mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, June 12, 2006

My BBM (Rated PG)

Nung nakaraang linggo may nagpahiram sa amin ng DVD nung pelikulang Brokeback Mountain (BBM). Heto yung pelikula tungkol sa lab istori ng dalawang koboy. It’s a story about homosexuality. Marami itong natanggap na awards sa nakaraang Oscars, kaya medyo naintriga ako. Ano nga ba ang nakita rito ng mga critics at nabigyan ito ng mga papuri?

Isinalang ko ang DVD at inumpisan naming panoorin ni esmi. Pagdating sa eksena na kung saan yung dalawang koboy ay matutulog na sa loob ng tent at nang akapin nung isang koboy ang kapwa niya koboy, at pormang maghahalikan ang dalawa, yikes! Very disturbing! Bigla kong in-off ang DVD. Di ko ma-take. Ayoko nang makita pa ang mga susunod na eksena.

Bakit kaya ganon, ano? For me (and most men, I’m sure), it’s a turn on to see two females doing it, but not two men. Makes me wonder if women feel the other way around. Do women prefer to see two males instead of two females together? Or are they turned on too seeing two gorgeous females doing their thing?

Anyway, I’m digressing here from the title. My BBM, because I wanted to share my BBM moment. I describe a BBM moment as one where you unexpectedly receive a sexual advance from someone of the same gender as you. It’s so unexpected because a) the other person is like a barkada to you, and b) outwardly, that person has never manifested any gay inclinations before.

Saan ko sisimulan ang aking kwento? Ganito yon, Ate Charo, taong 1989, nung ako’y madestino sa Gitnang Silangan. Nagtrabaho ako bilang computer programmer sa isang malaking construction company sa Saudi. Lahat ng nagtratrabaho sa job site puro lalaki, walang chicks.

Ang mga office staff na tulad ko at mga engineers, may sari-sarili kaming kwarto na gawa mula sa mga cargo containers. Bawat container nilagyan ng pinto, bintana at aircon. May kama, mattress, at maliit na mesa at isang upuan sa loob. Isang tao lamang kada kwarto. Komportable naman ang aming tulugan. Kada alas-siete ng umaga sinusundo kami ng bus para dalhin sa opisina at ihahatid naman sa hapon pabalik sa aming mga living quarters.

Isa sa mga naging kaibigan ko ay isang consultant engineer, na itago ko na lang sa pangalang Arnold. Ibang kumpanya ang pinagtratrabahuan ni Arnold. At pumupunta-punta lamang sa aming site araw-araw bilang consultant. Kapag nagagawi sa aking opis, nakikipagkwentuhan at madalas napaguusapan namin ang aming mga pamilya sa Pinas.

Nauna sa akin mag-Saudi si Arnold. Walong taon na siya sa Saudi. Ako, isang taon pa lang. Nung taong iyon, kababalik pa lang ni Arnold galing sa bakasyon sa atin upang magpakasal sa kanyang kasintahan ng limang taon. Ipinakita pa niya sa akin ang mga pictures ng kanyang kasal at pinagmalaki ang kanyang magandang misis. Maganda nga naman. Bagay sila. Matangkad si Arnold, siguro 5’11” ang height niya at dahil mahilig siyang mag workout, macho ang dating niya.

Macho sa labas lamang. Sa loob pala’y may kinikimkim na damdamin. I don’t know if that feeling he possessed was caused by hormonal imbalance or by basic animal desires. I’ll never know for sure. All I know is it happened unexpectedly...

To be continued muna, Ate Charo. Next time ko na lang ikukwento ang nakakarimarim na pangyayari. Sa ngayo'y hihingan sana kita ng tulong para ang kwento ko'y makarating sa iyong mga kakosa sa Hollywood. Harinawa'y mabasa nila at gawing basehan ng BBM2. Umaasa, ang iyong lingkod. K U

24 Comments:

  • ..awww bitin KU sobsss!! ;( ;( what happened next?? hmm..di ako makakatulog nito friend haha..crazy me! ^_^
    ...about two females and two males doing it? i think it's "weird..i don't like watching too..kinda yikes really!
    ... well, few people likes that maybe, but no way for me.

