Mga Istorya sa NZ Embassy sa Makati
... "Talent Work Visa for an Accredited Company". Yun ang sabi ng employer ko dito na sabihin ko when I am making an inquiry sa Embassy. Pinapunta ko ang wife ko to ask for the forms necessary for my application. Dun sa guard pa lang, sinabi niya yung magic word na "Talent Work Visa for an Accredited Company". Ang sagot sa kanya ng tao dun sa window with a smirk, "Ano ba ang talent ng asawa mo?". Sa loob loob ng Mrs ko, napakarami ho. Gusto niyo hong isa-isahin ko. Uumpisahan ko ho sa tatlo na ho ang naging anak namin kaya very talented po talaga siya etc.
Pero ang totoong sagot niya with full conviction para tumigil nang pang-aasar yung mama dun sa reception, "MICROBIOLOGIST" ho ang asawa ko at may nag-offer sa kanya ng work sa NZ kaya ako andito. Saka pa lang siya sineryoso ng kolokoy na sekyu nila dun.
January ko na na-file ang Work Visa Application ko dahil napag-sarhan ako ng application dahil Christmas break. Mga three days ako pumila para lang matawag ang pangalan ko.
Funny thing is walang sistema sa embassy. Hindi ko lang alam kung nagbago na since then. The applicants themselves created a list para masunod ang "first come, first serve" basis. Nung dumating na kami eh may existing list na. Pang-66 ako sa list noong first day dahil yung list was created noong last day before Christmas break.
Twenty applications lang ang puede i-accomodate per day pero we had to wait (more than a hundred kami dun) until the processing for those twenty is over dahil kailangan namin marinig kung ano ang instruction noong sekyu (who we call Richard dahil tuwing lalabas siya dun sa pinto eh nag-tatayuan ang lahat para lumapit sa kanya...ala Richard Gomez ba). Ang hinihintay lang namin na instruction ay kung itutuloy lang kinabukasan yung existing list or bagong listahan na naman.
Imagine ninyo na hundred people are waiting for six hours just to hear an announcement like that. Marami na sana kaming nagawa nun kesa tumambay lang dun sa lobby ng BPI building.
Kaya yung second day eh 6 am kami pumunta dahil baka biglang magbago ang isip ni Richard eh at gumawa ng bagong list. Maigi na yung maaga kami. Itinuloy naman yung list noong first day. Pero marami na yung di na nagtiyaga kaya na-pa move sa 42 ang slot ko. Pero 50% more yung dumating on top of me compared nung first day. Same story naghintay na naman kami for 6 hours just wait for the announcement kung itutuloy yung list. Shocking is noong second day sinabi ni Richard na hindi siya sigurado kinabukasan kung itutuloy yung list or bagong list na naman. Depende daw yun dun sa itaas.
Third day eh 4 am na kami pumunta dahil di nga namin sure kung ano ang mangyayari sa list. Kami ang first sa BPI Building kaya we created another list in preparation sa kung ano man ang i-announce ni Richard. Pag-dating ng 7 lumabas na si Richard at siyempre kaming mga fans niya eh nag-tayuan na rin. Itutuloy na lang daw yung list kaya scrap na yung chance na mauna kami. Kaso binilang ko yung slot namin eh pang-22 ako. Kung twenty lang yung kayang i-accomodate eh di hindi pa rin ako pasok. Panay na ang dasal ko na sana ey may ma-late dun sa list.
May na-late na isa kaya miss na niya yung chance. Yung girl in front of me in the list na nakaibigan na namin for the last two days for six hours a day eh wala pa in sight. Tinawag na yung name niya eh wala pa siya. Laking tuwa ko nang napa-move ako sa 20th position. Bungkot pero pasok pa rin ako for that day.
Noong andun na ako sa loob at sinubmit ko na yung papers ko. Sinabi nung nasa reception na wala daw sa list ang occupation na "Microbiologist". kaya ako pa ang nagbuklat ng page sa kanya na sigurado akong andun yun. Tapos yung magic word na naman na "Talent Work Visa". Ipinasa niya yung papel dun sa isa niyang kasama at sinabi, "Talent Work Visa?" Hindi ko alam ito. Tapos eventually eh tinaggap din yung papers ko dahil tinawagan na pala sila nung NZIS dito na contact nung employer to process my papers fast dahil umalis na yung papalitan ko.
Within 10 days eh nakuha ko yung visa ko at after two days eh lumipad na ako dito.
