mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, August 28, 2006

Milyonaryo na si Kaloy

Nagsimula lamang si Kaloy na isang pangkaraniwang mangingisda. Ang kaibhan nga lang siya’y nakapag-aral at may nalalaman na bagong sistema ng pangingisda na nagdudulot ng mas maraming huli. Sa lalawigan nila, si Kaloy lamang ang nakakaalam ng bagong sistema. Bagamat parating mas malaki ang huli ni Kaloy kumpara sa iba, hindi pa rin siya kontento. Gusto niyang yumaman, maging milyonaryo.

Isang araw naisip ni Kaloy ang isang raket kung paano siya yayaman. Naisip niyang magtayo ng isang samahan. Ang gagawin niya, ituturo niya ang bagong sistema ng pangingisda sa mga sasapi ng kanyang samahan. Pero mag-chacharge siya ng membership at training fees. At karagdagan doon may kontrata na kakaltasan niya ng ilang porsiento ang anumang kikitain ng mga na-train niya.

At yun nga ang kanyang ginawa. Nag-train siya ng tatlong tao, si Kulas, si Pepe, at si Toti. Naging hit ang kanilang samahan at lumaki ang kita nilang lahat. In fact, si Kaloy, hindi na kinailangan mangisda. Dun lamang sa mga training fees at porsiento ng kita nina Kulas, Pepe at Toti, buhay na siya. Kalaunan, napansin ito ni Kulas. So lumapit siya kay Kaloy at nagsabing: “Bossing ayaw ko na rin mangisda. Gusto ko katulad mo tambay-tambay na lang.”

“O sige”, sabi ni Kaloy. “Ganito ang gawin ninyo. Bawat isa sa inyo, mag-recruit ng tatlong tao na pwedeng mangisda para sa inyo. Bawat ma-recruit ninyo dapat magbayad din ng membership fee sa ating samahan at bibigyan din natin ng training sa bagong sistema ng pangingisda. Tapos kung ano man ang kitain ng inyong mga recruits, may porsiento kayo, at siempre meron din akong hati sa porsientong tatanggapin ninyo”.

Brilliant idea! Sa ganitong paraan, kikita rin sina Kulas, Pepe at Toti kahit hindi mismo sila ang nangingisda. Bawat isa sa kanila’y nakapag-recruit ng tigatlong bagong members. Nang maging productive yung mga recruits nila, pati sila sitting pretty na rin at di na nangingisda. Meanwhile, si Kaloy, lalong yumayaman. Nagpagawa pa ng bagong mansion. Napansin na naman ito ni Kulas at kinausap uli si Kaloy. “Bossing gusto ko rin magpagawa ng sarili kong mansion at yumaman na katulad mo”.

“O sige”, sabi ni Kaloy. “Ganito ang gawin natin. From now on every member must recruit 3 more members. And for everything a member earns, the person senior to them gets a small percentage. In other words, everyone more senior gets a small percentage, including me. And like everyone before, all new members pay a membership fee and receive training.”

And so started a business model known as Pyramid Scheme. Some companies use fancier terms like Multi-Level-Marketing or Networking, but in essence the method is the same. I.e. Become rich by recruiting more people and let the people below you do the work for you. In fairness, the scheme made a few millionaires, like Kaloy, Kulas, Pepe and Toti. But only a few. Most of the members have been promised that they too will become rich. Many years past, they are still waiting.

20 Comments:

  • and waiting and waiting and waiting till der is no more for the future.... mas yumayaman ang taong naka upo lamang, nag papasarap sa aircon at galing sa mga nag hihirap na tao ang nagbabayad ng bills nya... bakit kaya ganun eno? syempre utakan na nman yan! hay!

    By Blogger tutubing_karayom, at 2:04 PM, August 28, 2006  

  • di ko alam bakit meron pa rin napapaloko sa mga ganitong pyramids schemes? daming ganun sa atin.

    By Anonymous Anonymous, at 2:46 PM, August 28, 2006  

  • Last year ang daming na recruit dito sa Saudi ng First Quadrant, ang daming OFW ang umasa sa pangakong ginhawa, naging kontroversial ang company dahil sa dami ng naging members.

    Neighbor namin ay 6 members ng family nya ang sinali nya para lang makahabol dun sa promo ng FQ, lahat nauwi sa wala.

    Sabi nga if it is so good to be true, medyo mag dalawang-isip ka kung totoo nga.

    By Blogger Ann, at 3:42 PM, August 28, 2006  

  • Si Kaloy ang me sala.... dalhin yan sa presinto ! :)

    It takes a certain type of personality to be successful in those pyramid schemes. I've met some people who've been initially successful din (Forever living). Question is sustainability of income.