    ..i prefer to watch "Basic Instinct" over and over hehe.. ^_^

    P.S.
    ..continuation soon plssss>>>>

    cheers,
    -kathy-

    By Blogger lil _kath, at 4:02 PM, June 12, 2006  

  • fafa KU, sa kulturang pinoy kasi hindi "normal" ang dalawang babae o dalawang lalake ang naghahalikan ng gums to gums este lips to lips ngunit dadapwat sa ibang western cultures ito ay kinukunsidera na bahagi ng makabagong kultura. di ba nga sa tate sa NYC ay maari na ang same sex marriage. sa aking palagay ay darating ang panahon na unti-unting mababago ang persepsyon ng mga ibat-ibang kultura ng mundo sa ganitong pagsasama ng dalawang mag-kauri.

    di ko pa napapanood ang BBM1 eh meron na palang BBM2..the KU expirience hehe. kung si manny pacman e kinuha si jerico rosales para gumanap ibang sya sa isang penekula, ikaw naman sino naman ang preferred mong gaganap na KU..aminin hehehe

    By Blogger KaDyo, at 4:30 PM, June 12, 2006  

  • hi ka uro,even i felt unconfortable watching that movie,because...di ko po ma take yung ginawa nila..i suddenly felt jealous and paranoid hehe..what if that happens to my husband,who's staying in the company-provided accomodation,with all the other guys around him!hehe.i'm also wondering what it's like for guys working in saudi...eeekks..sige po hihintayin ko ang susunod na kabanata ng inyong bbm *^_^*

    nag-aabang sa dubai,

    jinggay

    By Anonymous Anonymous, at 5:34 PM, June 12, 2006  

  • KU, mukhang exciting ang mga experience mo sa gitnang silangan a. matanong ko lang, bakit ganon ang title ng pelikula? nabale ba yung likod nung mama?

    By Blogger Ka Elyong, at 2:26 AM, June 13, 2006  

  • kathy,
    i like basic instinct too, especially that famous scene. hehehe.

    KD,
    inisip ko rin nga kung sino kaya ang gaganap na KU. dahil gusto ko gawing hollywood movie para international, pwede na si brad. hawig na siya ng konti sa akin. hahaha

    jinggay,
    hello sa mga taga-dubai. selosa ka pala. sabagay, masakit kung ang aagaw sa asawa ay bakla o tomoboy. ngiii!


    K E,
    hindi exciting ang experience na yon KE. very traumatic nga. abangan mo.

    By Blogger Ka Uro, at 9:19 AM, June 13, 2006  

  • hi KU. madalas lurker lang ako dito at bihira mag-comment. pero naman! bakit to be continued?! bitin!!!

    re: same sex doing...sex. for me, ew! i remember one time my barkadas were discussing this. sabi nung isa kong male friend, he can't understand why some girls would prefer to have relationship with their fellow girls & ganun din sa mga boys. ano daw gagawin ng both girls when they're doing it? magpo-pompyang?! :lol:

    By Blogger Pao, at 12:21 PM, June 13, 2006  

  • oo nga kuya, biting nga yung broke back mountain mo ^_^x

    pero tama ka kuya, mas gusto ko pa yung isang novel ni annie proulx na The Shipping News kesa Broke Back Mountain

    By Anonymous Kenji, at 2:05 PM, June 13, 2006  

  • pao,
    sori kung nabitin kita. haba na kasi nung post eh.

    same sex ... pompyang o kaya arnis. hehehe

    kenji,
    di ko pa napanuod yung Shipping News. sige hanapin ko sa video shop para mapanuod. may bakla din ba dun?

