Feijoa
Ang Feijoa ang siyang bayabas namin dito sa NZ.
The Feijoa (Feijoa sellowiana, synonym Acca sellowiana), also known as Pineapple Guava, is an evergreen shrub or small tree, 1-7 m in height, originating from the highlands of southern Brazil and northern Argentina. The pulpy fruit is green, chicken-egg-sized, and ellipsoid-shaped. It has a slightly tart taste, and is not fully ripe until it falls to earth in autumn. This plant is monotypic in its genus. Like the guava, the fruit pulp has a gritty texture which is utlised in some natural cosmetic products as an exfoliant. - from Wikipedia
Eto ang picture ng Feijoa sa puno. Normally, hindi ito pinipitas sa puno. Hinihintay lang itong mahinog at kapag hinog na kusa lang nahuhulog sa lupa. Kaya ang pag-harvest nito, hindi na kailangan umakyat pa sa puno. Pinupulot na lang ito sa lupa.
Kinakain ang feijoa sa pamamagitan ng paghiwa cross-wise at pag-scoop ng laman gamit ang kutsarita. Hindi kinakain ang balat kasi mapakla. Ang laman nito'y parang bayabas din pero walang mga buto at malambot na parang atis. Kaya ang lasa'y parang pinagsamang atis at bayabas. Dahil walang umaabot na atis at bayabas dito sa NZ, ito na lang Feijoa ang pagtiyagaan natin.
Siyanga pala. Meron din ako ditong nakatagong Feijoa wine. Vintage 2003 pa yan. Home made nung kapitbahay kong si Ken. Tagayin na natin, gusto niyo? Sabihin niyo lang kung gusto niyo para mailabas ko na ang pitsel at yelo.