PAHABOL
Nung kinausap ko yung NZIS contact dito sa NZ. Sinabi niya na mali daw ang ginawa ng Embassy sa Manila sa application ko. Bakit daw hindi isinama sa application ko ang family ko para Work Visa na rin ang Mrs. ko and student ang mga anak ko? Dapat daw hiningi din ang papers ng family ko. Buti nalang dala ko na lahat dito sa NZ at dito ko na pin-process lahat. Noong una sabi pa sa akin a papuntahin ko daw sa Embassy sa Manila at pakuhanin ko ng Work Visa yung wife ko at Student yung mga anak ko. Pero sabi ko sa kanya na dala ko lahat ng papers nila for PR application. Kinuha na lang niya sa akin ang lahat ng papers ko. Nilagayan niya ng Work Visa yung wife ko and Student yung mga anak ko. Tapos siya na rin ang nag-forward sa Thailand for PR. Siya na rin ang nag-follow-up kay Chayamarit at nakuha namin ang PR namin ng August which was 6 months after we were able to finally submit it. Ang bait nila dito compared sa Pinas. Ako pa ang tinatawagan nung Visa Officers dito to update me on what she already did to my application and asking me if I need any other help.
End of my long story. Sana ay may natutunan kayong aral.
Noel
Nagpapasalamat ako kay Noel at binigyan ako ng pahintulot na ilathala itong kanyang kwento.
18 Comments:
halos lahat yata ng pinoy na lumabas ng Pilipinas ay may ibat ibang kwento at karanasan sa embassy.may maganda at hindi na para bang ini-spell na ang lugar na yan.ako nga, ayoko ng bumalik pa sa lugar na yan. maganda naman ang system ng dutch embassy pero may ibang pinoy workers doon ang hindi nagpapaganda ng atmosper.ewan.bakit ganoon ka Uro? ur thankful na kahit papaano may kakampi ka sa loob ng embassy dahil may pinoy sa loob pero parang kulang nalang itaboy ka dahil sa npaka unfriendly..buti pa yong ibang puti mas klaro kausap. haay! baka may pms ang babaing yon.yon nalang naisip ko. saka yong mga gwardya...ala comisioner or kunsol talaga ang dating.buti nalang bisaya yong ka shift na guard at naging frend kami :-)
By Anonymous, at 8:08 PM, July 24, 2006
Very relevant topic ka-uro. Sa opinion ko- tutal meron namang website and NZ immigration, alamin lahat doon and kailangan, puede pang i-download and mga forms. Fill it all up then call the NZ Embassy for an appointment to see the visa officer. Yan ang system noong nilalakad ko ang visa ko. Sa kuento ni Noel, mukhang nabago yung systema- nag-regress yata since 1988! parang enrolment sa UP-alas 5 palang noon ng umaga pumipila ka na! Tutoo nga- ang masungit yung pinoy na empleada pa pero mga Kiwi in my experience are basically courteous- Pero meron ding mga tamad who gives you the run around- dapat you are one step ahead of them and know exactly what you want by getting all the information you need and be prepared.
By Vicky, at 9:51 PM, July 24, 2006
hay! lahat yata ng embassy sa pinas ganun! kahit anong bansa pa jan tapos ang mga sikyo or yung mga pinoy officer dun ang sisiga-siga!
naman!
By Mmy-Lei, at 10:23 PM, July 24, 2006
naalala ko tuloy yung hekspiryens namin sa US Embassy. nakakatawang nakakataranta. hahaa mababait naman yung mga naka-enkwentro namin sa loob. pero totoong may discrimination lagi. napansin ko yun na depende sa status ng visa ang basehan ng pakikitungo nila. sad...but true. pero in fairness, i really don't blame them. kasi naman, common na sa atin na kapag may kakilala sa loob, ginagamit yung tinatawag na "sige na, pards...konting pabor naman..." minsan nga lang, nagiging masyadong depensib ang ibang empleyado at umaakyat sa ulo ang posisyon. 'yung ganon, out of line na yun.
By Anonymous, at 1:11 AM, July 25, 2006
ganun pa rin ba sa NZ embassy ngayon? ngek, sa french embassy, minsan, mga 5 lang yata ang applicants, bat walang gustong pumunta dito? hehe..
but according to my parents, mas mababait pa daw ang pranses kesa pinoy sa embassy, so pag me available window na french ang humaharap, doon sila pumupunta..
during my time naman, ganun din halos, mataray din yung humaharap, e mataray din ako e... ano feeling nya? sikat sya? e magbabayad naman ako ng service nya no.. one technique actually is, you have to speak english to them and be calm, ewan ko pero it works, feeling nila edukada ka so you get a certain respect hehe...
By Analyse, at 6:43 AM, July 25, 2006
arrgghh! Uminit ulo ko when i read this entry, Hay naku Tito KU. Its very true - one particular VO is rude! Whats so ironic is - Pinoy siya. Its a long story but this happened when my brother applied for his toursit visa for the 2nd time. The first time he went here for a holiday - Kiwi ang PO. He was interviewed, did a background check on us here in NZ I reckon and after a day, released kaagad ang visa niya. The 2nd time around - last year - Pinay na. Madaming incidents na she was rude and it took 5 bloody months para maprocess ang papers. Maraming kuskos balungos - in the end - me being the sponsor filed an official complaint dito sa NZ. Ang bilis - action agad, may case manager agad ako. My mom was afraid na baka daw ma-jeopardise ang tourist visa ng brother ko. I told her issue na ng policies & prinsipyo ito. Ako ang nagbabayad ng tax na nagpapasuweldo sa bastos na VO na yun and that person doesn't have the right to be rude dahil nasa costumer service sila plus the fact that we paid for the processing fee!
Short of the long story, humingi ang NZ embassy ng apology and we were asking for 3 months length of stay but gave my brother 5 mos. Siymepre, may mga reasons sila - lulusot pa! Anyhoo, may nakausap din akong 2 Pinay na legit na pumunta dito as tourist (as in naka-tour na sila around the world ha.). They had the same traumatic experience with the very same VO!
I encourage other Pinoys to document these cases - if there are hard evidences mas mabuti and then file an official complaint. Madali lang naman eh - sa website mismo ako nagfile ng complain: http://www.immigration.govt.nz/Administration/SupportPages/contact.htm
Better yet, kung malapit ka sa any immigration offices here in NZ - pumunta ka for advise and para masubmit ang evidences (kung documented nga). Staff in immigration offices are very helpful- particularly the one in Auckland CBD.
By Anonymous, at 7:29 AM, July 25, 2006
nakaka frustrate naman ang ibang kapwa Pinoy natin :(
By j, at 9:47 AM, July 25, 2006
ams,
ako rin nagtataka. kung sino pa ang kapwa pinoy sila ang hindi friendly sa embassy.
vicky,
1988 kasi wala pang pila. about that year din kami nag-apply. dirediretcho lang sa embassy, wala kang makikitang applicants. tama yung sabi mo. kung pwedeng sa internet na lang gawin ang transaction, dun na lang. mas mabilis at usually mas mura pa. wala pang pila.
mmy lei,
totoo yon. usually yung mga kapwa pinoy ang siga, hindi yung mga banyaga.
des,
tama din yung sabi mo about paghingi ng pabor. so yung mga andun sa posisyon tingin nila nasa kanila ang kapangyarihan para mag-grant ng favor o hindi.
analyse,
parang pare-pareho ang hekpiryens ng marami na mas unfriendly ang mga pinoy VO. sana naman nabago na lately.
trotskybee,
buti nilagay mo yung website. tama yon, dapat mag-speak up tayo kung may complaint. kasi kung walang mag-cocomplain hindi mababago ang sistema. kung alam ng mga kiwi na nasa katungkulan sa embassy ang masamang gawain ng ibang VO, i'm sure gagawan nila ng paraan ito. yun na nga ang nangyari. mukhang bumait na daw ang mga nasa emabassy.
jairam,
siguro kasi pinapasa ng mga pinoy na VO ang frustrations nila sa mga applicants dahil di sila pwedeng mag-apply ng residency sa nz. nasa contract of work nila yon. para makaganti siguro, pinahihirapan din nila ang ibang applicante. pero di naman lahat ng pinoy na VO ganoon.
By Ka Uro, at 11:50 AM, July 25, 2006
sa karanasan ko naman ok naman yong security doon, kavibes ko nga. ang matataray yong mga nasa itaas personal man o sa telepono.i can speak from experience kasi tatlong beses akong nag-apply ng tourist visa doon sa makati bago ko naisipang ipush through ang aking residency application. ibang iba sa mga staff dito sa new zealand immigration.
By RAY, at 6:10 PM, July 25, 2006
Power tripping ang term na pumasok sa isip ko. Karaniwang trait ng mga Pinoy (hindi naman lahat) na nasa posisyon. Hindi ko maubos maisip kung bakit kung sino pa yung inaasahan mong makakatulong sa iyo ay siya pang magpapahirap sa iyo.
By Unknown, at 6:32 PM, July 25, 2006
well, kanya kanya lang sigurong kapalaran yun. wala naman talagang madali dito sa mundo. kelangan talaga me tyaga.... tapos nun meron ka na nilaga!
kain muna tayo. nakakagutom eh. eheheh!
there's always a good and bad karma. basta nagsikap ka... me magandang babalik sayo! and vice versa
By Anonymous, at 8:30 PM, July 25, 2006
haaay naku, ako rin sa pagkuha pa lang ng passport...naku..buti di nakuhang pumuti ang buhok ko bago naayos...sabagay agency naman yata ang nanloko sa akin...
By Unknown, at 4:12 AM, July 26, 2006
Hello, Ka Uro.
Parang parusa naman yung nangyari kay Noel. Bakit ba kadalasan ang mga Pinoy embassy workers ang nagpapahirap sa kapwa Pinoy. In 1999, napaaway ako sa Dutch embassy when I was applying for a Schengen visa. Denied daw ang visa application for a reason the Pinoy visa officer couldn't articulate. Medyo nanggigil ako dahil one week akong nag-leave sa office just to meet their requirements (you know naman how long those lists usually are). Pangatlong balik ko na yun. At that time, when this woman, told me this news, I just saw red and asked to talk to the Dutch consul. Buti naman pumayag siya. Siguro nakita niyang I was ready for war anytime. The Dutch consul told me that it was the Pinay receptionist who complained about me. Di raw type ang dating ko when I submitted my form a week before. Hay, I really put my foot down at that point. Sabi ko, this is not a valid reason to deny my of a Schengen tourist visa. Sabi ko: "Do you see the pile of papers here? These are all the requirements you asked of us (kasama kasi ang parents ko sa travel). I've been conscientious all this time to comply to your requirements. And now you tell me I'm denied a visa just because this receptionist who, by the way, is rude complained about me. Dou you know that I moved heaven and earth just to get all these bank statements and certificates of employment?!" I also added that I had been calling their office for many days to get details of the respective schedules, but nobody would answer the phone. After my tirade, this consul said: "Ok, just wait. I'll give you your visas in 45 minutes." Those who were there to hear my argument later told the same consul in the elevator that the Pinoy embassy employees are indeed rude and arrogant.
Talagang power tripping sa mga foreign embassies sa Pinas. Nakakalungkot...at nakakainis. Buti na lang sa Swiss embassy di ako nahirapan at mabait yung Swiss visa officer. Pero meron din dong Pinay na may attitude problem.
No wonder walang asenso sa Pinas. Mga Pinoy mismo ang nagpapahirap sa kapwang Pinoy.
By Anonymous, at 7:49 AM, July 26, 2006
Gusto ko tlgang basahin lahat ng comment pero sayo ko nlang papabasa... heheheh!! ok nman ang experience ko din sa US Embassy, pero nakakagutom tlga un...
By lheeanne, at 10:45 AM, July 26, 2006
halos parehas ang naranasan ko sa uae embassy... mga nasa posisyon nga naman! argh~!
By silentmode_v2, at 12:54 AM, July 27, 2006
dapat balatan ng buhay yung tomboy na VO dun.. %&^%$%$# nun... %$^#%^nya !
By Senorito<- Ako, at 9:59 AM, July 28, 2006
Nakakatuwa ang kuwento ni Noel. Ang medyo nakakalungkot lang na parte ay ang mga manggagawang pilipino sa embassy..ganuon yata talaga, pakiramdam nila ay makapangyarihan sila keysa sa mga nag a-apply..bakit kaya ganuon?
hindi na ba mawawala sa atin ang ganyang paguugali?
By Anonymous, at 12:11 AM, July 30, 2006
nakakaawa naman yong mga karanasan niyo sa embassy talagang ganoon na yata mga pinoy isa din ako sa pinapahirapan nila. Interview po ako sa newzealand embassy talagang iniinsulto ako salat na salat hanggang bone talaga.Sinabihan pa naman akung pera lang ang habol ko sa asawa ko,at dahil magkaiba kami ng hilig ng husband ko hindi daw kami para sa isat isa at sinungaling daw ako. May mga evidence naman kami na pinasa lahat lahat wala kaming tinago tapos hindi parin sapat sa kanila iyon. Siguru tamad lang talaga magbasa ang sakit talaga nilang magsalita iniinsulto pagkatao mo diko man lang ma depend iyong sarili ko sapagkat nirespeto ko sila. Ang sabi ng husband ko napakasama ng mga pinoy hindi daw dapat ganoon ang pagtrato nila sa akin kc binabayaran cla. Hindi ko alam declined na yata ako dahil sa masamang nangyari sa interview ko. Pero sabi naman all documents ko wala naman problema.Pero isip ko baka declined ako dahil sa interview ko.tingin niys kaya? hanggang ngayon umiiyak ako talaga kpag naiisip ko iyong sinasabi niya sakin pang lalait niya.
By honey, at 6:20 PM, September 07, 2009
Post a Comment
<< Home