    By Blogger Ka Uro, at 4:17 PM, June 13, 2006  

  • marami tlaga yan d2 sa saudi... kasamahan ko dati sa ibang company, pareho silang may asawa sa pinas... may mga bigote di mo mapagkamalan na bakla...

    tapos me isa pa akong kakawarto dati na me karelasyon sa bading... kakaasiwa kasi double deck... andun ako sa taas tapos pag andun ung bading pag weekend... tabi sila matulog at minsan may mga naririnig akong kakaiba tapos uga ng kama... wheeww kakastorbo talaga... kinabukasan sinabihan ko na wag naman galawin masyado ang kama... next time pumunta ulit sa sahig na sila natulog... hehehe... pero ilang buwan lumipat din ako ng ibang kwarto... nainggit kasi ako nyahahahha.. jowk....

    sigurado ako karamihan na pumapatol sa bading ay bading na rin..

    By Anonymous kneeko, at 4:59 PM, June 13, 2006  

  • ganun talaga pag babae-to-babae, ok sa lalake; pag lalake-to-to-lalake, nadidiri lalake..hehehe

    By Blogger VemSan, at 5:18 PM, June 13, 2006  

  • "This guy's in love with you pare" Daming may theme song nyan dito. Bakit nga kaya ang daming bumibigay dito sa KSA.

    By Blogger Ann, at 7:00 PM, June 13, 2006  

  • i didn't watch that movie too though the dvd's lying at our dvd collection! parang nadidiri ako eh. hehehe and yes, we prefer to see women but men do it?! ewwwwww ewan ko ba bket?!

    cguro some women are meant to be tomboys but men to be bakla, no?! ehheheh

    By Anonymous pobs, at 9:52 PM, June 13, 2006  

  • K U,
    EVERYTIME I CHECK UPDATES ABOUT NEW ZEALAND; I WOULD ALWAYS GO TO YOUR BLOG PARA NAMAN MALAMAN ANG MGA INTERESTING FACTS ABOUT YOU AND YOUR LIFE THERE. PERO THIS TIME; I REALLY FELT BAD DOON SA KWENTO MO ABOUT THE BBM MOVIE AT KUNG ANO ANG PAKIRAMDAM NA PANOORIN ITO. AND TO NOTE SOME OF THE LINES THAT YOU POSTED "Pagdating sa eksena na kung saan yung dalawang koboy ay matutulog na sa loob ng tent at nang akapin nung isang koboy ang kapwa niya koboy, at pormang maghahalikan ang dalawa, yikes! Very disturbing! ", "Macho sa labas lamang. Sa loob pala’y may kinikimkim na damdamin. I don’t know if that feeling he possessed was caused by hormonal imbalance or by basic animal desires", "To be continued muna, Ate Charo. Next time ko na lang ikukwento ang nakakarimarim na pangyayari".
    I HAVE NO IDEA NA MAY PAGKA HOMOPHOBIC KA PALA AND A FILIPINO WHO HAS LIVED IN NEW ZEALAND FOR SEVERAL YEARS..COMMMON! A WAS EXPECTING A BIT OF AN OPEN MINDEDNESS FROM YOU AND TO SOME WHO HAD POSTED THEIR OWN COMMENTS HERE PERO I WAS REALLY DISAPPOINTED. KNOWING NA I APPLIED IN NZ WITH A PARTNER OF THE SAME SEX...DAPAT BA EH MAHIYA AKO.....???NATATAKOT NAMAN AKONG MAGPUNTA NA DYAN LALO NA MAY MGA TAONG DI PALA OPEN TUNGKOL SA MGA GANYANG BAGAY...PASENSYA NA PERO TALAGANG DISAPPOINTED AKO....ACF

    By Anonymous Anonymous, at 10:41 PM, June 13, 2006  

  • Ka Uro,
    although nowadays acceptance and tolerance of the 3rd gender is now being campaigned by most developed societies like nz and australia, i still believe that we have our own individual preferences and we do have the right to believe in what we are most comfortable and happy with. Personally, I will not be in a hurry to watch this movie for the simple reason that 'hindi ko type' ang cowboy hindi ko rin type ang homo topics (2men or 2women alike) but I respect them as individuals who also have the right to have their space in society. Human Rights Law recognises them and so therefore we should be tolerant of them. I have 2 bakla friends and a tomboy- they are very talented and creative and i accept them as they are for as long as they don't try to convert me. bahala na sila sa private life nila. In the same way that i still love listening to Michael Jackson's songs despite all the publicity about his private life.