    By Blogger Senorito<- Ako, at 3:57 PM, August 28, 2006  

  • tk,
    tagal nilang waiting, hindi naman nag-bibingo.

    anonymous,
    hindi lang yata saan, kahit saan marami.

    ann,
    nakarating din pala diyan ang fq.

    senorito,
    sustainability is definitely a question mark with these schemes. there simply is not enough people in the planet to make everyone make money. so only those on the topmost became rich. those at the bottom are fed lies by those on top that they too will become rich. the reality is that it will take an exponential number of recruits before those at the bottom today will reach the level of those on top.

    what's ironic with these MLM schemes is that those you recruit will in fact become your competitiors in getting customers. the more recruits you have the harder for you to sell stuff because more people will be selling the same stuff. eventually you can't sell anything and neither do your recruits. and the pyramid collapses!

    By Blogger Ka Uro, at 4:31 PM, August 28, 2006  

  • ang daming nalokong scheme nyan sa pinas! ang galing kasi ng marketing kaya yung iba madaling mapapayag!

    weder weder lang siguro!

    By Blogger Mmy-Lei, at 4:35 PM, August 28, 2006  

  • Bata pa ako noong una akong makakita ng ganyang sistema. Heto at matanda na ako eh buhay na buhay pa rin ang pyramid scheme. Madami kasi sa atin ang nabubulag sa pangako ng "biglang yaman". Pero ang hindi nare-realize ng karamihan ay hindi lahat ng bagay ay maaaring daanin sa "santong paspasan". Kailangan natin magbanat ng buto at magpatulo ng dugo at pawis para makaranas ng ginhawa.

    By Blogger Rhada, at 6:09 PM, August 28, 2006  

  • i knew about this scheme when i was in college, just forgot the name. the thing is, to become a member, you have to buy a quantity of products (soap, toothpaste, etc), with discount of course, pero ang somma total, sobrang mahal nung product, ang hirap ibenta. anyways, i was never a member, tama na sa kin ang safeguard hehe..

    By Blogger Analyse, at 11:43 PM, August 28, 2006  

  • sa ganyang sistema rin kung bakit mahal ang paninda kasi maraming patong ang presyo dahil marami ang may porsiyento....

    By Blogger idealpinkrose, at 1:00 PM, August 29, 2006  

  • Ilang beses na ring may lumalapit na ganyan sa akin noon mga kakilala at mga dating ka-opisina na nangangakong malaki ang kita daw sa ganong business at pinapakita pa nga nya yung mga nabiling property ng mga naunang miyembro may unang miyembro pa nga na nakabili ng ferrari dahil lang sa ganong business, pero naiisip ko nga na walang patutunguhan ito dahil yung mga nauna lang ang siguradong yayaman at kawawa ang mga nahuhuli.

    By Anonymous jlois, at 5:55 PM, August 29, 2006  

  • naloko ka ba Ka Uro?

    By Anonymous melai, at 8:28 PM, August 29, 2006  

  • marami rin kasing Pinoy na gustong yumaman sa madali at mabilisang paraan. mapakitaan lamang ng konting ginto, madaling napapain lalo na sa lagay ng buhay ngayon sa bansa.
    isipin n'yo na lang hindi lang ordinaryong Pinoy ang nagogoyo ng pyramiding scheme, maging ang mga mayayaman at mga pulitiko (mayayaman na gusto pang yumaman), halimbawa na ang mga biktima ni "Rose Baladjay" na umabot pa sa Kongreso ang imbestigasyon. Pero anong nangyari? Wala nang nabawi, wala pang hustisya.

    By Anonymous malaya, at 5:38 PM, August 30, 2006  

  • It's so sad that many people are victimized by these so-called "pyramid schemes."

    By Blogger ladybug, at 6:01 PM, August 30, 2006  

  • What's the latest scheme these days? A friend was proud and happy to have recruited a very enterprising person. It saved him the hassle, plus, it gave him enough incentives to support his badminton hobby.

    By Blogger Lazarus, at 10:41 PM, September 01, 2006  

  • Interesting yung binitiwan mong salita KU : "Become rich by recruiting more people and let the people below you do the work for you." If that is a pyramid scheme, then all business model is a pyramid scheme :) Hindi ka yayaman kung lahat ng trabaho gagawin mo. Kung gusto mong lumaki ang kumpanya mo, kailangan mong kumuha ng empleyado para madelegate mo yung mga tasks mo, di ba?

    By Blogger NZed®, at 1:55 AM, September 24, 2006  

  • mr NZed@,
    the difference between a pyramid scheme and a conventional business scheme is that in a conventional type there is a limit to recruitment. in a pyramid scheme everyone recruits no end thinking that that's the way to get rich. actually only those at the top become rich.

    By Blogger Ka Uro, at 8:34 AM, September 24, 2006  

  • hi KU,
    pyramiding is illegal here in NZ as well as in a lot of country, MLMs aren't. but there are pyramid schemes out there flogging themselves as a network marketing or MLM. and that's giving the whole industry a bad image. there are guidelines set by the givernment as to what is a pyramid and what is not. the unfortunate thing is most people tend to put all MLMs in one basket that they are all bad. its simply misunderstood and there are a lot of misconceptions out there. its the doing of the bad apples there, not the industry itself. in the same way as there are dodgy lawyers, real estate agents or cops out there. it comes with the territory ika nga.

    the most common myth with MLMs is that the people on top continue to earn from the hard efforts of the people at the bottom. just as you mentioned. if that's the case, its a classic case of pyramiding. that's already a red flag. with an MLM, its not. if you're really motivated and work hard, you can overtake your sponsor and earn more from him or her. and i've seen this happen. its like being promoted ahead of your boss.

    you picked-up on Kaloy's racket as something sinister. but isn't it the same model as McDonalds? Kroft's cunning plan to franchise his McDonald's fastfood outlet was a tremendous success. if you want to have your own McDonalds, you pay him a fee and follow his system. not only that, he's also entitled to a percentage of your earnings. but no ones' complaining, apparently it works. i don't think i've heard a McDonalds that went belly up.

    K U, i'll be interested to know if you've been invited in an MLM presentation. mind if i ask which one ? mind you, this is not a debate about MLM. i was in the same position as you too, skeptic. however, unlike the others i did my own research regarding the industry. what i found out was entirely different. i'm still learning it until now and i believe it has some merits. yes, it has its bad sides, but its also got a good side. but its a busuness just like any other business. if you have any query please feel free to ask and i'll do my best so we can separate the myth from the fact. keep it coming...

    By Blogger NZed®, at 10:50 PM, September 24, 2006  

  • marami din akong naresearch tungkol sa MLMs ang sorry to say most are not good. like the following:

    What's Wrong With Multi-Level Marketing?
    http://www.vandruff.com/mlm.html
    and also
    http://www.angelfire.com/or/amwaydreamers/index2.html

    these are just a couple of them. marami pa. so it's really hard for me to be convinced. may nag-present na sa akin ng MLM. i wasn't impressed at all. when i was asking if it is a pyramid scheme, he became quite rude. di ko na lang i-mention yung company.

    appreciate your comments by the way.

    By Blogger Ka Uro, at 8:26 AM, September 25, 2006  

  • yes K U, i've been to those websites during my research. i think 9 out of 10 websites out there are against it. fair enough, that's free speech. there are people who don't believe the Americans didn't land on the moon. but that's ok, free speech. there are conspiracy theorists out there who thinks 911 was caused by GWB Govt. well, who can blame them, we have free speech. isn't it a beauty?

    here's the thing, anyone can join MLM. i believe that is both good and bad. good, because you don't have to have a high capital to start a business. and bad because the industry is not for everyone. if it didn't work for them they'll badmouth the industry. if i have a company selling computers i'll hire salespeople competent at selling them. with MLM its not. its an open field and i'll go back to the bad apples. the people who presented to you was probably one of them. and they probably learned from that mistake. i'm personally aware of people telling lies just to recruit, again bad apples. when we asked people what they know about pyramiding, they usually know a little, or didn't stacked up when presented with the evidence.

    there is also a high drop out rate with MLM. Why? Because anybody can join although its not for everyone. But how many businesses also fail within 2 to five years? its 9 out of 10. and that's for a fact. very few businesses out there survive 5 years.

    and here's another thing and probably the most important. MLM is not all about the money. the reason you're not convinced is you're thinking otherwise. those websites you've been to are probably talking about the money that don't stacked up. and that validated your theory and that convinced you that its all a scam.

    i joined an MLM because i wanna learn more. i've committed myself long before to a lifelong learning. i realise that having an open mind opens myself to a lot of possibilities out there. K U if i may suggest if you got time you read Robert Kiyosaki's book: "Business Schoool". you can borrow it free from the library.

    also, can you please explain what's wrong with Kaloy's business scheme compared to franchising?

    cheers

    By Blogger NZed®, at 2:29 PM, September 25, 2006  

  • kaloy's business scheme is bound to fail because of market saturation as there is no limit to the number of recruits. franchising will also fail if there are many franchises far over the demand. it's like if you open a mcdonalds in every corner of your neighborhood. eventually all the franchises will lose money. hence franchises have a limit. hindi one to sawa. that's the main difference with kaloy's scheme.

    i'll try to get hold of kiyosaki's book as you've suggested. i won't debate this any further. i could see that you are solved with MLMs. i hope you achieve your goals. furthermore, i wish and hope those below you (downline, i think is what you call them) also find success. because honestly, i myself, am not comfortable if i make money, but those below me who i've recruited don't. good luck to you. enjoyed chatting with you.

    By Blogger Ka Uro, at 7:33 PM, September 25, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker