Things I ate or tried to eat when I was a kid
1. Papakin ang Milo. Masarap di ba? I'm sure yung iba kahit matanda na ginagawa pa rin ito.
2. Papakin ang Tang. Maasim. Di masarap. Hindi mo na uulitin.
3. Coffee ice cream. Peborit ko ito nung maliit ako. Kaya lang nagtaka ang mga magulang ko kung bakit hindi ako makatulog sa gabi. Kaya na-stop itong bisyo ko na ito.
4. Kumain ng yelo sa freezer. Nung ibawal ang pag-gawa ko ng ice cream coffee, ito na lang ang pinagtiyagaan ko.
5. Lunukin ang buto ng santol. Sabi nila tatapang ka raw kapag nagawa mo ito. Uto-uto naman ako kaya ginawa ko.
6. Kumain ng butom pakwan kasama pati balat. Hirap magbalat e.
7. Tunaw na chocolate. Ugali ko noon ang tunawin ang chocolate sa mga daliri, tapos lamutakin at isa-isa kong isusubo ang aking daliri. Tsalap, tsalap.
8. Tikman ang tumutulong sipon. Huwag ninyong sabihin hindi niyo ginawa ito ha? Hindi mo maiiwasan ito lalo na pagkatapos mong umiyak at tumutulo ang sipon mo.
9. Tikman ang kulangot. Wala, curious lang kasi akong malaman kung kalasa din ng sipon.
Kayo anong mga napag-tripan ninyo nung bata kayo?
23 Comments:
KU,
Buti di tumubo yung santol sa tyan mo :) Enjoy your trip nga pala.
By jinkee, at 11:12 PM, July 19, 2005
Halos ng binanggit mo K Uro nagawa ko nung bata ako, sarap mag experimento ano? Yung mga aratiles sa kapitbahay namin gustung gusto ko! tamis eh! pag-pangos ng tubo( hihilahin pa namin sa mga truck na dumadaan sa harap ng bahay namin) at yung mga bungang kahoy sa mga kapit bahay--may santol, kaymito, duhat, kasoy.
By Anonymous, at 11:14 PM, July 19, 2005
meron mas masarap sa milo na papakin, ito yung klim kung natatandaan nyo pa ka uro di pa kasi uso ang coffee mate noon, hinahaluan ko ng asukal yon tsaka papakin ang sarap,kaya minsan nagugulat ang nanay ko bakit mabilis maubos yung klim nmin
By Anonymous, at 12:30 AM, July 20, 2005
Kumain ng paborito kong bubble gum na Tarzan. Di ako Milo fan, ovaltine ako. Powdered Milk at gatas, yan ang paborito kong papakin.
KU, siguro kung naging kalaro kita nung bata ka at sinabi ko sa iyo ang sekreto ng paginom ng dinurog na gumamela eh baka sibukan mo din. Sagwa nga lang kung maging si Darna ka. hahaha.
By Anonymous, at 12:30 AM, July 20, 2005
KU
Pambihira pati kulangot tinikman mo??? LOL!.....grabe!!!! pareho tayo..(naglulupagi sa kakatawa!)
Flex J!
By Flex J!, at 12:35 AM, July 20, 2005
yes naomi, likewise can't tira tira candy, sarap eh
By Anonymous, at 2:01 AM, July 20, 2005
Nakupow!Nagawa ko lahat yan Ka Uro. May isa pa akong pinagtripan noon - curious ako kung ano lasa ng bulok na santol & kaymito - kaya tinikman ko sila. Surprisingly, masarap yung santol para di yung kaymito hehehe. Isa pang masarap gawin, umakyat sa puno at manguha ng prutas - lalo na mangga at bayabas - sarappp!!!
By Anonymous, at 7:52 AM, July 20, 2005
Ka URo, peksman batman superman...HINDI KO PA NATIKMAN KULANGOT!!! Kasi naman naTRAUMA ako sa pinsan kong mahilig mamapak ng kulangot nyahaha! Nawalan tuloy ako ng gana! btw, I tagged you. Want to know your answers....i know you're bz pero kung me time pakisagutan na lang.
By Unknown, at 8:01 AM, July 20, 2005
Hello,
Blog hopping....
Nasubukan ko lahat yan except yong last. Ano po yang Kulangot?
N'ong bata pa ako yong mga leeches pinagtripan ang mga paa ko...Ayayay...
By Ladynred, at 10:20 AM, July 20, 2005
#1 lang ang na-try ko... sarap papakin ang milo, lalo na kung may kasamang konting asin at asukal... yum yum...
isa ko pang na-miss ay yung isawsaw ang pandesal sa kape... bawal kasi sa akin ang kape, kaya hanggang sawsaw na lang... ang bango kasi ng kape tapos mainit init pa ang pandesal. yummmy!
By JO, at 10:32 AM, July 20, 2005
Parang kilala ko yang isang anonymous na yan. Apo yata yan ni Lola Gunding. Kung inabot niyan ang panahon ng Klim halos kasing age pala yan ng kuya ko. Anonymous 1 "You Can Ring My Bell" (inabot mo pa ba yan ng college ka?)
By Anonymous, at 12:31 PM, July 20, 2005
Hello Ka Uro, Natuwa ako sa pag babasa ng latest post mo. Naku! Noong bata pa ako eh, I experienced lots of things including things na di dapat...ahahaha. Anyway, yong i-swallow-lunukin ang buto ng santol, I've done it many times...LOL. May sarili kasi kaming puno ng santol sa amin, so I'd go all out noon. Noong bata pa ako about our daughter's age, I drunk msg, akala ko sugar eh. Hay, mga bata talaga, curios na curious at magaling mag experiment...LOL. We tried to smoke too, making tobacco...LOL. We didn't like it...LOL. Kakatuwa ng mga na experienced mo...LOL.
By Anonymous, at 2:30 PM, July 20, 2005
balita ko ang masarap sa buto ng santol e yung paglabas sa katawan. e big challenge nga daw !!
kaya ako takot sa malaking buto ng santol. sa isip pa lang kakahindak na e.
By UNCLE FOTO., at 2:35 PM, July 20, 2005
Noong bata kasi pag kakaiba ang nagawa mo ikaw ang sikat, kanya-kanyang gimik:
1.ngatain ang siling labuyo ng walang inuman ng tubig.
2. lunukin ang buto ng santol at hindi lang santol tagalog kungdi santol bangkok.
3.ngatain ang mapait na buto ng lansones at lunukin ang katas nito
4.pabilisang ubusin ang pulburon at una-unahang makasipol.
5.Isubo sabay-sabay ang mahigit dalawampung texas o tarzan bubble gum at palakihan ng pagpapalobo nito.
Pero ang hindi ko talaga malilimutan mga kinakain namain ng bata ay mga uwi ng tatay kong mga nabaril niyang ibon at hayop pagkakatapos ng hunting nila ng kanyang mga barkada sa mga noon ay luntiang pang kapaligiran. Mga usa, baboy damo, bayawak, mga ibong kung tawagin ay tariktik, wild ducks pero pinakasamarap para sa akin ang bato-bato primera kasi talo pa nito ang lasa ng manok tagalog.
By RAY, at 3:20 PM, July 20, 2005
I tried eating mud. No joking. A spoonful lang naman. It was a dare. And being a proud kid (read: uto-uto), I did it. I won for myself ten unused shiny marbles for doing so.
By Abaniko, at 6:26 PM, July 20, 2005
Milo lang ata yung napapak ko a. At isa pa sa list mo na hindi ko aaminin in public. ;)
By Gabeprime, at 7:38 PM, July 20, 2005
jinkee,
a hindi naman tumubo. kya lang sakit ng pwet ko nung lumabas later.
anonymous 1,
ako rin pumangos ng tubo at ganon din humabol din sa truck.
nao,
yuck naman! bulate! yan ang hindi ko sinubukan. tumitira din ako ng tiratira. di ba kakagatin mo tapos mag-clap ka para maputol ito.
anonymous 2,
hindi ko nasubukan yung klim. medyo may idad na yata kasi ako nung lumabas ang klim. which means matanda ako sa yo.
patrice,
tarzan, doble bubble, texas, lahat yang peborit ko. yung dinurog na gumamela, di namin iniinom. ginagawa naming make-up. josko daayy!
flex j,
ha ha ha!
anonymous 3,
isa ring tira-tira fan. meron pa ba non sa atin? magkano na kaya?
mauie,
thanks for linking me. i'll link you too.
maybe ur using a firewall that filters cookies that's why u get that messge.
trots,
oo nga masarap umakyat sa puno at mamitas ng prutas. kami yung caimito, bayabas at yung da best ung duhat na medyo natutuyu na sa hinog. sarap parang prunes.
rhada,
thanks for tagging me. i'll try to answer your tag later ha pagbalik namin sa auckland from vacation. nakikigamit lang kasi ako ngayon ng pc.
agring,
first time mo dito. thanks for dropping by.
akala ko yung leeches ang pinagtripan mo. pheeww! kinilabutan tuloy ako.
jo,
ibang klase ka rin. nilalagyan mo ng asin ang milo! pandesal sa kape. masarap nga.
sett-usa,
oo nga nakalimutan ko yung peanut butter. kaya pala madalas kang mag-tae non dahil inuubos mo ang peanutbutter.
ana p.s.,
mabuti di ka nahilo sa msg. yung isang kaibigan ko ni-try din gumawa ng cigar from dried papaya leaves tapos ni-smoke niya. ako di ko ni-try. nakita ko pa lang yung pag-ubo niya, ayoko na.
air milikay,
ay sinabi mo pa. sakit ng pwet ko.
goyong,
mukhang ang saya-saya ng kabataan mo. kaka-miss din ano?
helltracker,
ay salamat. hindi pala ako weirdo. meron din palang katulad ko.
abaniko,
mud! omg! siguro dalawa kayo ni nao. siya ang kumain nung bulate. hahaha
geejay,
ano kaya yong isang yon gj? parang alam ko na. ;)
By Ka Uro, at 9:05 PM, July 20, 2005
Hello, Ka Uro
Ako, I did #1 thru #7...and then some. Hindi lang Milo kundi pati na rin Nido. Pagulungin ang matamis na bayabas sa asin (miss ko na yung asin sa atin...). Mag-ulam ng chicharon na may konting patis na sawsawan. Mag-ulam ng mangga o di kaya ay saging na hinog.
By Anonymous, at 4:15 AM, July 21, 2005
Napakasaya ng memories ng
kabataan ko sa probinsiya. Laki ka ba sa Manila K.U. o promdi ka rin? Siyanga pala hindi ba apektado ang flight ninyo across the ditch(OZ) kasi strike ang stewardess ng air n.z.?
By RAY, at 10:39 AM, July 21, 2005
nasubukan ko na lumunok ng buto ng santol nahirapan ako nag ebs ang ginawa ng ate ko grace ko(pinaka panganay namin)sinundot niya talaga pwet ko gamit ang kanyang kamay....ganun siya kabait sa'kin kaya mahal na mahal ko siya yun di ko makakalimutan....
ni minsan di ako pumapak ng mga nabanggit mo basta ang alam ko at natatandaan ko sinabihan ko sarili ko na pag nagkapera ako bibili ako ng maraming polboron...lobo at maraming lapis(laging napuputol lapis ko nung bata ako)
sa ngayon kayang kaya ko na bumili ng mga nais ko at gusto kong tikman.
mahilig lang ako tumikim pero hindi papak.
By lws, at 10:41 AM, July 21, 2005
Buto ng santol- nilulunok ko rin yan ke maninipis na buto o malalaki wala akong pinaliligtas sayang eh. Paano yung nanay ko ginagataan yung laman ng santol sabay may bagoong at siling labuyo sarap
Ovaltine-hindi ako Milo Fan. yung ovaltine kasi , crystals, masarap tunawin sa dila
tira-tira - putsa bakit kaya wala na ngayon non? Kawawa ang mga bata ngayon, miss nila
plastic baloon- ginagawa kong bubble gum yung mga pumutok na plastic baloon pero di ko nilulunok noh! abuso na 'yan!
Kulangot ng Intsik - hindi ko alam kung ito rin yung sundot-kulangot ni Nao
Nilagang mais na nilalako- ayokong alamin kung saan ito pinakuluan pero ang sarap pag may kulapol na star margarine
pan de sal - na may palamang star margarine at asukal (d' best)
matamis na bao - makunat at nakabalot sa triangle na cellophane. Bibili ako ng marami tapos ulam ko sa bahaw.
langis na pinagprituhan ng taba ng baboy - sabaw ko sa kanin kasama ng piniritong taba sabay buhos ng toyo
kropek - sawsaw suka ulam sa kanin
kapeng barako - sabaw sa kanin
Lily's peanut butter na tingi- ginagawa kong lipstick sabay may dangling earring na dahon ng kayomito at long hair na belo ng nanay ko. Sosyal!
By Anonymous, at 3:25 PM, July 21, 2005
nao,
haha! akala ko ginawa mong spaghetti ang bulati. :)
goyong,
nung grade 5 hanggang HS sa province na ako lumaki sa pampanga. doon nga kami nanghahabol ng truck ng tubo at nagnanakaw ng pakwan sa kapitbahay naming may taniman.
hindi naman apektado flight namin kasi di naman air nz ang sinakyan namin. thanks for the concern.
des,
masarap ulamin ang chicharon at kamatis na may patis. si esmi naguulam din ng mangga at saging. at hindi lang yon ginagawa din niyang ulam ang chocolate.
lws,
naranasan ko rin yon sa buto ng santol pero nakaya kong mag-isang ilabas. bilib talaga ako sa ate grace mo. ini-imagine ko pa hangga ngayon ang eksenang ni-describe mo. hindi ko alam kung maawa ako sa yo o matatawa. :)
isabela,
cowboy ka rin talaga. ang sarap sigurong sumabay sa yo sa kainan. i'm sure nagkakamay ka rin at nakataas pa siguro ang isang paa.
By Ka Uro, at 8:53 PM, July 21, 2005
Ka Uro,
nagawa ko na rin dati yung no. 1-7 except the santol hehehe...takot ako baka mag-choke ako. Yung 8 & 9 parang di ko yata kayang gawin hehehe...iba na lang!
Blue
By Bluegreen, at 8:32 PM, July 24, 2005
Post a Comment
<< Home