    By Blogger VICKY, at 11:21 PM, June 13, 2006  

  • KU,

    Bitin! Anyway, isang misteryo rin iyan sa akin. Bakit ang mga lalaki, turned-on kapag two females ang ume-eksena. Pero ang mga babae ba turned-on din sa dalawang lalaki?

    Nga pala, nakita ko na may mga sumasagot ng medyo malakas ang dating sa comments mo, tulad ni anonymous. I'd have to say this is your blog, it's not their business kung feeling nila ay homophobic ka o hindi. I don't see a reason why you need to be politically correct here. Kung ayaw nila ng content ng blog mo, eh di huwag nilang basahin. Period.

    Oops, I digressed. I'll just have to say, I'm looking forward to the continuation.

    LIW

    By Blogger Linguist-in-Waiting, at 3:30 AM, June 14, 2006  

  • manay ACF,
    i think masyado mo naman dinibdib yun istorya ni Ku.. he just want to share his experience in Saudi through the BBM movie.. as much as you want to express yourself by being open about your personality, through Ku's stories he's expressing what he feel as well..
    (BATO BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN SAPUL KA JAN!!)

    Ku,
    we're waiting for your BBM2 cont ha.. bigla kabang niyakap at hinalikhalikan ni Arnold?!! or hinimas himas ka muna sa braso sabay sunggab sayo?!! hekhek..

    By Anonymous Art, at 3:50 AM, June 14, 2006  

  • ku,
    kakabitin naman po yang kwento nyo. pero if ever may nangyari ngang di kanais nais sa inyo ng mga panahon na yon, eh agrabyado kayo, kasi mas malaki siya sa inyo at sabi nyo nga eh mas macho. i remember my friend who rode a bus sa taft,gabing gabi na iyon, yung friend ko, malaking lalaki din yun, pero nung may bading sa bus na mas malaki pa sa kanya na nagtatanong kung pwede sila magusap at kumain muna bago umuwi, biglang tumakbo si friend. sabi nya kawawa naman daw sya kung rereypin sya nung mama. hahahaha.....
    about naman dun sa watching delicate scenes meron po talagang taong ganun, ako nga asiwa pa rin hanggang ngayon kapag nakakapanood ng kissing scenes sa movies, kissing scenes pa lang yun ha, paano pa kapag as in yun na, dko talaga matake. iba iba lang siguro mga tao, sa tolerance nila sa mga ganyang eksena.
    ay, mahaba na po ito. sana ipost nyo na yung karugtong ng kwento nyo.
    cindy

    By Anonymous cindy, at 5:09 AM, June 14, 2006  

  • ACF,
    sorry kung na-disappoint ka. for me, being open-minded has nothing to do with being at ease with something. one becomes comfortable with something only if it's a common practice. if it's not common, kahit sa isip mo walang masama doon, iba pa rin ang mararamdaman mo, di ba? parang distressing.

    halimbawa, nanghiram ako ng porno movie at di ko alam ang mga artista pala puro mga lolo at lola na in their 80's. there is nothing wrong with olds doing sex, but i would not feel comfortable watching that movie. the moment na naghubad na si lola, malamang ititigil ko na rin ang movie.

    i hope you do not take offense sa mga comments ng iba. katulad ko, hindi lang kami used to seeing scenes of homosexuality in movies, kaya hindi kami comportable. it doesn't mean we're not open-minded.

    dapat ka bang mahiya at ang partner mo same sex? DEFINITELY NOT.

    By Blogger Ka Uro, at 10:07 AM, June 14, 2006  

  • kita mo na ACF, si cindy nga kissing scenes land sa movie asiwa na. "asiwa" as in uncomfortable siya sa mga ganoong eksena. but doesn't mean she's against kissing.

    art,
    salamat sa pagtanggol mo sa akin. lawyer ka siguro, ano? hahaha


    kneeko,
    meron nga yata talagang mga AC/DC. bakit nga yata sa saudi marami?


    ann,
    mukhang may mga kilala ka diyan na bumigay ha?


    vicky,
    good point you said about tolerance and respect for the third sex. it's my point too which i hope ACF will understand.

    LIW,
    thanks for your support. okay lang sa akin ang mga comments na katulad nung kay ACF. i was honest with my feelings, he was honest with his.

    By Blogger Ka Uro, at 10:19 AM, June 14, 2006  

  • KU,

    Honestly; I really enjoy the topics that you post on your Blog at marami din akong natutunan. You were right in saying na depende nga sa kung ano ang mararamdaman ng isang tao ang panonood ng mga ganong video lalo na at hindi common practice ng isang tao.
    Pero kasi; the movie was about love and struggles ng dalawang tao although same sex pero pinapakita ron kung gaano kahirap magkaroon ng katulad na relationship. The kissing scene or love scenes were only a small part of the movie at pinakita lamang kung gaano kalaki ang passion ng isat isa towards each other which is common sa str8 relationship o kahit sa mga hayop man. I hope I make a point on this kasi...lahat ng comments na nakita ko eh nakasentro in discussing about the love scenes rather doon sa whole idea ng movie.
    I am not trying to say na lahat ng tao eh i accept ang mga sitwasyong ganito particularly sa Pilipinas dahil sa simbahan pa lang....sa impyerno na ang punta ng mga katulad ko. (which is the reason kung bakit lumayo ako in sort of religion which teaches hypocrisy...knowing na marami sa simbahan eh mga bading lalo na sa kaparian.) At sana naman eh mawala na rin yung culture natin na pag bading ka kailangan, magpalda ka o tawagin kang ate o manay o sister dahil may mga katulad ko who hates being tagged like that. I have live in Canada for a year too at wala akong television show na napanood don na ang center of slapstick jokes eh mga bading na katulad ng ginagawa ni Joey De Leon sa mga tv shows nya. Hindi ko rin masisisi ang karamihan dahil marami rin sa Pinas ang gumagawa ng hindi maganda at ginagamit ang pera at puersa para lang sa kanilang malalaswang pangangailangan...

    pasensya na....sa kung sino man ang na offend sa sinabi ko pero I still enjoy KU's blogs no matter what...

    thanks KU for the infos and everything

    acf

    By Anonymous Anonymous, at 5:03 PM, June 14, 2006  

  • waahahah! ka uro, me pabitin effect pang nalalaman!

    for me,seeing two ladies doing their things.. ok lng, nothing matters!


    pero agree ako na mas turn off tingnan kung same guys. lalo na kung sing pogi ng nasa BBM. nakakasuka. at the same time, sayang sila!

    By Anonymous lojika, at 5:55 PM, June 14, 2006  

  • acf,
    i'm very sure the merits of the movie are really good. i'm sure i would have agreed with you kung tinapos ko yung movie. ang problema, i'm sorry, talagang hindi ko nakaya yung eksena kaya hindi ko siya natapos. walang pinagkaiba sa taong hindi makapanood ng mga pelikulang patayan. kapag pinapanood mo siya ng "saving private ryan" o "black hawk down", i'm sure pipikit siya sa mga eksena ng mga namamatay na tao o i-ooff din niya ang dvd.

    tungkol sa sinabi mo about tv shows na ginagawang katatawanan ang mga gay. ako rin naiinis sa mga ganon. masyadong ini-stereotype sa mga pilipino movies ang mga bading.

    By Blogger Ka Uro, at 7:37 PM, June 14, 2006  

  • had watched porno movies where there are women doing their thing, but not two men kissing or doing the act.

    i cannot be turned on by two individuals of the same gender, be it female or male, doing their thing, kissing and all the way. i guess it is how we are comfortable with things... this doesnt mean i am against individuals who belong to the third sex.

    By Anonymous bingskee, at 2:16 AM, June 15, 2006  

  • nasa tao na yan kung saan sya nasanay.ako ayokong nakakapanood ng may binabaril sa ulo na 15yrs.old na bata..sobrang nakakakilabot. ganun din si KU didin sya comfortable sa eksenang halikan ng lalake sa lalake.grrrrl!!!di ko rin matake lalot sa actual scene.

    By Anonymous Anonymous, at 7:14 PM, September 09, 2007  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker