at nagmamadaling makalabas ng Airport kasi pala dito sila ang binabayaran sa pinas sila ang nagbabayad. bakit nga ba ganon dito kasi po kailangan mo ng malaking pera para makapag-asawa sa kapwa ka-relihiyon nila at bawal sa kanila yong pre-marital sex before marriage pagnatuklasan ng lalake na may karasan na pala yong napangasawa nya maaring ibabalik nya ito sa magulang ng babae at ito ay isang malaking insulto sa pamilya ng babae. Cheers.

    By Blogger Angelo, at 5:26 PM, June 18, 2006  

  • balita ko nga daw ganon sa Saudi, dala ng sobrang kahigpitan ng gov't don pgdating sa mga..lam mo na, eh men get to seek for other resource w/c is men din! hihihi khet namn dito may mga patan at pana na ganyan, palibhasa walang napatol sknilang girls kse ambabantot nila kaya sila-sila nalng! hehehe

    buti nlng pla mabilis ka tumakbo anoh?! =)

    By Anonymous pobs, at 6:34 PM, June 18, 2006  

  • My BBM Part 3 (Rated R)

    Makaraan ng 30 minutes na katititig ke Tolits ay napagpasyahan kong hawakan ang bandang ibaba ng kanyang hita.
    Inalis nya yun kaagad. Makaraan ng 5 pang minuto ay hinawakan ko ang bandang itaas ng kanyang hita at sinimulan kong hingahan ang kanyang leeg.

    Dali dali syang tumayo at nagpaalam na jijingle lang daw. Pagkalabas ng banyo ay dire-diretso syang lumabas ng silid.


    Naisipan ni tolits na puntahan si arnold sa kuwarto ni KU. Inabutan nya itong nakasubsob sa kama ni KU at umiiyak. Nilapitan niya ito at kinausap.

    Tolits: arnold (sabay himas sa buhok nito)pagpasensyahan mo na lang si KU, nabigla lang siguro sya, wag ka nang umiyak andito naman ako.

    Sa puntong iyon ay huminto si arnold sa pag-iyak at unti-unti nyang itinaas ang kanyang ulo. Hinuband ni tolits ang suot na sando at pinahiran ang mga luha sa mga mata ni arnold at unti-unting nagkatapat ang kanilang mga mata..

    Sa punto ring iyon nainip na si KU sa kahihintay sa pagbabalik ni tolits. Tinungo nya ang banyo ngunit wala na roon si tolits. Matapos ng ilang minuto pang kahihintay ay napag-isipan nyang bumalik na lang sa kanyang kuwarto.

    Habang papalapit sa pintuan ng kanyang kwarto, may narinig siyang kakaibang haling-hing:

    tilots: aray kooooo, tama naaa
    arnold: wag kang malikot, sandali na lang ito

    Sa puntong iyon ay di na nakapagpigil si KU, sinipa nya ang pintuan at tumambad sa kanya ang dalawa...

    KU: mga bruha kayooooo dito pa..dito pa sa kwartoooo kooooo.

    Arnold: ano ka ba KU ang ingay ingay mo binubunutan ko lang ng kilay si tolits eh di nakasi pantay-pantay. Mamaya nga eh i-wawax ko ang mga legs nya kasi ang hahaba na ng hairs nya. O ikaw baka gusto mo ring magpa rebond? Pasenysa ka na pinakealaman ko itong mga kikay kits mo ha kumpleto kapala di ko alam hihihi.

    Napangiti si KU at silang tatlo ay nag-akapan. Malalim na ang gabi ngunit ang tatlo ay gising na gising pa at nagpapaganda hwehehe

    By Blogger KaDyo, at 7:27 PM, June 18, 2006  

  • Part 4 na pala ang title hehe

    By Blogger KaDyo, at 7:28 PM, June 18, 2006  

  • hahahaha... KU, balik ka ulit d2 sa saudi hehehe... anong kumpanya ba si arnold? and2 pa kaya siya?eastern province ka rin dati di ba?

    hahanapin namin ni kadyo... at nang maitanong kung ano ang masasabi niya heheheh..

    oiist kadyo asan wax mo? johnson ba yan?

    By Anonymous kneeko, at 11:19 PM, June 18, 2006  

  • flex j,
    lapitin ka rin pala. haha

    myepinoy,
    siyanga naman. mas mahirap kung manlalalaki. hehehe. happy father's day din to you.

    KD,
    walanjo, galing ng part 4 ng bbm. siguradong magiging hit ito. tawa ako nang tawa. hahahah

    kneeko,
    hindi ko na lang babanggitin ang kumpanya niya. pero sa eastern province din kami noon. paki sabi kay KD, padalhan niya ako ulit nung wax. naubus na kasi yung dating pinadala niya sa akin. hehehe

    By Blogger Ka Uro, at 8:41 AM, June 19, 2006  

  • ku,

    totoo yan. kasi ako naggym dahil kailangan bumama ang weight ko at bp. isipin mo naman, kung sino pa ang malaking katawan sa gym e un pa ang badish. mahuhuli mo sa tingin, kasi pag bumati sa iyo "pre, laki na ng katawan natin ah" hindi sa katawan mo nakatingin kundi sa ari mo. hehe. gustong gusto nga nila mag pa 'spot' lagi. at mapapansin mo nakataas ang isang kilay.

    By Anonymous lanriv, at 12:15 AM, June 20, 2006  

  • hi KU, you're a delight to my senses esp. ngayong down with heartaces ako, kaya i see to it na magdrop by dito sa blog mo kasi napapatawa ako ng todo!

    leslie

    By Anonymous Anonymous, at 12:30 AM, August 21, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker